PROLOGUE

1948 Words
"SAAN KA PUPUNTA, ATE?" Napatigil sa paghakbang si Ellise nang marinig ang tanong ng kapatid na si Dom. Nilingon niya ito. "Sa deck lang ako, Dom. Papahangin lang," sagot niya. Gusto niyang magpahangin. Kaya plano niyang umakyat sa deck ng barkong sinasakyan nilang magkapatid ngayon patungong Masbate. May kalahating oras na rin silang naglalayag sa malawak na karagatan mula nang umalis sa pantalan sa Batangas. "Ayaw mo bang kumain muna nitong baon natin?" "Mamaya na lang siguro, Dom. Hindi pa naman ako gutom." "Sige, Ate. Mauuna na akong kumain, ha? Nagugutom na kasi ako." Paalam nito at inilabas ang baon nilang pagkain. "Sige lang. Kumain ka lang diyan, sa taas lang ako." Bago umakyat si Ellise, inalok pa siya ng kapatid na dalhin sa deck ang pagkain pero tumanggi siya. Hindi pa naman siya nagugutom. Pagdating ni Ellise sa deck, sumalubong sa kan'ya ang malamig na simoy ng hangin mula sa malawak na karagatan. Yakap ang sarili na iginala ni Ellise ang tingin sa paligid. Nakita niyang bukod sa kan'ya ay mayro'n ding mangilan-ngilang tao roon na tila nagpapahangin din. Pinili niya ang puwesto na malayo sa mga ito. Tumingin sa malawak na karagatan si Ellise. Pinagmasdan niya ang banayad na alon na deretsong humahampas sa ibaba ng barko. Napapikit siya at umasam na sana'y kasing banayad ng alon ang takbo ng buhay niya at ng kapatid na si Dom. Kung nandito ka lang sana, siguro hindi namin naranasan ni Dom ang lahat. Nag-init ang mga mata ni Ellise nang maalala ang namayapang ina. It's been 1 year and 6 months, Mom. Pero iyong sakit, hindi nabawasan. At habang tumatagal, lalong pasakit nang pasakit. Mariing pinagdikit ni Ellise ang mga labi upang pigilan ang pagtakas ng hikbi. Mom, sobrang hirap nang wala ka. Wala kaming kakampi ni Dom kundi ang isa't isa. Piping sumbong niya sa ina habang nakatingin sa madilim na kalangitan. "Ang daya-daya mo. Bakit ang bilis mo kaming iniwan ni Dom? Bakit ang aga? Bakit ikaw?" Parang sasabog sa sama ng loob ang dibdib ni Ellise. Simula nang iwan silang magkapatid ng kanilang ina, nagkandaloko-loko na ang buhay nila. Napahikbi si Ellise nang maalala ang hirap na dinanas niya sa loob ng piitan. For 6 months, nakulong siya sa kasalanang hindi niya ginawa. At alam niyang ang bagong pamilya ng sariling ama ang may kagagawan niyon sa kaniya. Sa kanilang magkapatid. Anim na buwang nagtiis si Ellise sa mabaho, mainit, masikip, at madilim na silda. At kung hindi dahil sa kapatid niyang si Dom, siguro hanggang ngayon ay naroon pa rin siya. Ito kasi ang gumawa ng paraan para makalaya siya tatlong araw pa lamang ang nakalilipas. At kaya sila sakay ng barko ngayon patungong Masbate ay dahil napagkasunduan nilang dalawa na lumayo. Bagama't natatakot, pinili nilang dalawa na pumunta sa lugar na walang nakakikilala sa kanila. Pupunta sila sa isang malayong lugar kahit walang kasiguraduhan kung ano ang buhay na dadatnan nila roon. Mom, balik ka na, please? Piping hiling ni Ellise habang tahimik na lumuluha. "Ate Ellise." Dali-daling tinuyo ni Ellise ang basang pisngi nang marinig ang boses ng kapatid mula sa kan'yang likuran. Inayos muna niya ang sarili bago hinarap ang kapatid. "Bakit ka sumunod dito? Tapos ka na bang kumain?" "Akala ko ba magpapahangin ka?" Balik-tanong nito. "Oo nga. Nagpapahangin ako." "Nagpapahangin habang umiiyak?" Sa pagkakataong 'yon, hindi na nagkaila si Ellise sa kapatid. "Nami-miss ko lang si Mommy." "Ate..." "Gusto kong magsumbong sa kan'ya, Dom. Kung gaano tayo nahihirapan simula nang iwan niya tayo." Nilapitan siya ni Dom at ikinulong sa mga bisig nito. Mas matangkad ito sa kan'ya kaya nagmistula siyang bunso nito. "Dom, kinakaya ko naman, pero ang hirap. At kung nandito lang sana si Mommy, sigurado hindi natin naranasan ito." Umahon ang matinding galit sa dibdib niya para sa sariling ama na tuluyan na silang pinabayaan ni Dom simula nang magkaroon ng bagong pamilya. "Araw-araw, ipinagdarasal ko na sana bumalik na siya sa atin, Dom. Alam kong imposible na, pero gusto ko pa ring umasa." Hindi nagsalita si Dom, mahigpit lang siyang yakap-yakap. Siya ang ate nito. Pero nang mga sandaling iyon ay nagmistulang ito ang kuya at siya ang bunso na kailangan ng proteksyon at pagkalinga. "Nandito lang ako, Ate. Hindi kita iiwan. Magkasama tayong lalayo hindi para isuko ang lahat sa kanila kundi para mag-ipon ng lakas. At kapag malakas na tayo pareho, sabay tayong babalik at sabay nating babawiin ang kinuha nila sa atin." "Oo, Dom. Babawiin nating lahat sa kanila. Balang-araw, maniningil tayo sa kanila, with high interest pa." Kumalas siya sa pagkakayakap ng kapatid at tiningala ito. Hinawakan niya ang guwapong mukha ng kapatid. Sa kabila ng bahagyang pag-itim ng balat nito ay hindi maitatago ang angking kaguwapuhan. "Ate, bakit?" Tila nahihiwagang tanong ni Dom sa kan'ya. "Wala. Gusto ko lang i-memorize ang bawat detalye ng mukha ng baby brother ko. Mahal na mahal kita, Dom. Bukod kay Mommy, ikaw ang isa pa sa pinaka paborito kong tao sa mundo. Wala na si Mommy sa akin at ayokong pati ikaw ay iwan din ako." "Ikaw na lang ang meron ako, Dom. Kaya gusto kong mangako ka sa akin na hindi mo 'ko iiwan. Na hinding-hindi tayo magkakahiwalay." Ngumiti si Dom at hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa pisngi nito. "Hindi kita iiwan, Ate. Hindi tayo maghihiwalay. Magkasama tayong lalayo ngayon at magkasama rin tayong babalik para maningil." "Pangako." Sang-ayon ni Ellise sa kapatid at pagkuwa'y parehong may malungkot na ngiti sa mga labing muling nagyakap. "Mahal na mahal kita, Ate Ellise." "Ikaw rin, Dom. Mahal na mahal ka ni ate." Humigpit ang yakap nila sa isa't isa. They're Morgan siblings. At iisa lang ang gusto nila, ang lumayo pansamantala at bumalik sa tamang panahon para singilin ang mga taong sumira sa lahat ng mayro'n sila. WALA PANG balak na kumalas si Ellise sa kapatid niya. Dahil nag-i-enjoy pa siyang magpa-baby rito. Kaso hindi nakisama ang tiyan niya. Tumunog iyon at narinig ni Dom ang pagkalam ng sikmura niya. Natatawang pinakawalan siya ni Dom at nagpresinta na kukunin nito sa baba ang natira nitong pagkain. "Dom, 'wag na. Sasama na lang ako sa 'yo sa baba." "Huwag na, Ate. Ako na lang ang kukuha. Dito ka na lang. Hintayin mo ako, okay?" Giit nito. "Sige na nga. Basta bilisan mo lang, ha?" Napilitan na siyang pumayag dahil mukhang hindi siya mananalo rito. "Sandali lang ako. Huwag kang iiyak, okay?" Bilin nito habang humahakbang paatras. "Opo." Nakangiti niyang sagot at sinundan ng tingin ang papalayong kapatid. Tatalikod na sana siya para muling pagmasdan ang karagatan nang tawagin siya ni Dom. "What? Bilisan mo na, gutom na ako." "I love you, Ate." Nakangiting sabi ni Dom. Dapat tuwa at kasiyahan ang maramdaman niya dahil sa paglalambing nito, pero kabaliktaran ang naramdaman niya. "I love you, Ate." Ulit nito at nag-flying kiss pa. Kinilabutan siya nang malawak ang ngiting kumaway sa kanya ang kapatid. "Dom..." Hindi niya maintindihan kung bakit biglang bumilis ang kab0g ng dibdib niya. At mas lalong lumala ang kab0g sa dibdib niya nang tuluyang mawala sa paningin niya si Dom. "Dom!" Hindi niya gusto ang nararamdaman kaya nagdesisyon siyang sundan ang kapatid sa baba. Ngunit pababa pa lang siya ng hagdan nang marinig niya ang malakas na pagsabog kasunod ang nakabibinging sigawan ng mga taong sakay ng barko. "Dom! Dom!" Sa kabila ng takot, nagawa niyang bumaba at balikan ang kapatid. Ngunit hindi niya makita si Dom dahil sa nagtatakbuhang mga tao. Takbo rito, takbo ro'n. Sigawan dito, sigawan ro'n. "Ano pong nangyayari?" tanong niya sa isang pasahero na katabi niya habang karga ang isang bata. "Nasusunog ang barko. Kumakalat na ang apoy." "Po?! Nasusunog?" Hindi na siya nito nasagot at tumakbo na habang karga pa rin ang isang batang nagsimula nang umiyak. Ilang sandaling natilihan si Ellise. Hindi niya alam ang gagawin. Nakatingin lang siya sa nagkakagulong mga tao. "Magsitalon na kayo! Sunog na ang malaking bahagi ng barko!" Anunsiyo ng isang lalaki. "Magsitalon?" Doon na nag-sink in kay Ellise ang nangyayari. Nasusunog ang barkong sinasakyan nila at kung hindi sila magsisitalon sa tubig ay kasama silang matutupok ng nagngangalit na apoy. "Si Dom..." Nilukob ng matinding takot ang buong pagkatao niya nang maalala ang kapatid. Hindi marunong maglangoy si Dom. Sa isiping 'yon, mabilis siyang umalis sa kinatatayuan niya at hinanap ang kapatid. "Dom! Dom!" Malakas niyang sigaw. "Dom! Where are you?!" Paulit-ulit niyang tinawag ang pangalan ng kapatid niya. Hindi siya tumigil sa paghahanap kahit ramdam na ramdam na niya sa balat ang init na nagmumula sa nasusunog na barko. "Dominic! Dom! Nasaan ka?!" Para siyang mahihimatay sa labis na pag-aalala. Wala na siyang pakialaman sa sarili niya, ang mahalaga lang sa kan'ya ay makita si Dominic. "Dominic! Dominic!" Sigaw niya na may kasama ng iyak. "Ate..." Nanlamig si Ellise nang marinig ang tila nahihirapang boses na iyon. "Dom?! Dominic!" "Ate, nandito ako." Hinanap niya ang pinanggalingan ng boses. "Dom!" Parang nilamukos ang puso niya nang makita ang kapatid na naipit ng bahagi ng barko. "Dom!" Kahit napapaso na, inalis niya ang nakadagan dito at pinilit na hinila. "Oh, my God! Dom..." Halos panawan na siya nang ulirat nang mahila ito at makitang lapnos na ang likod. "Oh, my God. Dominic..." "Ate." Mahigpit na hinawakan ni Dominic ang kamay niya. "T-Tumalon ka na. I-Iwan mo na ako rito." Nahindik siya. "No!" "Ate, sige na. Iligtas mo na ang sarili mo. T-Tumalon ka na--" "No! No, Dominic! Hindi kita iiwan rito!" Kahit mabigat, hinila niya patayo ang kapatid. "Ate, hindi ko na kakayanin." "No! Dominic, nangako ka sa akin. Hindi tayo maghihiwalay. Hindi ba?" "Ate..." "Kayanin mo para sa akin. Kayanin mo, please?" Pakiusap niya rito. Inilagay niya ang braso nito sa balikat niya. Hindi niya alam kung paano niya kinaya si Dominic na madala sa bahagi ng barko na hindi pa naaabot ng apoy. Pero kaunti na lang ay maaabot na rin. "Ate, tumalon ka na...iwan mo na ako rito." "No. No way. I won't let you die here. Listen to me, Dom. We can survive. Magkasama tayong tatalon. Makakaligtas tayong dalawa." Umiling ito. "I can't swim, Ate. M-Magiging pabigat ang ako sa 'yo. Please, iligtas mo na ang sarili mo." Marahas na umiling si Ellise. Mahigpit na hinawakan ang kamay ng kapatid. "Listen, ikaw na lang ang meron ako. At kung magpapaiwan ka rito, mas gugustuhin kong masunog na lang din na kasama ka." Umiiyak na silang magkapatid. "Ate... I can't swim." "It's okay. I can swim. Just hold my hand tightly. Kahit anong mangyari, hinding-hindi ka bibitaw sa kamay ko. Naiintindihan mo ba, Dominic? Kahit anong mangyari, huwag na huwag kang bibitaw!" Luhaang tumango si Dominic. "Close your eyes, Dom. Trust me, okay? We can do this. We can survive." "Mahal kita, Ate." Lalo siyang napaiyak dahil parang namamaalam na ang kapatid niya. At hindi siya papayag na pati ito ay mawala sa kan'ya. Dahil doon, lalong lumakas ang loob ni Ellise. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Dominic, saka pinuno ng hangin ang dibdib. At pagkuwa'y pikit-matang tumalon kasama ang kapatid. Magkasama silang lumubog sa malalim na tubig. Nahirapan siyang ikampay ang isang kamay dahil mabigat ang kapatid ngunit buo ang kan'yang loob na maka-survive. Nagawa niyang iahon ang kapatid na noon ay wala nang malay. "D-Dom... Dom, please, hold on." Pakiusap niya. Walang sagot. "Dom, walang iwana--Oh, my God!" Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang bagay na babagsak sa gawi nila. At kung hindi sila makaaalis doon ay tatamaan sila. Ginawa niya ang lahat upang makalayo roon kasama si Dom. Ngunit bago pa man sila makalayo, bumagsak na ang bahagi ng nasusunog na barko at nasapol silang dalawa. Dom... Bago mawalan ng malay, alam niyang nabitawan niya si Dominic. Nabitawan niya ang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD