Chapter 2

852 Words
Ellen: Hindi ko talaga inaakala na siya pa mismo ang bibili sakin. Ayoko siyang tignan nakakatakot ang mga titig na binibigay niya sakin. Ipinikit ko nalang ang aking mga mata at isinandal ang ulo ko sa bintana. Ginginaw ako dala ng manipis kong damit at napunit pa to. Naramdaman ko na lamang ang mainit na telang bumalot sa katawan ko. Napadilat ako at laking gulat ko na nasakin ang coat niya. Napatingin naman ako sakanya na alam kong kanina pa nakatingin sakin. "Wear it." Sabi nito. Hindi ko alam kung matutuwa ako dahil sa ginawa nito o matatakot. Tumango tango na lamang ako at dali daling isinuot ang coat nito na nagmistulang kumot ko dahil sa laki nito. Amoy na amoy ko din ang pabango nito at hindi ko alam bakit nakaramdam ako ng bigla biglang pag kabog ng dibdib dahil sa bango ng pabango niya. Para bang may kung anong kuryente ang dumaloy saking ugat habang inaamoy ito. Hay Ellen please lang itigil mo yan. Tama na ang pagnanasa mo sa lalaking ito. Delikado. Nasabi ko na lamang sa isip ko. Ipinikit ko na muli ang aking mga mata at nagulat nanaman ako ng hilahin niya ako papunta sakanya at isinandal ang ulo ko sa matipuno niyang dibdib. Hindi ako makagalaw tila nanikip ang dibdib ko sa sobrang bilis ng pag t***k nito na para bang kumakawala. Rinig na rinig ko din ang malakas at mabilis na pag t***k ng kanyang puso. Namula ako sa nararamdaman ko ngayon. Oo ngayon lamang ako nakaramdam ng ganito sa buong buhay ko. Idinikit niya ang bibig niya malapit sa tenga ko at bumulong. "Ellen." Banggit niya sa pangalan ko. Hindi ako makagalaw at hindi ko narin ginawang i-angat pa ang ulo ko para makita siya. Lalong nag init ang buong katawan ko dahil sa mapanuyo niyang boses. Ibang iba ito sa brusko at nakakatakot na si Mr. Ford. Hindi na to muli pang nagsalita at tanging pag hinga lamang niya ang naririnig ko. Hindi ko nadin nakuha pang matulog dahil patuloy padin ang pag kabog ng puso ko. "Lord narito na tayo." Sabi ng isang lalaking nasa harapan. Isa ito sa mga tauhan ni Mr. Ford. Dahan dahan ng pumasok ang itim na sasakyan kasunod naman nito ang dalawa pang sasakyan. Nag angat ako ng tingin para makita kung nasaan ako, at ngayon palang ay pinagsisisihan ko na dahil nagtagpo ang mga mata namin ni Mr. Ford. Maamo talaga ang mukha nito at mga mata. Nakadagdag din ng appeal ang maliit na pilat nito sa kanang mata. Nagiwas na lamang ako ng tingin at tumingin na sa labas ng bintana. Bumaba na ang lahat ng mga tauhan ni Mr. Ford at pinagbuksan nadin ako ng pintuan. Nakababa na ito habang ako ay manghang mangha padin sa napakalaking palasyo nito. Maya maya pa ay may dumating pang kulay asul na sasakyan. Tumigil naman ito sa harapan namin lahat. Pagkatigil ay may bumabang napakagandang babae at may b***l din itong dala. Ngayon ay alam ko ng isa din marahil ito sa tauhan ni Mr. Ford. Yumuko ang mga tauhan ni Ford. "My Lord nakarating na pala kayo." Sabi ng napakagandang babae at Yumuko ito. "Kamusta Freya? Sinundo ko lang si Ellen." Sabi ni Mr. Ford. Pagkasabi ay kagad na napalingon sakin ang nag ngangalang Freya at masama na ang tingin nito sakin. "Ayos lang Lord, nagpunta pala ako dito para makita kayo." May laman na ang bawat salita nito ngunit parang wala lang kay Mr. Ford. "Salamat sayong katapatan Freya. Hindi ako nagkamali ng pagpili sayo." "Basta para sayo Lord kahit ano gagawin ko." Sabi nito at yumuko. Pagkatapos ay hinila na ako ni Ford dahilan para sumama muli ang tingin sakin ni Freya. Bakit ba ang sama sama agad ng tingin sakin nito? Ano bang nagawa ko? "Ellen." Banggit ni Ford sa pangalan ko. Napalingon naman ako dito at nagkatitigan nanaman kami na animo'y walang ibang taong nanonood samin. "Itong nakikita mo sayo lahat ng to. Pagmamay-ari mo lahat to." Sabi nito. Naguluhan ako sa sinasabi niya. Hindi pa ako nakakapagsalita ng magsalita siyang muli. "Pakasalan mo ako." Sabi nito. "Sandali lang Lord. Hindi ba padalos dalos ata ang desisyon mo?" Wari ni Freya. Tumingin ng masama si Ford dito. "Sinong nagbigay ng karapatan sayo na magdesisyon para sa buhay ko?" Galit na sabi nito. Napayuko si Freya. "Patawad my Lord. Hindi na po mauulit." Hindi padin ako makapagsalita ng mga oras na yun. Pakiramdam ko na katapusan na ng buhay ko oras na magpakasal ako sa lalaking to. Tumingin sakin si Ford. Malamig parin ang mga titig nito ngunit sadyang nakakaakit. "Mag hihintay ako Ellen." Yun na lamang ang sinabi niya bago tuluyang pumasok sa loob ng palasyo niya. Kagad namang may lumapit sakin na tingin ko Isang kasambahay. "Mam sumunod po kayo sakin. Papaliguan ko na kayo at para makakain nadin kayo ni Lord." Sabi nito at hinila na ako papasok. Nadaanan ko pa si Freya na masama parin ang tingin sakin. Pinapasa Diyos ko nalang ang lahat. Nagdarasal ako na sana maging maayos ang lahat. Sana makatakas ako sa bahay na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD