CHAPTER 2

909 Words
XYRAH'S POV Hay sa wakas na tapos din ako mag igib. Asan na nga ba si Papa at ng masabihan ko na siyang pwede na siyang maligo. Para naman makapag linis na ako sa kwarto ni ate. " Pa! Yahoo asan kana, andon na yung tubig na panliligo mo." Sigaw ko habang nag lalakad pa puntang kusina dahil alam kung sa mga oras ngayon kumakain nila yun sila. Buti nalang talaga inuna ko yung pag luluto kanina bago mag igib dahil kung hinde baka hinde lang sermon ang narinig ko sa mga bibig nila. Tsk!! Grrr.... Huminahon ka diyan Xyrah kundi kukurotin kita diyan. Pag kausap ko sa sarili ko pano ba naman kase ayon nga kumakain na sila hindi man lang nila ako niyaya. Wala pa akong kain kaninang umaga tas sila pa ngayon ang unang kumain para sa tanghalian. " Ahm, Papa andon na po yung tubig na panligo niyo." Putol ko sa tawanan nila. Naka selos kase sila tawa ng tawa di man lang nila naiisip kung kamusta pinag gagawa nila sakin masaya pa silang nakikita akong nahihirapan. " Sige ilagay mo nalang don, at pag katapos balik ka dito at kumain, wag mong kakalimutan na ligpitin yung mga pinag kainan." Sagot ni Papa sakin. "Sandali, sandali Xyrah bago ka kumain, yung kwarto ko ba nalinis mo na?" Sabat ni ate, epal talaga to kahit kailan ampp.. " Ano ate hindi ko pa nalilinisan kase katatapos ko lang mag igib ng tubig panligo ni Papa." "What? Hindi bat sinabe ko sayo kanina na linisan mo yung kwarto ko bakit hindi mo inona yun, ang kupad kupad mong kumilos." " Sorry ate linisan ko nalang mamaya kapag natapos na ako kumain, kanina pa kase ako nagugutom." Malumanay kung sagot sa kanya. " Hindi, Hindi ka kakain hanggat hindi mo yun nilisan kaya unahin mong linasan yung kwarto ko bago ka kumain dahil dadating yung mga kaibigan ko dito, naiintindihan mo ba?" " Ate parang awa mo na talaga kanina pa ako nagugutom, pakainin mo muna ako bago ko linisan yung kwarto mo diko na kase kayang tiisin yung gutom ko." Paki usap ko kay ate. Sa lahat ng ginawa kung trabaho kanina ngayon lang ako nakaramdam ng pang hihina. Siguro dahil hindi talaga ako ng umagahan kanina kaya nanghihina ako ngayon. " Ma! Narinig mo yun sinusuway na niya yung pinapagawa ko sa kanya" sumbong ni ate kay Mama na kanina pa nakikinig sa pag papalitan namin ng salita ni ate. " Go Xyrah, gawin mo na yung pinag uutos sayo ng ate mo, huwag kang mag alala di ka naman mauubosan ng pag kain, kaya sige na gawin mo na." Sabe ni Mama habang di nakatingin saakin. Nag dahil sa narinig ko kay Mama hindi ko na pigilan ang sumigaw habang umiiyak. Di ba nila nakikita, pagod na pagod pa ako tapos di man lang nila ako pakainin mo na. " Mama! Sumusobra na kayo, ano bang na gawa kung kasalanan sa inyo bat niyo ba to ginagawa sakin, pagod na pagod na ako Mama. Ilang taon niyo na akong pinapahirapan ng ganito, kailan niyo ba uli ako mamahalin tulad ng pag mamahal niyo saakin dati." Umiiyak kung sigaw kay Mama. At nang dahilan kung bat napatingin silang lahat saakin. Lagot ka nanaman Xyrah bakit hindi mo pinigilan yung bibig mo. "Ah so ngayon nag rereklamo kana, ha? Ang kapal ng mukha mong mag reklamo, baka nakakalimutan mo Xyrah ginusto mo to, ikaw ang may gawa lahat ng pag hihirap mo ngayon kaya wag kang magrereklamo saamin." Sagot ni Mama ng maka bawi siya sa pagka gulat. " Ma! M-may (sob) karapatan ako mag reklamo dahil sa anak (sob) niyo ako hindi katulong (sob)." " Wala akong anak na kriminal Xyrah tandaan mo yan." Sigaw ni Mama sakin. So hanggang ngayon pala parin ba di nila yun makalimutan kaya ba ito yung ginagawa nila saakin. " Ma, Pa, Ate, bakit? Bakit hanggang ngayon yun palagi ang sinusumbat niyo saakin na kriminal ako, hindi ko rin yun naman ginusto . Pero kung maka pang sisi kayo sakin ma, pa sobra na." Umiiyak kung tanong sakanila. " Bakit? Bakit namin to ginagawa sayo? Gusto mo malaman ha! Kung bakit? Dahil ng dahil sayo nam-." Sigaw saakin ni Papa na nag pa tigil sa pag iyak ko. Dahil ngayon lang naging ganito saakin si papa oo nga sinisigawan inuutusan niya ako pero ngayon parang nasasaktan siya habang ibinabalik niya ang mga katanungan ko kanina sa kanila. Pero ano daw? Anong nang dahil sakin? Anong sasabihin ni Papa saakin na pinutol nila Mama at ate. May hindi ba ako nalalaman? Bakit parang natatakot sila Mama at ate na may malaman ako. " Hon" "Papa" Sabay na sigaw nila kay Papa na nag patigil din sakanya para mag salita. Bakit pa bago-bago ang expression na nakikita ko sa mukha niya, may pagka galit na galit na napapalitan ng sakit tas parang kinakabahan siya. May tinatago ba sila saakin? Pero kung meron man ano yun? Naguguluhan na ako. Napa kurap na lamang ako ng mag salita uli si Papa saakin, siguro marami lang katanungan sa isip ko kaya hindi ko namalayan na naka bawi na si Papa sa pagka gulat niya sa sigaw nila Mama sa kanya. "Umalis ka na dito Xyrah, sige na linisin mo na yung kwarto ni Mara, baka padating na yung mga kaibigan niya." Ang huling sabe saakin ni papa bago nila akong ipinag tulakan sa hapag kainan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD