"SANDALI lang!" sigaw ni Nina dahil sa sunod-sunod na pagpindot ng doorbell. Naiirita man dahil naabala ang paggawa nya ng sketches para sa mga bagong ilalabas ng Nina's na shoe designs sa darating na summer, napilitan na ring tumayo si Nina mula sa pagkakasalampak sa sahig.
Hindi na nya inayos ang mga nagkalat na sketch pads at colored pencils. Hindi na rin nag abala si Nina na tingnan muna ang sarili sa salamin kung presentable pa rin ba sya o hindi na. Halos kalahating araw na syang nakayupyop sa sahig at pagod na ang kamay nya at ang utak nya sa pag-iisip. Masyado syang hands-on at dedicated sa kanyang negosyo. Dugo at pawis na rin naman ang ipinuhunan nya roon kaya't hindi nya magagawang basta na lamang itong pabayaan at iasa sa kanyang team. Hangga't maari, mula sa ideas nya ang designs and concept ng bawat sapatos na naka-display sa kanyang mga branches.
"Ano ba--- Denn?!" napahinto sya sa aktong pagbulyaw sa taong nakatayo sa harapan ng kanyang pinto. "Anong ginagawa mo dito?" pinasadahan nya ng tingin ang kabuuan ng lalaki at napangiti sya. "Fresh from work, eh?"
Tumango si Denn. "Hindi mo ba ako patutuluyin?" tanong nito.
Niluwagan ni Nina ang pagkakabukas ng dahon ng pinto at hinayaang makapasok ang bisita.
"Naabala ba kita?" tanong ni Denn nang matingnan ang mga nakakalat sa sala ng bahay ni Nina.
"Hindi naman masyado." sinaraduhan na ni Nina ang pinto at sumunod sa lalaki. Naupo si Denn sa sofa at si Nina naman ay sa katapat nitong single-seater couch. "Bakit ka naligaw dito?"
"Hindi naman ako naligaw." sagot ni Denn. Dinampot ng lalaki ang isang sketch paper na nasa sahig. "You drew this? Amazing." pagpuri nito. Pinagmasdan ni Denn ang naka-drawing na design na kasalukuyang may kulay na rin kaya mas kaaya-aya sa paningin.
"Yup." sumandal si Nina sa kinauupuan. "Kumain ka na ba?" tanong nya.
"Oo. Ikaw ba?"
Noon lang naalala ni Nina na hindi pa nga pala sya kumakain ng kahit ano simula ng magising sya kaninang umaga. Talagang punong abala sya sa ginagawa at tanging orange juice lamang ang nailaman sa kanyang tyan.
"Hindi pa. Busy masyado eh." sagot ni Nina. Sandali syang pumikit upang maipahinga ang kanyang mga mata na medyo nananakit na naman.
"May mailuluto ka ba riyan? Ipagluto na kita." dagling napamulat si Nina nang marinig ang sinabi ni Denn.
"Ha?"
"I said, I'll cook for you. May mailuluto ba sa kusina mo?" ulit ni Denn.
"Meron naman." sagot ni Nina. "Sigurado ka, marunong kang magluto?"
"Oo naman. Hindi ba sinabi ko na sa'yo na madalas ako lang mag-isa sa bahay namin kaya kinailangan kong matutunan lahat ng gawaing bahay kasama na ang paglalaba at pagluluto." sagot ng lalaki. "Ituloy mo na 'yang ginagawa mo at ako na ang bahala sa pagkain mo." tumayo na si Denn mula sa pagkakaupo at naglakad na patungo sa kusina bago pa man makapag-protesta si Nina.
Napailing ngunit nangingiting naiwan si Nina. Simula noong araw na bisitahin nya si Denn sa bahay nito, mas lalo silang naging close sa isa't-isa. Hindi na lumilipas ang bawat araw na hindi sila nagkakausap. Kung minsan naman kapag pareho silang may free time, sabay silang kakain ng dinner sa kung saang restaurant nila maisipan ng gabing 'yon.
Napabuntong-hininga si Nina at nagdesisyon na ituloy na lamang muli ang naudlot na ginagawa nya. Rush talaga ang trabahong ito dahil gusto nyang bago pa man sumapit ang buwan ng Pebrero ay maayos na ang ilalabas nilang designs para sa new collection. Marami pa ang pagdaraanang proseso ng kanyang mga designs bago ito tuluyang maging tunay na sapatos.
Nawala na sa isip nya ang lalaki na nagluluto sa kusina dahil naging abala na naman ang kanyang sarili sa pagpapatuloy ng ginagawa. Natigil na lamang muli sya ng may malanghap na nagpasimula sa pagkalam ng kanyang sikmura.
Ano kaya ang niluluto ni Denn sa kanyang kusina? Binitawan na ni Nina ang kanyang ginagawa at nag desisyon na mamayang gabi na lamang ito itutuloy. Inayos na nya ang mga finished sketches na dadalhin sa opisina bukas at isinilid ito sa isang envelope.
Iinot-inot na tumayo syang muli at naglakad sa kusina. Naabutan nyang abala si Denn sa paghahalo ng kung ano mang niluluto nito. Nakatalikod ito sa kanyang direksyon. Hinayaan ni Nina sa ginagawa ang lalaki at hindi ipinaalam dito ang kanyang presensya.
Pinagmasdan lamang nya ang lalaki at hindi napigilan ang pag-usbong ng paghanga sa lalaki. Maswerte ang babaeng mamahalin ni Denn. Sa ilang beses na nakasama nya ito, hindi maitatanggi na maalaga ito. Palagi itong naka-alalay sa kanyang paglalakad at hindi nakakalimutang pagbuksan sya ng pinto kapag papasok sila.
Mukha mang brusko ang itsura ni Denn dahil sa manipis na bigote at balbas nito idagdag pa ang mga mata nitong napaka-tiim kung tumitig ngunit mararamdaman mo naman na mabait at mabuting tao si Denn.
Bahagyang tumikhim si Nina upang maging aware na ang lalaki sa kanyang presensya. Dagli naman nyang nakuha ang atensyon nito. "Malapit na itong maluto." wika ng lalaki nang lumingon sa kanya.
Humakbang si Nina palapit sa lalaking nakatayo sa harapan ng kalan at patuloy na hinahalo ang niluluto. "Ano ba 'yan?" tanong nya.
"Nilagang baka. Ayan lang kasi ang nakita kong pwedeng lutuin sa ref mo. Hindi ka ba mahilig mag-grocery? Kahit ang cupboards mo, halos wala ng laman." himig nagsesermon na sabi ni Denn.
"Nakalimutan ko eh." sagot na lang ni Nina. "This coming weekend pa ako mamimili."
"Natapos mo na ba ang ginagawa mo?" pag-iiba ni Denn ng kanilang usapan.
"Kaunti na lang at matatapos ko na rin. Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko, bakit mo naisipang pumunta dito?"
Nagkibit-balikat lang si Denn. "Wala lang. Aalis kasi ako at sa kabilang linggo pa ang balik ko. May conference na pinapupuntahan sa akin ang ospital. Sabi mo naman kagabi, dito ka lang maghapon at hindi mo naman sinabi kung bakit hindi ka papasok sa opisina kaya naisip ko na baka may sakit ka. Binisita na kita."
"Ako may sakit? Bakit naman 'yun ang naisip mo?" natatawang tanong ni Nina.
"Iba kasi ang boses mo kagabi."
"May sipon lang kasi ako kagabi." sagot ni Nina. "Nag OA ka naman at naisip mo kaagad na may sakit ako. Sa panahon ngayon, mahirap ang buhay kaya hindi pwede ang magkasakit."
"Oo na. Wala na akong nasabi. Maghain ka na dahil paluto na rin ito. Nagsaing na rin ako." sagot na lamang ni Denn.
Bago tuluyang sundin ni Nina ang inuutos ni Denn, hindi na nya napigilan ang hindi muna kurutin ang pisngi nito. "Ang cute mo!"
"What?" gulat na bulalas ni Denn. "Ako cute?" bakas ang disgusto sa tono nito.
"Thank you for cooking for me." sagot na lang ni Nina at umalis na sa tabi ni Denn. Inihanda na nya ang mesa at ilang sandali pa, masaya na nilang pinagsaluhan ang iniluto ng lalaki.
"DENN? Tumutunog yata ang cellphone mo." inalog ni Nina ang lalaki na ngayon ay nakapikit na at nakasandal ang ulo sa sofa. Pagkatapos nilang makakain ay nagdesisyon silang palipasin ang oras sa pamamagitan ng panonood ng pelikula.
Pang-tatlo na nilang pelikula ngayon at heto bumigay na pala sa antok ang lalaki.
Ilang sandaling tiningnan ni Nina ang mukha ni Denn na ngayon ay payang nakapikit ngunit bakas ang pagod sa itsura nito. Nakaramdam naman ng awa si Nina sa lalaki kaya hindi na nya ito muling inalog upang magising. Sumulyap sya sa wall clock at nakitang alas otso na pala ng gabi. Ganoon na lang kadali lumipas ang mga oras kapag talaga nalilibang.
Pumukaw muli sa atensyon ni Nina ang pag-ring ng cellphone ni Denn. Hinanap ni Nina ang pinagmumulan ng tunog at balak sanang patayin na lamang ang tawag upang hindi na magambala pa ang pagtulog ng lalaki.
Natagpuan nya ang nag-iingay na aparato sa kabilang gilid ni Denn. Kinuha nya ito at napakunot-noo. May contact image ang caller at babae ang nakikita nya ngayong tumatawag dito.
Aliyah calling...
Sino ang Aliyah na ito? Wala naman nababanggit si Denn sa kanya noon. Hindi naman pwedeng kapatid nya ito dahil sabi nga ni Denn, lalaki ang kanyang nag-iisang kapatid. Kung huhulaan ni Nina ang edad ng babaeng nasa larawan, hindi nagkakalayo ang kanilang edad.
Habang nakatitig pa rin si Nina sa cellphone ng lalaki, may biglang emosyon syang nararamdaman ngunit hindi nya mabigyan ng pangalan. Hindi nga ba mabigyan ng pangalan o natatakot lang sya sa nararamdamang ito?
Kagat-labi na ini-off na lamang ni Nina ang aparato at muling ibinalik ito sa dating kinapapatungan. Bumalik na rin si Nina sa kinauupuan at tumingin muli sa TV. Nasa c****x na ang istorya at ang kaninang atensyon ni Nina dito ay nawala na ngayon.
Hindi na nya naintindihan ang itinatakbo ng kwento dahil mas malayo na ang takbo ng utak nya ngayon. Hindi mawaglit sa kanya ang nakangiting itsura ng babae na tumawag. Sino si Aliyah? Sino ito sa buhay ni Denn? Bakit walang nabanggit sa kanya si Denn tungkol sa kanya?
Napasulyap syang muli sa natutulog na lalaki at napatitig dito.
Napapikit ng mariin si Nina nang muling maramdaman ang pagkabog ng kanyang dibdib dahil lamang sa pagtitig sa mukha ng lalaki. Hindi naman inosente si Nina sa ganitong pakiramdam ngunit alam nyang hindi dapat ito. Hindi maari.
"Nina?" dahan-dahang nagmulat si Nina ng mga mata. Sinalubong ng kanyang paningin ang mamungay-mungay pang mga mata ni Denn dulot ng antok.
Tipid na nginitian ni Nina ang binata. "T-tinulugan mo na ang movie. Ang ganda pa naman." nag-iwas ng tingin si Nina dahil parang awkward sa pakiramdam.
"Oo nga eh." Umayos na sa pagkakaupo si Denn at bahagyang nag-inat. "Mabuti pa, umuwi na lang ako." sabi pa nito.
Nakaramdam man ng pagtutol sa kalooban si Nina sa sinabi ni Denn ngunit alam nyang ito ang tama. Naalala rin ni Nina ang tungkol sa tawag ngunit kahit nangangati ang kanyang dila na tanungin ang binata tungkol dito at alamin kung sino si Mandy ngunit nagpigil na lamang sya.
Hindi pa yata sya handa sa maaring isagot ng lalaki.
"Sige. Ihatid na kita sa labas."
Sabay na silang tumayo mula sa pagkakaupo at pinatay na ni Nina ang TV habang si Denn naman ay inayos na ang ilang chips na nakakalat sa center table.
"Oo nga pala, Nina, nagyayaya kasi sina Chris for an out-of-town getaway this coming weekend. Would you like to come? You can invite your friends too."
Ilang sandaling natahimik si Nina at nag-isip ng schedule nya para sa weekend na darating. "Sige. Wala rin naman akong importanteng gagawin. Yayayain ko na rin sina Geline." aniya.
Kapwa na lang sila tahimik hanggang makarating sa nakaparada nyang sasakyan ni Denn. "Ingat sa pag-drive." bilin ni Nina sa lalaki.
"Yeah, I will. Thank you nga pala ulit."
Tumingin si Nina sa binata at muli na namang bumalik sa alaala ang tawag kanina. "Ah, Denn." tawag ni NIna dito at muling nag-alangan. "M-may tumawag nga pala kanina sa phone mo. Hindi ko naman sinagot." mabilis nyang pahayag.
Kumunot ang noo ni Denn at dinukot sa bulsa ang kanyang cellphone. "Sino?" ini-on nito ang aparato.
"Aliyah ang pangalan." mahinang sagot ni Nina.
"Aliyah?" ulit nito. Nakumpirma naman ang sinabi ni Nina sa call register ng cellphone ng lalaki.
"Sino si Aliyah, Denn?" lakas-loob na tanong ni Nina. Alam nyang hindi matatahimik ang isip nya hanggang hindi nalalaman kung sino ito sa buhay ng binata. Handa na rin sya kung sino pa man ito sa buhay nito.
"She's an ex." ibinalik na muli ni Denn sa bulsa ang cellphone. Sumandal ang binata sa kotse nito at isinilid sa magkabilang bulsa ang mga kamay. "Aliyah was my girlfriend for almost five years."
Natahimik si Nina at ilang sandaling pinag-aralan ang ekspresyon ng mukha ng lalaki. Hindi na kailangan pang pangalanan ni Nina kung ano ang tawag sa himig ng boses ni Denn sa kasalukuyan. May pait sa bawat bigkas nito ng mga salita.
"I'm sorry." wika na lang ni Nina nang hindi na muling magsalita ang lalaki. Ginaya nya ang pag-pwesto ni Denn. Sumandal rin sya sa gilid ng hood ng sasakyan nito. Nawala na sa plano nila na paalis na pala ang lalaki.
"Okay na 'yon. Nakalimutan ko na rin naman." sagot nito at tumingala na wari'y tinatanaw ang madilim na kalangitan.
"Do you mind if I ask what happened? I mean, why--why did you break up?"
Gumuhit ang isang malungkot na ngiti sa gwapong mukha ng lalaki. "Away dito, away doon. Napagod na rin siguro kami. Napagod na daw sya sa'kin." nagkibit-balikat ito. "Hanggang isang gabi, nagdesisyon na kaming tapusin na ang lahat. Idagdag pa na natuklasan kong may palihim syang kinakatagpong ibang lalaki."
"Sayang naman ang almost five years." may panghihinayang sa boses ni Nina. "Kami nga ni Rhenz na two years lang pero nanghinayang rin naman ako nang mag break kami."
"Alam mo Nina, hindi mo dapat panghinayangan ang mga ganyang bagay. Hindi mo na rin naman kasi mapipilit kung wala na talaga kayo. Kaysa naman lalo pa kayong mawalan ng respeto sa isa't-isa, mas mabuti pang maghiwalay na kayo hanggang makakaya pa. Minsan kasi, nawawala ang pagmamahal pero kapag respeto ang nawala, ito ang mas mahirap ibalik.
Ngumiti si Nina at napatingala rin sa kalangitan. "Ang saklap 'no? Dati-rati, pangarap ko talaga ay magkaroon ng relationship na bibilang ng taon bagon kami magkapakasal. Katulad ng sa mga pinsan ko. Hindi pala ganoon kadali 'yun. Naisip ko na lang, madaling bilangin ang years ng pagsasama nyo pero mahirap gumawa ng mga years na bibilangin nyo."
"Akala ko rin. Hindi nga ako naniniwala sa whirlwind romance na 'yan kasi dapat makilala mo muna ang taong pakakasalan mo." sagot naman ni Denn.
Wala nang maapuhap na sasabihin pa si Nina sa binata. "Sige na, umuwi ka na. Gabi na rin naman. Tawagan na lang kita kapag pumayag ang mga kaibigan ko para sa weekend. Saan nga pala?"
"Sa Baguio ang gusto nila. May pupuntahan din kasi silang meeting doon." sagot ni Denn at umayos na ng pagkakatayo. Inilabas na nito ang susi ng kotse at pinindot ang automatic lock. "Good night, Nina. Lock the doors, okay?" bilin nito.
Tumango si Nina at humakbang palayo sa kotse. Tumayo sya sa gilid ng kalsada. "Ingat ka rin."
Nagulat na lang si Nina nang inilang hakbang lang ni Denn ang pagitan nila at mabilis nitong hagkan ang pisngi ni Nina. "Sweet dream." wika nito at kung gaano kabilis nakalapit kay Nina ay ganoon rin kabilis na nakalayo at tuluyang sumakay ng kotse nito.
Naiwan namang naestatwa na lang si Nina sa bilis ng pangyayari.
LUMIPAS ang mga araw na naging masyadong abala si Nina sa mga trabaho nya. Halos hindi din sila nakakapagkita ng kanyang mga kaibigan at sa group message na lang ang kanilang pag-uusap. Si Denn naman ay halos araw-araw nya ring nakaka-text at kung minsan pa ay tatawag ito sa kanya ngunit hindi nila napapag-usapan ang huling insidenteng nangyari sa pagitan nila. Para naman kay Nina, hindi na rin nya tinangkang ungkatin pa kay Denn iyon dahil hindi naman big deal ang nangyari.
Dumating ang gabi ng Biyernes at tulad ng ilang gabi na nakasanayan ni Nina, pagkatapos nyang makauwi at makapag handa ng kanyang pagkain ay nag message na sya kay Denn upang sabihin sa binata na maari na itong tumawag.
Hindi naman nagtagal ay narinig na ni Nina ang pamilyar na tunog na naka-set na talaga para lamang sa lalaki. "O? Bilis tumawag ah." tudyo nya sa lalaki habang nagpupunas ng mga kamay at nakasingit sa pagitan ng balikat at tainga ang telepono. Katatapos lang nyang kumain at magligpit sa kusina.
"Wala na rin naman akong ginagawa. Are you ready for tomorrow?" tanong ni Denn mula sa kabilang linya.
"Hindi pa ako nakakapag-handa ng mga dadalhin kong gamit," sagot ni Nina.
"Just bring clothes for two days." wika ni Denn.
Napatango si Nina kahit pa hindi naman sya nakikita ng kausap. Sa kanyang isip, niriribisa na nya ang mga damit sa kanyang closet upang mamaya ay basta na lamang nyang kukunin ang mga ito.
"I'll pick you up at around 6AM. Napag-usapan na namin ng barkada na sa auto shop na lang ni Evans iiwan ang mga sasakyan natin at ang mini coaster na lang ni Chris ang dadalhin papunta sa Baguio."
"Sige." pagpayag ni Nina.
Nag-usap pa sila ng mahigit isang oras tungkol sa bagay-bagay at tungkol sa kani-kanilang trabaho bago nila tuluyang ibaba ang tawag upang maghanda naman para sa lakad nila kinabukasan.
Nina can't help but smile when Denn sent her something after their conversation.
A picture of him then followed by a message that says 'Good night, Nina. As always, you made my night. Sweet dreams. See you tomorrow.'
With that, Nina fell asleep still having a sweet smile on her lips.
KINABUKASAN, hindi pa sumisikat ang araw ay nasa harapan na ng shop ni Evans ang mga sasakyan ng kasama para sa trip nila sa Baguio. Kompleto ang mga kaibigan ni Nina maging ang mga kaibigan ni Denn.
Sumakay na silang lahat sa mini coaster van at magkatabi na naupo sina Denn at Nina sa bandang gitna ng sasakyan.
"Did you have your breakfast?" tanong ni Denn kay Nina nang magsimula ng umusad ang kinasasakyan nila.
"I just had a cup of coffee." sagot naman ni Nina. Tumanaw sya sa labas ng bintana at napansin na hindi pa rin sumisikat ang araw. "Uulan yata."
Tumanaw rin si Denn sa labas at sumagot. "Oo nga. Did you bring jacket? Malamig ngayon sa Baguio."
"Oo naman." Nina smiled at him sheepishly. "Excited na ako makabalik ulit sa strawberry farm. Will we go there?"
"You want to?" balik-tanong ni Denn.
"Hmm. Yes."
"Then strawberry farm it is." nakangiting wika ng lalaki. Napatitig sya sa dalaga dahil hindi maikakakaila na excited nga ito na muling mabalikan ang farm. "You love strawberries?"
"It's in my top most favorite fruit ever." nangingiti pa ring sagot ni Nina. "I remember kapag nagpupunta kami ng Baguio noon with my family, ang strawberry farm lang ang pinaka-gusto kong puntahan palagi. But last time we went there, hindi tag strawberry so wala rin kaming chance makapamitas."
"Sana ngayon meron."
"Yup meron. Na-research ko na sa internet kung kailan ang strawberry picking season and based on the internet, it's always in between of November to April."
"Nina!" malakas ang boses ni Geline nang tawagin ang dalaga.
Napalingon si Nina sa kaibigan at hinanap pa kung saan ito nakaupo. "Bakit?" nagtatakang tanong ni Nina.
"Wala lang. Nagpapapansin lang. Pansinin nyo naman kaya kami ni Denn, hindi 'yung kayo lang palagi ang magkabulungan dyan. Ano ba pinag-uusapan nyo? Pasali nga kami!" dahil sa sinabi ni Geline nagsimula ang kantiyawan ng grupo.
"Oo nga naman! Mapapaisip na tuloy kami na nakabili na kayo ng sarili nyong mundo at hindi kami included doon!" pagsahog naman ni Jam sa asaran.
Lalong nagka-ingayan sa paligid na ikinatawa na lamang nina Denn at Nina dahil parang mga bata kung mang-asar ang kanilang mga kaibigan.
"Ano ba naman kayo, let them be, guys! They look good together naman diba! And if ever Denn will be Nina's next boyfriend, I assure you guys, approved na sa aming mga kaibigan ni Nina." sigaw ni Leslie.
Napailing na napapangiti na lang si Nina sa mga sinasabi ng kanilang mga kasama. Hindi nya napigilan na hindi sulyapan ang binata at nagulat syang malaman na nakatingin din pala sa kanya si Denn. They smiled at each other.
Mabilis na ring nag-iwas ng tingin si Nina at nagkunwaring bumalik na lamang sa kanyang pagkakaupo upang maikubli ang kanyang mga pisngi na nag-iinit na dulot sa pagkantiyaw sa kanila ng grupo.
Tumahimik na rin ang paligid at nagsibalikan na rin sila sa kani-kanilang kwentuhan habang ang iba ay nanahimik muna upang makaidlip. Nang nasa NLEX na sila, nagdesisyon silang tumigil muna upang makapag-agahan dahil halos lahat sila ay hindi pa rin kumakain.
Nang makatapos kumain ay nagpatuloy na silang muli sa medyo mahabang byahe. Palibhasa mga nabusog na, tuluyan na muna silang mga natahimik at natulog. Ganoon na lang din ang ginawa nina Nina at Denn. Hindi na tumutol si Nina nang magaan syang hilahin ni Denn upang mapasandal sya sa dibdib nito. "Matulog ka na muna. Malayo pa naman tayo." bulong ng binata.
Nakaramdam man ng discomfort sa simula si Nina sa kanilang pwesto ngunit ng naglaon ay hinayaan na laman nya. Isa pa, itanggi man nya ngunit mas komportable naman talaga sa ganitong pwesto kumpara sa pagsandal nya kanina sa may bintana.
Bandang alas onse na ng tanghali nang makarating sila sa vacation house nina Byron dulot sa traffic sa kanilang mga dinaanan.
Nang maibaba na ang kanilang mga gamit, nagdesisyon ang grupo na sa labas na lamang sila mananghalian. Sa may Burnham park kung saan maraming mapapamiliang kainan ang kanilang unang destinasyon.
"Mag commute na lang tayo! 'Wag na dalhin ang sasakyan." suhestyon ni Evans nang paalis na sila.
Nagtataka naman silang lahat sa tinuran ng lalaki.
"Bakit naman? Ang hirap mag-commute ha. Hindi pa safe minsan." pakli ni Abby.
"Maiba lang. Hindi nyo ba naisip na kapag nasa Maynila tayong lahat, palagi na lang tayong mga may sasakyan. Dito habang nasa maikling bakasyon tayo, gawin naman natin ang mga hindi natin nakasanayang gawin katulad ng pagsakay sa public transpo." kibit-balikat na sagot ni Evans.
Nagustuhan ni Nina ang sinabi ni Evans. May tama naman ang lalaki, isa pa, nami-miss na rin naman nya ang sumakay sa jeepneys dahil simula nang makapagpundar sya ng sarili nyang sasakyan, hindi na sya nakasubok pang muli na mag-commute.
"Sige, payag ako." wika ni Nina.
Nakumbinse na rin ang iba kung kaya't nag-explore sila sa Baguio ng puro lakad at pagsakay sa public vehicles ang kanilang means of transportation.
Nang sumapit ang gabi, lahat sila ay pagod na mula sa pag-iikot sa Baguio idagdag pa na may mga bitbit na sila mula sa ilang pamilihang kanilang napuntahan.
Pabagsak silang naupo sa sala at lahat ay mababakas ang pagod sa kanilang mga mukha ngunit hindi rin maisasantabi ang saya at fulfillment sa kanila.
"Anong dinner natin ngayon?" maya-maya ay ungot ni Sid.
Hindi nila napigilan na hindi matawa sa sinabi ng lalaki. Napansin ni Nina at ng kanyang mga kaibigan na si Sid ang pinaka-mahilig kumain sa mga ito ngunit ito rin naman ang pinaka-payat.
"Gutom ka na naman, dude?" himig nang-aasar na tanong ni Mon.
"Nakakapagod naman ang mga ginawa natin ngayon ha!" sagot ni Sid.
"Busog pa ako." sagot ni Erika. Nag-inat ito ipinatong ang mga paa sa center table. "Inom na lang tayo! Ang lamig-lamig naman kasi!" palibhasa Ber Month na kaya may kalamigan na naman kapag gabi.
"Oo nga naman! Mabuti pa na mag-inom na lang tayo! Bumili na sina Jam kanina ng alak kanina." sabi ni Geline. Itinuro nito ang nasa sahig na paper bag. "Two bottles of Vodka. Gusto nyo ba beer?" tanong nito sa mga lalaki.
"Sana." sagot ni Denn.
Nagkasundo na bibili na muna ang mga lalaki ng alak sa labas at ang mga babae naman ay ang syang maghahanda ng pulutan nila.
Hindi naman nagtagal, nagsimula na naman ang kanilang drinking session bago pa man pumatak ang alas nuwebe ng gabi.