bc

Escape From The Past

book_age16+
1
FOLLOW
1K
READ
others
drama
tragedy
comedy
twisted
humorous
mystery
like
intro-logo
Blurb

Panganib ang naging sanhi ng kanilang pagkikita. Panaginip ang magiging koneksyon sa kanilang dalawa. Pag-iibigan muli isusulat at nakaraan muli maibabalik. May katotohanan nga na mahirap tumakas sa nakaraan.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Eksena ng gulo ng kabataan ang tumambad sa mga estudyanteng sakay ng bus. Itinigil pansamantala ng driver ang bus malayo sa rayot ng mga kabataan.  Matagal nang sakit ng ulo ng mga opisyal ang mga batang nagrarayot, kahit na tirik pa ang araw ay may lakas pa ang mga itong magrambulan. Ngayon, sila na ang sentro ng traffic at hindi lang basta sakit ng ulo ang binibigay nila kundi pati perwisyo sa lahat.  Kung hindi pa rumespunde ang mga mabagal na pulisya ay hahantong pa ang mga ito sa karumal-rumal na p*****n.  Marami ang sugatan at wala namang namatay ngunit may mga napuruhan sa mga ito nang dakpin ng pulisya. Matapos mahuli ang lahat ng mga kabataan sangkot sa gulo ay balik na naman sa ayos ang daloy ng trapiko.  Muli ay pinaandar ng driver ang bus.  Sa ilang minutong biyahe ay nakarating na sila sa unang destinasyon ang Museo Sugbo. *******  Ito ang unang beses ko makatungtong sa lugar na ito. Pansamantala muna kami sa labas naghintay habang kinakausap pa ni Isabela at Joseph ang tour guide. Umupo ako sa ilalim ng puno at inubos ang oras sa pag-obserba ng paligid. Hindi ko maiwasan mahumaling sa ganda ng pinapakita ng gusali at nakakatuwang isipin na sa tagal na panahon nakatayo ay napangalagaan ito ng maayos.  "Anikka, tara samahan mo'ko sa cr kanina ko pa'to pinipigilan. Felistina, hiramin ko muna 'tong kaibigan mo!" "Sige lang!" sabi ko sa kanila na hindi sila tinitignan dahil ang mata ko ay nasa matatayog na puno at kapag humahangin ay natatangay ang tuyong dahon. Maya-maya ay bumalik si Anikka at muling nagpaalam na pupuntahan si Edmilyn sa kabila. Tumango naman ako sa kanya at kinuha ang cellphone para magpicture picture. "Fely! Uy! Fely" Bigla ako napabaling kay Anikka nang tapikin niya 'ko sa balikat. "Ano ka ba, kanina pa kita tinatawag. Wala ka na yatang balak pumasok. Sige ka babagsak ka niyan kay Miss Bonica, ang hirap pa naman pumasa sa subject niya kahit na minor eh, marami nang napaiyak na estudyante lalo na ang mga nominate bilang topnocher." "Sure ka diyan sa napulot mong tsismiss? Ang bait kaya ni Miss Bonica?" "Naku, huwag kang pabitag sa ganyan taktika, marami nang nalaglag d'yan kaya kung ako gagawin ko lahat huwag lang bumagsak sa kanya. lalo na't graduating na tayo. Hirap pa naman makapasok ng college kapag may bagsak ka."  "Sabagay may point ka pero change topic tayo. Balak mo pa rin bang bilhin ng regalo si JD ng souvenir dito?" "Eh, ikaw?"  "Oo sana pero titiggnan ko kung kakayanin ba ng extra money ko," sabi ko sa kanya at hinalungkat ang bag.  Kumunot ang noo ko nang hindi ko makita sa loob ng bag ang pitaka. "Psst! Anikka, papicture naman," rinig kong paki-usap ni Gladys nang lingunin ko siya ay nasa tabi siya ng momento ni Dr. Jose Rizal. "Fely, punta muna ako doon," paalam ni Anikka. Tumango ako sa kanya at muli hinanap ang pitaka, pero ilang beses ko na hinalungkat ang bag ay wala talaga sa loob ang wallet.  Bumusangot ako at nilingon ang pinanggalingan ko kanina at nakita roon sa lapag ang wallet. Nakahinga ako nang maluwag at tinungo agad iyon. Akmang pupulutin ko ang pitaka nang bigla ako pangilabutan. Ilang segundo, nakaramdam ako ng pagsikip ng dib-dib at dahil roon ay hindi ko nabalanse ang sarili at napaupo. Nanlalabo na rin ang paningin ko, maski ang paghingi ng tulong ay hindi ko na magawa dahil pati ang nasa paligid ko ay tila bumabagal sa akin paningin. Sa aking pagtingala ay isang pigura ng tao ang aking nakita sa kaliwang parte ng bintana. "Tara na," untag ni Anikka dahil roon ay nagising ako sa panaginip? "Teka, tapos na kayo?" kumunot ang noo niya. "Saan?" "Eh? Hindi ba nakiusap sayo si Gladys magpapicture?" "Si Gladyss? Eh, ni hindi nga 'yon nagyaya?" This time ako na ang kumunot ang noo. Pagpasok sa loob ay pumila agad kami sa reception para magbayad ng entrance fee. Matapos makabayad ng lahat ay hindi muna kami sumunod ni Anikka dahil naging abala kami sa kakatingin ng mga bagay rito.  Hindi ko maiwasan kilatisin ang bagay rito. Mula sa pundasyon ng pader hanggang sa mga furniture ay napakaganda. Tumingin kami sa mga picture frame at nakita na larawan ito ng gusali bago ito maging ganap na Museo. Sa paglabas namin ay isang open area ang bumungad saamin na pinalilibutan ng mga gusali at sa bawat gusali ay mayroong nakapaskil sa pader na wooden board kung saang malalaman mo ang nilalaman ng loob ng silid. Sa may bandang souvenir shop ay may katabing mini cafe at sa gilid ng cafe ay isang looban. Dahil isa ako pusa ay tinungo ko iyon na walang permiso. Hindi na ako nag-abala yayain si Anikka dahil may kausap ito sa cellphone lola niya yata. Nang makarating ako roon ay isang hardin ang bumungad sa akin. Kinuha ko ang cellphone at nagpicture picture. Naghanap ako ng magandang spot at nakita ko sa may gilid, hindi ko pa napipindot ang bottom ng camera ng bigla lumangitngit ang gate. Matatakot sana ako nang makita kong muli itong lumangitngit dahil pinipilit ng pusa na pumasok sa loob. Hindi ko na binigyan pansin ang pusa at bumalik sa pagkuha ng litrato. "Meow~" Naramdaman ko kinuskos ng pusa sa binti ko. Tinignan ko naman siya at naglalambing.  "Ang cute mo naman," sabi ko rito at akmang hahawakan nang umatras ito at tinungo ang daan sa gate.   Huminto ito sa paglalakad at lumingon sa gawi ko. "Meow~" Kumunot ang noo ko at parang pinapahiwatig na sumunod ako sa kanya. Pumasok kami sa loob. Hindi siya nakandado kaya baka pwedeng pasukin. "Pusa, saan ba tayo pupunta?" Abnoy ka talaga Fely. Sa tingin mo sasagutin ka niyan? Baka kung sumagot sa'yo iyan ay kumaripas ka ng takbo. Huminto ito sa may bato na puno ng mga ligaw na d**o. "Meow~" sabi ng pusa kaya tinungo iyon at tinignan ang bato. Napansin ko na hindi lang simpleng bato ang naririto kundi isang bato. Sa bandang gilid ay may nakaukit. Tinanggal ko muna ang mga damong ligaw at kinuskos ang nakaukit para maintindihan ang nakasulat. Pero kahit natanggal ko na ang duming nakatabom ay hindi ko parin ito maintindihan. Napakamot ako sa ulo at nilingion ang pusa sa gilid ko pero wala na rito ang pusa. "POZO DESEAR," basa ko sa nakapaskil at pagkatapos ay nilisan ko na ang lugar.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Living With My Boss | SPG

read
833.2K
bc

The Heartless Don's Angel

read
78.6K
bc

A Kiss With The Mafia Lord

read
245.1K
bc

Red Lady Is Now Live! (SPG)

read
11.3K
bc

In Bed With Kuya Red

read
45.7K
bc

The CEO's Babymaker

read
70.9K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
213.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook