CHAPTER 32 Jinx Point of View “Nakapatagal niyang naghintay sa pagdating mo. Salamat at pinili mo pa rin siya kahit nakapangako ka nang pagsilbihan ang Diyos.” “Ako ang may pagkukulang. Ako ang may kasalanan. Hindi ko lang alam kasi noon kung paano ako makakaipon ng sapat na lakas ng loob para hanapin at harapin siya.” “Ngunit nandito ka na. Alam kong magiging masaya na siya at lalaban na siya para gumaling.” “Bakit nga pala hindi ninyo dinala sa mga espesyalista sa Manila. May pera naman siya, hindi ba?” “Walang problema sa pera. Ilang beses na namin iyan gustong dalhin ni Cgaris sa Manila para sa operasyon ngunit paano daw kung biglang dumating ka dito at wala siya. Baka nga lang daw minsan lang ang pagkakataong magawi ka rito tapos wala pa siya. Paano pa kayo muling magtatagpo? Ar

