CHAPTER 01- Thirteen Reasons Why

2163 Words
NASAAN na ba si Mirabelle? Napakatagal naman ng bruha na iyon na mag-ayos. Siya na nga itong maganda sa aming dalawa, siya pa talaga itong may ganang magtagal. Hindi ba’t dapat ako itong pangit ang matagal mag-ayos dahil maraming dapat ayusin sa mukha ko? Pero hindi ko iyon ginagawa. Bakit pa ako magpapaganda kung wala naman akong gandang mailalabas. `Wag na. Sayang lang ang aking time and effort. Gagamitin ko na lang ang time and effort na iyon sa ibang importanteng bagay. Like… pagmamaldita. Naitirik ko ang aking mata nang marinig ko ang boses ni Mirabelle na kumakanta-kanta. Mabuti naman at pababa na ang kakambal kong ubod ng ganda! Kanina pa kaya ako naghihintay dito. Bakit ba kasi hindi na lang ako bigyan ng daddy at mommy ng sarili kong car para naman hindi ko na kailangang sumabay pa kay Mirabelle? Allergic kaya ako sa kanya. Hindi ko napigilan ang pagtaas ng isa kong kilay nang makita ko na siyang pababa ng hagdan. And look at that b***h! Talagang ginaya pa ng twin sister ko na si Mirabelle ang red ribbon ko sa aking buhok. At talagang full smile pa siya nang makita niya ako habang pababa siya sa hagdan. Ang sarap niyang itulak para magpagulong-gulong na siya paibaba. Obviously, gusto niya lang na maipagkumpara na naman kami kaya niya ginaya ang ribbon sa ulo ko. Ang mahaderang iyon! Gusto niya talaga ay palagi niya ang kinakabog at tinatalbugan. “Ate! Look! Same tayo na may red ribbon! Talagang we’re twins!” Pagbibida pa niya sa akin. Umikot-ikot pa siya. Okay. I admit it. Mas maganda siya sa akin in her red ribbon. Tanggap ko na naman iyon, e. Matagal na. At tanggap ko na rin na mas mahal siya ng tao sa paligid namin dahil maganda siya at mabait daw. May “daw” dahil feeling ko ay kaplastikan lang ang pagiging mabait niya. Gusto lang niya na makuha ang simpatya ng lahat. Ganoon si Mirabelle para sa akin. Naiinis akong tumayo ako mula sa pagkakaupo sa sofa at hinablot ang ribbon sa buhok niya sabay tapon sa sahig. Gigil na tinapak-tapakan ko pa iyon. “Hindi bagay sa iyo! Manggagaya ka talagang bruha ka! Wala ka nang ginawang matino!” Nanlilisik ang mga mata na bulyaw ko sa kanya. Para akong mabangis na hayop na handang umatake anumang oras. Nangilid agad ang luha sa mata ni Mirabelle. “Pero, ate--” “And don’t call me ate! Kambal tayo! Magkaedad lang tayo! `Wag kang assumera! At wala akong pakialam kung sino ang una at huling inilabas sa atin. Basta parehas tayo ng birthday kaya `wag mo akong ma-ate-ate!” First day of school at sinira na agad ni Mirabelle ang importanteng araw na ito sa buhay ko. Kung ang iba ay ayaw pumasok sa school, ako gusto ko. Bukod kasi na this is my last year as a high schooler dahil fourth year high school na ako, makikita at makakasama ko na naman ang aking super handsome and talino na crush na si Hideo dela Vega. Haaay… That Hideo! Alam kong nagpapakipot lang siya sa akin pero I can feel it na may gusto rin siya sa akin. Sikat na sikat si Hideo sa school dahil bukod sa gwapo ay ubod pa siya ng yaman like our family. Mayaman din kami. Maya maya ay bumaba na ang mommy namin at kasunod niya si daddy. Aba, ang bruhang si Mirabelle, tuluyan nang umiyak nang makita sina mommy. Akala mo ay inapi siya nang todo sa akting niya. Kaya naman napagalitan na naman ako dahil sa nagmaldita na naman ako sa aking nag-iisang kapatid. Bruha talaga! Kung ganiyan ba naman kaarte ang kapatid ko, mas okay na sa akin na mag-isang anak na lang ako. I really hate her! Pabida, pabibo, pabebe! Porket maganda siya at chaka ako ay may karapatan na siyang mag-inarte? Well, hindi siya uubra sa akin. Nakasimangot na naglakad ako palabas. Napagalitan na ako. Okay na ako. “Mirasol, where are you going?” Pahabol na tanong sa akin ni mommy. “Siguro sa mall. First day of school, right?” sagot ko nang hindi siya nililingon. “Mirasol!” saway ni daddy. Naiirita akong humarap sa kanila. I don’t care kahit mas pumangit ako nang sumimangot ulit ako. I love my face just the way it is. “Daddy, ang dumb naman kasi ng question ni mommy. Malamang sa school ang punta ko. Duh!” Halos umikot ng 360 degrees ang eyeball ko. Iiling-iling na lang sila sa akin. “Sumabay na kayo sa akin ni Mirabelle. Ako muna maghahatid sa inyo today. May lagnat ang driver natin. But starting bukas ay ang driver na natin ang maghahatid sa inyo. Magpapahinga lang daw siya.” “Talaga, daddy? Yes! Thanks, daddy!” At talagang humalik pa si Mirabelle kay daddy na may kasama pang pagyakap. Kinuha naman ni mommy ang ribbon at binalik nito iyon sa buhok ni Mirabelle. “`Ayan. Ang ganda na naman ng anak ko!” Nakangiti pa niyang pinisil sa magkabilang pisngi ang kakambal ko. Sipsip! Plastic! Sabi ko sa aking isip. Ganiyan talaga si Mirabelle. OA sa pagka-sweet at tuwang-tuwa doon sina mommy at daddy. Ang lambing daw ni Mirabelle. Yuck, ha. OA kaya ang tawag do’n. “Sige na, umalis na kayo at baka ma-late pa kayo…” sabi ni mommy. “Bye, mommy!” ani Mirabelle sabay halik sa pisngi ni mommy. Aalis na sana ako pero muli akong tinawag ni mommy. Itinuro niya ang cheeks niya. Padabog akong lumapit sa kanya at walang ganang humalik sa pisngi niya bago kami tuluyang umalis. I love mommy and daddy pero naiinis ako sa kanila kasi mas mahal nila si Mirabelle. Hindi man nila sabihin pero nararamdaman ko iyon. I am not that manhid. And besides, sino ba ang pinili nilang mabuhay noon sa amin ni Mirabelle nang paghihiwalayin na kami? Si Mirabelle, `di ba? Mas mahal nila ang kapatid kong iyon dahil sa maganda ito. Samantallang ako? Oh, nevermind! Tanggap ko na naman kung ano ang hitsura ko, e. Ang hindi ko lang tanggap ay ang unfair na parents ko at pati na ang buong mundo! Paano ko nasabi iyan? Sige nga, sabihin niyong hindi unfair sa akin ang lahat after kong sabihin lahat ng reasons. I have my thirteen reasons why, b***h! First reason. Noong six years old kami, in-enroll nila si Mirabelle sa ballet at voice lesson. Ako? In-enroll nila sa vulcanizing class! Anong palagay nila sa akin? Magiging mekaniko paglaki?! I want to be a supermodel someday kaya! Second reason. Kapag magkasama kami ni Mirabelle or nakadikit ako sa kanya, napagkakamalan akong alalay niya. Nakakaloka! Katulad na lang noong 16th birthday namin. Ang akala ng mga bisita ay katulong ako kaya panay ang utos sa akin! Kaya naman nagwala talaga ako that day. I don’t care kung nasira man ang party na iyon. Kapag nagalit ako, galit ako. Third reason why? Kapag nag-aaya ako ng chill or inuman sa boys, iniisip agad nila na may balak ako. Not just balak but masamang balak! Judgemental brutes! Fourth reason. Kapag nakipag-eye to eye ako sa cute stranger guy sa public place, iisipin niya na holdaper or mandurukot ako. The nerve! Ako? Si Mirasol Pritzker? Anak ng mag-asawang may iba’t ibang business as in big business! Fifth reason. Kapag sinabihan ako ng pangit, ang hirap tumangi. Lalo na’t ang lakas ng ebidensiya. I’ll just roll my eyes! Sixth reason. Kahit anong ligo ko, dugyot looking pa rin ako. Kahit anong ayos or bihis ko, mukha pa rin akong beggar! Like, duh! Seventh reason why. I remember, summer noon at gusto kong mag-sunbathing pero malayo ang beach. What I do is, sa bubong na lang namin ako nag-sunbathing. Aba, napagkamalan akong akyat-bahay ng mga poor and disgusting neighboors namin! Tumawag pa talaga ang mga hampaslupa ng pulis. Muntik na akong makulong! Mga bruha! Eighth reason why. `Eto pa, nasa waiting shed ako para hinatayin ang sundo ko. Galing kasi ako ng school. Medyo bored ako kaya naman nakinig muna ako sa music using my earphone and phone. Napapikit ako kasi feel na feel ko ang music. Aba, pagbukas ng eyes ko, may mga barya na sa tabi ko! Anong akala nila sa akin? Beggar?! Ninth. Sa social media. f******k. `Di ba, sabay kami ng birthday ni Mirabelle. We’re twins nga, `di ba?! Nakikita ko mga birthday messages sa kanya ng relatives and friends namin, sobrang hahaba at ang daming emoticons. Tapos sa akin HBD lang! Unfair!!! At nakailang selfie na ako para pang-profile picture pero wala akong makuhang maganda! Kaya ang ending? Anime ang profile picture ko sa f******k. Tenth. Sa mall, I tried to be nice sa isang baby na nasa stroller. Pinatawa ko siya pero biglang umiyak! Nagalit pa sa akin ang nanay niya. Tinatakot ko daw baby niya. Ugh! I’m just trying to be nice! Hinding-hindi ko na talaga gagawin `yon! Never! Eleventh reason. One time, gusto kong ipagmalaki sa mga tao sa mall ang mga gold jewelries ko kaya sinuot ko lahat. Bigla ba naman akong nilapitan ng pulis at sinabihan ako na ibalik ko sa may-ari ang mga alahas na ninakaw ko! Another judgemental na hampaslupa! Duh! Twelfth reason. School Fair. May jail booth at hulihin daw lahat ng magaganda at gwapo. Nandoon na ako sa tabi ng jail booth pero hindi pa rin ako hinuhuli! And the thirteen reason why? It’s Mirabelle. Siya ang puno’t dulo ng lahat. Bakit ba kasi naging maganda siya? Dapat parehas na lang kaming panget or maganda para walang comparison! I really hate her! WELLINGTON ACADEMY… Pababa na kami sa car ni daddy. Nauna na akong bumaba habang si Mirabelle ay panay pa ang chika kay daddy. As usual, sumisipsip na naman ang aking good sister. Kesyo, kinakabahan daw siya kasi first day of school. First time pumasok ng school? Mami-miss daw niya si daddy kaya panay hug and kiss! “Mirabelle, male-late na tayo!” sigaw ko. “Wait lang, ate. I’ll just say goodbye to daddy,” sagot niya. “Daddy, I’ll call you kapag break time. Conference tayo ni mommy, ha?” Naitirik ko ang mga mata ko sa sobrang kaartehan niya. Chika, chika pa rin siya. Sa sobrang inis ko ay hinila ko na siya palabas ng sasakyan. “Ouch!” aniya nang muntik na siyang matumba. “Ang dami mong kuda! Late na tayo!” bulyaw ko. “Mirasol, hindi mo dapat ginawa iyon sa kapatid mo. Paano kung tumama ang ulo ni Mirabelle kung saan?” “Daddy, she’s okay. Titanium ito, e. Ang tigas ng mukha!” Kinaltok ko ang mukha ni Mirabelle. Gigil na talaga ko, e. “See?” “Ate, it’s ouch…” Naka-pout pa talaga ang bruha. “Okay. Good luck sa first day of school, my twins.” “Raffle po ba ito at may pa-good luck pa?” “Mirasol…” “Okay, daddy. We have to go!” Halos kaladkarin ko na si Mirabelle papasok ng Wellington Academy. “Ate, wait! Nakakaladkad ako!” Marahas kong binitawan si Mirabelle nang nasa hallway na kami. Dinuro ko siya. “Napakaarte mo kasi! Sumisipsip ka pa kay daddy. Pinapakita mo sa akin na mas close ka sa kanya kesa sa akin, `no? You’re making me jealous?” “A-ate, h-hindi…” umiling siya. “At bakit suot mo pa ito, ha?! Hindi bagay sa iyo! Mukha kang tanga! Sa akin lang bagay ang ribbon na red. Kuha mo?!” Hinila ko ang ribbon sa ulo niya at sinira na iyon tuluyan. “Ate naman… I just want to be like you.” “Really? You want to be like me? Palit tayo ng mukha? Gusto mo?” “Ah, eh… Pwedeng pag-isipan ko muna, ate?” Akmang sasampalin ko sana siya nang bigla kong makita si Hideo na paparating. Ibinaba ko agad ang aking kamay at inilagay iyon sa likod. OMG! Tumigil si Hideo sa tabi ko! Bakit kaya? “Inaaway ka ba ni Mirasol?” tanong niya sa sister ko. Mali pala ako. Kay Mirabelle pala siya lumapit. Mabilis kong inakbayan si Mirabelle at palihim na kinurot siya. “Hindi! Bakit ko naman aawayin si Mirabelle? E, twins kami. We love each other!” Ang plastic ko sa part na iyon. “Good.” Iyon lang at umalis na rin si Hideo. Masama kong tinignan si Mirabelle pagkaalis ng crush ko. “Bakit parang concerned sa iyo si Hideo? Nilalandi mo siya, ano?!” Pag-aakusa ko. “Ate, hindi!” “Dapat lang dahil akin lang si Hideo. Tandaan mo iyan, Mirabelle! Hideo is mine!” sabi ko sabay flip ng hair. Tinabig ko sa balikat si Mirabelle bago ako pumasok sa aming classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD