CHAPTER 3

713 Words
XIAMARA'S POV Mygad muntik na yun, bakit ba kase hindi ni papa mapigilan yung sarili niya. Alam kung nag tataka kayo kung bakit galit kame kay Xyrah, pero hindi niyo pa oras para malaman niyo ang dahilan kung ano ba ang ikina gagalit namin sakanya. So by the way hindi pa ako nakakapag pakilala sa inyo I'm Xiamara Dela Cruz, but you can call me Mara, ate ako ni Xyrah, ate nga ba kung matatawag. Hindi naman talaga ako masama dati. Siguro kung hindi ko lang nalaman yung totoo hindi sana ako nagiging ganito ngayon kay Xyrah. Pero nararapat lang to sa kanya, itong pag papahirap namin nila Mama sa kanya. Lahat ginawa namin sakanya pero mas masakit pala ang isinukli niya sa pamilya ko, kaya ngayon pagdusahan niya lahat ng pag papahirap namin sa kanya. Dahil kung hindi lang siya Bobo at tanga hindi sana nawawala yung kaibigan niya. Isa siyang kriminal na hindi dapat kaawaan. ****** XYRAH'S POV Hay salamat natapos ko na din lahat ng trabaho ko, makakapag pahinga na ako ng maaga dahil may pasok pa ako bukas. Bagong araw nanaman bukas, at bagong araw na hindi parin naibabalik ang pagmamahal ng pamilya ko saakin. Siguro kung hindi lang talaga nangyare yung aksidenteng yun, mahal parin ako ng pamilya ko ngayon. Hay nakaka sakit lang isipin na ako yung anak nila pero iba yung pina hahalagaan nilang tao. Siss kung asan kaman ngayon sana maging masaya kana. Sorry ah kung minsan sinisisi kita sa lahat ng nangyare sa buhay ko. Sana ako nalang yung namatay Roshel at hindi ikaw. Siguro baka sa ngayon hindi ko to nararanasan lahat ng paghihirap ko. Bakit mo pa kase ako tinulungan dati Roshel sana pina bayaan mo nalang ako na mamatay. Napaka daya mo mawawala kana nga lang nag iwan kapa ng pasakit saakin. Ang huling sabe ko sa isip ko bago ako makatulog. ****** "Good Morning Earth" sigaw ko bago ako bumangon sa higaan ko para makapag handa sa pag pasok ko sa paaralan, tiyak kung tulog pa si ate ngayon kase nag-inoman sila kagabe ng mga kaibigan niya. Pag pasok ko sa banyo kinuha ko agad yung tabo at nilagyan ng tubig para ibuhos saaking ulo. Ganito palagi ang ginagawa ko dahil ang lamig ng tubig lalo na at maaga pa 6 palang ng umaga. "WAHH PASHNEA KANG TUBIG KA BAKIT ANG LAMIG LAMIG MO" Sigaw ko ng mabasa na ako ng tubig. Grabe naman kase bakit ba ganito ka lamig ang tubig parang nilagyan ng yelo sa sobrang lamig. Pumuputak na naman yung ugang (ibig sabihin ng ugang ay "inahin") sa loob ng pugaran (pugad). Kanta ko habang nag sasabon. HAHAHA loko loko talaga ako kahit kailan ibahin ba naman yung lyrics. Makapag tapos na nga malalate pa ako sa mga kalokohan ko nito. Sabay buhos ko ulit ng tubig. At tadannnn I'm done na. Pag ka labas ko ay agad akong nag bihis at pumuntang kusina para kumuha ng tinapay. Di na ako mag luluto dahil alam ko na mag luluto nalang yun sila. Kaya kumaripas agad ako ng bahay para maka pasok na. Yung skwelahan pala namin ay malayo-layo pa kase marami ka pang dadaanan na pasikot-sikot para maka dating doon. Mga 30 minutes lang naman kaya keri ko to maabutan ko pa yung flag ceremony. And after how many years ay nakarating nadin ako sa skwelahan charott minutes lang pala loko-loko ka talaga self. Pag ka pasok ko sa gate ay daretsong plaza na ako dahil simula na yung Flag Ceremony kaloka tinakbo ko na papunta dito na late parin ako. Pero keri lang to di naman nila ako makikita na nalate ako ng dating dahil bukod sa huli ako pumila ang liit ko pang tao bakit kase hindi ako pinalad sa height pero okay lang at least maganda naman ako. Kay aga aga ang hangin ko agad kaloka ka Xyrah. Hay salamat sa wakas tapos na din, mahanap nga yung kaibigan ko di niya man lang talaga niya ako nakita, medyo matangkad naman siya kung tutuusin sadyang maliit lang yata yung mata niya kaya di niya ako nakita. Kung ako hindi pinag pala sa height siya naman kinulang sa laki yung mata niya ang liit hindi naman insek sadyang maliit lang talaga yung mata niyang bilog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD