Hindi ako pinansin ni Christian after nun. Ngayon siya naman yung umiiwas sa akin. Pag lalapit ako bigla na lang siyang tatayo at aalis. I can't even say sorry dahil pag susubukan ko, poof, he's gone. He's really really mad. Bumaba ako ng kwarto para sana subukang kausapin ulit si Christian ng makita kong nasa sala siya habang magkausap sila ni Zayla. May tinitingnan silang dalawa sa hawak hawak niyang ipad habang nagtatawanan. Sobrang lapit nila sa isa't isa. Zayla's my friend and I trust her pero biglang nag-activate yung selos ko habang pinapanuod sila. Mabilis akong naglakad palapit sa kanila. Alam kong napansin ako ni Christian but he didn't look at me. Malakas akong tumikhim para kunin ang atensyon nila. Umupo ako sa gitna nila. "Anong t

