CHAPTER 15

800 Words
XYRAH'S POV Pag kapasok ko sa bahay ay agad ako nilapitan ni Papa. “ Xyrah iha hinahanap ka ng ate mo” sabi sa'kin ni Papa ng maka lapit ito sa'kin. May napapansin din ako kay Papa dahil simula nang may inutos siya sa'kin dati bigla na lang nag bago yung pakikitungo niya sakin. “ Bakit daw po Papa?” himala kasi na hahanapin ako ni ate Xiamara incase kung may ipinag-uutos siya sa'kin yun naman talaga palagi yung ginagawa nila ni Mama sa'kin kapag hinanap nila yung pangalan ko. “ Baka may ipag-uutos na naman sayo, puntahan mo na baka magalit na naman yun sayo.” “ Sige po” ***** Nag lakad ako patungong kwarto ni Ate dahil alam ko na doon na nanaman yun nag kukulong, bakit kasi napaka tamad nitong ate ko may kamay at paa naman siya pero sa ipinapakita niya parang wala siyang paa at kamay mas malala pa siya sa mga putol yung kamay at paa dahil kahit na putol yung paa nila nakakapag trabaho pa rin sila samantalang ito si ate parang anak mayaman. Ay oo nga pala anak mayaman siya dati pero ngayon hindi na, Isa pa to sa mga dahilan kung bakit kami nag hirap ngayon, hindi ko nga alam kung ano ba ginawa kung kasalanan at bakit kami naging mahirap bigla. Nang makarating ako sa labas ng kwarto ni ate ay kumatok ako sa pintuan kahit alam ko naman na bukas iyon baka na naman maging dragon yun kung pumasok ako ng di kumakatok mahirap na sawa na ako mabugahan ng apoy dito sa bahay. “ Ahm ate Xiamara, andiyan kaba? Sabi ni Papa hinahanap mo daw ako?” malumamanay kung tanong kay ate aba baka talaga sigawan niya ako mahirap na. “Tsk! Just leave me alone, I don't want to see your face.” humihikbing sabi ni ate sakin. Just leave me alone, leave me alone pa siyang nalalaman, ede wow siya na nga tong tinatanong kung may kailagan siya sa'kin tas siya pa yung mag susungit bahala nga siya diyan. Pero teka bat naman umiiyak yung dragon ngayon? Don't tell me nag dradrama na naman to para pag dumating si Mama ako na naman sisisihin niya kasi inaway ko yung mabait niyang dragon. “Tsk ka rin, ikaw na nga tong tinatanong dami mo pang arte, and if you don't like to see my face I don't f*****g care because the feeling is mutual.” naiinis kung sagot sa kanya, at tumakbo paalis sa pintuan niya baka habulin niya pa ako ng apoy. Akala niya ata siya lang marunong mag sungit, marunong din ako mag sungit basta dumadating yung dalaw ko, pahamak talaga to minsan sa'kin itong dalaw ko, kung ano-ano nasasabi ng bunganga ko. ***** XIAMARA'S POV Like what the fish? Si Xyrah ba yun? Walangya di ba siya natatakot sa'kin na baka masaktan ko siya ngayon, siya pa naman ang dahilan kung bakit ako umiiyak ngayon pasalamat siya wala ako sa mood ngayon na saktan siya kung di lang sana din siya kinakampihan ni Papa ngayon siguro nasaktan ko na siya, ayoko na dumating yung araw na mag karoon ng sama ng loob sa'kin si Papa. Imbes na mag mukmok ako dito sa kwarto ko bumangon ako at nag linis ako sa kwarto ko, bakit ba kasi ang kalat kung babae, parang debesorya na itong kwarto ko, yung iba kung mga damit nasa ilalim ng kama ko, like what the fish? Ako ba talaga to, hindi naman ako dati ganito nung mayaman pa kami, ang laki na talaga ng pinag bago ko, papaano ko din nagagawa kay Xyrah na utos utosan ko siya sarili kung gamit di man lang ako marunong mag ayos, but she deserved it, may kasalanan siya saamin kaya bagay lang ito sa kanya kung ano ang ipinag gagawa ko sa kanya. Hanggang sa natapos akong mag linis sa mga kalat ng kama ko ay pumunta naman ako sa may salamin ko para linisan yung mga nag kakalat ko ding gamit doon parang nag karoon ng bagyo itong kwarto ko sa sobrang kalat. Habang inaayos ko yung mga make-up kung nag kakalat sa harapan ng salamin ko ay hindi ko napigilan tignan yung mga picture na nakadikit sa may dingding ko, picture namin yun tatlo nila Xyrah nung nabubuhay pa si Roshel, naging kaibigan ko din si Roshel pero hindi as in close sa kanya mas close pa rin yun sila ni Xyrah, kung siguro hindi ko lang nalaman yung totoo kay Mama hindi sana lumalayo ang loob ko kay Xyrah ngayon, I miss her pero kailangan ko mag matigas para iparamdam sa kanya yung sakit na dala-dala ko araw-araw sa tuwing naaalala ko na wala man lang akong nagawa para iligtas ko yung kapatid ko. Napaka wala akong kwentang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD