LUMIPAS ang mga araw na halos nakalimutan na ni Nina ang nangyari ng gabing nakasama nya si Denn. Bumalik na naman sya sa kasalukuyan na nagpapaka-lulong sa trabaho at sa sakit ng damdamin na iniwan ni Rhenz sa puso nya.
"Earth for Nina Caroline Valencia." pumitik si Geline sa harapan ng mukha ni Nina upang makuha ang atensyon nito.
Kumurap-kurap si Nina upang mapawi ang papalalim na naman nyang diwa. "B-bakit?"
Umirap si Geline. "Move on, girl! It's been what? Two months since you broke up with him and yet you're still stuck in your past!" bakas ang sobrang disapproval sa boses ni Geline. Pabagsak itong sumandal sa upuan habang mataman ang pagkakatingin kay Nina. "You're getting hopeless every day, Nina Caroline."
Napasimangot si Nina. "OA mo naman, girl."
Geline rolled her eyes heavenwards. "Mirror for you, Nina. Ikaw kaya itong OA sa'ting dalawa. I mean, look at you! Magkakasakit ka na nga sa atay kaiinom mo. Ganon mo ba na-miss ang alak at halos gabi-gabi mo ng kapiling 'yun? Ano ba ang gusto mo 'yung pag nagkasalubong kayo ng Rhenz na 'yan sa daan ay matatawa sya sayo because hello, you can be a synonymus of the word pathetic." walang prenong wika ni Geline. Kapag talaga ito ang nagsalita, kesehoda na masaktan ang kausap ay sasabihin nito. She's that blunt and Nina sometimes love her for that. She was always a wake up call for her.
"Ang sakit naman nun. Am I really that miserable?" tanong ni Nina sa kaibigan.
Umirap na naman si Geline. "Yes." She simply said.
Mapait na napangiti si Nina. Hindi nya napansin na ganoon na pala ang tingin sa kanya ng mga kaibigan.
"You have dark circles under your eyes, my dear Nina. You barely wear make-up now, and my goodness, ni hindi ka na yata nakakapagpa-facial! What happened to the vain Nina we used to see?" tila naeeskandalong wika ni Geline.
Nina silently thanked God dahil si Geline lang ang kasama nya ngayon dahil nagkataong abala ang iba nilang kaibigan. Kung nagkataong kompleto silang anim na magkakaibigan ngayon, panigurado ng hindi lang ganito ang matatanggap nyang salita mula sa mga ito. Lalo na siguro kung narito ang ultimate pintasera nilang kaibigan na si Abby.
Napabuntong-hininga si Nina. "Oo na, from now on, mag-aayos na ulit ako." pagsuko nya. She opened her Prada handbag and picked up a compact mirror to check herself. Totoo nga ang sinabi ni Geline. Nanlalalim na mga mata, dry skin, bare face, at ang walang kislap nyang mga mata ang nakikita nya sa maliit na salamin.
"See?" untag ni Geline kay Nina matapos niyang pagmasdan ang sarili. "If I were you, I will immediately hit our favorite facial centre. Paano, una na ako Nina. May appointment pa ako sa isang client in an hour. Bibyahe pa ako dahil napaka-arte ng matandang 'yun! Sa Alabang pa gusto makipag-meeting!" nakasimangot na inayos ni Geline ang sarili at tumayo na. Dumukwang ito kay Nina at hinalikan sa pisngi ang kaibigan. "Sundin mo ang sinabi ko. Stop being miserable!"
Napailing na lang si Nina habang tinatanaw ang paalis na kaibigan. Nang tuluyan ng mawala si Geline sa kanyang paningin ay itinuon na lang nyang muli ang atensyon sa pagtingin sa salamin.
Bakit ko nga ba hahayaang maging ganito ang sarili ko kung ako naman ang nakipag-break kay Rhenz. Hindi ko dapat hayaan na malulong sa kalungkutan ang sarili habang ang lalaking iyon ay nagpapakasaya dahil nakalaya na sa kanyang piling.
Tumayo na si Nina mula sa pagkakaupo at muling nagtungo sa counter upang umorder ng isa pang frappe. Wala naman syang plano para sa gabing ito. Ayaw pa naman nyang umuwi sa kanyang bahay dahil lalo lang syang malulungkot doon. Every corner of her house reminds her of Rhenz. Madalas silang mag hangout noon sa kanyang bahay o kaya sa mismong bahay ni Rhenz kapag wala silang maisipan na puntahan o out-of-town trip.
"One grande of Mocha frappe." order ni Nina sa barista. Ngumiti ang barista at ipinunch na sa computer ang kanyang order.
"Name, Ma'am?" magalang na tanong nito kay Nina.
"Ni--".
"Nina." umagaw ang isang boses sa kanilang usapan. Dagling napalingon ng may pagtataka si Nina sa nagsalita.
"Denn?" gulat na bulalas ni Nina nang mapagsino ang nasa bandang likuran.
Ngumiti ng simpatiko ang lalaki sa kanya. "I'm glad you still remember me, Nina." kumindat pa ito sa kanya.
Napangiti naman si Nina. "Matalas pa naman ang memory ko. Anyway, what would you like? This is my turn to pay for the coffee that night."
"Ikaw na ang bahala." kibit-balikat na sagot ni Denn kay Nina.
"Nilapitan mo lang yata ako para makalibre ng kape ha." tudyo nya sa lalaki na ikinatawa ni Denn. Muli na namang nasilayan ni Nina ang pantay-pantay at mapuputing ngipin ni Denn. Pasado na itong maging brand ambassador ng toothpaste kapag nagkataon.
"How did you know?" pagsakay naman ni Denn sa sinabi ni Nina.
Inirapan lang nya ang lalaki at muling hinarap ang barista. "Make it two frappe na pala." wika nya na at tumalima naman kaagad ang kausap ni Nina.
Ilang sandali lang, bitbit nilang dalawa ang tig-isa nilang kape ay bumalik si Nina sa kaninang inookupang lamesa sa labas nitong Starbucks habang nakasunod sa kanya si Denn.
"Kumusta ka naman?" panimula ni Denn ng makaupo sila.
"Heto, still mending a broken heart." pabalewalang sagot ni Nina at uminom ng kanyang frappe.
"I knew it. Broken hearted ka noong magkita tayo sa bar." nakangiti pang sabi ni Denn.
"Ang insensitive ha. Talagang nakatawa ka pa at tuwang-tuwa." inirapan ni Nina ang kaharap na lalaki.
"Oopss, sorry!" hinging-paumanhin naman ni Denn sa kanya.
"Paano mo naman naisip noon na nasa ganoong estado ako?" pag-iiba ni Nina ng usapan.
"Nasa loob ka pa lang ng 9th Avenue, nakita na kita. Actually, katabing lamesa nyo lang kami." paliwanag ni Denn. "Nakita ko kung paano mo inumin ang alak na akala mo tubig lang. Kita ko din na lumabas ka ng bar kaya sumunod ako."
"So sinusundan mo pala ako?" nakataas ang kilay na sabi ni Nina.
Ngumisi si Denn at nagkibit-balikat. "Medyo."
Napahinga ng malalim si Nina at tumanaw sa ibabang bahagi nitong kinatatayuan ng Starbucks. Nasa ikalawang palapag ng mall na ito ang SB. "But I'm trying to move on." sabi nya.
"Nina, don't try, you have to do it." wika ni Denn makalipas ang ilang segundo ng kanyang sinabi.
May halong pagtataka ang tingin na iginawad ni Nina kay Denn. Hindi kasi nakaligtas sa matalas na pakiramdam ni Nina ang pait sa boses ni Denn nang sabihin ang mga katagang iyon. Parang may malalim na pinaghugutan, parang may sakit na pilit lamang itinatago ng lalaki.
"Bakit?" mahinang tanong ni Nina habang titig na titig kay Denn.
"Anong bakit? Syempre para sa sarili mo. Higit kaninoman, mas kailangan ng sarili mo 'yun. Ano ba ang plano mo, ang habang buhay kang ganyan?"
Napailing si Nina. "Hindi naman." malungkot na tanggi niya. "Hindi ko lang alam kung paano ko ba sisimulan."
Nagulat si Nina nang hawakan ni Denn ang kamay nyang nakapaikot sa baso ng frappe na nakapatong sa ibabaw ng lamesang nakapagitan sa kanila. "Hindi mo alam kung paano o ayaw mo lang gawin?" naninimbang na tanong ng lalaki.
Umilap ang mga mata ni Nina hanggang sa unti-unti na namang manlabo ang kanyang paningin dulot ng panunubig ng kanyang mga mata. "Gusto ko, Denn. God knows it, pero ang hirap, isabay pa na ang sakit dahil hindi ko naisip kailanman na darating ako sa puntong ito. Hindi ko naisip na hahantong ang lahat sa ganito. I-i thought he's my forever, I thought he's my happy ending." tuluyan ng naglandas sa magkabilang pisngi ni Nina ang kanyang mga luha.
Heto na naman sya, umiiyak dahil sa pagkabigo. Hanggang kailan ba sya luluha para sa isang pangarap na hindi na kailanman matutupad? Wala ng pag-asa na matupad ang pangarap nyang si Rhenz ang makatuluyan nya.
Akala nya simula noong makilala nya si Rhenz ay hindi na sya kailanman mag-iisa pa.
"Sometimes what we thought would actually be just a thought. It can't be a reality, Nina. That's one of the things people have to learn. Hindi lahat ng gustuhin natin ay ating makakamtan dahil hindi iyon ang plano Niya para sa atin."
"Then what is His plan for me, Denn? Umasa lang ako sa wala. Ang laki ng expectations ko but what did I receive in return?" turo ni Nina sa bandang puso nya. "I was hurt, and I am still hurting. Ang sakit-sakit talaga." tuloy-tuloy ang pagsasalita ni Nina, hindi na alintana ang ibang customer na narito rin sa outdoor tables ng coffee shop.
Lumipat ng upuan si Denn, tumabi ito kay Nina at niyakap ang babae na umiiyak pa rin. Hindi na pumalag si Nina dahil pakiramdam nya, ito ang kailangan nya ngayon. "Hush, Nina. Maayos rin 'yan."
Umiling-iling si Nina at yumakap na rin ng tuluyan kay Denn. "Tangina, wala ng pag-asa. Mahal ko sya pero hindi ko makakayang bumalik pa sa kanya."
"Bakit? What did he do?" tinapik-tapik ni Denn ang likuran ni Nina upang kumalma ito.
Ilang sandaling natahimik si Nina. "I caught him making out."
"Making out? May ibang babae sya?"
Kumalas si Nina mula sa pagkakayakap kay Denn at mariing pinunasan ang magkabilang pisngi na may mga bakas pa ng luha. Natawa ng mapait si Nina. "Yes making out, I caught him inside his room fully naked while someone is kneeling in front of him and giving him the best BJ of his life."
Napamaang si Denn. Parang nalulon nito ang kanyang dila at nakatitig lamang sa babaeng kausap.
Nagpatuloy si Nina sa pagsasalita. Kuyom ang kamay at naninigkit ang mga mata. "It's the most disgusting sight I have seen in my entire life, Denn. Kulang na lang masuka ako sa nakita ko." napailing si Nina. "Imagine, I saw my boyfriend being intimate with his best friend."
Napangisi si Denn. "Yun ba? Anong ginawa mo sa babaeng 'yun nung nahuli mo sila ng boyfriend mo? If I was in your shoes that time, I'll beat the hell out of her."
"Babae? Did I mention her?" natawa ng pagak si Nina. "It's a he, Denn. A he, a guy, a male, for crying out loud!"
"Damn it." Bumakas ang disgusto sa tono ni Denn.
"Really. Damn it." ulit ni Nina.
"And you still love him? Despite of what you discovered?" nananatyang tanong ni Denn.
Malungkot na tumango si Nina. "I loved him for two years. Do you think it will vanish in an instant? Oo nga at namumuhi ako dahil pinatulan nya ang baklang 'yon idagdag pa na nandidiri ako pero bakit ba kasi ganun? Bakit mahal ko pa rin?"
Kapwa sila natahimik na dalawa. Kapwa inabala na lamang nila ang sarili sa pag-inom ng kanilang kape. Hanggang sa muling magsalita si Nina. "Ikaw wala ka bang ise-share?" lakas loob na tanong nya.
Tila naman hindi agad naintindihan ni Denn ang tanong ni Nina. "What?"
"Single ka ba? Baka mamaya nyan magulat na lang ako dahil may biglang hihila sa buhok ko dito ha." pairap na sabi ni Nina. Natawa ng mahina si Denn. "Rest assured na walang biglang hihila ng buhok mo."
Nakatitig si Nina sa mga mata ni Denn kaya't hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mabilis na pagdaan ng lungkot sa mga ito. "Why?" tanong nya.
Salubong ang kilay na tumingin sa kanya si Denn. "Anong why?"
"Why are you sad? What's making you sad, Denn?"
Nag-iwas ng tingin si Denn. "Hindi. Kung ano-ano ang napapansin mo, Nina." sagot nito.
Hindi naman naniwala si Nina sa isinagot ng lalaki ngunit iginalang na laman nya ang desisyon nitong sarilinin kung ano man iyon. Nagsimula na lang ulit sila ng panibagong mapapag-usapan katulad noong gabing nagkakilala sila. Kung ano-anong topic lang ulit.
"Bye, Denn!" paalam ni Nina nang mabuksan ang pinto ng kanyang kotse. Kumaway pa sya sa lalaki. "Na-save mo ba ang number ko?" malakas na tanong nya dahil may kung ilang kotse ang nakapagitan sa kanilang mga sasakyan.
"Oo! Ingat, Nina! Move on!" ganting-sigaw naman ni Denn. She stuck her tongue out at his direction before getting in her car. Lahat na lang sila move on ang payo sa kanya. Tama nga siguro sila. Kahit lumuha pa si Nina ng dugo o ng bato, hindi na mababago nito ang araw na iyon kung saan nasaksihan nya ang nangyari kina Rhenz at George.
"AKALA ko ba ako na lang ang kulang? Wala pa naman pala si Nina!" bungad ng kararating lang dito sa meeting place na si Abby.
Parang iisang tao na napatingin sa direksyon ni Nina sina Erika, Geline, Bridgette, at Leslie.
"Sino 'yan?" tanong ni Abby na nakatingin na rin sa nakaupong si Nina.
"My God, girl, si Nina 'yan!" tili ni Erika kay Abby.
"Nina? Si Nina Caroline Valencia? Ang drama queen nating kaibigan na ilang buwan ng nagdadalamhati sa walang kwenta nyang ex?" napatutop pa si Abby sa kanyang bibig at tila gulat na gulat na nakatingin sa direksyon ni Nina.
"Bruha ka!" tumayo si Nina at nilapitan si Abby. "Grabe ka naman!"
"Gaga! Nakilala naman kitang ikaw 'yan! Syempre kunwari nagulat ako sa transformation mo! Anong nangyare, teh? Sa wakas nauntog ka na ba?" yumakap kay Nina si Abby ng mahigpit.
"Oo. Sa wakas!" Natatawang wika ni Nina. Sinulyapan nya ang kanyang mga kaibigan na lahat ay nakangiti sa kanya.
"Nawala ka lang ng isang linggo pagbalik mo bumongga ka na!" tili na naman ni Erika.
Pinasadahan ng tingin ni Abby ang kabuuan ni Nina at nagustuhan naman nito ang kanyang nakita. Back to her old self si Nina. Old self noong hindi pa nya nakikilala si Rhenz. She's now wearing mini skirt, a crop top na nage-expose ng impis nitong tyan, and a stylish pair of flat sandals that complimented well on her feet.
"Kailangan 'no! Tama naman kayo, para na rin sa sarili ko ito! Isa pa, lalaki lang ang nawala! Maraming iba dyan!"
"Correction, paminta ang ex mo!" kontra naman ni Bridgette.
Inirapan ni Nina ang kaibigan. "Whatever!"
"Bitter pa!" kantiyaw ni Geline.
"FYI, hindi na ako madalas mag ulam ng ampalaya! Hindi na ako bitter. Now, I am back to being happy and free!" nakangiting sabi ni Nina.
"This calls for a celebration! Come on! Let's drink to this! Ang pagbabalik ng mahal nating kaibigan na si Nina! Wohooo!" sigaw ni Leslie.
Lahat sila ay sumang-ayon sa suhestyon ni Leslie. Ilang sandali pa, sumakay na sila sa kanya-kanyang kotse at nagmaniobra patungo sa kanilang bagong hangout place, ang 9th Avenue.
Habang nakatigil sa isang intersection ay naalala nyang may text message nga pala syang natanggap kanina kay Denn ngunit nakalimutan nyang replayan. Kinuha nya ang kanyang cellphone na nakapatong sa passenger's seat.
'We're going to 9th Ave. Do you wanna join us?' ang itinype ni Nina at ipinadala sa numero ni Denn.
Nagpatuloy na syang muli sa tahimik na pagmamaneho habang sinasabayan ng mahinang pagkanta ang tumutugtog sa kanyang car stereo. Nanandya ba talaga ang pagkakataon at ang OST pa ng pelikulang paborito ng anak ng kanyang pinsan na Frozen, ang pumapainlang sa loob ng kanyang sasakyan.
"Let it go, let it go! Can't hold it back anymore. Let it go, let it go! Turn away and slam the door." natigil ang pagkanta ng mahina ni Nina nang marinig ang pagtunog ng kanyang cellphone.
'Sure! See you there!' ang sagot ni Denn na ikinangiti ni Nina.
Ilang sandali pa, nag-park na sya sa isang bakanteng slot ng 9th Avenue. Mabuti na lamang at marami pang bakante kung kaya't hindi sya nahirapan. Inayos nya muna ang kanyang buhok at tiningnan sa rearview mirror kung hindi ba nag-smudge ang kanyang make-up. Nang satisfied na sya, tuluyan na syang bumaba bitbit ang clutch bag at ini-lock ang sasakyan.
Naghihintay na sa may entrance door ang kanyang mga kaibigan. "Si Nina ang taya ngayon ha!" bungad ni Leslie nang makalapit si Nina sa mga ito.
"Wala pa akong sahod!" angal naman kaagad ni Nina sa mga ito na mabilis namang kinontra ng kanyang mga kaibigan.
"Walang sahod? Kailan pa naghintay ng sahod ang mismong owner ha, Nina?" taas-kilay na sita ni Bridgette.
Napangiti na lang si Nina at umuna na pumasok sa loob matapos makapag bigay ng fee sa nakatalaga sa may pinto. Humanap sila ng bakanteng lamesa at dahil kokonti pa lang ang mga parokyano ngayong mga oras na ito ay nakapili sila ng lamesa na malapit sa mini stage.
"I heard may tutugtog na sikat na banda dito ngayon. Mabuti na lang nauna tayo dito sa magandang pwesto." wika ni Geline nang makaupo na silang anim.
Agad naman silang nilapitan ng waiter. "Kayo na ang bahala sa order, but please, 'wag na beer!" pakiusap ni Nina sa mga ito.
"Anong gusto mo? Tequila na lang?" tanong ni Erika.
Tumango si Nina at hinayaan na ang mga ito. Binuksan nya ang kanyang bag at kinuha ang isang pack ng sigarilyo at lighter. Sinindihan nya ang isa at sumandal. Humithit sya habang abala ang mga mata sa pagtingin sa paligid. Anong oras kaya darating si Denn? Ilang araw na rin ang nakalipas simula noong nagkita sila sa Starbucks at tanging palitan na lamang ng text messages o kung minsan ay chat sa Viber ang usapan nila.
"So six tequila sunrise for us. And then..."
Naging abala si Nina ngayong linggong ito sa trabaho at sa transformation nya. Si Denn naman ay hindi nya alam kung bakit parang abala ito. Hindi naman nya sinubukang itanong o usisain ito kung ano ba ang pinagkaka-abalahan nito sa buhay.
Kung ibabase lamang ni Nina sa itsura ni Denn, tho she know it is a rude, mahuhulaan nyang bum marahil ito. Walang trabaho o kung ano mang pinagkaka-abalahan. Naka jeans at shirt lamang ito noong magkita sila sa SB gayong weekdays noon.
"Heto na." untag ni Leslie sa diwa ni Nina nang ibaba ng waiter ang kanilang order na tequila at pulutan nila.
Tumango lang si Nina at huling hithit ang ginawa sa sigarilyo bago idinuldol ang dulo sa ashtray. Dinampot nya ang isang shot glass at sumisim dito. Abala naman sina Bridgette at Erika sa usapan nila sa trabaho, palibhasa iisang kompanya lamang ang pinagmulan nila ngunit magkaibang branch sila. Si Leslie naman ay may katext yata at nakangiti pa habang tumitipa sa kanyang cellphone. Si Abby naman ay nagpaalam na pupunta muna sa powder room kasama si Geline.
Naramdaman ni Nina na nag-vibrate ang kanyang cellphone kasabay ng pagtunog nito. Tiningnan nya ang text message na nanggaling kay Denn at mahinang binasa. 'I'm already outside. Nasaan ka?'
Imbis na mag-textback si Nina ay tumayo na lamang sya at nagpasintabi sa kanyang mga kaibigan. "Wait lang, girls. May imi-meet lang ako sa labas." wika nya.
Tumunghay sa kanya ang tatlong kaibigan ng may pagtataka sa kanilang mga mukha. Tila iisang tao pa silang mga sabay na nagsalita. "Sino?"
"A friend. Ipapakilala ko sya sa inyo. Sandali lang." sabi ni Nina sa mga ito.
"Siguraduhin mo lang na hindi si Rhenz 'yang katatagpuin mo sa labas ha, Nina Caroline!" tila naninitang pahabol naman ni Leslie.
Hindi na sumagot si Nina at lumakad na palayo sa mga ito na iiling-iling pa. Kahit kailan talaga ang mga ito.
Lumabas sya ng bar at sinulyapan ang cellphone kung may panibago bang text si Denn ngunit wala naman. Luminga-linga na lamang sya nang makalabas upang hanapin ang lalaki.
Hindi naman nagtagal ang kanyang paghahanap dahil nasalubong na ng kanyang paningin ang mga mata ni Denn. Nakatingin ito sa kanya na may munting ngiti sa mga labi. Hindi nakaligtas kay Nina nang pasadahan sya nito ng tingin at lalong lumawak ang ngiti ni Denn. Marahil nagustuhan nito ang kanyang ayos ngayon.
Lumakad sya palapit dito at ngayon lang napansin na may mga kasama pala ito. "Hi." bati ni Nina. Umayos ng pagkakatayo si Denn na kanina ay nakasandal sa isang kotse.
"Hello, gorgeous." ganting-bati ni Denn na hindi naalis ang ngiti sa mga labi. Pagkakataon naman ni Nina na pasadahan ng tingin ang kabuuan ng lalaki at hindi rin maikakaila na nagustuhan nya ang ayos nito ngayon. Rugged ang attire nito ngayon na lalong napagdagdag sa bruskong itsura nito. May manipis pa rin itong bigote at balbas.
"May mga kasama ka pala? Bakit hindi pa kayo pumasok?" tanong ni Nina dito at sinulyapan ang tatlong kasama ni Denn na puro lalaki rin. Ang mga ito ay nakatingin din kay Nina at nginitian at tinaguan sya ng mga ito.
"May hinihintay pa kami." sagot ni Denn. "Oo nga pala, mga kaibigan ko. Si Byron" turo nito sa isang lalaking tsinito. "Heto naman si Chris at Sid." sa dalawang lalaking kapwa nakaputing shirt naman ang tinuro nito.
Nginitian nyang muli isa-isa ang mga ito na matipid namang sinuklian nila ng tango.
"New look ha." napabaling muli ang tingin ni Nina kay Denn nang muli itong magsalita.
Ilang segundo na napaamang lang si Nina dahil hindi sya sigurado kung tama ba ang rinig nya sa sinabi ng lalaki. "Sabi ko new look ka."
Nahiya namang napangiti si Nina. "Ah, oo. Moving on." wika nya.
Tumango-tango si Denn. "Mabuti 'yan. You don't have to get drown in your past, Nina."
Si Nina naman ang napatango. "Oo, alam ko na 'yan. Sino ba ang hinihintay nyo?" pag-iiba nya ng usapan dahil hindi sya komportable na marinig ang sinasabi ni Denn at sa pagpansin nito sa kanyang bagong itsura.
"Tatlo pa naming kaibigan. On the way na raw sila." sagot nito.
Hindi naman nagtagal ay dumating na rin ang hinihintay ng mga ito. Katulad nina Denn, Byron, Chris, at Sid na mga gwapo ay wala ring itulak-kabigin sa tatlong bagong dating. Sina Evans, Jam, at Mon ay mga may itsura rin. Sigurado si Nina na kikiligin ang kanyang mga kaibigan kapag nakilala ang mga ito.
Niyaya na nya ang mga ito sa loob at napagkasunduan nga nilang sumama na lamang sa lamesa nina Nina. Nang ipakilala nya ang mga lalaki sa kanyang mga kaibigan, tama nga ang hula nya na magugustuhan ng mga ito ang mga lalaki.