CHAPTER ONE
Pasikat na ang araw nang makauwi ako ng bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang backdoor. Ingat na ingat ako para hindi makalikha ng kahit na anong ingay na puwedeng makagising sa mga tao dito sa bahay. Ngunit hindi pa man ako nakakatatlong hakbang mula sa pinto ay biglang bumukas ang ilaw.
“O, apo, bukas naman ang front door, bakit dito ka pa dumaan?” pagpapatay malisyang tanong ng matandang ‘to habang naka hawak ang kaliwang kamay sa tungkod niya. As if naman hindi ako aware na talagang hinintay niya ‘kong makauwi.
“Hello, ‘Lo? Dadaan ba ko dito kung alam kong open ang front door? I’m using my common sense, how about you?” sarkastikong sabi ko. Umiiling-iling ko siyang nilagpasan na para bang wala akong nakitang masamang elemento nang muli itong magsalita.
“Bakit mukhang inumaga na ang apo ko?” kalmado niyang tanong. Ewan ko ba sa matandang ‘to, parang bago ng bago.
“I fell asleep while we were doing our school projects.” Pagpapalusot ko.
“You fell asleep?” paguulit ng matanda, halatang hindi naniniwala.
“Yup. So if you don’t mind, I want to go to my room now. You better sleep na rin, ‘Lo at humihina na naman kasi ang pandinig n’yo.” Ipinagpatuloy ko na ang naudlot kong paglalakad.
“I’m still talking to you, Venice!” akmang susundan pa sana ako nito pero binilisan ko na ang lakad ko at halos takbuhin ko ang pinto ng aking kwarto.
Kaagad kong inihagis ang katawan ko sa malaki at malambot kong kama, hindi na ako nag abalang magpalit ng damit at magbura ng makeup. Hinagis ko na lang din sa kung saan ang hinubad kong high heels.
“Good night, Venice.” Bulong ko sa’king sarili bago ko tuluyang ipikit ang aking mga mata.
Kinabukasan, naalimpungatan ako sa malakas at magkakasunod na katok sa pinto ng silid ko. Halos masapo ko ang ulo ko sa tindi ng kirot nito.
“Ma’am Venice, ready na po ang breakfast. Pinapababa na po kayo ng mom at dad n’yo.” Hinagilap ng kamay ko ang pinakamalapit na una sa akin at saka ko iyon itinakip sa mga tainga ko.
“Ma’am Venice, kanina pa po nila kayo hinihintay.” At mas lalo pa ngang lumakas ang mga katok sa pintuan kasabay nang lalong pagsakit ng ulo ko.
“Shut up! Get the hell away from my door!” halos mapaos ako sa lakas ng sigaw ko. Gusto kong ipitin ang mukha ng katulong na ‘to, ang lakas ng loob na gisingin ako. Nakaka peste!
“Pero, Ma’am Venice, pinapagising na po kasi talaga kayo ng –”
Padabog akong tumayo at pabagsak na binuksan ang pinto, ibinato ko sa mukha niya ang unan na pinangtakip ko kanina sa mga tainga ko nang matahimik siya’t kanina pa ko rinding-rindi sa panget niyang boses. New ugly face. Kaya naman pala, bagong maid.
“Ayaw mong manahimik, then lunukin mo ‘yang unan! Tignan ko lang kung makasigaw ka pa d’yan! LUNOK!” mas lalo kong diniin sa mukha niya ang unan, tawang-tawa ko sa reaksyon ng mukha niya.
“Sorry po, Ma’am, sumusunod –”
Teary eyed na ito pero imbes na maawa, mas lalo lang akong nabuwisit. Looking at her ugly face while crying, nakakasira ng umaga.
“Hindi ka aalis dito hanggat hindi mo yan nilulunok! I told you to shut up, simpleng english hindi mo maintindihan? Pwes, pagkasyahin mo sa malaki mong bibig ‘yang unan!” Mas lalo kong inginudngod sa mukha niya ‘yon. Medyo napalakas, or should I say, nilakasan ko talaga. Kaya naman napaupo ang kawawang pangit na maid sa maganda at makintab naming sahig.
“Venice!” halos mag echo ang boses ni Lolo sa hallway, malayo pa lang ay tanaw ko na ang matalim nitong tingin.
“Hey! Good morning, ‘Lo!” I waved and gave him a fake smile.
“What do you think you’re doing?” seryosong tanong nito habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ko.
“What? I’m doing nothing.”
Alam ko naman kasing nakita niya kung ano ang ginawa ko, hindi ko maintindihan bakit kailangan niya pang itanong ang isang bagay na obvious. Nakakasawa na umintindi ng matanda.
“Go ahead, Rica, bumaba ka na.” utos niya sa maid. Nagmamadali iyon tumayo at kulang na lang ay liparin niya ang hallway para makaalis.
“I guess you owe me an explanation.” Bakas sa mukha ni Lolo ang pagka dismaya pero wala pa rin ako sa mood kausapin siya kaya mas pinili ko na lang na tumalikod.
Akmang papasok na ko sa kuwarto nang pigilan niya ang braso ko, ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak niya roon.
“Pa, what happened here?” tanong ni Mom na kakarating lang. Nakasunod sa likuran niya si Dad.
“Why don’t you ask your daughter?”
Ugh. I hate scenes like this. Iyong ako pa mismo ang gusto nilang magsabi ng nangyari. As if, they don’t know me.
“Fine! But would you please let me go?” tinignan ko po ang braso kong hawak pa rin ng matanda. Nang bitawan niya ito ay saka ko hinarap ang parents ko.
“I pushed that ugly maid, I also asked her to swallow my pillow. But who cares? She’s just a maid.” Napa buntong hininga na lamang ang mga magulang ko.
“I’ve had enough. Kinausap ko na kayo noon na ‘pag ‘tong apo ko ay hindi pa tumino kahit kaunti, mapipilitan ako na ipadala siya sa boarding house. Look at her, she’s getting worse! Wala man lang kayong ginawa!” Gusto kong takpan ang magkabilang tainga ko, ang aga-aga manermon ng matandang ‘to.
“Eunice, ipahanda mo na sa mga maid ang gamit ni Venice. ” dagdag pa ni Lolo. Natigilan ako nang mapansin kong may namumuo ng luha sa mga mata ni Mommy.
“Pa, don’t do this.” Hinawakan nito ang braso ni Lolo. Wala pa rin akong maintindihan sa nangyayari.
“What the hell is going on? Anong boarding house?” nagpalipat-lipat ang tingin ko sa parents ko pero pareho silang hindi maka tingin sa mga mata ko.
“Honey, pigilan mo si Papa na ipadala sa boarding house na ‘yon ang princess natin.” Bakas ang takot sa mukha ni Mommy, hindi ko tuloy maiwasan na ‘di kabahan.
Seriously, I don’t know what’s going on here. Ano ba kasi ang boarding house na ‘yon?
“My decision is final. Sa ayaw o sa gusto n’yo, ipapadala ko si Venice sa boarding house.” Tiim bagang na sabi ni Lolo. Doon lang unti-unting pumasok sa sistema ko ang tinuran nito. Ipapadala? Ako? Sa boarding house? No way! Hinding-hindi ako aalis sa bahay na ito.
“Don’t be such a p***y, Lolo. Para namang napakahalagang tao ng itinulak ko para makapag react ka ng ganyan.” Mag pasalamat nga siya’t iyon lang ang ginawa ko. Wala siyang ideya paanong pagpipigil ang ginawa ko para lang hindi ipitin sa pinto ang mukha ng maid na ‘yon.
“I guess, Papa is right.” suhestiyon ni Daddy. Naibaling ko bigla sa kaniya ang tingin ko nang marinig ko ang sinabi niyang ‘yon. There’s no way na papayag siya sa gustong mangyari ni Lolo.
“No, Dad! You can’t do this to me! Tell me you’re just joking.” Sinubukan ko pa ngang tumawa pero seryoso talaga ng mukha nito.
“I want to believe that you’re not getting worse, pero hindi ko makumbinsi ang sarili ko. Sorry, my princess, pero this time kailangan namin sundin ang gusto ni Papa.” Iniwas na ulit ni Dad ang tingin niya sa’kin.
“Mom, do something! You can’t do this to me! I will never leave this house!” histerikal na sabi ko, pero wala na ring imik si Mommy.
“Go, Eunice. Ipahanda mo na sa mga maid ang mga gamit ni Venice.”
Matapos iyon sabihin ni Lolo ay hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang mga luha sa pisngi ko. Hindi ko alam kung saang lugar ako dadalhin. Ang tanging alam ko’y malayo iyon sa bahay. Malayo sa parents ko at sa lahat ng bagay na mayroon ako dito. Wala akong ideya kung kakayanin ko ba na malayo sa lahat ng ‘yon.
“No, Mom! Dad! Promise, magpapakabait na ako. Gagawin ko na ang lahat ng gusto n’yo. If you want I can even beg to that maid so she can forgive me. Please, ‘wag niyo lang gawin ito, ‘Lo.” pagmamakaawa ko.
Kung kailangan lumuhod, luluhod ako. Kahit mabigat sa loob ko na humingi ng tawad, kahit pilit, gagawin ko, huwag lang nila akong patirahin sa malayo.
“Ano pang itinatayo-tayo mo riyan, Eunice? Kanina ko pa sinabing ipa-impake mo na sa mga maid ang gamit niya, ‘di ba?” At hindi na rin napigilan ni Mommy na umiyak.
Napasandal na lamang ako sa wall ng room ko, mukhang hindi ko na talaga mababago ang desisyon ni Lolo. Nakatulala ako sa sahig habang nanlalambot ang mga tuhod. Gusto kong isumpa ang matandang ito pero hindi ko maibuka ang bibig ko.
The next thing I know, nasa loob na ako ng sasakyan namin at sinasabi ni Lolo kung saan ako dadalhin, kung paano ako ta-tratuhin doo, at kung anu-ano pa. Pero ni isa, walang nag sink-in sa utak ko.
Nakatulala lang ako sa labas ng bintana the whole time. Hindi ko pa mapapansin na mahaba ang naging biyahe namin kundi ko pa naramdaman ang pagsakit ng pwetan ko. Hanggang sa iparada ng driver ang kotse sa isang bahay na malayo sa laki ng bahay namin. A white and brown two-storey house, hindi ito maliit pero wala pa rin sinabi sa mala-mansiyon na bahay namin.
Pinagbuksan na ako ng pinto ng driver namin. Hindi ko na nga napansin na nauna ng lumabas ang matanda dahil naging abala ako sa pagsuri sa itsura ng tinatawag niya na boarding house. Dumiretso na ako sa loob ng bahay, nakasunod sa akin ang driver na bitbit ang mga maleta ko. Gumagala ang paningin ko sa bawat kanto, hinahanap ko rin ng tingin si Lolo, nang makarating kami sa maliit na sala ay ganoon na lang ang gulat ko nang tumambad sa akin ang limang lalaki.
Teka, LIMANG LALAKI.
Kumurap-kurap ako, nagbabakasakaling namamalikmata lamang ako. Ngunit sila pa rin ang nakita ko sa pagdilat ko.
Tinapunan ko ng tingin ang naka ngising si Lolo. “D-Don’t tell me sila ang makakasama ko rito?” Hindi makapaniwalang tanong ko.
For God’s sake! Hindi pa ako nawawala sa katinuan para tumira sa isang bahay kasama ang limang lalaki. Ano ba kasing kahibangan ang naiisip ng matandang ‘to?
“Maiwan ko na sa inyo ang apo ko.” Lalong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito.
“Are you out of your mind, ‘Lo? If this is a joke, let me know nang makatawa naman ako!” sarkastikong sabi ko. Hindi ako nito sinagot, tumalikod na siya at nagsimulang maglakad paalis. Sinubukan ko siyang pigilan pero hinawakan ako ng driver namin kaya tuluyan nang nakalabas ng bahay si Lolo. Nang makaalis ang matanda’y nagmamadali na ring sumunod dito ang driver. Bago pa ako makalabas ng gate ay nakaalis na ang sasakyan.
Lalong nanghina ang mga tuhod ko, parang gusto ko na lang ibagsak ang sarili ko sa lupa. Pero dahil alam ko na marumi iyon, at mainit din, pinilit ko na lamang ihakbang ang mga paa ko pabalik sa loob ng boarding house.
Muling tumambad sa’kin ang limang lalaki na seating pretty sa mahabang sofa. Limang lalaki na makakasama ko sa impiyernong lugar na ‘to. Limang lalaki na may mga htsura naman… Fine, may mga hitsura talaga.
Guwapo.
Hot.
In short, mga hunk.
Fuck, makatagal kaya ako sa boarding house na ito?