Chapter 3

1372 Words
Ellen: Sadyang napakaganda at lawak ng bahay ni Mr. Ford, pagkapasok ko palang sa loob ay inalalayan na ako ng isang babae na medyo may edad na. "Mam dito po tayo lilinisin ko na po kayo." "Ay wag na ho marunong naman po akong maligo magisa." Sabi ko habang nakaupo na ako sa malaking upuan dito sa loob ng banyo." "Nako wag na po kayong mahiya trabaho ko po ito at tiyak na magagalit po ang Lord sakin. Tara na po at mainit na ang tubig dito sa bath tub paliliguan na kita." "Pasensiya na po nahihiya kasi ako hindi din ako sanay na nakikita ang katawan ko." Sabi ko. "Tatalikod nalang po ako at maghubad na kayo para makapag babad. Nilagyan ko na po yan ng pulang mga petal ng rosas maganda po yan sa balat tiyak na mas kikinis at pipino ang balat niyo." Halata na maraming nalalaman ang babae na to tungkol sa pagpapaganda ng balat. Tumalikod na nga siya at sinunod ko naman ang sinabi niya. Naghubad na ako at lumublob sa katamtamang init ng tubig. "Hay ang sarap sa pakiramdam." bulong ko. Lumingon naman sakin ang babae at kumuha ng sabon at pang scrub. "Hihiludin ko na po ang likod niyo mam." Sabi nito. Pumayag naman ako at nakakwentuhan ko na siya. "Ahm wag niyo na akong tawaging mam. Ellen ang pangalan ko yun nalang po ang itawag niyo sakin." magalang na sabi ko. "Paumanhin po ngunit tiyak na magagalit sakin si Lord kapag pangalan niyo lang ang itatawag ko sainyo." Napaisip ako. Grabe ganon ba talaga kalupit si Mr. Ford at takot na takot sakanya ang lahat ng nasasakupan niya. Hindi na ako umangal pa. Ng magsalita muli ito. "Ang ganda ng inyong kutis, paumanhin na po pero halatang nanggaling kayo sa mayamang pamilya." Nagulat ako sa sinabi nito habang hinihilod ang likod ko. Sa totoo lang ay maganda talaga ang kutis ko at sadyang napakaputi ko kaya siguro hindi halata na galing lang ako sa hirap. "Nako maraming salamat po. Pero nagkakamali po kayo, galing lang ako sa isang walang kayang pamilya." Matipid na sabi ko. Hindi ko naman kasi ugaling ikwento ang buhay ko. Tanging si Celine at Sari lamang ang pinagkakatiwalaan ko. Bigla na lamang pumasok sa isipan ko si Celine at Sari. Kamusta na kaya sila? Lalo na si Sari na nakababata samin. Maayos naman kaya ang lagay niya sa mga kamay ni Stepen? Nagaalala talaga ako. Marahil ay kilala ito ni Ford at sana matulungan niya akong makita muli si Sari at si Celine. Katahimikan na ang namayani samin. Patapos na akong maligo ng may kumatok sa pinto. Kaagad namang naalarma ang babaeng kasama ko at binuksan ito. Iniluwa ng malaking pinto si Freya. Marahil ito ang kanang kamay ni Ford. Yumuko ang babae dito habang tuloy tuloy lamang ito sa paglalakad patungo sakin. Tinignan pa nito ang kabuohan ko. Kagad naman akong napayakap sa sarili ko. Kasabay non ang pag ngisi nito na Tila nakakaloko at umirap ulit sakin. "Iwan mo na kami. Ako na ang bahala dito." Sabi nito. Sumunod naman ang babae at kaagad na umalis. Naupo si Freya malapit kung saan ako nakababad. "Sino ka?" Seryosong tanong nito. "Ako si Ellen." Sagot ko. "Alam ko ang pangalan mo hindi ako tanga." Napalunok ako sa talas ng pananalita nito. Halata na hindi niya ako gusto pero bakit? Wala naman akong masamang intensiyon sa Lord nila. "Saan ka napulot ni Reid?" Muling tanong nito habang nilalaro laro ang tubig sa bath tub kung saan ako nakalublob. "Inampon niya ako, galing ako sa bahay ampunan." Sabi ko. Tumingin naman sakin to ng puno ng pagtatanong. "Kilala mo naman siguro kung sino si Reid Lewis Ford? Ang makapangyarihang Mafia Lord." Sabi nito sakin. Alam na alam ko dahil kilala ko talaga ito. Naririnig ko palagi ang pangalan niya at sangkot lahat yun sa pagpatay ng tao. Kaya marami ang natatakot dito. "Alam mo Ellen wag kang magbuhay prinsesa dito, dahil inaakala mong gagawin kang Reyna ni Reid dito nagkakamali ka. Isa ka lang sa mga babaeng inuuwi niya dito. Kaya sa ngayon pakasaya kana dahil sisirain ko ang buhay mo." Sabi nito sabay tayo at umalis. Naiwan akong tulala. Isa isang nagagusan ang mga luha ko. Hindi ko alam kung paano ako makakatakas dito lalo pa at si Reid Lewis Ford ang nakabili sakin. Pakiramdam ko ay katapusan na nga ng maliligayang araw ko. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya. Itinapis ko ito sa katawan ko. Ngayon na kaya ako tumakas? Magdidilim na tiyak na hindi ako mapapansin dahil sa laki ng bahay na to. Walang pag aalinlangan at lumabas ako ng banyo na tanging tuwalya lamang ang saplot ko saking katawan. Giniginaw man ako ay hindi ko ito ininda. Sumilip ako sa likod at walang tao. Swerte ata ako kaya tinakbo ko to pababa. Paglabas ay wala na akong lingon lingon at tuloy tuloy lamang ako sa pag takbo hanggat sa narinig ko ang boses na yon. Ang boses na ayoko ng marinig pa. "Hanapin niyo! Freya hanapin niyo si Ellen!" Galit na galit ang boses ni Reid. Kaagad naman akong nakita ng mga tauhan niya sa labas at nahuli ako. "Bitawan niyo ako!" "Miss Freya nahuli na namin. Pakisabi kay Lord na huminahon na siya." Dali daling dumating si Freya pagkatapos matanggap ang tawag na yun. Sinalubong niya ako at... "Aray!" Sinampal niya ako ng sobrang lakas dahilan para pumutok ang labi ko. "Hindi lang yan ang aabutin mo kapag tumakas Kapa!" "Miss Freya tiyak na magagalit si Lord kapag nalaman niyang sinaktan mo to." sabi ng isang lalaki. "ipagpapalit niya ako dito?! Kaya kong patayin to sa harapan ni Lord ngayon din." Sabi ni Freya at kinaladkad ako. Gamit ang kamay nito na nakasabunot sakin. "Aray ko bitawan mo ako!" Habang papalapit na kami sa kwarto kung nasaan ang opisina ni Ford. Bumukas ang pinto gawa ng pagbukas ng mga tauhan ni Ford habang si Ford naman ay napahilot na sa kanyang ulo ng makita akong kaladkad mismo ni Freya sa buhok ko na pakiramdam ko ay nanlagas na sa tindi ng pagsabunot niya. Nanlaki ang mga mata ni Ford sa nakita niya. Itinulak ako ni Freya dahilan ng pagtumba ko at bumunot na ito ng b***l at tutok sakin. Kasabay ng pagtutok nito ang pagtutok din ng b***l ni Ford sakanya at pinihit ang trigger. Laking gulat ko maging si Freya at mga tauhan ni Ford. Nandidilim ang mukha nito at nagiigting ang mga panga. "L-lord, anong ibig sabihin nito?" Tanong ni Freya. "Sinong nagbigay sayo ng karapatang saktan si Ellen?" malalim na malalim ang boses nito na tila papatay na ng tao. "My Lord." kabadong sabi ni Freya. Ibinaba ni Freya ang b***l niya. Ganon din si Ford at dahan dahang lumapit kay Freya. "Ahhh!" Gulat na gulat kaming lahat dahil sa pagsampal nito kay Freya. "Tama na my Lord masakit. Nasasaktan ako." Sinikmuraan pa ito ni Ford at nagsuka na ng dugo si Freya. "Papatayin kita." Sabi ni Ford. "Maawa kayo Lord matagal na akong naninilbihan sainyo. Maawa kayo." Ngunit tila walang naririnig si Ford at itinutok ang b***l sa ulo nito. Napapikit nalamang ako sa sobrang takot ng biglang.... "Lewis itigil mo yan." Isang lalaki ang umagaw ng b***l. Gwapo ito at matipuno. "Palayasin mo ang babaeng yan sa harap ko." Sabi ni Ford. Pinaalis na nga si Freya ng mga tauhan ni Ford at tanging ako si Ford at ang lalaki na lang ang naiwan. Lumapit sakin si Ford. "Ellen? Ayos ka lang ba?" Sobra bakas sa mukha nito ang pag-aalala. Nagiba nalang ng ganong kadali ang expression ng mukha niya. "Bitawan mo ako!" inilayo ko ang kamay niya na nakahawak sakin. "I'm sorry." Lumungkot ang mga mata nito. Nagsimula na akong umiyak dahil sa natatakot ako sakanya. "Ellen please wag kang umiyak." "Lumayo ka! Natatakot ako sayo!" Itinulak ko siya dahil pilit niya akong niyayakap. Napakalungkot na ng mga mata ni Ford at tumayo ito. "Kung yan ang gusto mo. But you can't escape from me." Sabi nito at lumabas na ng silid kasabay ng lalaking pumigil kanina sa pagpatay kay Freya. Niyakap ko ang aking sarili. Iyak lamang ako ng iyak. Pinanghihinaan na ako ng loob sa mga oras na yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD