Chapter 2

1925 Words
Chapter 2 Bongga talaga ang pamilyang ito. Napaka-generous nila at napakabait ni Don Sebastian. Yung Mama lang talaga ni baby Vivi ang kakaiba ang ugali. Kaya kapag nasa malapit lang ang Mama nito nilalayo ko na ang bata. Lalo na kapag wala dito si Don Sebastian, iba ang trato nito sa bunsong anak nito. 'Anak kaya niya ang batang si Vivi o hindi?' tanong ko pa sa sarili. Hindi naman sila magkamukha na dalawa. Mas kamukha niya ang Daddy nito. Pero bakit pati ito parang walang amor sa bata. Kawawa naman ang alaga ko. Kaya pala minsan nakita ko itong tumakbo sa playground sa likod. Umiiyak ito na nakaupo sa duyan. Lalapitan ko sana ng may batang lalaki na lumapit sa duyan at kinakausap si Vivi. Kinakantahan din niya ito kaya hinayaan ko na lang muna sila. Dahil tumigil na din ang alaga ko sa pag iyak. Nakamasid lang ako sa kanila para may bantay parin sila dito. Agad ko itong nilapitan ng umalis na ang batang lalaki. "Our princess Vivi. Bakit malungkot ang magandang bata ha? Halika karga ka ni Yaya Nina."malambing kung sabi sa bata. Tumayo naman agad ito at agad nagpakarga sa'kin. Masaya na itong yumakap sa akin. "The best Ikaw."ngiti nito sa'kin at hinalikan ako sa pisngi. Malapad ang pagkakangiti ko sa labi. May alam na itong salita na tagalog. Nakakaintindi naman ito sa tagalog hirap lang talaga magbigkas ng mga salita. Nasanay sa English at Spanish na salita dahil iyon ang ginagamit ng matanda dito. At baby palang daw ito sa Amerika na lumaki. Apat na taong gulang ito noong umuwi sila dito sa Pilipinas. Ngayon Limang taong gulang na siya at dito lang siya sa bahay nag-aaral may pumupunta dito na tutor ng bata. Dalawa o Tatlong oras matapos ang klase ng bata. Kapag elementary na daw ito sa paaralan na mag aral. "Anong gusto mong ipapaluto natin kay manong kusinero, baby?"malambing ko. Kulang talaga ito sa aruga ng mga magulang. Hinala ko talaga na hindi nila anak ang batang ito. Kahit si Don Sebastian, hindi nilalabas ang bata kapag may okasyon na para sa business nila. Kaya ako palagi ang kasama ng bata. Pero noong nakaraang birthday party ng bata ang dami naman bisita at sobrang magarbo ang party. Kaya minsan nalilito ako at ang daming katanungan sa isipan. Ayoko naman na tanong ng tanong dahil naiirita sila sa kaingayan ko minsan. Hapunan na kaya dapat maaga itong kumain para makatulog na ng maaga. Sa kwarto ni Don Sebastian ito natutulog. Ayaw daw nito sa sarili nitong kwarto may multo daw sa Gabi. At totoo iyon I mean hindi multo kundi tao. Minsan kasi kasama ko siya natulog sa kwarto nito. Sa sofa ako natulog para mabantayan ang bata. Naalimpungatan ako ng hating gabi dahil may nagbubukas ng pinto. Mabuti na lang nilock ko ang double lock sa loob. Kaya hindi nabuksan ng kung sinong tao ang nasa labas. Kasi wala ang parents ng bata at wala din si Don Sebastian noong araw na iyon. Iniisip ko na baka yung kuya nitong panganay ang nagbubukas. Hate na hate nito ang alaga ko. Lagi nitong inaaway kapag wala ang matanda. "I want kani at soup I also want guley."sabi nito. Natawa ako dahil bulol kapag tagalog ang salita nito. Okay naman kapag English magsalita kompleto ang binibigkas. "Baby, sabihin mo ka-nin. Gayahin mo si Yaya."sabi ko pa. "Ka-nin."sumunod naman ito pati ang pagbuka ng labi ko ginaya nito. "Ito pa gu-lay." Pero guley parin ang bigkas. Kaya sige na nga guley na kung guley. Lalaki pa naman ito matututunan niya din bigkasin yan. Sabi ko na lang sa sarili. Kiniliti ko na lang sa bewang dahil sa hirap nito magbigkas ng tagalog word. Sisiguraduhin kong paglaki mo Tagalog na ang madalas mong gamitin na lengguwahe. Makakalimutan mo na ang Spanish bread na yan. Wait. Teka, mali Spanish language pala yun hindi Spanish bread. Pang kokorek ko sa sarili. "Tara na. Magpapaluto tayo ng kanin, soup and guley."gaya ko sa sinabi ng alaga ko. "Tara naaa!"malakas naman nitong sabi sa panggagaya sakin. Ang cute ng pagpronounce nito sa tagalog. Nakakagigil na bata ang talino napakabibo at mabait na bata. Pero kawawa naman dahil kulang sa aruga at pagmamahal sa pamilya nito. Si Don Sebastian lang talaga ang nakikita kong totoong nagmamahal sa bata. "Ang cute-cute mo talagang bata ka!"humalakhak na naman ito ng kilitiin ko siya sa kili-kili. Nakakatuwa na buhay na buhay ang pagtawa nito. ***** Hindi pumapasok sa kusina ang mga amo namin kahit ang dalawang bata na lalaki. Hanggang sa dining room lang sila kapag kainan na. Iwan ko ba sa kaartehan nila. Eh, ang lawak ng kusina nila napakaaliwalas at ang linis pa. Sa dirty kitchen naman kami nagluluto ng para sa aming trabahador nila. May taga luto din sa amin si manang Mely iyon. Tatlo ang kusinera dito sa mansion. "Manong kushenilo hello po."nagulat pa ang kuseniro namin dito sa bahay. "Bawal siya dito Nina baka mapagalitan ka."sabi agad ng isang kasambahay. "Pwede po. Nagpaalam ako kay Don Sebastian kahapon okay lang daw sabi niya eh. Hindi ko nga maintindihan kung bakit bawal o ayaw nila pumasok sa kusina. May mga sakit ba kayong nakakahawa ha?"biro ko sa kanila. "Grabe ka naman sa nakakahawang sakit na yan. E, di sana tanggal na kaming lahat dito kapag may sakit kaming nakakahawa."sabi naman ng Isa sa kusinera. Hindi ko pa lahat kabisado ang mga pangalan nila. "Mediyo may kaartehan din pala talaga ang mga amo natin." komento ko na lang. "Yaya ko. I want soup." "And?"tanong ko. "Kani and guley."bibo nitong sagot na akala mo tama yung sinabi niya. Katuturo ko lang kanina eh. "Heto na naman ang guley at kanin na yan baby."natatawa kong sabi. "You said just now... ka-ni and gu-ley. Tame akooo right Yaya?"pati nguso humaba na din sa pagbigkas niya ng ako. Tumawa naman ang mga kasama ko dito sa kusina. "Ang cute-cute mo talaga baby vivi."sabi pa ng isang kasambahay. "Thank you pooo."matamis pa itong ngumiti. "Oh, sabihin mo na kay Manong kusinero ang gusto mo kainin para makaluto na siya ng pagkain mo baby Vivi."sabi ko. "I want ahmm kani-e yaya I don't know how to say it eh. It so hard. I forgot already."nguso nito at kumamot pa sa kilay nito. "Soup is sabaw." "Saba-o?"gaya nito. Natawa kami sa pagbigkas nito. "Sige soup na lang. Ito na lang kanin at gulay." "Kanen at guley."bigkas nito. Kaarte naman ng boses at pag bigkas nito. "Pwede na. Ang bilis matoto ang baby Vivi namin. Good job."puri ko sa bata sabay palakpak. "Alamat pooo."kinilig pang pasalamat nito. Matutoto ka din magtagalog baby serenity. Kaya mo yan tuturuan kita araw-araw para hindi ako mahirapan na mag English. Hindi ako ang mag adjust dapat ikaw baby. Sabi ko sa sarili. "What vege you like baby Serenity?"tanong ni kuya kusinero. "I want po the green tree and the white tree also the green moon. Also potatoes and tomatoes."sagot ng bata. "Kuya ano yung green tree at white tree na vege? May green moon bang vege?" tanong ko. Natawa naman sila sa tanong ko. "Broccoli at cauliflower iyon Nina. Yung green moon, naman ay green peas diba, ganyan yung hugis ng half moon. Ganyan talaga ang batang iyan magbigay ng mga pangalan ng gulay."sagot ni Kuya na natatawa. "Ah okay."tumatango kong sabi. "Ayaw mo ba ng carrots baby Vivi?"tanong ko. "No. Never eat carrots po. I'm not a rabbit. Carrots is only food for rabbits. You know yaya, I don't have a big teeth like the rabbit. So No, I'm afraid to eat a carrots, I might turn into a rabbit later."madaldal na sabi ng bata. Mahina naman natawa ang kusinero namin. "Oo na. Nagtanong lang naman ako kung gusto mo ng carrots eh. Ang dami mo ng sinabi. Na nosebleed na naman ako sa'yo."sagot ko naman. Tumingin naman sakin ang bata at tinignan ang ilong ko kung may dugo daw. Humalakhak na lang Ako. Ang kulit na bata. May party sa labas kaya free ang mga kasambahay na wag magluto ngayon. Hindi ko din hinayaan na makalapit doon ang alaga ko. May catering service naman na nagma-manage sa labas. Kaya dito na lang kami sa loob. Lahat naman pwede pumunta doon at kumuha ng pagkain. Pero natoto ako sa kanila na magluto na lang ng pagkain namin dito. Nakakahiya din naman kasi talaga ang makihalubilo sa labas. Noong birthday lang talaga ni Serenity lahat kami present may sarili din kaming lamesa sa venue. "Ayan luto na ang pagkain mo baby serenity."masaya kong bulalas. Butter vegetables at yung sabaw niya ay apple and carrots soup. Hindi lang nilagay yung carrots para mahigop parin niya ang sabaw. Fish fillets at kanin ang kasama. Healthy food palagi ang pagkain ng bata. Maraming bawal na pagkain sa bata dahil mabilis magkaallergy ang katawan. Kaya may mga menu dito na para sa bata. Hindi naman daw ito maarte sa pagkain dati. Hanggang sa nakakain siya ng nagpatrigger sa katawan nito. Ayon pinagbabawal na sa bata ang kumain ng kung ano-ano. Ang doctor na nito ang mga nagbigay ng mga dapat lang nitong kainin at hindi dapat kanin. May monthly check up pero ang doctor na ng pamilya ng bata ang pumupunta dito. Ngayon ay matutulog na naman ako sa kwarto ng bata. Dahil siguradong busy pa ang mga magulang nito at ang Papa nito sa mga bisita sa labas. Kaya sinasabayan ko na itong kumain para hindi masanay na walang kasabay kumain. Kawawa naman ang prinsesa nila dito sa mansion. Naleft over na. "Ate tama kaya yung na letf over si baby Vivi?"tanong ko. "Anong na left over?" "Yung iniwan siya sa ere ng kapamilya niya." "Baka out of place yun."singit ng Isa pa. "Set aside sigurado ako." Kanya-kanya na sila ng sinabi. "Hide behind." "Keep inside." "Left behind yun."sabi naman ng kusinera namin. "Laging naiiwan sa likod. Laging hindi kasama sa lahat ng okasyon. Kaya left behind."sure na sure nitong sagot. "I'm not alone now. Because I have you all specially my Yaya Nina. I'm not alone anymore."Sabad ng bata. "Hindi na daw siya alone. Kaya correct na lang lahat ang sagot natin."natatawa kong sabi sa kanila. "We are always here for you baby Serenity."sabi naman ni manang Cora. Na kapapasok lang sa loob ng kusina. "Thank you po Nanay ko."lambing ng bata. "I'm done eating po."malakas pa nitong sabi. "You're welcome Baby Serenity."ngiti ni manang Cora. "Tapos ka ng kumain Nina?"tanong pa ni Manang Cora. "Opo Manang."sagot ko. "Kailangan mo nang ilabas ang bata dito sa loob ng kusina. Hindi siya pwedeng magtagal dito. Baka makaamoy siya ng makakapagpatrigger sa kaniya at sasakit ang tiyan niya."sabi ni Manang Cora. "Sige po. Tara na baby Serenity. Magba-bye kana muna sa kanila."utos ko sa bata. "Ba-bye po."kumaway pa ito sa kanila bago ko kinarga na palabas ng kusina. Paakyat na kami sa hagdan ng may pagalit na nagsalita sa likuran ko. "Put her down. Hindi na siya bata para kargahin mo pa."galit na sabi ni madam Claudia. "Vienna you are not baby anymore. Learn to walk by yourself."natakot naman ang bata. Kaya binaba ko na agad ito. "Okay po madam."sagot ko na lang. Masamang tingin ang ipinukol nito sa bata. Nagyuko naman agad ang alaga ko. Nagsimula na din na umakyat sa hagdan. Hinawakan ko na ang kamay nito para makaakyat na kami agad sa kwarto nito. Ayaw pa sana nito pero pinilit ko lang na hawakan ito. Paano kung nahulog o nadulas e di problema ko pa. Baka masesante pa ako dito. Sayang Naman ang malaking sasahurin ko dito pagnagkataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD