CHAPTER 02- Hideo, My Crush!

2200 Words
HIDEO! Hideo! Hideo! At isa pang Hideo. Never yata akong magsasawang banggitin ang napakagandang pangalan ng aking crush na si Hideo. Para siyang bawal na gamot na nakakaadik. Well, I am still lucky na hindi pa rin nag-gi-girlfriend itong si Hideo. Maybe, hinihintay lang niya ako na magpakita sa kanya ng motibo. Pero palagi naman akong nagpapakita ng motibo sa kanya, e. And besides, kung gusto niya ako, dapat siya naman ang magpakita ng embutido. I mean, motibo pala. Hay… Hideo… Bakit ba masyado kang pakipot? E, obvious naman na like na like mo ako! Dinadaan mo pa ako sa mga masungit effect mo, ha. Akala mo naman matatakpan mo niyan ang pagkagusto mo sa akin. I can read people through their body language. I will not make a move naman kung alam kong wala kang nararamdaman sa akin. Ako yata ang babaeng hindi nagsasayang ng effort sa mga walang kwentang tao. Kung wala akong mapapala sa’yo, hindi kita papansinin. Kanina pa ako nakaupo dito sa aking seat sa classroom namin habang nakatitig kay Hideo na nakaupo rin. Kapag napapatingin siya sa akin ay nag-li-lip bite ako with kindat. Feeling ko ay isa akong tiger na handang manlapa ng biktima nito sa mga oras na iyon. Parang masusuka ang hitsura niya. Ang cute lang! Classmates kami and unfortunately, kaklase rin namin si Mirabelle na as of now ay nakikipag-chikahan sa mga friends niyang like her is mga pabebe! Yuck! Ayoko talaga sa mga katulad nilang pabebe. Naiirita ako sa mga taong ganiyan. Pabebe din naman ako pero kay Hideo lang. Iba talaga ang epekto niya sa akin! Sa kanya lang talaga ako nagkakaganito. “Mirasol!” Nagulat ako nang umupo sa tabi ko ang aking kaibigan na bakla na si Josh or Dyosa. As usual, ang kapal na naman ng make up niya. He’s lucky dahil hindi mahigpit ang rules ang regulations dito sa school kaya kahit pumasok siya na parang sinampal ang pisngi ay okay lang. Walang sumisita sa kanya. “Ano ka ba naman, Dyosa! Nakakagulat ka. Lalo na `yang mukha mo! Ang pangit mo! Ang lakas makasira ng araw. Sa totoo lang!” “Wow! Hiyang-hiya naman ako sa mukha mo!” He touched my face. “Ganda ka?” Inalis ko ang kamay ko. “Don’t touch my face with your hands! Baka lalong dumumi ang mukha ko! At wala akong sinabing maganda ako, okay? Basta, parehas tayong pangit. Period!” Tanging si Dyosa lang ang nakakapang-lait sa akin ng harapan dahil sa close na kami. Iniligtas lang naman kasi niya ako noong elementary noong na-bully ako dahil sa pangit ako. Nakipagsabunutan pa talaga siya na akala mo ay amasona. Kaya after that ay naging best of friends na kami. Kami nga ang napagkakamalan na kambal imbes na ako at si Mirabelle, e. “Teka, mukhang busog na busog na ang mata mo kanina pa, ah! Quota ka na ba diyan kay Papa Hideo mo?” aniya sabay nguso kay Hideo. “Oo naman. Busog na busog talaga! Nakapag-dessert na nga ako, e! Dyosa, sa tingin mo kailan kaya mawawala ang pagka-torpe ni Hideo? I mean, obvious naman na he likes me pero parang nahihiya lang siyang ligawan ako.” “Si Hideo? Torpe? I’m afraid he’s not. Nakita ko kaya siya noong last day ng school natin noong third year tayo, kausap niya ang sister mo and he gave her flowers! As in boquet of flowers!” “Ikaw naman. Basta, bulaklak! Saka inaano ka ba, ha? Oo, totoo. Binigyan ni Hideo ng bulaklak si Mirabelle. Kilig na kilig pa nga ang kakambal mo!” Naningkit ang mga mata ko sa sinabi ni Dyosa. “What?! Is that true?” “Yes na yes! Kailan ba ako nagsinungaling sa iyo? Ako na lang ang totoo sa iyo, Mirasol. Alam mo `yan!” “That b***h! Sinasabi ko na nga ba at inaagaw niya sa akin si Hideo. Kahit kailan talaga, kontrabida sa buhay ko ang Mirabelle na iyan! Hay! Kailan ba kasi mawawala ang pagkatorpe niya sa akin?” “Wow, Mirasol! Talagang pinu-push mo iyan, ha? Baka naman hindi siya torpe sa iyo. Baka hindi ka lang niya talaga type!” At malakas na tumawa si Dyosa. Nakanganga pa talaga ito at umuuga ang ngala-ngala. Sa gigil ko sa kanya ay nagbilot ako ng papel at ipinasok sa malaki niyang bunganga. “He likes me!” At sinakal ko pa si Dyosa. “Akala ko ba friend kita, ha? Bakit puro ka kontra sa aking bakla ka?!” Halos kulay violet na siya nang bitawan ko. “E, kasi naman wala kang proof na gusto ka ni Hideo! Sige nga, kung like ka talaga niya, bigyan mo ako ng matinding proof!” Uubo-ubo niyang sabi habang hinihimas ang kanyang leeg. Tumingin ulit ako kay Hideo sabay ngiting demonyita. “Marami akong proof, Dyosa. Remember, noong pinauwi niya ako sa amin. He cares for me. Super touched talaga ko! Concerned siya sa akin kasi gabi na noon. Ayaw niya na may mangyaring masama sa akin!” sabi ko. “Reality? Pinauwi ka ni Hideo kasi ba naman pinuntahan mo siya sa bahay nila without informing him. `Ayan, napauwi ka tuloy!” “Meron pa akong proof! Remember noong nasa canteen tayo last year? He touched my face. Hindi ako ready pero anyway, kinilig ako do’n. Hahawakan ba naman niya ang face ko kung hindi niya ako gusto?” “Reality? Hideo did not touched your face, Mirasol. Nasapak ka niya kasi bigla mo ba naman siyang ninakawan ng kiss sa cheeks!” Inirapan ko si Dyosa. Talagang kontra siya sa mga proof ko, ha! “`Eto pa! Ito ang pinakamatindi sa lahat ng proof ko! Willing siyang mamatay for me. `Di ba, kapag love ka ng isang tao, ganoon daw? Kahit buhay niya ay kaya niyang ibigay!” “Talaga lang, ha? Reality? Hinabol mo kasi si Hideo noon hanggang rooftop dahil gusto mo siyang halikan sa bunganga at binantaan ka niyang magpapakamatay siya by jumping sa rooftop kung hindi mo siya titigilan! Naku naman, Mirasol. Just accept the reality na he don’t like you!” “Alam mo ikaw, nanggigigil na ako sa’yo, ha! Okay! Kung ayaw mong maniwala, tignan mo ang gagawin ko! Just watch. Okay?” I stand up at inayos ko ang aking sarili. Brinush ko ang aking makapal at buhaghag na buhok at pa-sexy na naglakad papunta kay Hideo. Humila ako ng isang upuan at inilagay iyon sa harap niya saka ako umupo. “Hi, Hideo!” bati ko sa kanya with my sexy voice. Nagulat siya na akala mo ay nakakita siya ng halimaw. “M-mirasol? Bakit?” “Wala naman. I saw you kasi… You’re alone. Kaya nilapitan kita. Baka gusto mo ng kausap. I am a good listener.” “No. Gusto ko mapag-isa. You can leave me now. Hindi kita kailangan.” Isang malakas na tawa ang pinakawalan ko “Ano ka ba?” sabay hampas ko sa braso niya na agad naman niyang pinunasan ng panyo. Diring-diri lang? “The truth is… kaya ako lumapit sa iyo kasi I have a question.” “Ano naman iyan? Pwede pakibilisan lang?” Mabilis kong hinawakan ang isang kamay niya. Pumalag siya pero hinigpitan ko talaga para hindi na siya makawala. “Hideo! Alam mo, crush na crush na crush na crush kita! Pwede bang tayo na? I mean, we can be lovers…” Kumurap-kurap pa ako para mahalina siya sa akin. Marahas na tinanggal niya ang kamay ko sa kanya. “Excuse me? Tumingin ka nga sa salamin! Mukha kang halimaw!” aniya at galit na tumayo at lumabas ng classroom. “Hideo! Come back here! Hideo!” Tawag ko sa kanya pero hindi niya talaga ako pinansin. Bakit naman niya ako tinawag na halimaw? Kinuha ko naman ang salamin sa aking bag at tiningnan ang aking mukha. Wow! Tama nga siya. Mukha nga akong halimaw. Hmp! Bumalik na ako sa seat ko. “Anong sabi sa iyo?” urirat sa akin ni Dyosa. “Hideo said, imortal daw ang beauty ko! Kilig much! That feeling!” Tumitirik ang mata na sagot ko sa kanya. “Imortal? Bakit imortal?” “E, `di ba, ang mga halimaw ay imortal? Kilig much naman!” “Hay naku! Ewan ko sa iyo, Mirasol!” UWIAN na. First day of school? Done! Naglalakad na kami ni Dyosa sa may hallway nang bigla na lang ay humarang sa daraanan namin ang isang estudyanteng lalaki na maraming pimples, may malaking eyeglasses, may braces sa ngipin at ang buhok ay flat na flat na sobrang shiny! Napasimangot ako nang makita ko ang isang pink rose na hawak niya. “Logan! Pwede ba? Tumabi ka sa daan kung ayaw mong masaktan!” Mataray na pagtataboy ko kay Logan. Well, isa lang naman si Logan sa patay na patay sa akin. I mean, nag-iisa lang siya. Siya lang ang nanliligaw sa akin. “Wow naman, Mirasol. Ayaw mo akong masaktan! You love me!” aniya sabay tawa na akala mo ay kakapusin ng hininga. “Feeling ka rin, `no!” “Hehe! Para nga pala sa iyo…” sabay abot niya ng rose. Umirap lang ako sabay hila kay Dyosa. Nilampasan namin ang pangit na si Logan dahil naiimbyerna ako sa kanya. Hindi ba niya makita na I don’t like him? “Ang harsh mo naman kay Logan! Alam mo ba na ang family niya ay may fifty percent shares sa school natin?” ani Dyosa habang papalabas na kami ng school. “I don’t care kahit siya pa ang may-ari ng MOA, Araneta o ng Disneyland! Basta, I don’t like him. Pangit na nga ako, sa pangit pa ako babagsak? No way! Si Hideo lang ang para sa akin.” “Hideo na naman? Bahala ka na nga sa buhay mo, Mirasol. Tutal, ikaw lang din naman ang masasaktan!” “Me? Masasaktan? Hindi, `no!” “Really, huh? E, doon? Hindi ka masasaktan?” sabay nguso niya. Sinundan ko ang inginuso ni Dyosa at agad na nag-init ang ulo ko nang makita ko sina Hideo at Mirabelle na nag-uusap sa may labas ng school. Nasa tabi ni Hideo ang kanyang motorcycle. “See? Pumapangit ka lalo, Mirasol. Nasasaktan ka!” ani pa ni Dyosa. “Hold these for me!” Galit na ipinahawak ko sa kanya ang books ko at malalaki ang mga hakbang na nilapitan sina Hideo. Sinasabi ko na nga ba! Nilalandi ni Mirabelle ang crush ko! Hinding-hindi ako makakapayag na magtagumpay ang twin sister ko sa balak niya. Never! Not this time. Hideo is mine! Kapwa sila nagulat nang makita ako na parang sasabog na bulkan. “Ate!” ani Mirabelle. Tinabig ko siya. Wala akong pakialam kung muntik na siyang sumubsob sa lupa. Pinalambong ko ang aking mata at hinarap si Hideo. Pinaglaruan ko ang collar ng kanyang polo. “Dala mo pala ang motorcycle mo… Pwede mo ba akong ihatid sa bahay namin? Or mag-coffee naman tayo? Treat ko.” “Si Mirabelle ang ihahatid ko. Tumabi ka nga diyan!” sabay tabig niya sa akin. “Ayyy!!!?” sigaw ko dahil muntik na akong matumba kung hindi pa ako napahawak sa pants ni Dyosa. Nahubuan tuloy siya. “Ano ka ba naman, Mirasol! Nakakahiya!” Ibinaba muna ni Dyosa ang mga hawak at inayos ang pants niya. Kitang-kita ko kung paano inalalayan ni Hideo si Mirabelle at tinanong pa nito ang sister ko kung okay lang ito. Ako? Hindi ba niya tatanungin kung okay lang? Muntik din naman akong matumba, ah! After no’n ay si Hideo pa talaga ang mismong nag-suot ng helmet kay Mirabelle. Nanlilisik ang mga mata ko nang sumakay na sila sa motorcycle at umalis. Ouch! Ang sakit-sakit! Daig talaga ng malandi ang pangit! “Humanda ka sa akin, Mirabelle! Mang-aagaw!” galit na turan ko. “Hoy, Mirasol! Parang hindi naman inagaw ng sister mo si Hideo kasi in the first place, hindi naman kayo!” “Kahit na! Alam naman niya na crush ko si Hideo pero look what she’s doing! Ini-entertain pa rin niya iyong crush ko. b***h talaga siya. b***h!” “So, ano nang plano mo? Alam mo, mas maganda siguro kung hayaan mo na lang sila. Nakita ko kasi at na-feel na they like each other. As in, super like nila ang isa’t isa--” “Shut up, Dyosa! Hindi ako makakapayag na maging masaya ang twin sister ko. Nasa kanya na nga lahat pati ba naman si Hideo? May gagawin ako. Isususmbong ko kina mommy at daddy na humaharot dito sa school si Mirabell. Tignan ko lang kung hindi siya pagbawalan nina mommy na makipagkita kay Hideo! Hahaha!” Pumalakpak si Dyosa at nakitawa na rin. “You are so maldita talaga, Mirasol! Ikaw lang ang chaka na kilala and at the same time ay maldita! You already!” “Talaga lang! Dahil ako ang chaka maldita na gagawing miserable ang buhay ni Mirabelle!” At mataray akong humalakhak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD