Chapter 3

2247 Words
Chapter 3 Ngayon mag aaral na sa private elementary school ang alaga ko. Nakabisado ko na lahat ng bawal kainin ng alaga ko. Lalo na ang mga paborito nitong pagkain. Pero ang pasikot sikot dito sa bahay ng amo ko hindi ko pa kabisado. Kapag hindi ko kasama ang alaga ko hindi ako pumapasok sa loob ng bahay. Hanggang kusina lang ako nakatambay. Dumating din kahapon ang magiging driver ng alaga ko. At kasa-kasama ko ito sa paghatid sundo sa alaga ko. Kilala ito ni Don Sebastian mapagkakatiwalaan daw ito at maaasahan. Pinakilala na din ako ni Don sa driver ni baby Serenity. Mukhang kilala naman ni Serenity ang lalaki dahil tuwang tuwa ito ng makita niya si Gerardo. In short Gardo. Sinusuri ko ito at mukhang hindi lang ito driver. Parang mukhang bodyguard at security guard din ito. Kagaya sa mga security guard na robot sa labas ng mansion nila Don Sebastian. Pero dahil wala itong sunglasses sa mata ito ang pinakagwapo sa lahat. Puri lang naman pero hindi ko siya type. Baka yakap palang nito sa'kin lamog na ang buo kong katawan. Sa laki ba naman ng mga muscle nito. Mukhang puputok na din dahil sa mga ugat na nahihirapan ng huminga na naiipit sa braso nito. Gusto kong hawakan kong matigas ba talaga ang mga muscle nito. Pero baka magalit at masuntok ako. Yay! Nakakatakot. Kaya dapat iwasan ko ito kakausapin lang kapag kasama ko ang alaga ko. Ang seryoso pa naman ang mukha nito. Parang nababayaran bawat pagngiti nito. Huh! Wala akong pambayad sa kaniya kapag gusto ko itong ngumiti. Buti pa ang manliligaw ko sa kabilang mansion na bodyguard gwapo at palangiti. Nakilala ko ito noong mga nakaraang buwan pa. Ako kasi ang inutusan ni madam Claudia na ibigay sa kaibigan nito sa kabilang mansion ang isang paper bag na pasalubong daw nito sa kaibigan. Pero ang bunso nitong anak wala man lang binigay na pasalubong pero yung dalawang anak na lalaki meron. Mabuti na lang hindi inggetera ang alaga ko. Dahil meron naman daw siya Papa na nagbibigay ng regalo sa kaniya. Kaya kapag nakikita palang niya ang Mommy nito nagtatago na. Ayaw daw niya makita ang Mommy niya. Scary daw. "Baby, let's go na."sabi ko. Taglish na din ang salita ko dahil sa kaka-english ng alaga ko. "Yes po."mabilis ng tumakbo papalapit sakin ang alaga ko. "Ba-bye Papa ko. See you later."kumaway kaway pa ang bata sa Papa nito. "Take care okay. See you later my princess."masuyo pang sabi ng matanda sa bata. Sa ibang paaralan nag-aaral Ang mga kapatid nito. Iba din ang mga driver nila. Hindi din sila close sa kapatid na babae. Lalo na ang panganay pero yung pangalawa nakikita ko naman minsan na kinakausap ang alaga ko. Aalis lang ito kapag nakita niya ang kuya nito. "Let's go na po Yaya."masaya na sabi ng bata at humawak pa sa kamay ko. Pinagbuksan ko na ang bata sa pinto ng sasakyan. Bago ako sumunod na pumasok sa loob. "Morning po Kuya."matinis na bati ni baby Serenity kay Gardo. "Good morning senyorita."bati naman nito sa bata. "How are you today po?" tanong pa ng bata. "I'm good senyorita. How 'bout you?" tanong din ng driver namin. "I'm fine too. Take care driving po." rinig kong sabi pa ni baby Serenity. "I will senyorita." ngiti nito sa bata. Napatulala pa ako ng isang segundo. Ngumiti siya? O guni-guni ko lang ang nakita ko? Pinilig ko na lang ang ulo ko. Madalas ganito din ang tawag ng iba sa bata. Ako naman baby Serenity short for baby Sese or baby Vivi. Hindi ko siya binati dahil nakakailang naman kasi ito kausap. Ayoko din naman na mapahiya ako kapag hindi niya ako pinansin. "Yaya, why you didn't greet Kuya Gadong?"tanong pa ng alaga ko sakin. "Na greet ko na siya sa isipan ko baby Serenity." "Ha? Did you hear it Kuya?" "Wag mo na siyang tanungin baby. Quite na lang tayo dito."Sabad ko agad ng makitang sasagot sana ang lalaking ito. "Why?"tanong pa ng bata. "Para makapagpukos na siya sa pagda-drive. And wag ng madaming ask-ask okay. Ang importante na greet mo siya, na greet ka niya at na greet ko din siya sa isipan ko."Sabi ko. "Can I greet Kuya in my mind too Yaya?" "Ah no, no, no baby. Wag muna gayahin ang Yaya."sabi ko agad. "Tsk!"rinig kong sabi ng lalaki. "Galit na siya. Kaya tahimik na tayo baby."bulong ko. "Okay."bulong din nito sakin. Humagikhik pa kaming dalawa. Hindi ko siya binabantayan sa paaralan. May security guard ito sa loob na siyang nagbabantay sa bata. Kaya pagkahatid ko ay diretso na kami ng uwi ng kasama kong driver. Hinala ko na hindi ito basta-basta driver lang. Hindi naman kasi ito mukhang gusgusin. Dito palang sa likod ng kotse amoy ko na ang mabango nitong pabango. Mukhang mamahalin pa ang pabango nito. Ang plain white t-shirt nitong damit ay mukhang branded din. Nasilip ko kasi ang likod ng damit niya ang name brand ng damit nito. Nahalata ko din na sa ilang buwan naming paghatid sundo sa alaga ko ay hindi sa mansion ito natutulog. Pagkasundo niya sa alaga ko ay aalis na din ito agad sa mansion. Mukhang nasa middle Thirties na ito. Not sure din ayoko naman magtanong. Ayokong ilapit ang sarili ko sa kaniya. Mukhang hindi basta bastang tao ito. Kaya Iwas sa ganitong tao ayokong ma-involved sa kaniya. Baka ikakapahamak ko pa sa bandang huli. Mukha pa kasi itong barumbado. Scary! Pagpasok namin sa loob ng paaralan ay sinabihan ko na muna ang bata. Bago ko siya ihatid sa classroom niya. Kumaway na muna ako bago umalis na at nagtungo na sa sasakyan. Paglingon ko sa gawi ng driver nagulat pa ako ng magtama ang mga mata namin. Hindi ko alam na nakatingin pala sa akin ang driver ko. Este driver ng alaga ko. Diretso na lang ako sa paglalakad na parang robot. Mabilis na akong pumasok sa loob ng sasakyan. Baka pagsungitan na naman niya ako. Nakakainis pa naman ito tumingin. Parang nilalait niya ako. Hindi lang ako Yaya, magandang Yaya ako. Hmp! Maktol ng isipan ko. "May problema kaba sa'kin?"baritonong tanong ng driver. Nagulat na naman akong napatingin sa kaniya. "H-ha?"sambit ko na lang. "Napakadaldal mo tapos 'ha' lang ang isasagot mo sa'kin?!"painis nitong sabi sa'kin. Lumunok muna ako ng laway bago nagsalita. "A-ano nga ulit iyong tanong mo?"mahina ko pang tanong. Nakakagulat naman ito na basta na lang niya ako kakausapin. "So nagbibingi-bingihan kana din ngayon!"sikmat nito sa'kin. "Masama bang magtanong ulit? Kung ayaw mo po ulitin wag na lang po. Salamat na lang sa lahat."sabi ko pa. 'Kaya mo yan self wag ka magpapasindak sa lalaking ito. Sagutin mo siya hangga't may mga letters pa sa alphabet na pwedeng gawing pangungusap.' Pang che-cheer ko sa sarili ko. "So hindi ba pwedeng sagutin mo na lang ang tanong ko?. Hindi naman pabulong ang pagkakasabi ko sa'yo di ba?" "Sana po hindi na lang ho nagsalita eh. Nakakagulat ka kaya."sagot ko. "Anong nakakagulat doon?" "Hayyy... magdrive ka na lang po pwede?"ayoko ng sagutin ang mga tanong na paulit-ulit lang naman. "At inuutusan mo na ako ngayon?" "Sinasabi ko lang po. Kung alam ko lang mag drive ako na ang maghahatid sundo kay baby Serenity. Pakiramdam ko hindi kami safe sa'yo!"inis ko ng sabi. Itinukod nito ang braso sa patungan sa gitna ng magkabilaang upuan sa harapan. Matalim itong tumingin sakin na parang ngumisi pa o ngumiti. Ewan ko basta gano'n gumalaw kasi ang labi. Napatingin na naman ako sa maugat niyang mga kamay at braso. Hindi naman masyadong putok sa laki ang muscle nito. Sakto lang at bagay sa kanya ang kutis. Light brown na parang Moreno. Eh? "Light brown na parang Moreno? Pareho lang naman iyon di ba self?"kausap ko pa ang sarili ko. At tumingin ulit kay manong driver. Nangunot naman ang noo nito. "May sakit ka ba sa utak?"bigla nitong tanong sakin. "Meron stress na stress ang utak ko kakaisip kung ang light brown ba ay Moreno. Kasi kapag maitim ay dark brown. At oo may sakit Ang utak ko kapag kasama kita. Kaya dalian mo na magdrive kana. Nang maginhawaan na ang utak ko. Tara ng umuwi dahil nagugutom na ako."sagot ko agad. Humalakhak ito na parang nababaliw. Ang gwapo niya pala tumawa. So kailangan ko lang pala talaga asarin ito. Magsabi ng kung ano-ano para makatawa siya ng ganito. "Your weird and crazy woman. Eres graciosa! (You're Funny)." iiling na sabi pa nito. Na-amaze ba ito sa akin? At ano ibig sabihin ng sinabi nito. Ibang word yata iyon ah. Ay wow ang bongga naman pala ng lalaking ito. Tatlo ang lengguwahe nito. Well , Ako din tatlo bongga din pala ako. Sabi ko pa sa sarili ko. Alam ko naman mag English not fluent nga lang. Tapos Tagalog at ilocano wait lang sa Bisaya word may alam din ako pero kunti lang. 'Hmmm counted parin kaya iyon?'tanong ko pa sa sarili ko. "Baka po gusto mo ng magdrive."pang uulit ko sa kaniya. Pero ang gago sinandig pa nito ang likod sa upuan nito. At tinaas ang dalawang kamay pinatong sa likod ng ulo niya na parang matutulog ito. Ay shet yung mga muscle niya ang bongga. Inambaan ko siya ng suntok pero nakita niya ako sa salamin sa harapan. Kaya sinuntok ko na lang talaga sa braso nito. Ako lang din ang nasaktan dahil napakatigas naman pala talaga ang muscle nito. Confirm malalamog ang katawan ko sa Isang mahigpit na yakap lang nito sa'kin. Whoaah. Bulalas pa ng utak ko. "Sinong may sabing hawakan mo Ako? Malinis ba yang kamay mo?"sita nito sa ginawa ko. Umirap lang ako. "Hindi kita hinawakan. Sinuntok ko lang yang braso mo. Alam mo dapat ang pinagka-iba ng suntok at hawak! Never kitang hinawakan ha, baka mas madumi ka pa sakin! Tangina lang. Kung may pera lang akong dala mag commute na lang sana ako."inis kong sabi. "Suntok o hawak dumapo parin yang kamay mo sa katawan ko." "Hoy braso lang. Makapagsabi ka ng katawan wagas. Feeling mo naman chinansingan kita! Kapal mo!" "So tsinansingan mo nga ako?" "Bwesit ka!"iniinis ba ako ng lalaking ito. Sumiksik na lang ako sa malapit sa bentana. Hindi ko na ito pinansin pa. Kinuha ko na lang ang cellphone ko na may kalumaan na. Mapapalitan ko din ito kapag nakaluwag-luwag ako. Napangiti ako ng makitang may message ang ka-MU ko na driver bodyguard sa kabilang mansion. Ito na lang ang inatupag ko. Kachat ko ito at nangingiti ako sa mga banat nito sa'kin. Nagulat pa ako ng umandar na ang sasakyan. Mabuti naman at umalis na din kami. Sa haba ng biyahe namin. Wala kaming imikan. Never naman talaga kaming nag uusap nito. Kapag kasama lang namin si baby Serenity saka lang ito nagsasalita. Alam ko naman na baliwala lang ako sa kaniya. Sino ba naman ako para pansinin ng lalaking ito. Alam siguro nito na ang gwapo at macho niya. Na kahit sinong babae mapapatingin talaga sa kakisigan nito. Tseee! Hinding hindi ako mahuhumaling sa mga muscles mo period! Alam kong hindi ordinaryong tao ito. Kita ko naman sa itsura nito. Ang mga gamit niya ay mamahalin. Pati ang cellphone nito latest at mamahalin ang ganitong cellphone. Alam kong original din ang relo nito. Bakit kaya ito nagta-tiyaga na maging driver ni Baby Serenity? Nang malapit na kami sa mansion ay nagsalita na ako. "Ahm...pwede mo ba akong ibaba saglit dito sa labas ng gate? Papasok na lang ako mamaya. May kukunin lang ako sa ka-MU ko na pasalubong niya sakin."mahinahon kong sabi. Hindi ito umimik. Kaya ang akala ko ihihinto niya ang sasakyan. Kita ko na ang manliligaw ko sa gilid ng gate hinihintay niya siguro ako. Umayos ito ng tayo ng makita niyang papalapit na kami sa gate. Pero ang gagong lalaki na ito hindi niya ako binaba sa labas. Dere-diretso lang ito sa loob. Napaka kontrabida naman ng lalaking ito. Sumimangot ako ng bongga. Kaya ng tumigil ang sasakyan ay mabilis akong nagtungo sa gate. Kinausap ang security guard na lalabas lang Ako saglit. Nabuksan na ng guard ng pigilan ito ng gagong kontrabida. Mabilis akong lumabas ng gate at lumapit sa manliligaw ko. May inabot itong Isang paper bag sakin. Masaya ko naman iyon na kinuha. Nagpasalamat ako ng bongga sa manliligaw ko. Napaka generous talaga nito. Mabait pa kaya hindi ako magdadalawang isip na sasagutin ito kapag nagsabi lang ito na gusto niya Ako. Kaya lang masyado pang maaga para sagutin ito. Magsasalita sana si Bernard ng may bumusina sa tabi namin. Napalingon kaming dalawa sa nagbusina. Ang kontrabidang lalaki ang nagbusina. Ang lakas pa naman iyon. Tarantado talaga ito. "Pinapatawag ka ni Don Sebastian. Mamaya kana makipaglandian kapag wala kanang trabaho sa loob."seryoso nitong sabi at matalim na tumingin kay Bernard at sakin. Mukha itong galit. Hindi ko ito pinansin at humarap ako kay Bernard para magpaalam na. Ikikiss ko pa nga sana ito sa pisngi. Pasasalamat sa regalong bigay nito. Pero napapitlag ako ng bumusina ulit ito ng napakalakas. Gago talaga. Istorbo! Inggetero! Kontrabida! Pakialamiro! Gigil kong sabi sa isipan ko. Kaya wala akong choice kundi ang pumasok na sa loob ng nakapagpasalamat ulit ako kay Bernard. Inirapan ko muna ang gagong hippopotamus na ito bago pumasok na ng tuluyan. Patakbo na akong nagtungo sa bahay namin. Oo may sarili kaming tirahan nakahiwalay sa mansion at solo ko ang isang kwarto. Kaya pabor iyon sakin para may privacy ako. At magawa ko ang gusto kong gawin sa kwarto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD