Kuyom ang palad ni Nickz sa ilalim ng mesa habang kaharap si Mr. Briones. Gusto nyang isumbat lahat ng kababoyan nitong ginawa sa kanyang kaibigan. Sinamantala nito ang kahinaan ng kanyang kaibigan na dapat sana ay ito ang nagproprotekta dito at nagbibigay kalinga bilang ama nito pero ito pa pala ang magsasamantala sa kalagayan at kahinaan nito. Binulag nya ito sa luho para makuha nito ang gusto. "Siguro naman ay alam mo na kung bakit kita pinatawag ngayon Nickoline." Mahinahong pabayag ng matanda. Pinilit nyang umakto ng normal. "Bakit nga ba Mr. Briones. Wala na ang kaibigan ko kaya wala na akong alam na dahilan para makipagkita kapa sa akin." Pahayag naman nya na hindi maiwasang hindi ito tapunan ng matalim tingin. Tumawa ng mahina ang matanda. "Oh come on Nickoline. Nasa sa iyo a

