FIFTEEN

1846 Words
Gabi's POV Kasalukuyan akong nag da-drive ngayon papunta sa office kasama ko si Jared anak ni Cess. Nakiusap kasi si Cess na ako muna ang magdala kay Jared sa doctor. Nagka emergency kasi sa office niya at kailangan na kailangan siya. Yung yaya naman umuwi sakanila.  Yung family niya naman katulad ko nasa Cebu din. Hindi naman maiwan ni Cess ang manila kasi andito na ang buhay niya. May sarili na rin siyang bussiness dito.  Tinext ko naman si Mam Nadz, na hindi ako makakapasok kasi kailangan ko dalhin si Jared sa hospital. Baka mamayang hapon pa ako makakapasok. Ang sabi naman niya okay lang daw, naiintindihan niya. Wag na nga daw ako pumasok mamayang hapon eh baka daw mapagod pa ako. Ang sabi ko naman okay lang, pero nag pumilit siya. Kaya nag decide na lang siya na dumaan muna ako sa office may ibibigay daw siya sakin at idaan ko sa dun sa souvenir shop. Kaya eto papunta na kami ngayon sa office.  Habang nasa byahe hindi ako na bored dahil sa sobrang daldal ni Jared. "Ninang ninang san tayo punta? Sa sm?" Natawa naman ako sa sinabi niya.  Masyado ata namin na spoiled ni Iya si Jared kaya laging gusto nasa mall.  "No baby, pupunta tayo sa doctor" I said.  "Hala tuturok naman ako ng doctor"  "Don't worry baby, kasama mo naman si Ninang eh" Sabi ko sakanya.  Jared is a smart kid. 4 years old palang toh pero ang dami ng alam. Napaka daldal. Masyadong curios sa lahat ng bahay. Kahit kinder palang. Englishero nga tong batang toh eh. Pano ba naman kasi nung wala pang pasok walang ibang ginawa kung hindi manood sa youtube. Pero sobrang tamad mag aral jusko. Ang sabi naman ng teacher normal lang daw yun kasi lalaki. "Ninang why are we here? Di naman toh hospital ah"  Jared said. "Baby, office toh ni Ninang. May kukunin lang ako okay? Tas pupunta na tayo sa hospital" He just nodded.  Bumaba na kami at pumasok sa office. Ang dami naman na kyutan sakanya yung iba kilala na siya kasi pumunta na siya dito dati. Kahit si Tita Nadz.  Pag pasok namin nakita ko si Tita Nadz at si Hayme na magkausap. Tumigil sila ng makita kami ni Jared.  "Oh, Gabi andiyan na pala kayo. Hi Jared!" Tita Nadz said then lumapit siya samin.  Tinignan naman siya mabuti ni Jared na para bang kinikilala niya. Nung nakilala na siya ni Jared agad na niyakap siya si Tita Nadz.  "Tita Nads!" Jared said. Tuwang tuwa naman silang dalawa.  Napatingin naman ako kay Hayme, ang sama ng tingin niya sakin.  "Akala ko ba walang aabsent? Eh anong gingawa mo ngayon?" Masungit na sabi ni Hayme sakin.  "Kailangan kong samahan sj Jared sa hospital. " Tipid kong sagot.  "Eh bakit ikaw? Asan ba ang nanay niyan?"  "May emergency nga kasi si Cess" Pinipigilan ko lang ang sarili ko magalit sakanya dahil andito si Jaredz  "Asan naman ang tat- Aray!" Bago pa masabi ni Hayme ang word na 'tatay' kinurot ko siya ng palihim.  "Oh may masakit ba sayo? Halika gamutin natin sa labas" Sabi ko sakanya at hinila siya sa labas.  "Why the hell did you do that?!" Sigaw niya sakin.  "Wag na wag mo babanggitin ang word na tatay sa harap niya!"  "Bakit naman?" "Isn't obvious? Single parent si Cess. Iniwan siya nung lalaki. As much as possible hindi namin pinag uusapan sa harap ng bata yun. Nag hahanap siya pero lagi namin iniiba ang usapan. " Explain ko sakanya.  "Okay. I'm sorry" He said.  "Okay lang. Sige alis na kami" Bago ako makapasok sa loob ng office ni Tita Nadz hinawakan niya ang braso ko.  "Sasama ako sainyo" Nagulat ako sa sinabi niya.  "No need"  "Pag sinabi kong sasama ako sasama ako. Para after ng check up pupunta tayo ng flower shop" He said.  "Pero pano si Sophia?"  "Umalis na siya, kaya tayo na lang.Sumunod na kayo ni Jared sasakyan ko. Ipapauwi ko na lang sa driver" Pagkasabi niya nun umalis na.  Tss. Napaka bossy talaga! Di man lang tinanong kung payag ako o hindi. Mukang wala rin naman akong choice.  Kinuha ko na lang si Jared at nag paalam kami kay Tita Nadz. Kinuha ko muna ang gamit namin nj Jared sa car ko.  "Ninang bat dito tayo sakay?" Tanong ni Jared na nasa back seat ngayon.  "Eh kasi sasamahan tayo ni Tito Hayme sa hospital" Sagot ko.  "Talaga? Eh bat ang sungit niya" Gusto kong tumawa sa sinabi ni Jared pero pinigilan ko lang.  "Kanina lang yun. Sorry ha. Mabait naman ang tito Hayme eh" Hayme said.  "Kilala mo ba si batman?" Tanong ni Jared sakanya.  "Oo naman!" Biglang nag ningning ang mga mata ni Jared.  Kaya ayun buong byahe pinag usapan lang nila si Batman. Nang makarating kami sa hospital agad kaming dumiretso sa may clinic ng doctor ni Jared. Habang nag hihintay, walang ibang ginawa yung dalawa kung di mag selfie at maglaro ng games. "Grabe ang cute nilang tignan!" "Oo nga pero di nila kamuka yung bata" "Baka ampon?" "Pero okay lang, bagay sila at ang cute nilang tignan!" Narining kong tsismis ng mga babae. Tss. "Jared Eli Marasigan?" Tawag ng nurse. Kaya agad kaming tumayo. Si Hayme naman karga si Jared. Pag bukas ko ng pinto nagulat ako sa nakita ko. "Gabi?" Gulat niyang tanong. Napatingin naman agad siya kay Jared. Si Hayme naman nag tataka. "Asan si doc pogi?" Tanong ni Jared. Doc pogi kasi ang tawag niya sa pediatrician niya. "Si Doc Sarte po kasi busy kaya yung resident doctor niya po muna na si Doc Sy." Sabi nung secretary.  I just nodded then umupo na kami. "I didn't know na may asawa at anak ka na" He said. "Andito kami para mag pa check up hindi makipag kwentuhan" I said. I don't care kung magalit siya. Mas galit ako sakanya for leaving Cess and Jared. Siya lang naman ang napaka gagong naka buntis sa kaibigan ko. "So. Um. Jared Eli....Marasigan" Nung sinabi niya yung last name ni Jared alam kong alam na niya kung kanino si Jared. Nag tanong na lang siya ng iba pa. Kung ilang beses na lang sinusumpong si Jared at kung ano ano pa. After nun pinaupo na niya si si Jared sa may bed para bakunahan.  "Tito, Ninag, ayaw ko po gusto ko kay doc pogi lang" Iyak ni Jared. Nakayakap parin siya kay Hayme ngayon.  Napatingin ako kay Mark. Parang nasasaktan siya sa pag ayaw ng anak niya sakanya. Tss mas masakit pa diyan ang naranasan nila Cess.  "Jared, okay lang yan. Wala kasi si ngayon si Doc pogi. Pero andito naman si Tito hayme eh" Nung sinabi ni Hayme, ewan ko ba may iba akong naramdaman. Pumayag na rin si Jared at nag pabakuna na.  After nun, umalis na kami. Hinaayan na lang kami ni Mark umalis, tss diyan yan magaling mang iwan.  "Ninang asan lollipop ko?" Tanong ni Jared.  "Puntahan mo muna si Ate Laine tas huminga ka" Sabi ko sakanya. Tuwang tuwa naman siyang  pumasok naman siya sa loob ng clinic.  "Sino yun?" Tanong agad ni Hayme.  "Jared's father" Tipid kong sagot. Halatang nagulat naman siya. Hindi na siya nakapag salita kasi lumabas na ng clinic si Jared. Bumalik na lang ulit kami  sa sasakyan.  "Jared san mo gustong pumunta?" Nagulat ako ng biglang nag tanong si Hayme.  "Gusto ko po watch finding dory!" Masayang sabi ni Jared.  "Pero pupunta pa tayo ng flower shop diba?" I said.  "It's okay" Hayme said then smiled. Ayan nanaman,may  kakakaiba nanaman akong nararamdaman. "Tito bat wala akong daddy?" Parehas kaming natigilan ni Hayme. Hindi ko alam ang sasabihin.  "Ganito na lang Jared, mag lalaro tayo ng bahay bahayan"  "Bahay bahayan?" Pati ako nag tataka sa pinag sasabi ni Hayme.  "Yes, I will be your dad and you're ninang Gabi, will be your Mom" Nagulat ako sa sinabi ni Hayme kaya binatukan ko siya.  "Hala Mommy bat mo ginawa yun kay Daddy?" Anong Mommy at Daddy?! "Don't worry baby lambing lang yun ni Mommy kay Daddy" Sinamaan ko naman siya ng tingin.  "Makisakay ka na lang. Para naman toh kay Jared eh. " Bulong niya sakin. Hinayaan ko na lang siya, kasi nga para kay Jared.  Nang makarating kami sa malapit na mall, agad kaming dumiretso sa sinehan at nanood ng Finding Dory. Tuwang tuwa naman si Jared. Habang nanonood hindi ko maiwasan na mapatingin kay Hayme.  Pag tumatawa siya, bumibilis ang t***k ng puso ko. Ito ang kinakatakutan kong mangyari. Diba lalayo na ako? Eh ano tong ginagawa ko? After namin manood kumain kami sa Jollibee. Sinusubuan ko naman si Jared, marunong siyang kumain mag isa kaso nga lang ang kulit kulit at ang bagal kumain. Halos hindi na ng ako maka kain eh.  Bigla naman kumuha ng pagkain ko si Hayme. Akala ko kakainin niya pero tinapat niya sakin yung kutsara.  "A-no yan?" "Syempre ano pa ba? Kung pinapakain mo si Baby Jared natin ako naman ang mag papakain si wifey ko. " Dug,Dug,Dug. "Ayie! Ang sweet naman nila Mommy and Daddy" Masayang sabi ni Jared. Wala naman akong nagawa at sinubo na lang yun.  After namin kumain nag decide na kaming umuwi.Sa bahay narin kami nila Hayme didiretso kasi andun na si Cess.   Nagulat naman ako ng biglang hawakan ni Hayme ang kamay ko habang papunta ng parking lot. Pilit kong tinatatak sa isip ko na palabas lang ang lahat ng ito.  Nang makarating kami sa bahay ng mga Reid, agad namin nakita si Cess na masayang nakikipag kwentuhan kay Tita Nadz sa sala.  "Mommy!" Agad tumakbo si Jared kay Cess.  "Hi baby ko, how's your day?" Tanong ni Cess.  "Masaya po Mommy! Nag bahay bahayan kami nila Ninang!" Nagulat ako sa sinabi ni Jared. Sila Cess naman nagtataka. Si Hayme naman nanahimik lang sa tabi ko. "Bahay bahayan?" "Opo!Kunwari po si Ninang ang Mommy ko tas si tito Hayme naman po kunwari daddy ko. Ang sweet nga po nila, nagsubuan pa po sila" Ramdam na ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.  "Tsk. Tsk manang mana sa tatay" Tita Nadz said.  "Ano, gabi na may pasok pa si Jared bukas" Pag iiba ko ng usapan.  Nag paalam naman na sila Cess at si Jared. Bumulong naman sakin si Cess na may dapat pa daw akong i-kwento sakanya. Pag alis nila Jared umakyat na rin si Hayme.  "Um, Tita Nadz pwede po bang makuha number ni Sophia?" Sabi ko sakanya bago tumaas. "Bakit naman?"  "Mag so-sorry lang po sana ako kasi hindi natuloy lakad namin kanina dahil sakin" Nakakahiya kasi na ako pa ang nag sabi na bawal absent.  "Gabi, no need. Kahit hindi mo sinamahan si Jared kanina, di rin naman matutuloy kasi wala din siya. May lakad din daw" Napakunot noo ko sa sinabi ni Tita Nadz. "Po? Eh bat sinabi Hayme na pumunta daw po pero umalis na kanina."  "Talaga, baka akala mo lang yun. Sige na matulog ka na, baka napagod ka sa bahay bahayan niyo" Hindi ko na lang pinansin ang sinabi ni Tita Nadz sa huli. Nag paalam nako sakanya at pumunta sa room ko. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD