KABANATA - 6

3922 Words
SIMULA ng gabing 'yon, masasabi ni Nina na may nagbago na sa relasyon nila ni Denn. Mas naging maalaga na sa kanya ang lalaki, maya't-maya na sya nitong tinatawagan upang i-check lamang kung kamusta na sya o kung kumain na ba sya. Iniiwasan man nila pareho na mapag-usapan ang nangyari ng gabing 'yon ngunit ramdam nya ang pagbabago. Ayaw man ni Nina ngunit hindi na nya napigilan na hindi mahulog ang loob nya kay Denn. She know it might not be right but how can she hold on her feelings kung ganoon ka-asikaso sa kanya ang lalaki. Because of Denn, she totally forgot about her ex-boyfriend Rhenz. "Good night, Nina." kung ilang beses na yata sinabi ni Denn ang ganyang kataga ngunit hindi naman nito tinatapos ang kanilang pag-uusap. Natawa si Nina. "Ano ba? End this call. May duty ka pa." nangingiti nyang niyakap ang isang unan at inipit sa pagitan ng kanyang balikat at ulo ang cellphone. "Miss na kita eh." sagot naman ng lalaki na lalong ikinangiti ni Nina nang maluwag. Their relationship after their trip to Baguio may have been took a step forward ngunit hindi pa rin naman sila dumarating sa punto na nagsasabihan na ng I love you sa isa't-isa. Hinahayaan na rin naman ni Nina dahil para sa kanya ang mahalaga ay nagkakaintindihan na sila ni Denn. She doesn't want to complicate things between them by saying those words. For her, what matters the most is what they have and what they are now. Sa kabilang banda rin naman, oo nga at may nararamdaman na sya para kay Denn ngunit hindi pa nya alam kung handa na nga ba syang pumasok sa mas magulong relasyon. She's enjoying what they are now, 'yun ang mahalaga. At kahit hindi sabihin sa kanya ni Denn alam nyang nag-iingat na rin ang lalaki sa pagpasok sa ganoong relasyon. He was hurt and so is her. They were in a place where they were avoiding of being hurt that much again. Madali ang magmahal ng buo ngunit hindi madaling damputin ang sarili kapag nagkabasag-basag na naman ito dulot ng sakit na mararanasan mo. Natutunan na lang nilang hindi na dapat pang madaliin ang bagay-bagay dahil ika nga, kung ito'y ukol, ito'y bubukol. She may be thinking negatively but she's also aware of not expecting too much. Too much expectation itself may cause hurt and disappointments. Ika nga, just savor the moment. Hindi na naman sila mga bata pa, idagdag pa na nasa isang panahon na sila kung saan ang label ay hindi na ganoon ka-importante. Sa panahon ngayon, mas kailangan mong bigyan ng importansya ang kasiyahan mo. She may be thinking nonsense, pero natutunan na lang rin nyang sumabay na lang sa agos. Aanhin ba nya ang label at kung ano-anong rainbows, unicorns, and sprinkles sa pagitan nila kung magiging komplikado naman ang kung anong meron sila. She'd still prefer this than anything else. "See you tomorrow." sagot na lang ni Nina. "Sige na, get back to work. Baka mapagalitan ka na dyan." Napabuntong-hininga si Denn mula sa kabilang linya. "Damn this shift." he grunted from the other end of the line. "Pinaka-ayoko talaga ay ang graveyard shift. I miss holding you in my arm until we both fell asleep. Dapat katabi kita ngayon at sinusuklay ko ng mga daliri ko ang mahaba mong buhok." "We'll see each other tomorrow." napasulyap si Nina sa orasan na nasa tabi ng kanyang kama. "I mean later. Its already 1AM, Denn. Let me sleep. Maaga pa ako mamaya." Muling napahinga ng malalim ang lalaki. "Fine. Sunduin kita mamaya sa opisina mo. Good night, baby. Dream of me." at nawala na ito sa kabilang linya. Inilayo na ni Nina ang aparato sa kanyang tainga at muli nang pumikit. Nami-miss rin nyang katabi sa pagtulog si Denn. Since that incident sa Baguio, madalas nang magkasama sila sa gabi ni Denn. They will usually sleep here in her house or in his kapag wala syang maagang appointment kinabukasan dahil may kalayuan sa opisina nya ang bahay ng lalaki kumpara sa bahay nya. Nasasanay na syang kayakap ito habang sinusuklay ng mga daliri ng lalaki ang kanyang buhok hanggang sa makatulog sya. Nasanay na rin syang ito ang unang taong makikita nya oras na imulat nya ang kanyang mga mata kinabukasan. Wala naman silang magagawa dahil kasama sa trabaho ni Denn ang magpanggabi bilang nurse sa isang private hospital doon sa bayan nina Denn. Ang tanging magagawa na lamang nila ay ang sulitin ang bawat oras at pagkakataon na mapupunta sa day shift ang binata. It's been almost three months simula nang manggaling sila nina Denn sa Baguio. Ganito na rin katagal ang set-up nilang dalawa. Natutuwa man ang kani-kanilang mga kaibigan sa developments dahil ganito daw talaga ang gusto nilang mangyari, ang magkalapit pa sila lalo ni Denn. Kilig na kilig ang mga kaibigan ni Nina dahil bagay na bagay raw sila ni Denn sa isa't-isa at nakikita nilang swak rin ang ugali nilang dalawa. Kinabukasan, hindi pa man pumapatak ang alas singko ng hapon ay nakapag-retouch na sya ng kanyang makeup. 30 minutes ago ay nag-text na sa kanya si Denn at sinabi nitong on the way na sya sa opisina ni Nina. Muli syang bumalik sa kanyang powder room at binistahang maigi ang kanyang itsura. Naka-bestida lamang sya na humahakab sa bawat kurbada ng kanyang katawan at umaabot lamang sa gitna ng kanyang mga hita ang haba nito, tinernuhan nya lang rin ito ng sapatos na may tatlong pulgada ang taas na gawa mismo ng kanyang kumpanya. Sinipat nyang maigi ang kanyang manipis na makeup at marahang pinasadahan ng kanyang mga daliri ang alon-alon nyang buhok. Tipid syang napangiti dahil sa kanyang ikinikilos. Kung maka-arte sya akala mo isa pa lamang syang high schooler na unang beses lamang niyayang lumabas ng kanyang crush. Ayaw lamang naman nyang may masabi si Denn sa kanyang itsura. Sigurado kasing sa pagsundo sa kanya ng lalaki, fresh na fresh ito dahil galing ito sa bahay habang sya ay maghapon ng nasa opisina dahil inaayos nya ang ilalabas na nilang summer collection ng kanyang mga sapatos. Nang makontento na sa repleksyon nya sa salamin ay nagpasya na syang bumaba na sa may entrance ng opisina nya. Doon na lamang nya hihintayin si Denn upang hindi na din kailanganin pa ng lalaki na umakyat sa 5th floor kung nasaan ang kanyang private office. Bawat empleyadong kanyang makasalubong ay kanyang nginingitian at ginagantihan ang bawat pagbati ng mga ito. Kailanman ay hindi nya nasungitan ang mga ito dahil ika nga, hindi naman mapapalago ang isang kumpanya kung sya lamang mag-isa ang magpapatakbo nito. Kailangan din nyang pahalagahan ang kanyang mga manggagawa at mga nasasakupan. Hindi magiging posible na makilala ang Nina's shoes kung hindi rin dahil sa tulong ng mga ito. "Going up, Ma'am Nina?" tanong ng lift man pagpasok nya ng elevator. "Sa ground floor ako, Allan." nakangiti nyang sagot. Tinanguan nya at nginitian rin ang ilang empleyado na narito sa loob ng elevator. Ilan sa mga ito ay kanyang mismong mga tauhan at ang iba naman ay empleyado sa ibang kumpanya na narito sa building na ito. Hindi pa solo ng Nina's ang Evanzueda Building na kinalalagyan ng kanyang main office. Sa buong 30th floor nito, apat na palapag lamang ang para sa Nina's. Nasa 5th floor ang kanyang opisina at opisina ng ilang may mataas rin na posisyon sa kumpanya habang ang 6th-8th floors ay naroon ay para sa kanyang team and employees. Ang conference room nila, show room, accounting, marketing, at sales ay nasa tatlong palapag na nabanggit. Ang production naman ay nasa isang lugar sa may bandang Quezon City. Kung iisipin nga ni Nina, hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makapaniwala na naging successful ang venture nya sa pagsasapatos. Hindi nya akalain na ang simpleng pagkahilig nya sa mga sapatos noong bata pa sya at ang hilig sa pagguhit ang syang magdadala sa kanya sa tagumpay. Napapaluha nga sya kung minsan kapag nasa production area sya ng Nina's dahil doon nakikita nyang nahuhulma at nabibigyang buhay ang kanyang mga iginuhit. Hindi man naging madali sa kanya ang daan na tinahak ng Nina's para marating ang kanyang kinalalagyan ngayon ngunit nagpapasalamat na lamang sya sa kanyang tiyahin na tumulong sa kanya noong nagsisimula pa lang sya. Ito ang nagpahiram sa kanya ng kapital at nagtiwala sa kanyang kakayahan. Sa sobrang laki ng pasasalamat nya, inalok nya ang tiyahin noong gumaganda na ang takbo ng negosyo nya na ilalagay nyang business partner ang tiyahin. Ngunit ito na rin ang tumanggi sa alok ni Nina dahil sapat na raw ang makita na umasenso at nagtagumpay si Nina sa pinasok nyang larangan. Naalala pa nga nya ang sinabi nito noon. "Hindi ko na kailangan ng partnership, Nina. I know you deserve the achievement Nina's had gotten. Afte all the hardwork, finally, heto na ang pangarap mo. Makita ko lang na masaya ka at tagumpay ka, masaya na rin ako. Alam mo naman na parang anak na rin ang turing ko sa'yo noon pa man na umalis ka sa poder ng nanay mo at ng asawa nya. Ikaw na ang nagsilbing bunsong anak ko." Kaya laking pasasalamat nya sa tiyahin nya at sa pamilya nito dahil kailanman ay hindi nga nya naramdaman na hindi sya kapamilya ng mga ito. Kaya ang next target naman nya para sa Nina's ay ang mapasok ang market ng mga pangunahing bansa rito sa Asya at ang magkaroon ng solong building ang kumpanya nya. Nawa'y matupad nya ito sa darating na panahon. Bumalik sa kasalukuyan ang diwa nya nang marinig na tumunog na ang elevator hudyat na nasa pinaka-ibaba na sila ng building. Pagbukas ng pinto, agad nyang namataan si Denn na naghihintay na. Nakaupo ang lalaki sa waiting lounge at agad na ngumiti ng malawak nang mapansin syang umibis sa elevator. Mabilis itong nakatayo at sinalubong sya nga halik sa labi. Hindi na nito alintana ang ilang empleyado ng Nina's at ilan mula sa ibang kumpanya sa building na ito na napatingin sa kanilang direksyon. May ilan na napangiti sa kanila at may ilang kababaihan naman na bumakas ang kilig at inggit sa kanilang mga mukha. Sino nga ba naman ang hindi kikiligin kung ganito ka-gwapo at ka-bango ang hahalik sa kanya, hindi ba? Kung ang miron nga sa paligid ay kinikilig, sya pa ba naman ang hindi? "Kanina ka pa ba?" tanong nya sa lalaki matapos hawakan ni Denn ang isang palad nya at sabay na silang humakbang palabas ng gusaling ito upang tumungo sa parking area. "Hindi naman. Halos kauupo ko lang doon." sagot nito na mabilis na sumulyap kay Nina. "How was your day?" "Tiring but exciting. In a few days, ire-release na namin ang bagong collection ng Nina's." sagot nya naman. "That's good to know. I've seen the designs and honestly, they are all good. Hindi pahuhuli sa ibang shoe line sa bansa or even international brands. Pang world class na nga talaga ang Nina's." sabi ni Denn kasabay ng pagpisil sa kanyang palad. "How about you? Ang shift mo kagabi?" "Okay naman. Ganun pa rin. Check ng patients every 30 minutes to one hour. Nakaka-antok nga. Hindi talaga ako masanay sa night shift." "Hayaan mo na. Off mo naman ngayon, hindi ba? Sa isang araw pa ulit ang balik mo doon. Graveyard pa rin ba?" "Thank God, hindi na. Day na ulit ang shift ko. 6 A.M. na ulit ang start." hindi nakaligtas sa paningin ni Nina ang biglang pag-iba ng ekspresyon ng mukha ni Denn. "Bakit?" hindi nya napigilan itanong. Kunot-noo namang tumingin sa kanya ang lalaki ngunit hindi sumagot. Instead, binuksan na nito ang pintuan ng passenger's side at inalalayan si Nina na makalulan. Nang makapag-settle na rin si Denn sa driver's seat ay kapwa pa rin sila tahimik. May ilang segundo na pasulyap-sulyap lamang si Nina sa katabi habang ang lalaki naman ay nakatingin lamang ng tuwid sa harapan nila na animo'y may malalim na iniisip. "Denn?" pukaw nya sa atensyon nito. May kung ilang segundo pa nang mapakurap si Denn at napatingin kay Nina. "May problema ba?" Hindi sumagot ito ngunit dumukwang ito sa may dashboard at dinampot ang isang long brown envelope. Inabot nya ito kay Nina. Hindi naman malaman ni Nina ngunit nakaramdam sya ng kaba. Seryoso si Denn at tahimik pa. Ano ang posibleng laman ng envelope na ito? "Approved na ang application ko mag-masteral sa University of Pennsylvania." "Masteral?" hindi sya aware na may application pala ito. Nakumpirma naman ang sinabi ni Denn nang basahin ni Nina ang laman ng inabot nito sa kanya. Isang print-out ng response ng University of Pennsylvania na nagsasabing approved ang application ni Denn at kasabay nito ang subjects and units na kakailanganin sa course na ima-master nya. Binuklat-buklat pa nya ang ilang pahina at pahapyaw na binasa ang bawat isa. Nandoon ang ibang impormasyon katulad ng fees at iba pang mga bagay na kakailanganin malaman ng mga magiging estudyante doon. Wala sa loob na naibaba ni Nina sa kanyang kandungan ang mga hawak. Nagsalimbayan na sa kanyang isip ang samu't-saring mga tanong. Sa daming tumatakbong tanong sa isipan nya, hindi na nya malaman kung alin ang uunahing itanong sa lalaki. Isabay pa ang lungkot, pagkagulat, at pagtatampo dahil sa nalaman. Ngunit kasabay ng mga tanong sa isipan nya, may isa pang katotohanan nais isampal sa kanya ang sitwasyon na ito. Ano nga ba ang karapatan nya magtampo kung wala naman sinabi sa kanya si Denn ukol sa bagay na ito? Wala nga pala kasi kaming relasyon. Mas malabo pa sa tubig-kanal ang estado ng relasyon namin. Sino at ano nga ba ako sa buhay nya? Napatango si Nina. At sa wakas, nahanap na rin nya ang kanyang tinig. "C-congrats." walang bakas ng kasiyahan ang kanyang boses. "Hindi ko na inaasahan ang application ko na 'yan sa UPENN." mahinang sabi ni Denn. Napatango-tango na lang muli si Nina at tumanaw sa labas ng sasakyan. "Kailan ang alis mo nyan?" "Nag-usap na kami ng parents ko kagabi bago ako pumasok sa shift ko. Kahapon ko lang kasi nabasa 'yang email nila. Kakailanganin ko na rin pumunta doon sa susunod na buwan dahil kailangan ko pa rin maghanap ng part time job. Hindi kasi kakayanin kung lahat ng gastos ko doon ay sa savings ko kukunin. Masyadong malaking gastusin din naman ang kakailanganin doon. Isa pa, nakita mo naman ang mga subjects ko. Halos kalahating araw lang din naman ang magiging pasok ko siguro nyan. Doon naman ako sa kapatid ko titira kasama ang pamilya nya." Hindi na nakapag-salita si Nina nang marinig ang mga sinabi ni Denn. Planadong-planado na pala ang lahat. Ano pa nga ba naman ang masasabi pa ni Nina? Hindi rin naman ganoon kalakas ang loob nya upang isatinig ang tanong nya na paano na sila. This was his plans even before she came. Ayaw na nyang masira pa ang mga ito. It's for his future anyway. "S-so, when can we have your despedida party, Denn?" ngumiti sya ng pilit sa lalaki at pilit itinago ang lungkot na nararamdaman. She shouldbe happy for him. 'Yan lang ang dapat isipin ni Nina. Bumakas naman ang gulat sa mukha ni Denn dahil sa tinuran ni Nina at napangiti ng mapait. "Ganyan ka ba ka-excited na umalis ako, Nina?" ganoon rin kapait ang tinig nito nang magsalita. Hindi na nagsalita si Nina dahil mas abala sya sa pag-iisip kung paano na sya kapag umalis na si Denn? His departure will be their end. There wasn't even an 'US' to start with, Nina Caroline. mapait na naisip nya. Oo nga pala. Masyado kasi syang nakampante sa tatlong buwan na kasa-kasama nya si Denn to the point na sa sobrang pagka-kampante nya, hindi na nya naisipan itanong kung ano nga ba sila. They do what couples usually do. They kiss, they make love, they always sleep next to each other, but really, ano nga ba sila? Walang may alam. Walang makapag-sabi. "Ihatid mo na lang ako sa bahay, Denn. Biglang sumakit ang ulo ko." sabi na lang ni Nina pagka-kuwan. Walang imik na nag-start na ng makina si Denn at minaniobra palabas ang sasakyan. LUMIPAS ang ilang araw na iniwasan ni Nina ang makipag kita kay Denn. Simula noong araw na huli nyang nakasama ang lalaki, 'yun na din ang huling araw na nagkita sila. Matapos syang ihatid ni Denn sa bahay, pinigilan nya ang lalaki na sumama hanggang sa loob ng kanyang bahay, bagay na hindi nakasanayan nito. Nasanay na kasi si Denn na sa bahay nya nagpapalipas ng gabi. Idinahilan na lamang nya na matindi ang sakit ng ulo nya, na bumalik na naman ang migraine nya, at nais nya sanang mapag-isa. Isang malamig na halik na lang din sa pisngi ang iginawad nya kay Denn bago tahimik na bumaba ng sasakyan nito. Pagpasok nya sa bahay nang gabing iyon, doon nya hinayaang maglandas ang luha sa magkabila nyang pisngi. Ni isa sa mga tanong na tumatakbo kanina sa isipan nya habang kasama nya ang lalaki ay wala namang nasagot kahit isa sa mga iyon. Paano nga ba mabibigyan ng kasagutan kung kahit sarili nya, hindi nya alam kung ano ang mga katanungang iyon? "Ma'am Nina, nasa waiting area po si Miss Geline." Napukaw ang atensyon nya nang sumungaw ang ulo ng sekretarya nya upang ipaalam ang presensya ng kaibigan nya. "Papasukin ko na po ba?" "Sige." Sagot nya. Kasabay ng pag-iwas nya sa phone calls ni Denn ay iniwasan nya rin ang tawag ng mga kaibigan nya. Pero siguro ito na ang oras para kaharapin ko ang isa sa kanila. Halos dalawang linggo na rin naman ang nakalilipas. Hindi naglipat-sandali ay bumukas muli ang pinto at iniluwa na nito ang kaibigan nya. "Nina Caroline!" Himig-naninita na naman ang tono ni Geline. Kibit-balikat ang sagot nya dito. "Ano at naligaw ka, Geline?" "Bruha ka! Birthday ngayon ni Abby! May dinner party sya sa atin mamaya! Game ka ba?" Naupo ito sa kanyang harapan. "Ano na naman ba ang nangyayari sayo at hibernate mode ka na naman yata?" "Busy lang ako." Pagsisinungaling nya. Nag-iwas sya ng tingin at dinampot ang isang litrato. "Inilabas na kasi last week ang latest collection ng Nina's kaya abala ako ngayon." Inirapan ni Geline si Nina at sumandal sa upuan. "Pero sana ngayon hindi ka busy para sa kaibigan natin, Nina." Binigyang-diin pa ni Geline ang salitang kaibigan. "Oo pupunta ako. Anong oras ba at saan? Sa bahay nya ba ulit?" "Hindi. Para maiba naman daw. Yearly na kasi na palaging sa bahay nya ginaganap ang party na 'yan para sa atin. This time, sa labas naman daw. Sa Gracies' Hotel, alam mo ba 'yon?" "Gracies? Parteng Tagaytay na 'yun a?" gulat na pahayag nya. Minsan na kaming nakakain doon magkakaibigan nang mag-outing sila sa Batangas at naisipan na dumaan ng Tagaytay upang maghapunan. Napalabi si Geline. "Doon nya gusto eh. Pagbigyan ang birthday girl." Napatango na lamang sya. Ilang sandali pa silang nag-usap ni Geline bago ito nagpaalam dahil may meeting pa raw itong kailangang puntahan bago magtungo sa Tagaytay mamaya. "Magkita-kita na lang tayo mamaya doon ha? Hindi na kita masasabayan dahil sa Alabang pa rin naman ang meeting ko. Bye, Nina." Kumaway pa ito bago tuluyang lumabas ng silid nya. Kinuha nya ang kanyang cellphone na nakapatong sa lamesa at nagtext sa iba nilang kaibigan. Tinatanong nya kung anong oras sila pupunta at kung pwede ay sasabay na lamang sya sa mga ito. Tanging sina Erika lamang ang sumagot sa text nya at sinabing nasa Laguna na din sya for a site visit sa kumpanya nila. Lumipas ang ilang oras at natigil lamang syang mag-trabaho ng pumatak ang alas singko ng hapon. Dadaan pa sya sa mall upang ibili ng regalo si Abby, bago magtungo sa dinner party nito. Taon-taon ay kaming mga best friends nya ang kasama nya tuwing kaarawan nya. Nagse-set talaga sya ng isang gabi upang makasama kami lima. Matapos makabili ng regalo ay bumiyahe na sya patungong Tagaytay. Inabot din ng mahigit dalawang oras ang biyahe nya, saktong alas nuwebe na ng gabi nang maiparada nya ang kotse sa harapan ng Gracies'. Tiningnan nya ang kanyang cellphone na kanina pa tumutunog dahil sa texts and missed calls. Hindi nga lamang nya masagot ang mga ito dahil nagmamaneho sya kanina. Idagdag pa na nakalimutan naman nya dalhin ang wireless headset nya. Binuksan ni Nina ang mga mensahenh dumating at puro galing lamang sa kanyang mga kaibigan. Puro pagtatanong kung nasaan na ba sya at ang isang text ni Abby ang nakakuha ng atensyon nya "Nina, sa back garden ang party ha? Just go to the front desk and give them your name. See you and missing you!" Napangiti sya. Bumaba na sya sa kotse bitbit ang handbag nya at ang regalo para kay Abby. Katulad ng instruction ng kaibigan, sa front desk sya nagpunta upang ibigay ang pangalan at ituro sa kanya kung nasaan ang party. "Hi, ma'am! Good evening!" Bati ng babaeng nakatalagang front desk officer. "Oh, hello. I'm Nina Caroline Valencia. My friend is having her party at the back garden. Can someone show me where it is?" Pakiusap nya. Lalong lumuwag ang ngiti ng babaeng kausap. "Of course, ma'am Nina." saglit itong tumalikod at may tinawagan. "Robert, front area please." Ilang segundo ang lumipas at may lumapit na lalaki sa amin. Mukhang dito rin sa hotel na ito nagta-trabaho. "Good evening, ma'am." Bahagyang yumukod ang lalaki sa direksyon ni Nina. "Robert, pakisamahan si Miss Nina sa back garden." "This way, ma'am." Nagmuwestra pa ang lalaki sa bandang kanan namin at pinauna ako maglakad. "Malayo ba dito ang garden, Robert?" tanong ni Nina habang binabagtas nila ang daan palabas nitong hotel. "Hindi po, ma'am. Sapat lang po para may privacy ang ookupa sa back garden. May pavillion hall po kasi doon, usually private gatherings." "May mga tao na ba doon? Mga kaibigan ko nandoon na ba?" tanong pa nya. "Ah, hindi ko lang po alam, ma'am. Iba po kasi ang in-charge doon. Sila lang po ang talagang makakapasok sa loob nun." Nagpatango-tango na lamang ako at tahimik na kaming naglakad. Ilang sandali pa, tumigil na si Robert sa isang nakasaradong pinto. Isang may kalakihan ngunit magandang pagkakagawan sa kahoy na pintuang ito. "Dito ba sa loob?" tanong ko. "Yes, ma'am. Pasok na po kayo." binuksan ni Robert ang pinto. Nagpasalamat ako at humakban na papasok. Isa palang indoor garden itong tinutukoy nila. Aba sosyalin yata si Abby ngayon. Samantalang dati sa bahay lang nya karaniwan ang birthday party nya para sa'min na mga kaibigan nya. Mula rito sa kinatatayuan ni Nina, ay napagtanto nya na may kalakihan pala ang venue na ito. Wala naman nabanggit kanina si Giselle na ganito pala. Ang ine-expect lang nya ay simpleng dinner lang para sa kanila. Nagsimula na humakbang si Nina. Binaybay nya ang pathwalk na naliligiran ng mga halaman ang magkabilang gilid. Bakita parang wala namang tao? Dito ba talaga? Baka naman nagpalit ng venue si Abby? Dahil narito na din naman sya, nagpatuloy na lang sa paglalakad si Nina nang magulat sya sa pagtunog ng isang kanta. Mahilig sya sa mga kanta ni Adele kung kaya't pamilyar sya sa kantang ito. Teka, parang hindi naman yata bagay sa isang birthday party ang Make You Feel My Love na kantang ito ni Adele. Napatigil si Nina sa paghakbang nang marating ang dulo ng pathwalk. Sa pamamagitan ng dim na mga ilaw, nakita nya ang isang lalaki na nakatayo sa gitna ngunit nakatalikod sa direksyon nya. Hindi naging dahilan ang may kadilimang mga ilaw para hindi nya makilala ang lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD