Chapter 15

2047 Words
Chapter 15 Nina Pov Ilang linggo ko ng iniiwasan ang lalaking ito. Nababaliw na yata ako dahil hinahanap ng dalawa kong volcan ang labi ng gadonggong na iyon. Nakakainis. Bakit kasi hindi ko man lang mapigilan ang gagong iyon. Lagi na lang nag tresspassing sa kwarto ko. Maglagay nga ako ng karatula na no tresspassing sa labas ng pintuan ng kwarto ko. "Ate Nina, you come with us. Kailangan mong matuto daw ng basic self-defense. Para daw sa sarili mo ng hindi lang bunganga ang ipang laban mo sa mga kaaway kung sakali." sabi sakin ni Serenity pagkalapit niya sakin dito sa may pool area habang nagwawalis ako. "Tapos kapag may nakausap akong lalaki eh, iiwan at idedma niyo na naman akong dalawa. Hindi niyo kasi alam ibig sabihin ng proper etiquette!" "Huwaw! Proper etiquette pa nga." pang aasar sakin ni Serenity. "Wala ka niyan. Wala kayong proper etiquette na dalawa ng kuya mo!" Tumawa lang ito at bahagyan niya akong niyakap. "Magbihis kana ate dahil ilang minuto na lang ay aalis na tayo. Leggings at tshirt ang isusuot mo para comfortable ka sa pag galaw mamaya." "Mandatory bang matuto ako sa self-defense?" usisa ko. "Mandatory man o hindi kailangan mo parin matutong protektahan ang sarili mo. Hindi nakakamatay ang pagbubunganga mo. Pero kung mag ulam ka ng kuhol na may halong tanglad sure akong mahihimatay ang bubungangaan mo!" agad akong napalingon sa lalaking nagsalita sa likuran ko. Matalim ko siyang tinignan. Umamba ako ng suntok pero ginaya lang niya ako. Humalakhak naman si Serenity sa sinabi ni Gadonggong. "Kaya bihis na po Ate. Para din naman ito sa sarili mo. Para sa kaligtasan mo din kung sakaling wala si Kuya Gardo na kasama mo. At least kaya mo ng ipagtanggol ang sarili mo gaya sa ginagawa ko. Sabi mo nga I need to be strong. Kaya dapat gan'on ka din. Hindi pwede ang strong lang sa pagbubunganga." sabi pa ni Serenity para lang mapapayag niya ako. Well, tama naman ito kaya sure sige. "Okay sige let's fight, fight, fight mamaya! Wait lang magbihis na muna ako." irap ko at nagmartsa ng umalis sa may pool. "Ang daming kaartehan papayag lang din naman. Tsk!" parinig ni Gardo. Mag middle finger sana ako pero naalala ko kasama namin dito si Serenity. Umirap na lang ako. Hinawi ko pa ang buhok ko bago umalis na doon. Rinig ko pang bumungisngis si Serenity. ***** Gym daw yung pupuntahan namin. Hindi ko lang alam kung saan banda. O, kung saan lugar kami pupunta. Mukhang kalahating oras ang biyahe namin bago makarating sa gym na sinasabi ng gadonggong na ito. "Gym ba 'to?" agad kong tanong ng makarating na kami dito. "It's looks like not a gym but inside I a sure you, ma-aamaze ka." sabi naman ni Serenity. Bumabresyete na ito sakin habang tinatahak namin ang napakaboring na lugar na ito. Hindi ko din sure kung building ba ang nakikita ko. Pabilog kasi na parang malaking water tank lang ang style. Tapos mga puno na ang nasa kapaligiran. May pinindot si Gadonggong biglang bumukas ang pinto. Pumasok na kami agad sa loob. Nagulat pa ako ng pababa ang sinakyan naming elevator. Napahawak ako sa kamay ng katabi ko. Nagulat pa ako ng kamay pala iyon ni Gardo. Mahigpit na niyang hawak ngayon ang kaliwang kamay ko. Pinilit kong bawiin kaso hindi ko mabawi dahil sa higpit ng pagkakahawak nito. Nalamog na yata ang mga daliri ko. Hinayaan ko na lang para hindi nito lalo pisilin ang kamay ko. "Ang lalim na yata ang napuntahan natin. Parang nailibing na tayong buhay dito. Nakakatakot naman. Paano kapag bumaha? Kapag lumindol o may sumabog dito. So scary." bulalas ko pa. "No worries Ate matibay ang pagkakagawa nila sa lugar na ito. Underground ang tawag dito. Sekreto lang ang lugar na ito. Walang masyadong nakakaalam na ibang tao na may underground ang building na ito." "Pero nakakatakot parin dito. Pinunta niyo lang ba ako dito para takutin ha? Tapos tayong tatlo lang ang tao dito. Paano na lang pala kapag may mga zombie na naglabasan. Paniguradong ako ang ipapakain niyo sa mga zombie para maging kagaya ko na sila. Tapos ako naman ang maghasik ng lagim sa mansion. Sigurado akong uunahin ko ang gagong matanda na mahilig magdede sa dede ng may dede!" patutsada ko pa sabay irap. Kinalawit ni Gardo Ang isang braso nito sa may leeg ko. Bahagyan pa niya akong kinutusan sa ulo. Napahagikhik naman si Serenity sa amin na dalawa. Kapag ibang lalaki nagagalit kapag ang Kuya niya tuwang tuwa. "Bungangera! Kung ano-ano na naman pinagsasabi mo! Namimiss mo lang yata akong padedehin eh." bulong pa nito sakin sa huling sinabi nito. Nahampas ko tuloy siya sa dibdib. Pinamulahan pa yata ako ng mukha. Yung u***g ng s**o ko biglang nanigas. Siraulo eh. Hindi parin talaga kasi ako makaget over sa pagdede niya sakin dalawang beses na. "Tatlo lang talaga tayo dito para makapag-concentrate ka sa pagpapraktis mo. Mag warm up na kayo ng makapagsimula na tayo." seryosong sabi nito. Tatlo lang naman kami kaya inalis ko na ang suot kong loose t-shirt. Naka singlet at leggings na lang ako. Seksi naman siguro ako tignan. "Melon boobs size, flat stomach peach and round watermelon butt. Perfect!" sabay haplos ko pa sa katawan ko hanggang sa may pwetan ko. Bahagyan pa akong umikot sa harapan ng salamin. "What are you doing!" sita sakin ni Gardo. Hindi ako nagsalita at lumapit na lang kay Serenity. "I said warm up hindi ang magpaseksi sa salamin! Walang pupuri sayo coke in can ang katawan mo kapag nakatalikod ka. Kalsada na may humps at bako-bako naman kapag sa harapan mo. Kaya mag warm up na. Time is running!" malakas pa nitong sabi. "Sir yes, sir na mapanglait Sir! Buset ka Sir!" malakas ko din na sabi. Malakas na tumawa si Serenity. "Ready na ang my hump, my hump, my hump, my hump. Wayaa, Jugss, pak!" nag acting magkakarate pa ako na katunog ni Bruce Lee ang ginaya ko. Kaso parang tunog pusa na naipit ang paa ang boses ko. Napangiwi pa ako. Humalakhak naman ang dalawa. At least tumawa sila dahil nakakatawa naman talaga yung boses ko. "E, di tatawa na lang tayo dito ano?" nguso ko pa. "Nakakatawa ka talaga Ate Nina, Ang dami mong personality na nakakamangha." puri ni Serenity sakin. "Tse! Ang sipsip mo!" hawi ko pa sa buhok ko. Napabungisngis naman ito. Pumunta sa isang cabinet si Gardo. Mayat maya ay may hawak na itong mga gloves. Inuna niyang ilagay kay Serenity ang gloves sa kamay nito. Sunod yung akin at may naisip na naman akong kalukuhan ng makaganti man lang ako. Nakatitig ito sakin habang nilalagay ang gloves sa kamay ko. Ngumuso naman ako dahil ngingiti-ngiti ang gadonggong na ito. Amuse na amuse pa habang nakatitig sakin. "Bakit may problema ba tayo?" kunwari seryoso kong tanong. Bahagyan naman natawa ito. "Nothing." iling pa nito. "I just miss sucking your n*****s. I'm hungry." malandi nitong bulong sakin. Nang mailagay na nito ang gloves sa mga kamay ko ay agad ko siyang sinuntok sa tiyan at panga with sounds pa na wapak. "Ouch! What the fvck Ninja!" angal nito sakin. Hindi kasi nito napaghandaan ang ginawa ko. "Testing lang naman eh." inosenti ko naman na sagot. Humalakhak naman si Serenity sa ginawa ko. Iiling iling na lang itong hinawakan ang nasapak na panga. Tatlo na kaming nag i-insayo ginagaya ko lang ang ginagawa nilang dalawa. Ako lang naman ang maingay na laging wayaa, heyaa, pugs, pak. Nadi-distruct sila sakin kaya minsan pinapatigil nila ako. Magbilang lang daw hindi Ang mag ingay. Masunurin naman ako kaya sige mag bilang nalang. Sumabot na ako sa one hundred counting sila pabalik balik sa one two three. Minsan one two three four tapos kick. Nagsasarili ako sa pagbibilang habang sila stick sa binibilang nila. "Ninja! What are you doing ha!" pak ang sagot ko sa kanya ayon natamaan ang mukha nito. "Gumagaya sainyo ano pa nga ba. Bakit mali ba?" irap kong sagot. "Kanina ka pa ha!" nainis na yata ito kaya lumayo na ako sa kaniya kaso mabilis niya akong nilapitan. Tumakbo naman ako kaya hinabol niya ako. Natatawa lang din si Serenity samin. "Anong gagawin mo ha?!" malakas kong tanong ng makorner niya ako sa gilid. Tinulak ko siya ng hawakan niya ako. Sinuntok ko siya ulit kaso na kailag na sa wakas. Hindi ko siya tinigilan sa pagsuntok kaso lahat ng suntok ko nailagan niya. Tawang tawa ito ng hindi ako makasuntok. Humawak pa siya sa ulo ko para matigil siguro ako sa pagsuntok sa kaniya. Hindi ko siya masuntok dahil nilalayo niya ang ulo ko sa katawan niya. Natatawa naman ito. Kinawagkawag ko ang kamay ko maabot ko lang siya. Tinabig ko ang kamay nito nakawala naman ang ulo ko sa pagkakahawak nito. Kaya balak ko sana itong tadyakan kaso nawalan ako ng balanse. Nadulas ako kaya patihaya akong natumba sa sahig. Tumatawa lang si Serenity samin habang nanonood. Dahil sa inis ko tinadyakan ko ang hita nito. Nawalan ito ng balanse at natumba padagan sakin. Nagulat pa ako ng bahagyan niya akong halikan sa labi. Sinabunutan ko ito kaya napadiin ang paghalik nito sakin. "Siraulo ka! Nakikita tayo ni Serenity sa ginagawa mo gago!" hampas ko sa kaniya. Alam ko naman na sinadya nito ang matumba! Napalingon pa kaming dalawa sa tumikhim sa tabi namin. Naka indian sit sa tabi namin si Serenity. Habang ang mga kamay nito ay nakatakip pero may siwang ang pagitan ng mga diliri nito. Nakasilip sa amin ni Gardo, kaya sure akong nakita nito ang paghalik sakin ng gagong ito. Tinulak ko na ito para umalis na sa ibabaw ko. "It's okay Ate isipin niyo na lang wala ako dito sa harapan niyo. Mag enjoy na lang kayong dalawa diyan para may pamangkin na akong aalagaan." sabi nito sabay takip sa mga mata nito. Natatawa naman na bumangon na si Gardo at tinulungan niya akong makaupo din. Kaya nakaupo na kaming tatlo sa sahig. "Ang kulit mo kasi. Ikaw na nga ang tinuturuan Ikaw pa ang hindi marunong mag seryoso. Eh, para lang din naman sayo ang itinuturo ko. Hindi ka lang bungangera sobrang kulit mo pa!" sita nito sakin. "Sorry na po Manong hippogardo gadonggong judgeardo. Magpraktis na tayo now na." sabi ko naman. "Umupo na muna tayo. Pagod ako kakatawa eh." sabi naman ni Serenity. "Mamaya na magpahinga na lang kayo mamaya. Tayo na at mag training na tayo. Wala pa kayo nasisimulan na dalawa. Makinig sa instructions, wag pasaway at wag makulit. Stand up now!" sabi na ni Gardo. Kaya magseryoso na lang din ako para lang din naman sakin. Pwede ko magamit ang matutunan ko balang araw. Kaya nagsimula na kami ulit. Isang oras din kami bago natapos. Tapos sparring pa kami ni Gardo. "Ang sasabihin ko ang susundin mo. Hindi yung basta ka na lang nanununtok at sipa. Tinuturuan kita para sa sarili mo hindi para gamitin mo ang mga natutunan mo sakin. Naiintindihan mo ba?" seryoso nitong sabi sakin. Hindi ako nagsalita. "Ninja bungangera kinakausap kita?" "Ano ang sinasabi mo Sir?" Napitik tuloy niya ang noo ko. "Sir Aray ko naman Sir, walang sakitan Sir." reklamo ko. "Naiintindihan mo ba ang sinasabi ko?" ulit nito. "Oo na Sir." "Mag ready na." "Yes Sir." "Punching lang ang gagawin natin. Walang tadyakan makinig sa instructions ko. Ang kulit mo pa naman at ayaw makinig sakin. Wala kang galang sakin lalo sa mga sinasabi ko sayo. Now get ready and pay attention. Magpokos at alerto sa bawat galaw." "Yes Sir." Makinig na lang ako para matapos na ang lahat. Tama naman ito para lang din naman ito sakin. Para sa kaligtasan ko at para maproteksyonan ko ang sarili ko balang araw. Ginagawa nila ito para sakin para kahit papano marunong din akong lumaban. Mahirap ang unang tinuro nito sakin para sa mga baguhan palang na kagaya ko. Pero at least nakaya ko at hindi ako sumablay. Natapos din ang insayo naming dalawa. Kaya pahiga ako sa sahig na nagpahinga. Pumalakpak naman si Serenity na nanonood samin ni Gardo. Proud na proud dahil madali daw akong nakasabay at natuto. Pwede na daw ako isabak sa gyera sabay tawa naming tatlo. Pero nakakapagod din sa totoo lang. Kaya nakaupo na lang ako habang pinapanood silang dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD