bc

The Annoying Billionaire Mafia

book_age18+
402
FOLLOW
12.2K
READ
family
HE
opposites attract
badboy
lighthearted
detective
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa malaki ang sahod kinagat ko agad ang offer sa akin na mag alaga ng bata. Anak ng Isa sa pinakamayamang tao sa mundo daw.

Naging maganda ang buhay ko sa pagtira sa malapalasyong Bahay Ng mga amo ko. Plus mababait na amo at mga katrabaho sa mansion na iyon. Pero nagulo ang Mundo ko ng pagsamahin kami ni Don Sebastian ng lalaking sobrang nakakainis at nakakabuwesit na tao. Ito ay ang driver ng alaga ko.

Mas lalong nagulo ang buhay ko ng na-inlove at na-involved ako sa magulong mundo at buhay ng sobrang annoying na lalaking ito. Lalo na ng may natuklasan akong nakakatakot nitong lihim na pagkatao.

Huli na ang lahat ng maisipan kong lumayo at magtago sa kaniya. Dahil pati ako damay na at Isa na din sa pinupuntirya ng mga kaaway ng lalaking ito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nina pov Heto na ako baby Vivi. Humanda ka na sa kaingayan ng magiging yaya mo. Sabi ng isipan ko ng nakasakay na ako sa magarang sasakyan na nagsundo sa akin sa terminal ng bus. Sosyal di ba may taga sundo pa ako sa terminal ng bus. Hindi pa binunggahan dapat may pa-red carpet pa. Yay bongga sana. "Manong." tawag ko sa tahimik na driver. Hindi ito umimik. "Ganito ba ang mga driver sa mayayamang angkan? Bawal makipag usap sa mga baguhang katulong na kagaya ko?"tanong ko pa sa sarili ko. Ang boring naman nila. Paano na lang ang boses ko kapag bawal ang magsalita. Mapapanis ang laway ko baka ang malala pa magiging pipi na ako dahil hindi nagagamit ang boses ko. Nako wag naman sana basta may pagkakataon magsasalita ako sa ayaw niyo at sa gusto ko. Gate palang ang bongga na parang papasok kami sa kaharian ng Principe. Ang taas ng gate ang bongga ng bahay sa tabi. May inspection pa at tinanong pa ang pangalan ko. Nang sinabing bagong katulong ako sa pamilyang Parker agad kaming pinapasok. "Manong driver marunong ka palang magsalita? Akala ko kanina bingi at pipi ka mabuti na lang po hindi ka bulag. Kakanta na sana ako ng bulag, pipi at bingi."bulalas ko. Tumawa ito sa sinabi ko. "Pasensiya na ineng. Naka-earphone kasi ako kaya hindi kita narinig kanina. Mukha ka kasing tahimik na tao kaya ayoko naman na magtanong at baka masabihan mo akong chismoso." sabi naman nito. "Mukha lang po manong. Hindi naman kasi nakakapagsalita ang mukha ko. Joke lang po. Madaldal po talaga ako sinasabi ko na para mamaya po hindi kana po magtaka." sabi ko naman. Bahagyan itong tumawa. "Ay wow!" bulalas ko. "Ito ang bahay ng aalagaan kong bata manong?" tanong ko. "Oo ineng."tipid nitong sagot. "Mabait kaya ang bata?. Sana naman mabait para hindi ako mahirapan mag-alaga sa kaniya. Baka mamaya isang araw ko palang dito mukha na akong otsenta. Baka kulubot sa stress pati ang dila at labi ko. Ho may gash."bulalas ko pa. "Normal lang sa bata ang makulit ineng. At kaya mo yan sayang ang pagkakataon na makatrabaho ka sa ganitong pamilya. Hindi ka magsisisi ineng basta maging mabait ka lang sa bata."sabi nito. Hindi na ako nagsalita pa dahil nakatingala na ako sa napakagandang bahay na ito. Parang nasa ibang bansa na ako sa ganda ng lugar pati narin ang bahay. Ang bongga naman ang bahay na ito. "Ang bongga ng lugar at Bahay manong. Siguradong maliligaw ako sa loob ng Bahay."bulalas ko pa. Ngayon pa lang nakikinita ko na ang mangyayari sa akin dito. Kailangan ko lang siguro ang mag memorize at gumawa ng mapa ko sa Bahay na ito. May mag guide naman siguro sa akin sa loob na mga kawal. Naiimagine ko na ang mga kawal na nakahawak sila ng malaking espada. Di ko sure ano tawag sa mga gano'n basta gano'n na iyon espada. Tapos nakatayo sila sa gilid ng pinto. Parang sa mga napapanood ko na drama ng ibang bansa. Natawa ako sa sarili hindi naman siguro gano'n ang mga security guard at bodyguard dito. Nakapasok na kami sa loob mas lalo ako napanganga sa nakikita. Mas maganda pa pala lalo dito sa loob. Pwede kaya ako mag video dito at ipapakita ko sa pamilya ko sa probinsya. Mamaya ko na yan aatupagin. Hindi naman aalis ang lugar na ito eh. "Manong pasensiya na kung madami akong mga tanong ha. Bakit ang daming mga nagkalat na mga robot po?"tanong ko. Tumawa ito. Kanina pa tumatawa pero ang tipid sumagot. Kutosan ko kaya ang matandang ito. Biro lang Lord. "Mga bodyguard ang mga yan. Hindi sila robot ineng. Ganyan talaga ang trabaho nila ang magmasid sa paligid."sabi nito. "Ha? Nagmamasid ba sila sa mga insect na mag trespassing po dito sa loob ng palasyo, Manong?" bulalas ko pang tanong. Humalakhak na ito sa tanong ko. Iiling iling pa ito. "Nakakatawa ka ineng."sabi pa nito. "Mediyo lang po."sagot ko naman. "Tsaka Nina nga po pala ang pangalan ko Manong. Maikli lang ang pangalan ko but I'm tall person. Kapag po mahirapan kayo sa pagbigkas po ng name ko. Tawagin niyo na lang ho akong Ni o Na, stand for Nina."ngiti ko. "Madaldal ka nga ineng."sabi nitong natatawa parin sakin. Tumawa na din ako. Inborn kasi ang kadaldal ko. Nasa loob palang ako ng tiyan ng nanay ko maingay na daw ako. Sanhi ng laging pag-uutot ni Nanay araw-araw minu-minuto. "Bumaba kana Nina hinihintay kana ni Manang Cora. Siya ang taga gabay mo sa pag aalaga sa bata. Mabait din yan si manang Cora."sabi nito. "Sige po manong, salamat po."sabi ko at bumaba na ako. "Mamaya muna kunin ang gamit mo." "Opo."sagot ko. Pinigilan ko muna ang sarili na igala ang paningin sa kapaligiran. Dito naman ako titira may oras din naman siguro akong igala Ang mga paningin ko dito sa labas kapag free time ko. Sabi pa ng isipan ko. "Ikaw ba si Nina, ang magiging Yaya ni baby Serenity?"tanong ng mediyo nasa 50's o 60's na yata ang edad. Tatanungin ko na lang mamaya. Hindi pa kami close eh. Mukha pa namang masungit ito. "Opo madam!"sagot ko. "Manang Cora lang ang itawag mo sa akin. Wag ang madam yayamanin iyon. Halika hinihintay kana ni Don Sebastian sa library. Kakausapin ka muna at para interview ka na din."giniya na ako sa loob. "Manang Cora, wag mo ako iiwan ha sa labas ka lang po sana. Baka maligaw ako mamaya eh."sabi ko pa. "Sa kaliwa ka lang papasok kapag tapos kana kausapin ni Don Sebastian. Hindi ka maliligaw dito. Basta kaliwa ha."turo pa ni Nanay ang nag iisang pinto sa kaliwa. Sa kanan naman ay dalawang pinto iyon. Tatandaan ko ito. Sa isip-isip ko. Si Manang Cora na ang kumatok para sa akin. "Oh, pasok kana. Nasa loob ng library din ang batang aalagaan mo."sabi pa nito. "Sige po salamat."Sabi ko. Nag sign of the cross pa ako bago pumasok sa loob. Pagpasok ko palang rinig ko na ang hagikhik ng bata. Napakacute naman ng aalagaan kong bata. Ano kaya ang lahi ng pamilyang ito. Mi gash! Englisera ang bata nadala ko kaya yung dictionary ko? Tanong ko pa sa sarili. Bahala na sa pag-english kahit magtambling tambling pa ang dila ko sa kaka-english ayos lang. English lang yan at ako 'to. Ako parin masusunod sa gusto kong lengwahe. "Ahm... Magandang..."tumingin pa Ako sa suot kong relo. Tig bente pesos lang ito noong panahon pa ng hapon. Pero matibay parin at maganda sa kamay ko. "Magandang umaga at tanghali po. Sir, little ma'am."bati ko. Napatigil naman ang mag Lolo? "Papa, she's already here!"bulalas ng bata. Kahit sa pag English napakasosyal din. Ang cute ng accent ng bata. "Come over here Miss Nina, right?"sabi ng matanda. Mukhang mabait naman ito may pagka-strikto lang pero normal lang naman sa mga matatanda ang strikto ang mukha. "Hello, I'm Vivi and he is my Papa. My Mommy and Daddy is not here but nevermind as long as my Papa is here that fine with me. Right Papa?"matamis pa itong ngumiti sa Papa nito. "Yes my sweetie!"magiliw nitong hinaplos ang ulo ng bata ngumiti din ang bata sa Papa nito. "You can seat Nina. Don't be shy."sabi pa ni Don Sebastian. Nahihiya naman akong umupo sa single sofa. Nakatingin lang din sakin ang bata na parang sinusuri ako. 'Well, mabait Ako at madaldal baby Vivi. Marami tayong kaingayan na gagawin kapag kasama mo ako.' Sabi ko pa sa isipan ko. "How old are you Miss Nina?"tanong ng matanda. "25 years old Sir."sagot ko. "Do you have a boyfriend?" "Ah, wala na po Sir. Hiwalay na kami pero may manliligaw ako na bago sa probinsya namin. Sana po mahintay niya ako."nahiya ako bigla sa sinagot ko. Bahagyan naman itong tumawa. "I'm asking this because I want you to focus on taking care of the child. Pero dahil manliligaw palang naman sure akong makakahanap ka pa ng iba dito. At makakalimutan mo din siya."sabi pa nito. Aba, paladisisyon din pala ang magiging boss ko ah. "Baka gano'n nga po ang mangyayari. Baka po Isa sa mga robot sa labas ang destiny ko Sir."biro ko. Pero na ngunot ang noo nito sa sinabi ko. "What robot you talking about Nina?"usisa nito. "Yung mga nakatayo po Sir na nagkalat sa labas. Sabi ni manong na mga bodyguard daw po sila." Tumawa ito. "What's funny Papa?" "Nothing sweetie."ngiti nito sa bata. "You can speak English po?"tanong nito sa'kin. "Little, little lang."sagot ko. "Ahm Sir, pwede ko din po ba siya turuan ng ibang lenguwahe si baby Vivi?"tanong ko. "Sure Nina, dahil English at Spanish ang madalas nitong salita. Ano bang lenguwahe ang ituturo mo sa kaniya?."sagot naman ng matanda. "Bisano Sir. Pero dahil po bisano ako at pinag aawayan ng parents ko kung ano dapat naming salita na magkakapatid. Sa bandang huli tagalog na lang ang lenguwahe na ginagamit namin. Para po walang lugi at walang awayan."sabi ko. "Bisano?" "Bisaya - ilocano po Sir. Nakakaintindi po ako ng bisaya at nakakapagsalita ako ng ilacano. Secret lang yun para hindi magselos ang Papa ko."tumawa pa ako. Yung bata hindi maalis alis ang tingin sa akin. May ganda naman siguro itong nakikita sa mukha ko 'no. Wala yan pimples mediyo hindi lang makinis pero kapag pinadaanan yan ng trowel suwak na suwak. Walang bako-bako ang pisngi ko. Malinis ang pagkakapalitada niyan sure ako. Tumingin ako sa kaniya at nginitian ito. Ngumiti din ito sa akin. Sure akong magkakasundo kami nito. "Nakakatuwa ka Nina. Sana maging mabuti ka sa pag-aalaga kay baby Vivi. Maaasahan ba kita?" "Ay oo naman po Sir. Mabait naman Ako sa mga bata mahaba din po ang pasensiya ko sa kakulitan ng mga bata. Kaya sure po akong magagampanan ko ang pag aalaga kay baby Vivi."sure na sure kong sagot. "Good. Si Cora na ang bahala sa'yo sa lahat dito." "Sige po Sir. Ahm... Sir tanggap na po ba ako? Kung tanggap na ako Sir, ngayon na po ba ako magsisimula na magtrabaho? Stay in po ba ang pagtira ko po dito Sir? Libre po ba ang pagkain Sir?" Nagsalita ang bata pero hindi ko naintindihan. Pati ang pagsagot ng matanda sa bata ay ibang salita din. Natatawa pa itong sumagot sa bata. Nag English na lang sana sila. Napakamot ako sa braso ko. "Do you like your new Nanny, sweetie?"tanong ng matanda kay baby vivi. "Y-yeah, b-but I hope I don't become deaf because of her chatter."sagot ng bata. Nagyuko pa ito ng ulo sa sinabi niya. Humalakhak naman ang matanda. Halatang napakabait ng matandang ito. At mukhang down to earth din habang kinakausap niya ako. Mga importanting bagay lang at ilan sa personal kong buhay ang tinatanong nito. The rest na ay yung mga tungkol na sa bata. Mga bawal at hindi bawal para sa bata. "You can go now Nina. You already hired kaya bahala na si Cora sa'yo at magsabi sa dapat mong gawin dito sa bahay."ngiti ng matanda sa akin. Nagliwanag ang mukha ko sa sinabi nito. Gusto kong mag ingay kaya lang baka ayawan ako ng bata. "Maraming salamat po Sir. I'm going to mute minsan baby Vivi, para hindi ka mag deaf."ngiti ko naman na sabi sa bata. Tumango lang ito. Nang tumayo na ito ay tumayo na din ako. Kinamayan pa niya ako at in-welcome dito sa bahay nila. Sobra naman ang pasasalamat ko. Next week na daw ako magsisimula na magbantay sa bata. Dahil bukas mag out of town daw sila sa patungong Amerika. Bongga talaga ang mga mayayaman afford ang pumuntang Amerika. Habang ako hanggang basa lang sa mga pangalan ng country at tingin sa mga Lugar nila sa internet. Plus imagine na nando'n ako naglalaro ng snow. Gano'n ako mag imagine bongga at sosyal na Lugar pinupuntahan ng imagination ko. Paglabas ko ng library ay inalala ko agad ang sinabi ni manang Cora. Nakahinga ako ng mabuti ng tama ang pinasukan ko. May mga ilang mga kasambahay sa kusina. Nahiya akong kausapin sila kaya bumati na lang ako at tinanong si Manang Cora.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

Mang Julio (SSPG)

read
44.1K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.8K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
20.0K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook