Kabanata 5

2850 Words
DAHIL maghapon na silang magkakasama, palagay na ang loob nila sa isa't-isa. Pumayag na rin ang lahat sa suggestion ni Bridgette na mag-game sila. Beer pong with a twist ang sinabi ni Bridgette na itatawag sa laro nila. The usual Beer pong game but instead of just drinking the entire content of the cup, may kondisyon na gagawin ang kalaban na iinom ng beer. They will do a consequence and they should do it or else, they have to drink two full cups of beer. Nagbunutan sila kung sino ang magkakampi at dahil 13 silang lahat, may isang hindi makakasali. "Ako na lang ang hindi sasali." wika ni Nina sa kanyang mga kasama. "Ano? Hindi pwede! Kailangan kasali ka!" pigil kaagad ni Bridgette. May makahulugang tingin itong ibinigay sa kanilang mga kasama na hindi naman napansin ni Nina. "Si Jam na lang daw ang hindi kasali. Don't worry, bro, sa'yo na ang isang bottle ng vodka." sabi ni Evans na nangingisi. Iniabot nito kay Jam ang isang bote ng Vodka na wala pang bawas. "Enjoy, dude." Natawa na lang ang lahat. "Oo naman, sige na. Kung hindi lang talaga ako sang-ayon sa gusto nyo." pagpayag ni Jam. Napakunot-noo naman si Nina dahil may hindi sya maintindihan sa tinutukoy ng binata. Ano ang ibig sabihin nito? Nagsimula ng ayusin ng mga lalaki ang isang lamesa upang doon habang sina Bridgette ay inayos naman ang mga alak. Ilang sandali pa, nagsimula na ang munting palaro na naisip ng kaibigan ni Nina. Nanatili lang nakaupo si Nina sa sofa at pinagmamasdan sina Geline at Chris na nakatayo sa gitna ng sala. "Sino mauuna?" tanong ni Chris. "Ladies first, I guess?" sagot naman ni Geline. Napaungol ng pagtutol ang mga kalalakihan na ikinangiti na lamang ni Nina at nang kanyang katabi na si Denn. "Fine, fine. Coin toss na lang! Arte naman kasi!" bugnot na sabi ni Geline. Dumukot ito sa bulsa ng kanyang tattered jeans at naglabas ng piso. "Tail for girls." "Okay. Give me a head then." nakakalokong sagot ni Chris na umani ng kantiyawan mula sa mga kalalakihan. Nanlaki ang mga mata ni Geline. "Ang bastos mo ha!" "What?" maang-maangan namang tanong ni Chris ngunit hindi maalis ang pagkakangisi. "Anong bastos doon?" "Ewan ko sayo. O, ikaw na ang mag-flip." sabay abot nito ng piso kay Chris. Inihagis ng lalaki sa ere ang coin at mabilis nitong sinalo at itinikom ang palad. "Give me a head, baby." nakatitig na wika nito kay Geline na ikinairap na naman ng dalaga. Napailing na napapangiti pa rin si Nina sa panonood sa dalawa. Sa buong maghapon na kasama nilang magkakaibigan ang mga kaibigan ni Denn, masaya naman silang lahat. Maghapon na nga lang din inaasar at pinipikon ni Chris si Geline. Ibinuka ni Chris ang kanyang palad at tumambad ang tail na ikinasigaw ni Geline. "Head huh." natatawang pang-aasar nito. "You can give me a head, Geline. I'd accept it though." ganting pang-aasar naman nito. Nagsitayuan na ang mga babae at pumuwesto sa isang side ng lamesa. Naunang kunin ni Geline ang maliit na bola. Nagkunwari pa itong sumisipat at maya-maya'y inihagis na din ito. Nai-shoot ni Geline ang bola kaya't naiiling na ininom ni Chris ang baso ng alak. Sumunod na ang ilang mga kaibigan ni Nina na mga kapwa nagtagumpay namang mai-buslo ang bola na ikinasimangot ng mga lalaking ka-partner nila. "Magagaling kayong mag-shoot ha. Mas magaling kaming mga lalaki." wika ni Mon. Nang turn na ni Nina, dahil sya ang pinaka-huli, pumuwesto na sya sa tabi ng mesa at ganoon din sa Denn sa kabilang side dahil sya ang kapartner ng babae. "Are you sure you can do it, Nina?" tila nang-iinis na tinabihan sya ni Byron. "Of course." naningkit ang mga mata ni Nina na sumipat. "As easy as 1 2 3." pagmamayabang pa nya. Inihagis nya ang bola ngunit sa hindi inaasang pagkakataon, imbis na mag-shoot ito ay sa gilid ng baso ito tumama at naitumba lamang nito ang baso. "Wohooo! 123 pala ha." ngisi ni Byron. "So what's your consequence?" tanong ni Erika na tatawa-tawa. "Tayo ang magbibigay ng gagawin nya." pagsalo naman ni Leslie. "And since Denn's your partner, he will be somehow involve with your dare, honey." wika ni Abby. Sinang-ayunan naman ng ibang mga lalaki ang sinabi ng mga babae. Napasulyap si Nina kay Denn at nagkibit-balikat na lamang ang binata na parang sinasabi na okay lang naman. "Sino magbibigay ng dare sa kanya?" tanong ni Jam na nakaupo lamang sa isang silya malapit sa bar area. "Ako na." humakbang palapit si Leslie sa gilid ng lamesa at may malawak na ngiti sa labi. "Dahil ako naman ang huling nag-shoot, ako na lang, okay? You can't say no Nina ha?" Nagkaroon man ng munting kaba si Nina dahil sa pagkakangiti ng kanyang mga kaibigan ngunit binalewala na lamang nya. Mga kaibigan naman nya ang mga ito at alam nyang hindi sya ipapahamak ng mga ito. "O-okay." nag-aalangang sagot ni Nina. "My dare, our dare for you is to sleep next to Denn tonight." simpleng sabi ni Leslie. Ilang sandaling napamaang si Nina sa narinig at hindi na nya napagtuunan ng pansin ang lalong nagka-ingayan na mga kasama nila. Muli syang napatingin kay Denn sa kabilang dulo ng lamesa at maging ito ay nakatitig lamang sa kanya at wala syang mabasa na kahit anong ekspresyon sa mukha nito. "Sleep?" pag-ulit ni Nina. "Yes, sleep, my darling." pagkumpirma ni Erika sa kanyang narinig. "Sleep lang naman. Bakit parang nagulat ka? Nasa inyo na ni Denn kung may gusto pa kayong gawin na iba." nanunudyong wika pa nito. Umani na naman ng halakhakan sa paligid ang tinuran ni Erika. "Oo nga naman! Ang sabi lang, sleep. No biggie." pagsulsol pa rin ni Abby. Kanya-kanya nang pang-aasar ang mga kalalakihan kay Denn na halos hindi na naintindihan ni Nina dahil sakop ng isipan nya kung papayag ba sya. May choice pa naman sya, 'yun ay ang inumin ang dalawang full shot ng alak ngunit ano nga ba ang masama kung matutulog sya katabi si Denn? Tulog lang naman tulad ng sabi ng kanyang mga kaibigan. At bago pa maisip ni Nina ang sinabi ay naibulalas na nya ang sagot. "Fine." na halatang ikinagulat ni Denn. "That's our Nina." natutuwang sigaw nina Leslie at Erika. Ilang sandali pa, nagpatuloy nang muli ang kanilang laro at turn na ng mga lalaki. Unang sumubok si Mon at napag-asar na kaagad sya dahil sa lasing na nga kaya't hindi nya nai-shoot ang bola. Ang pilyong dare sa kanya ng mga kapwa-lalaki nito ay ang halikan si Erika sa labi ng limang segundo lamang. Game namang pumayag si Erika. Lalong naging riot sa paligid nang gawaran nga ni Mon ng halik sa labi si Erika. "Are you sure okay lang?" tinabihan ni Denn si Nina sa pagkakaupo sa sofa. Tumango si Nina. "Oo naman." nakangiting pagbibigay nya ng assurance sa lalaki. "Ikaw okay ba sayo ang set-up mamaya?" "Yeah. Don't worry about me. I can sleep on the sofa. May sofa naman sa kwarto doon sa sinasabi nila na tutulugan natin." Tumango na lang si Nina. Hindi na sila nakatanggi ng abutan na naman sila ng panibagong alak ni Sid. "Inom naman kayo. Mamaya na ang chismisan." pang-aalaska nito. Natawa na lang sina Denn at Nina, tinanggap nila ang alak at sinimsim ni Nina. Napakunot-noo sya na iba ang malasahan sa alak. "Ano 'to?" tanong nya kay Denn. "Hindi ko rin alam. Malamang nag-mix na naman si Evans." kibit-balikat na sagot ni Denn. Lumipas ang mga oras na tanging sina Nina at Denn na lamang ang magka-usap. Hinayaan nila ang kanilang mga kaibigan sa pagkukulitan na lalo pang lumala habang lumalalim ang gabi, isabay pa na napaparami na rin ang inom nila. "It's bed time, kids!" ngising-aso na anunsyo ni Byron. Isa-isa nitong nilapitan ang mga nakasalampak na sa sahig na kanilang mga kasama at kinuha sa mga kamay ng mga ito ang baso at bote ng alak. "Maaga pa tayo bukas sa pagpunta ng Sagada." Umungol man ng pagtutol ang karamihan ngunit wala na rin silang nagawa dahil may punto naman sa sinabi nito si Byron. Alas otso ng umaga darating ang kinontrata nilang sasakyan na maghahatid sa kanila sa Sagada para sa kanilang pinaplanong pagliliwaliw doon. Iinot-inot ng tumayo si Nina at pilit na suportahan pa rin ng kanyang mga paa ang pagkakatayo. Hindi nya maisip kung masyado ba syang maraming nainom o talagang hard drink lang ang inihanda ni Evans. "Ooopsss. Where do you think you're going, lady?" pigil kay Nina ni Abby. Namumungay na ang mga mata ni Abby hudyat na lasing na nga ito. "Obviously, sa kwarto. Inaantok na ako, Abby." sagot ni Nina dito. "Doon ang silid mo for tonight, sweety." sabay turo ni Abby sa kabilang panig, opposite direction ng tatahakin sana ni Nina. "Remember the dare you accepted." Nina grunted and looked at Denn who's standing just next to them. "Fine, fine." sagot na lang ni Nina at ipiniksi na ang kamay ni Abby na pumipigil sa kanyang braso. Mabibigat ang hakbang na nagsimula nang tahakin ni Nina ang patungo sa silid na sinasabi ng kanilang mga kaibigan. Hindi na nya alintana ang mga panunukso ng mga ito nang marahil ay maalala na magsasama sila ni Denn sa iisang silid ngayong gabi. Nakasunod sa kanila ni Denn ang mga ito hanggang sa makapasok sila sa silid. Nag-iwas ng tingin si Nina kay Denn nang kapwa na sila nakatayo sa bungad ng pinto. Tumingin si Nina sa kanilang mga kaibigan na puro may mga ngiti sa kanilang mga labi. Hawak ni Bridgette ang seradura ng pinto. "Gigisingin na lang namin kayo bukas ha." may himig panunukso sa tono ng boses ni Chris. Itinaas pa nito ang kanyang isang kamay at iwinagayway. "Enjoy the dare, guys!" Isa-isa na silang nagpaalam kina Nina at Denn. Hindi na lamang inintindi pa ni Nina ang panunukso ng mga ito lalo na nang magsalita si Sid na ikinatawa ng mga ito. "Denn, ikaw na ang bahala kay Nina. be gentle." Inirapan lang ni Nina si Sid at nagmartsa na sya palayo sa mga ito. Pabagsak na syang naupo sa kama habang si Denn ay isinarado na ang pinto. "Ang baliw lang talaga nila." naiiling na wika ni Nina. "Hayaan mo na sila. Wala na naman tayong magagawa dahil kahit pa panigurado aasarin naman nila tayo bukas." naglakad si Denn patungo sa isang sofa na tinutukoy nito kanina. "Matulog ka na. Maaga pa tayo bukas." Tumango si Nina kahit pa hindi sya komportable sa atmosphere sa paligid. Never naman kasi syang napag-isa sa silid tulugan kasama ang isang lalaki na hindi nya karelasyon. Huminga na lamang ng malalim si Nina at inayos ang kama. Naging kaibigan na din naman nya si Denn kaya't palagay na rin naman syang wala itong gagawin sa kanya. "Sure ka ba na kasya ka dyan? Maluwag naman itong kama." wika ni Nina. Totoo naman na maluwag ang kamang ito at may tiwala naman sya kay Denn. "Hindi, okay na ako rito." sagot naman ng lalaki. Nalingunan ni Nina nang maghubad ito ng pang itaas nitong damit. "Hindi lang ako sanay matulog ng may pang-itaas." dugtong ni Denn na wari'y nanghihingi ng dispensa. "O-okay lang din." sagot ni Nina. Bahagyang tumalikod sa kanya si Denn upang isabit sa gilid ng kama ang t-shirt nito at may napansin ang babae. "May tattoo ka pala?" Muling humarap sa kanya si Denn at ngumiti. "Oo." simpleng sagot nito. Sa pagkakatitig ni Nina sa mukha ni Denn ay may emosyon syang napansin na hindi nakaligtas sa kanyang paningin. "They say there's a story behind every tattoo na ipinapalagay ng mga tao. Anong kwento nyang sa'yo?" tuluyan nang nahiga si Nina at nagkumot hanggang sa may leeg nya ngunit nanatili syang nakatingin sa kausap. Nahiga na rin si Denn sa sofa at bahagyang napakislot si Nina nang makipagtitigan si Denn sa kanya. Deretso sa kanyang mga mata ang pagkakatingin nito. "Gusto mo ba talagang malaman? Malungkot ang kwento." mahinang wika ni Denn. May ilang sandaling nag-alinlangan si Nina ngunit mas lumamang ang curiosity sa kanya. "K-kung pwede?" "Okay." bumangon muli si Denn at nagtaka si Nina nang lumapit ito sa kanya. "See this tats closely, Nina." Dahil nakainom si Ninai idagdag pa na naka-dim lang ang mga ilaw dito sa silid, hindi nya kaagad napansin kanina na babae pala ang nasa likuran ni Denn. May ilang sandaling tinitigan lang ni Nina ang itsura ng babaeng naka-tattoo sa likuran ni Denn. Biglang pumasok sa isip nya na marahil ito ay isa sa mga babaeng naging mahalaga sa binata. "Babae pala 'yan?" "Yup." sagot ni Denn. Humarap na ito kay Nina. "Upo ka na muna dito sa gilid ng kama." umusog ng bahagya si Nina upang magka-space si Denn sa pag-upo. "So ano ngang kwento nyan? Ex mo ba 'yan?" muling pag-uusisa ni Nina. "This is Venus, the Roman goddess of love and beauty." pagsisimula nito. "Pinalagay ko ito noon para sa ex-girlfriend kong si Venus Aliyah." Venus Aliyah? Naalala ni Nina ang tawag noong huling beses na magkasama sila ni Denn sa bahay nya. Si Aliyah. Ang babaeng sinabi ng lalaki na nakarelasyon nya for five years. "You loved her that much?" tanong ni Nina. Walang pagdadalawang-isip na sumagot naman si Denn. Isang deretsong sagot sa kanyang katanungan. "Yes. Nasabi ko yata 'yun sa'yo last time, hindi ba? No doubt about that. I loved her so much na naisip ko talaga na sya na ang babaeng gusto kong maging asawa sa future." ngumiti ng malungkot si Denn. Wala naman sa loob na naipatong ni Nina ang kanyang palad sa kamay ng binata. "I know. For you to end up with that, alam ko na totoong minahal mo sya. Anong nangyari sa inyo?" Nag-iwas ng tingin si Denn at itinuon sa pader ang paningin. "I found out she's seeing another man." wala man mahimigang bitterness si Nina sa boses ni Denn ngunit hindi naman maikakaila ang sakit dito. "I was lost when I found out. Kaya siguro palaging mainit ang ulo nya sakin, madalas naiinis sya sa'kin kahit wala akong ginagawang mali sa kanya. 'Yun pala ay may iba ng nagpapasaya sa kanya. Pakiramdam ko noon buong mundo na ang nanloko sa akin. I hate the world for letting me feel that kind of pain." sumulyap si Denn kay Nina at ngumiti. Isang malungkot na ngiti. Ilang sandaling katahimikan ang namayani sa kanilang pagitan hanggang si Denn na rin ang bumasag dito. "But then I realized na parte talaga ng pagmamahal ang masaktan. Kung hanggang doon na lang kami ni Aliyah, tinanggap ko na lang." "That's the right thing to do." nakangiting sang-ayon ni Nina. "Matagal ba kayo hindi ba?" Ang pagkaka-alala nya ay halos limang taon. "Almost five years." kibit-balikat na sagot ni Denn. "Marami ngang naghinayang sa'min lalo na sina Mama. Sya kasi ang longest relationship ko." "Okay na rin siguro na ngayon 'yan nangyari kaysa naman kapag kasal na kayo. Mas hassle naman kapag nagkataon diba? Mahal ang magpa-annul." Natawa si Denn. "Oo nga. Sabi ko na nga lang sa kanila, baka mas may karapat-dapat para sakin." kasabay ng mabagal na pagbigkas ni Denn sa kanyang mga huling salita ay ang muling pagtingin sa mga mata ni Nina. Hindi naman nag-iwas ng tingin si Nina at matapang na sinalubong ang mga titig ng binata. Ngayon, mas naiintindihan na ni Nina kung bakit tila may lungkot ang mga mata ni Denn. They are in the same boat. They both love the wrong person and ended up hurting. Ngunit alam ni Nina na pareho rin silang makakaahon ni Denn sa kinasasadlakan nilang sitwasyon or maybe, nakaahon na si Denn. At sya? Patungo na rin doon. Unti-unti na nyang nakakalimutan ang dati'y sobrang pagmamahal nya para kay Rhenz. A little more time and she can finally say na nakapag-move on na sya. Denn is right. Loving someone and being hurt are just normal when in a relationship. Paano nga ba ang magmahal na hindi ka masasaktan sa prosesong 'yun? Love hurts ika nga nila. Hindi na tuluyang umiwas si Nina nang dahan-dahang bumaba ang labi ni Denn sa kanyang mga labi. Wala syang makapang pagtutol sa kanyang kalooban. Ipinikit na lamang nya ang kanyang mga mata nang maramdamang tuluyan nang lumapat ang labi ng binata sa kanyang naghihintay na mga labi. Nalasahan ni Nina ang alak sa labi ni Denn ngunit hindi naging dahilan ito upang umiwas pa sya. Bagkus, parang lalo pa syang nakaramdam ng pananabik sa mga ito. Parang mas matamis pala ang alak kung manggagaling ito mismo sa mga labi ng binatang ito. At ilang sandali pa, kapwa na sila nadala ng sensasyong nabuhay sa kanilang pagitan. Animo may nagsaboy ng gasolina sa pagitan nila kung kaya't nag-alab ang ningas sa kanilang dalawa. Bumaba ang mga labi ng binata sa leeg ni Nina na naghatid ng kung ilang boltahe ng kuryente sa katauhan ng dalaga. Nagpadala na sya ng tuluyan sa nais ng binata at walang pagtanggi nang isa-isahin ng matanggal ang kanyang mga saplot sa katawan. Binalewala na lamang ni Nina ang isipin kung ano ang mangyayari sa kanila bukas ni Denn.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD