HABANG dumaraan ang mga oras ay lalo nilang nakakasundo ang mga bago nilang kakilala. Enjoy sila sa pakikipag-usap sa mga ito.
Magkatabi lamang sila ni Denn sa pagkakaupo at umiinom ng alak. Palibhasa may kasama na silang mga lalaki kaya nag-switch na lamang sila ulit sa beer. Ilang bote na ang nasa lamesa nila at lalo na ring lumalakas ang tawanan dito dahil sa paghahalo ng epekto ng alak sa kanilang mga katawan.
"Kaya mo pa ba?" narinig ni Nina na bulong ni Denn sa kanyang tainga.
Nakangising lumingon si Nina sa lalaki at tumango. "Oo naman." sagot nya kahit namumungay na ang kanyang mga mata.
"Lasing ka na yata eh. May dala ka bang sasakyan?"
"Hindi pa ako lasing. Kita mo, hindi pa ako bulol magsalita." natatawang salungat ni Nina sa sinabi ni Denn. "Oo may dala ako, ikaw ba?"
"Oo rin. Tama na ang inom, magmamaneho ka pa pala mamaya." pigil ni Denn sa aktong pag-inom muli ni Nina sa kanyang baso na may lamang beer.
"Kaya ko nga sabi." pagpupumilit ni Nina. "Sanay akong uminom, okay? Natigil lang dahil sa asshole kong ex pero now, I am back." natawa si Nina kahit wala namang nakakatawa sa kanyang sinabi.
Napailing na lang si Denn at hinayaan na rin ang babae sa nais nito. Hanggang maalalayan naman nya ang bawat inom nito ay gagawin nya.
Lumipas pa ang mahabang oras at lahat sila ay may mga tama na ng alak. Lalo namang sumaya ang atmosphere sa paligid dahil nang lumalim na ang gabi ay saka nagsimula mag-perform ang sikat ng banda sa bansa. Lalong nag-ingayan ang paligid dahil sa pagkanta ng banda at ang pagdami ng nainom ng mga tao dito.
Tumayo sina Leslie, Abby, Bridgette, Geline, at Erika. Niyaya nya ang iba nilang kasama na makihalubilo sa ibang mga parokyano ng lugar na ito na sumayaw sa gitna kung saan may maliit na dance floor. Pumayag naman ang ilang kaibigan ni Denn hanggang sa maiwan na lamang dito sa lamesa nila ay sina Nina, Denn, Chris, at Evans.
Tahimik lang na umiinom sina Evans at Chris. Namumula na ang pisngi ni Evans dulot ng alak. Natawa naman si Nina dahil sa maputing complexion ni Evans ay halatang-halata na lasing na nga ito.
"Why?" tanong ni Denn nang mapansin na natawa si Nina.
"Wala. Nakakatuwa lang ang kaibigan mo. Ang pula na nya! Para na syang kamatis!" natawa ng malakas si Nina.
"Ganyan talaga si Evans." natawa rin si Denn.
Hindi na namalayan ni Nina na parami na ng parami ang kanyang naiinom. Namalayan na lamang nya ng makaramdam na sya na parang nasusuka na sya. Nabitawan nya ang nakaipit na yosi sa kanyang dalawang daliri ng maramdaman na tila gusto na ilabas ng kanyang bibig ang lahat ng nainom nya.
"What's wrong?" hindi nakaligtas kay Denn ang nangyari kay Nina.
"I-i think, m-masusuka a-ako." napatutop sa kanyang bibig si Nina. Mabilis syang napatayo at naagaw naman nya ang atensyon ng kanilang mga kasama.
"O, bakit?" nagtatakang tanong ni Byron.
"Nasusuka na 'yan!" wika naman ni Erika na kababalik lang at pawisan na ang mukha dahil sa init sa dance flooe. Alam na alam na nilang magkakaibigan ang mga nangyayari sa isa't-isa kapag nakakainom dahil maraming beses na naman nilang nagawa ito. "Sobra na ang nainom nyan. Dalhin mo sya sa CR, Denn!" utos pa nito.
Mabilis namang sinunod ni Denn ang sinabi ni Erika. Inalalayan nya palayo sa kanilang mesa si Nina na ngayon ay hilong-hilo na. "Ah, s**t. Masusuka na ako." ungol ni Nina. Nakatakip pa rin sa kanyang bibig ang mga palad.
"Bilisan mo maglakad." halos buhatin na ni Denn si Nina dahil tila hindi na rin kayang humakbang pa nito. Nang sa wakas ay makaliko sila sa isang corridor kung nasaan ang mga CR sakto naman na may lumabas sa isang cubicle. Tatlo ang CR dito na pwede sa lalaki at babae. Doon hinila ni Denn si Nina at ipinasok sa loob.
Pikit na ang mga mata na tumunghay si Nina kay Denn. "D-denn, h-hindi--" mabuti na lamang at mabilis na naiharap ni Denn si Nina sa toilet bowl, sakto na doon na nito nailabas ang kanyang mga ininom. Nanatiling nakasuporta sa bewang ni Nina ang lalaki habang sige ito sa pagsuka.
Hinimas ni Denn ang likuran ni Nina upang guminhawa kahit paano ang pakilasa nito. "Sige, isuka mo na lahat 'yan nang gumaan ang pakiramdam mo."
"s**t!" pagmumura ni Nina.
Nang pakiramdam nya ay nailabas na nyang lahat ang gustong kumawala sa kanyang bibig ay tumunghay na sya. Nakahila naman kaagad si Denn ng tissue paper at ibinigay sa dalaga. "Eto, punasan mo 'yang bibig mo."
"Hah!" hingal na wika ni Nina at kahit napipikit pa rin ang mga mata ay sinunod ang sinabi ng binata. "f**k s**t. Ang pangit ng lasa!"
Natawa si Denn. "Natural, suka 'yan eh. Halika na sa labas, uminom ka ng tubig. Okay na ba ang pakiramdam mo?"
Hindi na nakasagot si Nina dahil tuluyan na itong napasandal sa lalaki. Hindi na nito namalayan na at napigilan ang kanina pang antok na nararamdaman. Napapalatak naman si Denn nang ma-realized na nakatulog na pala si Nina.
Iiling-iling na kinarga na nya ito palabas nitong CR. Hindi na nya pinansin ang ngisi ng mga nasa labas nitong CR at naghihintay sa mababakanteng cubicle. Karga pa rin si Nina ay dinala nyang muli ito sa kanilang lamesa.
"Knock out na si Nina!" malakas na sabi ni Chris.
"Ganyan talaga 'yan! Basta nasuka na 'yan, kasunod nyan, tulog na kaagad." sabi naman ni Bridgette na natatawa. "Iuuwi na namin 'yan."
"Hindi, ako na." tanggi ni Denn. Hindi nya alam kung saan nanggaling ang pagpigil sa mga ito ngunit pakiramdam nya ayaw pa nyang mawalay sa kanyang paningin si Nina. "A-alam ko naman kung saan sya nakatira." pagsisinungaling nya. Wala syang alam na personal information tungkol kay Nina. Kung hindi nga nya nakilala ang mga kaibigan nito ngayon, masasabing walang-wala talaga syang alam tungkol sa babae.
"Sige. Medyo malayo ang bahay nyan dito, Denn. Sigurado ka ba na kakayanin mo pang magmaneho? Pwede namang sa'min muna ulit sya matulog." alok ni Bridgette.
Pansin na rin naman nyang may mga tama ng alak ang mga kaibigan ni Nina at hindi nya mahahayaan na isa pa nilang iintindihin ito kahit pa sabihin na kaibigang matalik nila si Nina.
"Oo. Kaya ko pa naman. Paano nga pala ang kotse nya?" tanong ni Denn.
"Ako na ang bahala." agaw ni Erika.
Tumango sya at nagpaalam na sa mga ito. Kinarga nyang muli si Nina at inilabas sa lugar na ito. Inisakay nya ito sa kanyang kotse. Tulog na tulog na si Nina at namaluktot na ng tuluyan sa backseat ng kanyang sasakyan nang makahiga ito.
Napapailing na napangiti na lamang si Denn sa itsura ni Nina ngayon. Nasaan ang sinasabi kanina ni Nina na malakas itong uminom? Hindi din pala nito kakayanin ang alak at tatawag rin naman pala ng uwak.
Napasulyap si Denn sa binti ni Nina. Tumaas ng konti ang skirt nito. Hinila nyang pababa ang palda nito. Dumukwang sya sa loob ng kanyang sasakyan at inalis ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ni Nina. Wala na sa ayos ang kanina'y magandang pagkakapusod ng buhok nito.
Wala sa loob na hinaplos nya sa magaan na paraan ang pisngi ni Nina. Ngayong payapa na itong natutulog, malaya na nyang mapapagmasdan ang maamong mukha ng babae.
Noon pa lamang unang beses nyang makita si Nina dito rin sa lugar na ito ay humanga na sya sa ganda nito. Maamong mukha na nababagayan ng mahahaba at malalantik na pilit mata, matangos na ilong, at manipis na mga labi na mamula-mula rin noon. Hindi rin naitago ng magaganda nitong mga mata ang kalungkutan na nasinag nya ng gabing 'yon.
Malulungkot na mga mata na madalas rin nyang makita sa salamin sa loob ng ilang buwan.
Kaya nang mapansin nya ang kalungkutan nito, pakiramdam nya kailangan rin nito ng isang tao na lilibang at kahit sandali ay hayaan itong makalimot. Ganoon ang ginawa nya ng gabing iyon. Nilibang nya ito.
Hindi pa man nya kilala ito kahit ang pangalan nito ngunit magaan na kaagad ang loob nya dito. Parang nasa iisang dimensyon lamang sila ng mundo. Parehong nasasaktan at parehong nangungulila.
Hindi pa man nya nasasabi kay Nina ang tungkol sa bagay na iyon dahil pakiramdam nya, hindi na nito kailangan pang malaman. Ang kailangan ni Nina ay masasayang kwento, hindi katulad ng kwento nya na malungkot rin at depressing.
At ngayong gabi ng muli nyang makita si Nina, hindi nya napigilan ang hindi matuwa sa nakikita nya dito. Ang noo'y walang buhay at malungkot nitong mga mata ay unti-unti ng nagkakaroon ng buhay. Tinotoo ni Nina ang payo nya noon na mag move on. Iyon ang ipinayo nya sa babae dahil alam nyang 'yun ang nararapat. Ganoon rin ang ginawa nya kaya ngayon ay masaya na rin naman sya sa buhay nya.
"Sleep tight, Nina." huli na upang mapigilan nya ang kanyang sarili, nagawaran nya ng mabilis at magaang halik ang nakatikom na labi ni Nina.
Bago pa kung saan makarating ang kanyang kapusukan, lumayo na sya kay Nina at sinaraduhan na ang backseat. Naupo na sya sa driver's seat ngunit hindi pa rin tuluyang ini-start ang makina ng sasakyan.
Saan nga ba nya ihahatid si Nina?
Nasulyapan nya ang maliit na bag ni Nina na nakasukbit pa rin sa balikat nito. Dinukwang nya ito at binuksan. Hindi naman siguro magagalit si Nina kung pakikialaman nya ang gamit nito. Hindi naman kasi pwede na ibalik pa nya ito sa kanyang mga kaibigan at lalo rin namang hindi nya ito pwede iuwi sa bahay nya dahil baka masamain pa ito ni Nina bukas.
Nang makuha ang wallet nito ay binuksan nya kaagad ito at naghanap ng ID ni Nina. Nakakuha naman kaagad sya ng voter's ID nito.
"Nina Caroline Valencia, 25 years old, sa Greenfield heights pa pala sya umuuwi." mahinang pagkausap ni Denn sa kanyang sarili.
Nina Caroline Valencia. Napaka-gandang pangalan at nababagay sa mismong may-ari nito. Napangiti si Denn at ibinalik na sa wallet ang ID at ibinalik na muli sa bag.
Nagsimula ng magmaniobra palabas ng parking lot na ito si Denn. Pasulyap-sulyap sya sa natutulog pa ring si Nina. Hindi na rin nya binuksan ang radio ng sasakyan upang marinig nya kapag nagising si Nina.
Kaya hindi nakaligtas sa pandinig nya ng umungol si Nina na tila nananaginip at usalin nito ang pangalan ng isang lalaki.
"Hmmm. Rhenz..."
"NINA?" nagulat si Denn nang mapagbuksan ng kanyang bahay si Nina. Nahihiyang nakangiti ito sa kanya at may dalang paper bag.
"Hi."
"Paano mo nalaman itong bahay ko?" nagtatakang-tanong ni Denn. Niluwagan nya ang pagkakabukas ng pinto. Laking pasalamat na lamang nya na nakapagsuot sya ng t-shirt bago nya buksan ang pinto kanina. Katatapos lang nyang maglinis ng bahay at plano na sanang maligo at makaidlip.
"Magka-text na pala kasi sina Erika at Byron. Pinatanong ko kay Erika kung saan ka nakatira." nakangiting paliwanag ni Nina.
Tuluyan na pumasok sa loob si Nina at hinayaan naman ni Denn na nakabukas ang pinto. "Bakit?" tanong nya sa dalaga.
"Wala naman. I thought I owe you dahil sa nangyari noong huli tayong nagkita. I was a burden that night. Sorry." hinging-paumanhin ni Nina. Itinaas nito ang paper bag na dala. "In return, I cooked something for you."
Nagliwanag naman ang mukha ni Denn. Hindi nya inaasahan ang pagbisita ni Nina lalo na ang ipagluto pa sya nito. Balewala naman talaga sa kanya ang nangyari ng gabing 'yun.
Matapos nyang matunton ang tinitirhan ni Nina ng madaling araw na 'yon, nagulat sya ng malaman na mag-isa lang pala ito doon. Wala na syang choice kundi halukayin muli ang bag nito para sa susi at ang ipasok si Nina sa bahay nito hanggang sa silid nito. Iniwan nya lamang ang babae ng masigurong himbing at komportable na ito sa sarili nitong kama.
"Wala 'yon. Hindi ka na sana nag abala pa." sagot ni Denn.
Imbis naman sumagot pa si Nina ay tumayo na ito. "Nasaan ang kitchen? Ihahain ko na itong dala ko. Sana kumakain ka ng sinigang." luminga-linga si Nina sa paligid at nang mapatingin sa pinto patungo sa kusina-dining area ay nagliwanag ang mukha nito. Hindi na nito hinintay ang sagot ni Denn, nagkusa na itong lumakad patungo sa kusina.
Naiiling ngunit naa-amuse na sumunod na lang si Denn sa dalaga. Nadatnan nyang kumukuha na ito ng mangkok. "May sinaing ka ba, Denn?"
"Oo." sagot naman ni Denn. Mabuti na lamang at naisipan nyang magsaing kanina kahit wala naman syang planong magluto ng ulam dahil mas gusto nya sanang umidlip kaysa sa kumain mag-isa.
Kumilos na si Denn at tinulungan na si Nina sa paghahain. Ilang sandali pa, sabay na silang naupo sa dining table.
"Ikaw lang ba ang nakatira dito?" tanong ni Nina. Iniabot nya kay Denn ang mangkok ng sinigang na ipinainit pa nila.
"Oo. Nasa Manila kasi sina Mama at Papa." sagot ni Denn.
"Mga kapatid mo?" usisa pa ni Nina.
"Iisa lang ang kapatid ko at nasa ibang bansa na sya kasama ang kanyang pamilya doon." paliwanag pa rin ni Denn. Nilagyan nya ng kanin ang plato ni Nina. "Would you believe na eighteen years ang age gap namin ng kapatid ko?"
"Talaga? Galing naman!" sabi ni Nina. "Buti ka nga may kapatid eh."
"Solo ka?" tanong ni Denn at nagsimula na silang kumain. Ngayon lang nila mapapag-usapan ang personal nilang buhay simula noong magkakilala silang dalawa.
"Yup!" sagot ni Nina matapos malunok ang kinakain.
"Malungkot naman 'yon." wika ni Denn.
"Okay lang. Nasanay na rin. Besides, hindi ko naman masyado inintindi ang walang kapatid kasi mas iniisip ko noong bata ako na bakit wala akong tatay." sabi ni Nina. Parang wala lang sa kanya ang sinasabi nya ngayon kung pagbabasehan ni Denn ang ekspresyon ng mukha ng dalaga.
"What do you mean by that?" takang-tanong ni Denn. "Okay lang kung hindi mo sagutin." biglang bawi ng lalaki dahil naisip nya baka masamain ni Nina ang pagtatanong nya. He doesn't want to appear like a nosy guy although he is already because of her statement.
"Okay lang 'yun. For twenty five years of my existance, hindi ko na minamasama ang tanong na 'yan dahil wala naman talagang masama doon." uminom si Nina ng tubig at sumandal sa upuan. "My biological dad left my mother even before she gave birth to me. Mommy told me that since then, wala na syang naging balita sa Daddy ko."
Nalungkot si Denn sa narinig. "What was the reason? You don't have any idea how he looked like? Or if he has a new family now?"
Umiling si Nina. May dumaan na lungkot sa kanyang mga mata. "Never ko sya na-meet. Sa picture natatandaan ko na nakita ko sya dati pero sobrang bata pa ako noon. Then yung picture na 'yun nawala na, I think tinapon na noong second husband ni Mommy. Masyado kasing seloso 'yun eh. Lumaki ako na puro away sila ni Mom there was a point na sinasaktan nya si Mom, physically." kibit-balikat ni Nina.
"I'm sorry to hear that." wika ni Denn. Hindi nya ma-imagine na sa ganoon palang klase ng pamilya nanggaling si Nina. The way she laugh at the bar the last time he was with her, it sounded like she is free from any pain. 'Yun pala hindi lang ang ex nya ang nakapanakit sa kanya. Hindi man diretsang sabihin ni Nina ngunit alam ni Denn na may lihim pa ring sakit itong nararamdaman dahil sa pamilya nito.
"Don't be, Denn. I've already accepted na sa ganitong klaseng pamilya ako nagmula. Hindi nakilala ang tunay na ama at nagkaroon nga nga step-dad ngunit nananakit naman."
"Did he hurt you too? Your step-dad?"
Tumango ng marahan si Nina. "Pero hindi madalas. Noong lumaki na lang ako kasi nilalabanan ko na sya kapag nakikita kong sinasaktan nya si Mommy dahil sa walang basehan nyang pagseselos. Biruin mo ba naman, pagbibintangan nya si Mommy ng kung ano-anong kwento na kesyo may lalaki si Mom pero God knows, wala. I was with Mom all the time dahil bakasyon noon sa school. Masyado lang talagang praning ang step-dad ko." mapait na wika ni Nina.
Hindi maiwasan ni Denn ang makaramdam ng inis sa amain ni Nina. "Hanggang ngayon ba nagkikita pa rin kayo ng step-dad mo?"
"Yup. Pero hindi na kami nag-uusap. Mom is still with him, hindi na yata mapapaghiwalay ang mga 'yon kahit pa sinasaktan nya si Mom. I left his house when I was twenty years old. Nakitira ako sa tita ko dahil graduating pa lang ako noon. As soon as I got my diploma, umalis na rin ako sa poder ng tiyahin ko kahit pa ayaw nila. Pakiramdam ko, that was the time I need to stand alone with my own two feet. Thank God nakaya ko naman." nakangiting salaysay ni Nina.
"Good for you." natutuwang sabi ni Denn. Kaya naman pala ganoon na lang kalakas ang character ni Nina dahil nahasa na ito ng panahon at ng mga pagsubok. For sure it was not easy for her that time. "So ano ang trabaho mo ngayon?" tanong nya.
"I have my own business. Sinuwerte lang." pa-humble na wika ni Nina.
"Ano naman 'yun?"
"I own a shoe line. Nina's ang tatak."
"Nina's?" pilit hinahagilap ni Denn kung saan ba nya narinig ang shoe brand na Nina noon. Ah, tama. 'Yun ang paboritong local brand na sapatos ng ex-girlfriend nyang si Aliyah. Kung hindi sya nagkakamali, marami na itong branches sa mga sikat ng malls sa Pilipinas. "You own Nina's? Wow! Great!" humahangang puri ni Denn.
Tumango si Nina. "Yeah."
"Ang galing. That was my ex's favorite brand. There was a time I bought a pair of stilletos for her as my anniversary gift. Hindi cheap ang price mo ha, sumakit ang bulsa ko noon." biro ni Denn.
"Pricey ba? I don't think it is. Matibay naman ang mga sapatos namin."
"I know. 'Yun din ang sinabi ng ex ko noon kung bakit gustong-gusto nya ang Nina's." nakangiting sang-ayon ni Denn.
"How about you? What do you do for a living? I hope you're not a bum." nanunuring tingin ni Nina kay Denn.
"What if I am?" ganting-tanong naman ng binata dito.
Napatawa si Nina. "I knew it."
"You knew what? That I'm a bum?" napapantastikuhang tanong ni Denn. Natawa sya sa pagtango ni Nina. Pinili nyang sakyan ang hula nito. "I'm jobless at umaasa lang sa mga magulang. Did I turn you off?"
"A bit." honest na sagot ni Nina. Hindi sya sang-ayon sa mga taong umaasa pa rin sa mga magulang kahit kayang-kaya na nitong magbanat ng buto.
Nagkibit-balikat si Denn at hindi na nagsalita. Nanahimik na rin si Nina at tinapos na nila ang pagkain nila.
Nang makapag-hugas sila ng pinagkainan nila, pinili nilang lumabas ng bahay at maupo sa garden set sa bakuran ng bahay ni Denn.
"Hay! Nakakantok." nag-inat si Denn habang nakaupo sa silyang bakal.
Natawa si Nina. "Feel na feel ang pagiging jobless ha." tudyo nya sa lalaki.
"Napagod ako maglinis ng bahay at maglaba, ano!"
"Talaga? Marunong ka nun?" pang-aasar pa rin ni Nina sa binata.
"Oo naman. Madalas akong walang kasama dito sa bahay namin dahil nasa Manila palagi sina Mama o kaya nasa kapatid ko sa ibang bansa."
"That's nice." sagot ni Nina. Napakunot-noo sya nang may mahagilap ang kanyang mga mata. Sa likurang bahagi ng bakuran ay may mga sinampay. Iyon marahil ang mga tinutukoy ni Denn na nilabhan nito. Ngunit ang higit na nakakuha ng pansin ni Nina ay ang isang puting uniporme. "Uniform ba ng nurse 'yun?" tinuro pa nya ang bagay na tinutukoy.
Napatingin din si Denn doon sa sinasabi ni Nina at napangiti ng maluwag. "Yes, why?"
Tumingin kay Denn si Nina, "Ikaw lang sabi mo ang nakatira dito, diba? How come may scrub suit dito?"
Nagkibit-balikat si Denn at ngumiti ng nakakaloko kay Nina. "Tumatanggap ako ng labahin ng mga kapitbahay."
Nanlaki ang mga mata ni Nina. "Liar! Hindi ako maniniwala!"
"Well, I am Dennmark Dela Cruz, 2016 NLE Passer." nakangiting wika ni Denn.
Napakagat-labi si Nina at halos manliit dahil sa narinig. Ang tanga nya dahil pinag-isipan nyang bum at jobless si Denn samantalang nurse pala ito!