CHAPTER 14

1166 Words
XIAMARA'S POV Asan na ba si Xyrah kanina pa ako nag hahanap sa kanya, naiirita na ako sa kanya kapag nakita ko siya humanda siya sa'kin tinaguan na naman ata niya ako. Nang pumunta ako sa likod ng bahay namin nakita ko doon si Papa na naka upo kaya nilapitan ko ito at tinanong. “ Pa nakita mo ba si Xyrah, kanina ko pa kasi siya hinahanap di ko makita sa loob ng bahay natin.” “ Si Xyrah ba, andon siya sa may bobon nag iigib ng tubig aalis kasi yung Mama mo kaya inutusan mo na niya mag igib.” sagot sa'kin ni Papa bago niya higupin yung kape, tanghaling tapat nag kakape siya tsk. “ Ah ganon ba Pa, sige po kapag dumating siya paki sabihan na lang po siyang pumunta sa kwarto ko may ipapagawa lang ako sa kanya.” “ Sige” sagot ni Papa sa'kin, paalis na sana ako ng tawagin niya ulit ako. “ Teka lang Mara” “ Bakit Pa? May kailangan ka rin ba sakin?” “ Wala akong kailangan sayo Mara,pero gusto ko lang sabihin sayo na sana wag mo naman abusuhin ang pagiging mabait ni Xyrah sayo/saatin, alam nating pare pareho na wala siyang kasalanan sa mga nangyare kay-” “ Pa babalik na naman ba tayo diyan, ilang ulit mo ipinag tatanggol si Xyrah sa'min Pa baka nakaka limutan mo siya ang dahilan bakit namatay si Roshel.” sigaw ko kay Papa p*ny*ta hanggang ngayon si Xyrah parin kinakampihan niya, alam ko sa simula pa lang lahat ng ipinapakita niya kay Xyrah ay peke lang dahil ang totoo awang-awa na siya, pero hindi naman ibig sabihin non si Xyrah nalang palagi ang kakampihan niya paano naman si Roshel, pa...paano naman yung totoong anak niya paano..... “ Wag mo akong sisigawan Mara, baka nakakalimutan mo ama mo ako kaya wala kang karapatan na sigawan ako, pinag sasabihan lang kita kung ano ang mga Mali mong ginagawa kay Xyrah, alam natin pare-pareho na walang kasalanan si Xyrah sa nangyare kay Roshel kaya sana naman buksan mo yang mga mata mo Mara, buksan mo na walang kasalanan dito si Xyrah dahil aksidente ang nangyare naiintindihan mo ba.” sigaw sa'kin pabalik ni Papa, tumakbo ako sa harapan niya habang umiiyak. Pag karating ko sa kwarto ko ay nilock ko ang pinto atsaka umupo sa kama ko habang umiiyak. Paano mo to nagagawa Papa kay Roshel?, Yung kapatid na nga ang namatay pero bakit si Xyrah parin ang yong kinakampihan, napaka daya mo Papa. Roshel sorry.... Sorry kung wala si ate nung maaksidente ka... Sorry bunso kung sana alam ko lang ang totoo na ikaw ang tunay kung kapatid sana nung una palang ipinapakita ko na sayo na mahal kita, alam kung huli na ang lahat, alam kung di na kita makakasama pa kaya sana patawarin mo rin ako kung ano man ang pinag gagawa ko sa iisang kaibigan mo. ***FLASHBACK*** ( ITO YUNG TIME NA NAAKSIDENTE SI ROSHEL) “ Xyrah naman wag mo sabi ako itulak, kapag ako nasagasaan lagot ka talaga sa'kin.” wika ni Roshel sa kanyang kaibigan. Nasa kalsada kasi sila ngayon nag lalakad dahil ito na ang routine nila kapag gabi ang mag lakad-lakad sa gilid ng kalsada at mang trip sa mga taong dumaan, yung tipong simpleng biruan lang nila ay sobrang saya na nilang mag kasama basta may mapag tripan lang sila sa daan. “ Ang O.A mo naman di nga yun masyadong malakas yung pag kakatulak ko sayo.” naka irap nasabi ni Xyrah kay Roshel, at pag katapos ay nag lakad siya sa isang mag jowa na nakita niya sa may daan. At nang makalapit siya dito ay bigla nalang niya itong pinag tripan. “ Ate, ang ganda mo po, pati din ikaw kuya hehehe.” pag puri ni Xyrah sa dalawang mag kasintahan. “ Ay talaga ba bhie, salamat.” wika sa kanya ng babaeng kaya napahagikhik si Xyrah sa sinabi ng babae. “ At alam mo ba ate kuya, bagay kayo pfft.” dugtong naman ni Roshel nang maka lapit na siya kay Xyrah. At bigla nalang niya nalang pinutol ng babae ang sasabihin ni Roshel. “ Bagay talaga kami bhie” baling ng babae kay Roshel “ Kasi kung di kami bagay hindi magiging kami diba love?” balingng babae doon sa jowa niyang kanina pa nakikinig sa kanila. “ ANG HANGIN NIYO NAMAN ATE” sabay kamot ni Xyrah sa batok. “ OO NGA ATE, MAY KA DUGTONG PA YUNG SASABIHIN KO PINUTOL MO AKO.” iling na sab naman ni Roshel sa babae “ Ganito kase yun ate Bagay kayong dalawa ni kuya mag hiwalay, kase alam mo ba ate iyang jowa mo jowa yan ng kapit bahay namin HAHAHA” tatawa-tawang Sabi ni Roshel sa babae sabay aper niya kay Xyrah. Hindi maipinta ang mukha ng Babae ng humarap siya kila Roshel, kaya imbes na matawa sila Roshel sa mukha ng babae ay natakot sila dito dahil parang sasaktan na sila sa itsura nito, tumakbo silang dalawa papalayo doon sa mag kasintahan ang huling narinig na lang nila ay “BUMALIK KAYONG DALAWA DITO”. **** “Grabe nakakapagod” hinihingal na sabi ni Xyrah kay Roshel, at umupo siya sa may gilid ng kalsada. “ Loko-loko ka kasi kung di mo pinagtripan yung mag jowa na yun di tayo napapagod ngayon sa pag takbo.” pangsisisi naman ni Roshel kay Xyrah. “Aba ako pa sinisi, eh ikaw nga tong nag sabi ng kalokohan sa mag jowa na yun.” paninisi niya din kay Roshel. Hanggang sa nauwi sa tululakan ang kanilang bangayan, pero alam nilang pareho na nag bibiro lang silang dalawa. At sa pag tulak ni Roshel kay Xyrah ay hindi nila napansin na may sasakyan pa lang paparating sa pwesto nila agad naman iyon nakita ni Roshel kaya itinulak niya si Xyrah sa may gilid ng kalsada ngunit lingid sa kaalaman ni Roshel may sasakyan din sa likod niya na paparating kaya nung itinulak niya si Xyrah ay siya naman ang naipit ng dalawang sasakyan. Dinala si Roshel sa hospital ngunit huli na ang lahat dahil sa patay na daw si Roshel nung nasa ambulance pa lang ito. At napag alaman din nila na yung dalawang driver daw ng sasakyan ay lasing kaya di nila nakita na may masasagasaan silang tao. Kaya doon nag simula ang pag hihirap ni Xyrah ngayon, nawala ang pag mamahal ng pamilya niya sakanya. Sinisi ni Xyrah ang kanyang sarili sa nangyare sa kaibigan niya ngunit sinasabi minsan ng Papa niya na wag niya sisihin ang kanyang sarili dahil walang may gusto sa nangyareng aksidente. Hanggang sa inilibing si Roshel ay hindi man lang siya/sila naka punta dahil nangmalaman ng mga magulang ang nangyare sa anak nila ay dinala agad nila ang katawan nito sa Europe at doon inilibing, at hindi na umuwi ang mga magulang ni Roshel dito sa Pilipinas, at doon din unti-unting naghirap ang pamilya nila Xyrah. ***END OF FLASHBACK***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD