"Brah, para'ng tanga naman 'to. Ayaw masindihan!" Everest claimed, annoyingly.
"'nue ba 'yan, Eve?" Inis na tanong ko sa kanya. Kanina pa kasi siya nagrereklamo sa'kin na papatay patay ang kandila niya kahit wala namang hangin.
"Wala nang apoy. Letche, malas naman!" malakas na saad niya kaya napatigin sa'min ang iba'ng naglalakad. Tinampal ko ang bibig niya.
"Tigilan mo nga muna mag mura, Eve. Mahiya ka naman. Nasa prosisyon tayo. Minus 100 points ka na sa langit." I whispered at natawa dahil sa sinabi. Tumingin naman siya sa'kin at ngumiwi.
"Gagu."
Hindi ko na siya pinansin at tinutok nalang ang pokus sa poon na nasa pinaka unang pila ng prosisyon. Humangin ng kaunti dahilan upang mamatay ang kandila ng ilan. Buti nalang hindi namatay 'yung akin. Strong pa naman 'to.
"Naniniwala na talaga ako na mabilis mag gabi tuwing summer."
Napaigtad ako dahil sa gulat. Mabilis ako'ng tumingin sa kanan ko at inirapan ang naglalakad kasabay namin.
"Shut up, Kael. Lagi mo ako'ng ginugulat." Inis na saad ko. Napatingin naman si Everest sa kanya.
"Hi, Ka!" Eve greeted.
"Hi, ate Eve!"
My forehead creased, "Ka?"
"Ka, short for Kael, duh?" Sabi niya sa'kin at umirap. Hinila ko ang dulo ng buhok niya.
"Ang arte!" natatawang saad ko.
"Sayaw tayo mamaya, Ate."
Napatingin ako kay Kael.
"May sayawan ba?"
Tumango siya.
"Meron, sa covered court."
"Sure."
"Nako. May naka reserve spot na agad diyan kay Dos." Said Eve and then she smirked. Kumunot naman ang noo nung batang malandi.
"Sino?"
Eve flipped her hair at maarting tumingin kay Kael. "Sino pa ba? Edi si amerikanong hilaw."
"Si Roigie?" Kael asked, eyebrows furrowed.
Imbis na sumagot ng oo ay iba ang sinagot nung bruha, "Wow, dati tinatawag mo pa siya'ng kuya, ngayon wala na. Threatened ka bhie?"
"Si Roigie nga." Mapaklang saad ni Kael.
"Sino pa ba? e crush na crush niya 'yun."
Mabilis ko'ng hinila ang buhok niya dahilan para mapadaing siya at mapatingin sa'min ang ibang tao. "Uy, hindi ah! Ayaw ko nga 'dun. Isang ubo nalang."
Pagak itong tumawa, "Gusto mo naman."
"Hindi nga!" Inis na saad ko sa bruha. Ang kulit talaga nito. Pilit pinagpipilitan yung hindi naman totoo. Edi sana kung totoo mag lumpasay na 'ko sa kilig dito? duh.
"Weh hindi ba? E affected ka nga kapag nandiyan siya eh."
"Pinagsasabi mo, Everest? Ayaw ko lang makita siya dahil umiinit ang ulo ko." Malakas at pinal na saad ko. Ayaw ko pa naman na kinukulit ako. Lalo na kung tungkol sa mga ganito... huh. If I know kapag tinutukso ka ng kaibigan mo sa isang tao, kahit wala ka namang nararamdaman sa kanya e nagkakatotoo dahil sa pang aasar ng kaibigan mo sa kanya.
"Owkeey. If you say so." She said but she eyed me like she was waiting if I would contradict her words. Hindi ko na siya pinansin.
Natapos na ang prosisyon at hindi na muling umimik yung dalawa. That is what I love about my bestfriend, she is faithful to God. When I was still in High School nga e nakukumpleto niya yung simbang gabi. Ganyan ganyan lang iyan pero hindi niya nakakalimutan mag pasalamat sa poon at humingi ng gabay sa twing may gagawin siyang hindi sigurado. Then I adopted it eventually. Na siyang ipinagpapasalamat ko.
Because if you are lost in a dark and cold cave, you just have to close your eyes and pray to God. And he'll lead you the way out.
-- -- --
Sobrang dami'ng tao ang nasa bahay nila tita. Alas tres na ng hapon pero may bumibisita pa 'rin. Sobrang dami 'ding nakahanda na pagkain at kahit sino ay pwedeng makikain. Kahit di ka kilala, basta ikaw ay naki piyesta.
"Wala na ba'ng tao?" Tanong ni tita at tumingin sa bintana upang kumpirmahin. Maya maya ay humarap na siya sa'min ni Eve at nakangiting tumango. We giggled at mabilis na lumabas ng bahay upang makapunta sa bayan.
Matapos ang ilang minuto'ng pagsakay sa yate ay narinig na sa wakas namin ang maiingay na tunog ng pinaghalo halong instrumento na nagpaparada paikot ng bayan. Ngunit nangunguna dito ang tunog ng tambol at lyre. Tapos na ang parada ng birhen kung kaya't ang sikat na mga produkto nalang at ang mga babae'ng naka suot ng tradisyonal na pananamit nalang ang ipinaparada.
This is why I love Del Shadeu. Their Fiesta de Mayo is the best holiday in town. Pinaghahandaan nila ito bilang bigay pugay sa mga poon sa lugar. And one more thing, pwede ka ding makisabay sa parada at sumabay sa ritmo ng kanta!
Nagkatinginan kami ni Everest at mabilis na nakihalo at sumayaw sa mga nagpaparada. Sa gitna ng makukulay na bandiritas, maiingay na instrumento at ng napakaraming tao ay sumayaw kaming dalawa. Hindi alintana ang iisipin ng iba dahil ang lahat ay nagkakasiyahan.
Tawa kami ng tawa nang matapos ang sayaw. Ang makukulay na bestida'ng suot namin ay puno na ng pawis dahil sa kakasayaw. Sayang lang at hindi ko nadala ang digi cam ko para makapag picture kami'ng dalawa.
Pumatak ang ala sais ay medyo mahina na ang mga tugtog. Kumalma na 'rin ang mga tao. Kaya napagpasiyahan nalang namin na maglibot upang makabili ng mga bagay bagay.
Sa paglalakad sa gitna ng pavement ay may isang senaryo ako'ng naalala. Agad ko'ng kinapa ang kwintas sa dibdib at tinitigan ito. I unconciously smiled at myself as my heart beats rapidly.
"Wow, ganda naman niyan, brah! Saan mo nabili?" Eve inquired. I shrugged that imaginary thought away and smiled,
"Bigay lang sa'kin." I lied. Kahit ang totoo ay utang ko lang 'to sa patpatin na 'yun. Diba, kapal ng mukha? Ang yaman-yaman ko ako pa pinautang. Tss. Ibang klase.
Hindi ko alam kung bakit nakita ko na naman ang infamous grin nitong bruhang 'to at hinampas pa ko sa braso.
"Ikaw ha! May LL ka na?" she asked excitedly. Nangningning pa ang mga mata niya.
"Ano'ng LL na naman? Pauso ka talaga!"
"LL! Lovelife duh? Palibhasa ay di mo alam ang term na 'yun dahil forever ka na single." She rolled her eyes.
"Dami mo'ng alam, Eve."
Dumila lang siya sa'kin at inilibot ang tingin sa paligid. "Anyways, malapit na yung sayawan. Tara punta na tayo sa covered court?"
My brows furrowed.
"Kakatapos lang na'tin sumayaw, Eve. Hindi ka pa ba pagod, ha? Bruhang 'to!"
Hindi siya sumagot sa akin bagkus ay natagpuan ko nalang ang sarili na nakaupo sa isa sa mga upuan dito sa malaking bulwagan.
Naka position na ang mga sasayaw. Sa tingin ko, tradisyunal ang sasayawin nila dahil agaw pansin ang kanilang mga kasuotan. Ito'y baro't saya.
Ilang minuto pa ay dumagundong na ang malakas na tugtog kasabay ng pag giling ng kanilang mga katawan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin sa bulwagan. The women danced gracefully with their partners and every swift of their move is gentle and fascinating. Animo'y sinanay talaga sila kung paano gumalaw ng ganito.
Ang mga babae'y nakaupo at may hawak ng abaniko at ang kanilang mga kamay ay hawak ng mga lalaki, ito'y pinupursigi ang mga mahal nila. Pilit ito'ng tinataboy ng mga lalaki at mahinhing pinapaspas ang kanilang mga abaniko. Tumayo sila at naglakad ng mabilis ngunit sakto lang upang sila'y mahabol ng mga pursigido'ng lalaki. Lumuhod ang mga ito habang hawak ang kanilang kamay. Ngumiti naman ang mga babae at tumango. Ipinapahiwatig na sila'y opisyal nang magkasintahan. Tumayo ang mga lalaki at hinalikan ang mga kamay nito.
Habang pinapanood sila ay wala ako'ng nasabi kundi makaramdam ng paghanga. Tila ito'y kanilang pinaghandaan sa matagal na panahon upang maisagawa ito ng maayos at maganda ngayong gabi. Pumalakpak na ang mga tao nang mag bow sila. Napatingin ako kay Eve na ngayo'y tulala 'din sa napanood.
"Tangina, brah. Nakakainggit."
Napatango ako sa sinabi niya.
Maya maya pa ay pumwesto na ang mga susunod na sasayaw. This time, ang mga nanonood naman kanina ang nakatayo sa gitna. Mabilis ako'ng kinalabit ni Eve habang hinahanap niya si Kael. Ngunit lumipas ang ilang minuto ay wala'ng Kael kami na natagpuan.
"Niloko mo kasi eh!" Saway ko kay Eve dahil sinabi niya na may kasayaw na ako kanina.
"Aba, malay ko ba'ng seseryosohin niya! Eme eme ko lang 'yon eh!" Inis na saad ni Eve habang pilit pa 'rin hinahanap si Kael.
"Maghanap nalang tayo ng ibang kasayaw mo, bes." Suhestyon niya. Hindi naman ako makatango. Lumingon siya sa'kin at napatingin sa likod ko. Para'ng nakita ko'ng nagningning ang mga mata niya bago niya tinawag ang pangalang hindi ko gugustuhin marinig sa mga oras na 'to.
"Roigie!"
Nararamdaman ko na ang presensiya nito ngunit hindi ko maatim na tumingin sa kanya. Hindi 'din naman ako makatanggi dahil buo na ang desisyon ni Everest.
Maya-maya pa ay natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa gitna ng bulwagan kasama siya. Hindi 'din siya nakatingin sa'kin ngunit nagawa niya'ng ialay ang kanyang kamay.
Para'ng uubusan ako ng lakas nang tanggapin ko ito at magtama ang mga balat namin. It was like an electrifying gesture that making me weak in his touch. I encircled my left hand around his nape as he pull me closer to him. Muntik na ako'ng malagutan nang hininga nang pinadausdos niya ang kaniyang kamay sa aking bewang.
Hindi ko na napigilan,
"H-hwag mo'ng isiping ginusto ko 'to. Wala lang talaga ako'ng choice." Saad ko nang hindi makatingin sa kanya. Hindi siya nagsalita hanggang sa humalina na ang sapat na lakas ng tugtog.
I never imagine myself dancing with him with a rythm and definitely not with a music like this.
Why do birds suddenly appear
Everytime you are near?
Just like me they long to be
Close to you
Huminga siya ng malalim at lakas loob na tumingin sa'kin. He stared at me intently like the first time he laid his eyes on me that day. Humigpit ang hapit niya sa'kin.
"Tell me... what are you doing here?" He asked.
Napalunok ako sa tanong niya at sa titig niya sa'kin. Animo'y hinahalungkat niya ang pagkatao ko.
"T-to find myself." I stuttered.
Why do stars fall down from the sky
Every time you walk by?
Just like me they long to be
Close to you
Parang naubos ang lahat ng lakas ko at baka bumagsak na ako kung hindi lang ako nakakapit sa kanya nang sumabay siya sa kanta.
"On the day that you were born the angels got together and decided to create a dream come true. So they sprinkled moon dust in your hair of gold and starlight in your eyes of blue~"
He suddenly stop singing as he pull his face inch away from mine.
"I can help you."
And in that night.... I made up my mind.
I don't wanna go back.
——
Trumpetxcreeper