Chapter 4

1684 Words
Chapter 4 Hindi ko ito pinansin ng sunduin na namin si baby Serenity sa paaralan nito. Mabuti at nagbukas ito ng radio para hindi boring. Kachat ko din ang manliligaw ko. Masayang masaya ang pakiramdam ko. Sweet din kasi at mediyo kalog ang lalaki. Nasa Thirty plus na ang edad nito at gwapo tama lang sa standard ko. Kaya alam kong bagay kami. Kinikilig siya sa tuwing nagme-message ito sakin. Heto nga at tumatawag ito ngayon sa'kin. Matamis akong napangiti at sinagot agad ang tawag nito. "Hello Be." Be ang tawag ko sa kaniya at Ni naman ang tawag nito sa'kin. "Asan ka? Nagustuhan mo ba yung binigay ko sa'yo?"malamyos ang boses nito. Kaya mas lalo akong napangiti. "Yes thank you. Ang ganda salamat ha."Sabi ko. Hindi ko pinansin ang driver na umubo. "Kelan ang off day mo? Pwede ka ba lumabas tuwing linggo?"tanong nito. "Pwede naman ako lumabas kada linggo. Pero nag-iipon kasi ako para sa pag-aaral ng mga kapatid ko. Bakit anong meron?" "Yayain sana kitang magdate tayo kahit isang beses lang. Para mas makilala pa natin ang isa't isa. Kung okay lang sa'yo?"nahimigan ko na parang nahihiya pa ito. "Magdate tayo?"napalakas ang boses ko sa kilig. "Sige, sige magpapaalam ako kay Don Sebastian. Kelan ba sa linggo na ba?"excited ko pang tanong. "Pwede din. Ako na bahala sa gastos dadalhin ko ang motor ko para may masakyan tayo at gumala sa Lugar na gusto mo." Kinilig naman Ako sa sinabi nito. "Ay sige bet ko yan. Excited na Ako makapasyal sa labas. At maka date ka."bulalas ko pa. Tumawa naman ang kausap ko sa kabilang linya. Magsasalita pa sana ako ng nilakasan ng gagong lalaki ang radio. Hindi ko na tuloy marinig ang sinasabi ng kausap ko. Napaka kontrabida naman ang nakakainis na lalaking ito. "Sige na usap na lang tayo mamaya. May nagpa-party dito sa loob ng sasakyan. Hindi kita marinig Be, Siguraduhin mo ang date nat----ahhh!"sigaw ko ng nagpreno ng malakas ang driver ko. Dahil hindi ako naka seatbelt sa likod at sa gitna ako umupo. Tumilapon Ako sa gitna ng pagitan ng upuan sa harapan. Nabitawan ko ang cellphone ko at nahulog sa harapan. "Gago ka ba?!"inis kong sabi. "Aray ko."daing ko pa. Nasaktan ang braso ko at balakang sa ginawa nito. "Biglang nag red light eh."sagot lang nito. Tangina hindi man lang mag sorry. Gagong 'to ah. Sarap kutusan eh. Hinanap ko ang cellphone ko. Dudukwang sana ako para pulutin ang cellphone ko ng inunahan niya ako na pulutin ang cellphone. Akala ko ibibigay nito sa'kin. Pero napanganga na lang ako ng basta nalang niya ihagis sa labas ng bentana ang cellphone ko. Napasunod pa ang tingin ko sa cellphone na ibinato nito sa labas. Nagkanda-basag basag at nagkalat sa kalsada ang nagkapira-piraso ko ng cellphone. Napatingin na lang ako sa kawawang cellphone ko habang papalayo na ang sasakyan namin. Hindi ako nakapagsalita sa gulat sa ginawa nito sa kawawa kong cellphone. Regalo pa iyon ng Papa ko noong graduate na ako ng college. Sobrang iniingat ingatan ko iyong cellphone na iyon. Tapos ibabato lang nito sa labas. Anong dahilan niya bakit niya ginawa iyon. Napaluha na lang ako sa sama ng loob sa lalaking ito. Gusto ko siyang sabunutan at suntukin kaso baka madisgrasya kami. Bwesit talaga ang lalaking ito. Sobrang nakakainis siya. Tuloy parin ang pag agos ng luha niya sa mga mata. Hanggang sa nakarating na kami sa paaralan ng alaga ko. Tumingin ito sakin pero nag Iwas ako ng tingin sakanya. Nagpunas muna ako ng luha bago lumabas na sa loob ng sasakyan. Nakita ko ng labasan na ng mga bata kaya dali-dali akong lumapit sa klassroom ng alaga ko. Inayos ko ang facial expression ko para hindi mahalata ng alaga ko na malungkot ako. Na masama ang loob ko at galit ako. Gusto ko talaga siyang mura- murahin kanina. Kaya lang nawalan ako ng boses sa pagkagulat. ***** Gardo Pov Unang kita ko palang sa dalaga attractive na ako sa kaniya. Hindi ko deni-deny iyon. Gano'n ako ka-vocal sa sarili ko. Kung may gusto ako sa isang tao, bagay, hayop at kung ano-ano pa. Magagawan ko agad ng paraan para makuha ko lang iyon. Para mapasaakin agad-agad. I'm Gerardo, of course I can do anything. Everything! Kahit pa makipagpatayan pa Ako kay satanas hindi ko siya uurungan. Wala akong inuurungan. Wala akong hindi kayang gawin na hindi ko nakukuha. This woman gagawin ko ang lahat mapasaakin lang ito. She's not boring, she is talkative, funny and caring person. I know because I see how she take care of senyorita Serenity. Super energetic, masiyahan, palabiro at pala tawa. Nakikita ko din na kahit hindi niya trabaho tumutulong talaga ito kapag wala ang alaga nito. I know because may assist ako sa Cctv camera sa mansion. May nilagay akong secret CCTV sa labas especially sa Bahay Ng mga kasambahay nila Tito Samuel. Tinutok ko doon ang isang cctv. Para makita ko ang dalaga. Sinadya kong itapon ang cellphone nito sa labas. At hindi ako nagsisi sa ginawa ko. Pero nakonsensya ako ng makita ko itong umiiyak ng tahimik. Baka valuable ang cellphone na iyon para sa kaniya. Baka may mga importante na nakasave sa cellphone nito mga contact ng pamilya niya. Heck! Eh, nainis at nagselos ako eh. Anong magagawa ko. Sino ba kasing may sabi na hindi siya magseatbelt sa likod. Sa gitna pa talaga umupo habang kausap ang mukhang dagang lalaki na iyon. Hindi naman gwapo wala namang bayag at pandak. Isang kalabit ko lang sa lalaking iyon tumba agad. Naalala ko pa kaninang umaga yung pagtatama ng mga mata naming dalawa. I confirm na siya na talaga ang babaeng hinahanap ko. Ang babaeng pwede kong mahalin. Kakaiba ang nararamdaman ko sa kaniya. Kailangan ko lang maging mabait sa kaniya dahil nararamdaman ko din na iniiwasan niya ako. Sisiguraduhin kong didikit ka din sakin. At kapag nangyari iyon hinding hindi na kita pakakawalan pa. Ididikit parin kita dito sa puso't katawan ko. Gagawin ko ang lahat to make you mine. I swear! Papalapit na sila sa sasakyan kaya lumabas na ako para pagbuksan ko sila ng pinto. Hindi naman ito ang trabaho ko. Pero wala akong choice kundi ang sumang-ayon sa pakiusap ng matanda. Kung hindi lang para sa bata at sa connection meron ang pamilya namin sa mga Parker, hinding hindi ako papayag sa gusto nila. Pero dahil nagkainterest ako sa dalagang ito. Nag iba ang plano ko. I stay here and continue to be with the kid and Nina as their driver and bodyguard. Hindi ako pinansin ng dalaga kahit ang tignan man lang. Hindi din niya inutusan ang bata na mag thank you sa akin na dating ginagawa nito. Tahimik siya hanggang sa makarating kami sa mansion. Ang bata lang at ako ang nagsasalita kanina. Dali-dali itong lumabas ng sasakyan at hinila na palayo ang alaga nito. It's my fault but I don't care. Magalit ka lang ngayon sa susunod magiging okay kana din. At magiging okay din tayo. **** Kinagabihan ay dito ako kumain para makita ang dalaga. Kaya lang hindi ito tumuloy sa loob ng kusina sa likod ng makita akong nandito kumakain na. Hindi ito nagpahalata na umiiwas sakin pero alam kong ako ang dahilan ng pag-iwas nito. Kumuha lang ng mineral water at mabilis din na umalis sa kusina. Hindi na ito umimik at kahit ang sagutin man lang ang tanong nila. Nagtaka din sila sa inasta nito at nanibago daw sila. "Anong nangyari doon?"tanong ng isang kasambahay. "Mukhang may problema. Umiyak kaya siya mediyo namumula ang mata eh." "Mamaya kakatukin ko siya sa kwarto niya. Baka may problema nga."Sabi ni Manang Cora. "Kahit may problema siya napakamasiyahin parin naman siya. First time ko makita siyang ganyan. Kahit may dysmenorrhea siya masiyahan parin eh. Nagtataka lang Ako at naninibago sa kaniya." Nakikinig lang ako sa usapan nila habang kumakain. Mukhang mapapadalas ang tambay ko dito dahil masasarap ang mga luto nila. Nagulat pa ako ng magtanong sakin si manang Cora. "Ikaw hijo ang nakakasama ni Nina araw-araw. Wala ka bang napansin na kakaiba sa kaniya?"tanong pa ni manang sakin. "Wala naman po. Hindi nga po niya ako kinakausap eh. Kahit ang pansinin man lang."sagot ko. "Ha?"bulalas ng dalawang kasambahay na parang mas matanda lang ang mga ito ng apat na taon. "Bakit?"tanong ko. "Ah...eh. Wala po."tanggi agad ng Isa. "Baka mali tayo ng akala. Baka hindi siya yung kweni-kwento niyang manliligaw niyang driver." Ah okay naikwento na din pala nito ang tungkol sa lalaking driver na manliligaw nito. Well, hindi na maitutuloy ng lalaki ang manligaw kay Nina dahil sa'kin lang ang babaeng ito. Nagpaalam na akong umalis dahil tapos na din naman akong kumain. Kinuha ko na ang platong pinagkainan ko at dinala sa lababo para hugasan na. Pinigilan ako ni manang Cora, pero sabi ko madali lang naman maghugas. Hindi ako nagpaawat kaya wala na itong nagawa pa. Paglabas ko ng kusina ay dumaan ako malapit sa bahay ng mga kasambahay dito. May narinig akong nagsasalita kaya lumapit ako ng kaunti. Nakita kong si Nina ito may kausap sa cellphone. Baka humiram ito sa mga kasamahan nito dito. "Ma, si Papa?"rinig kong sabi nito. Hinintay ko ang sasabihin nito. Wala naman masama kung makinig ako sa usapan nila eh. "Pa, pasensiya na nawala na yung cellphone na niregalo mo sa'kin noong graduation ko. Alam ko naman na pinag-iponan niyo yun ni Mama. Iniingatan ko yung cellphone na yun dahil regalo niyo po yun sakin. Kaso nawala na. Ang dami nating memories sa cellphone na iyon. Nalulungkot lang ako dahil napakahalaga ang cellphone na iyon sakin."rinig kong sabi nito. "Salamat po Papa. Babawi talaga ako sa inyo. Hindi na din ako madalas makatawag dahil wala naman na akong cellphone po. Hindi na muna ako makakabili ngayon ng bago. Pag-iipunan ko na lang siguro." "Opo mag iingat po ako dito. Kayo din diyan. Mahal ko kayo." Mabilis na akong umalis doon para hindi niya ako makita. Sabi ko na nga ba. Kaya pala umiyak dahil may sentimental value pala sa kaniya ang cellphone na itinapon ko. I'm sorry. Nagselos lang kasi ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD