Hindi maitago ni Nickz ang sobrang pangangatog ng kanyang tuhod dahil sa nerbyos. Oo nga at kasal na sila ni Alex pero iba naman ito sa kasal nila noong una. Noon ay nagpermahan lang sila tapos na. Ngayon grabe. Inimbata na yata nito lahat ng empleyado ng SkyCom at employedo ng ama nito sa sobrang dami ng dumalo at halatang pinahandaan talaga dahil naghuhumiyaw sa kabonggahan ang ayos ng simbahan. Hindi nya lang alam sa venue dahil hindi pa nya nakikita. Hindi kasi sya pinayagan nitong makita at makialam sa preparation ng kasal nila. Ayaw daw kasi nitong mastress pa sya dahil nga malaki na ang tyan na. Kabuwanan na din kasi nya pero malayo pa naman ang duedate kung kailan sya manganganak. "I hope I'm not too late to take you to the altar." Anang tinig sa kanyang likuran. Kumabog ang kany
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


