Preparing
Alana Amoire's Point of View
"Ladies and gentlemens, i would like to introduce, Ms. Alana Amoire. She's one of the main writers in SPG main branch." Wika ni Charles, one of the organizer in RMS event.
Ngayong araw ang simula ng trabaho ko. Syn wants me to know every detail ng event kaya naman gumawa siya ng paraan para masama kami. Bukod sa maraming may interest dito ay lalaki din ang stocks sa oras na maganda ang feedback nila.
"I'm Alana Amoire Hadeja." I said.
Isa-isa silang nagsipakilala. Akala ko ay mahihirapan akong makisama pero lahat sila ay mababait. Pagkatapos noon ay umupo na ako at nagsimula sa pakikinig.
"Ngayong taon ay iba ang magiging way ng event." Charles started, binuksan niya ang projector at ipinakita ang lahat ng layouts. "Hindi lang businessmens ang ifefeature natin pati na din ang most powerful groups in every country." He added.
Lahat kami ay hindi nakapagsalita. Alam naming ibig sabihin noon. Kung ang pagbabasihan ay kapangyarihan, ang binabanggit ni Charles na mga grupo ay mas mataas pa sa mga pangulo. Hawak nila ang buong mundo. Ang alam kong pinakanangunguna ay ang Supreme Demon Society.
"Hindi ba magiging magulo iyon?" Tanong ng isa sa mga staff.
"No, may contract na napag-usapan. Kaya naman labas ang event na ito sa mga away na meron sila. Magiging maayos ang lahat sinisigurado ko." Charles answered.
Patuloy sa pagpapaliwanag si Charles hanggang sa matapos ito. Habang nag-aayos ako ng gamit ay biglang may lumapit sa aking babae.
She smiled, "Hi, can i get a authograph? I'm one of your fan. Alam po ba ninyu ang gaganda ng mga nafeatured ninyung mga covers."
I smiled back, "Thank you!"
Kinuha ko ang papel niya at piniramahan. Nagpaalam na din siya at umalis. Napangiti nalang ako dahil sinabi niya. Hindi ko alam na hanggang dito sa Pilipinas pala ay may nagkakagusto sa mga nagawa ko. This is one of the reason kung bakit hanggang ngayon ay nagpapatuloy ako sa pagsusulat.
Lumabas na ako ay saktong nakasalubong ko si Charles. Ngumiti siya sa akin, "Amoire!"
"Hi!"
"Kamusta naman ang pagpunta mo dito?"He asked.
"Good."
Gusto ko sanang ibahin ang topic ay hindi ko magawa. Ayaw kong maoffend siya sa kung anumang sasabihin ko.
"By the way, Amoire. I want you to meet someone. Ipapakilala kita sa kanila sa mismong event. Syn wants me to look at you hanggang andito kapa daw sa Pinas."
Napangiwi ako sa sinabi niya. Talagang hindi ako makakatakas sa bantay ni Syn. Maraming connection ang taong iyon. Napailing nalang ako.
"Sige mauna na ako sayo. May aayusin lang ako."
Tumango ako at umalis na din. Balak kong pumunta muna kay Harmaine para magpasamang bumili ng gown na gagamitin. At dahil wala pa akong sasakyan ay nagtaxi nalang papunta sa kanya.
"Manong sa bandang Makati po."
Halos ilang minuto lang ay nakarating din ako. Nagbayad ako at pumasok sa building kung na saan ang condo unit niya. Ilang doorbell ang ginawa ko bago niya nabuksan. Bumungad sa akin ang mukha niyang bagong gising.
"Langya! Harmaine Hadeja! Anong itsura yan? At bakit tinanghali kana ng gising?" Galit kong tanong.
Ang kaninang inaantok niyang mukha ay nagising. Ngumiti siya sa akin sabay hila papasok. "Taena mo, Amoire. Bakit andito ka?"
I rolled my eyes. "Samahan mo akong maghanap ng isusuot kong gown.
"Kailan ba gaganapin yun?" Tanong niya.
"Friday."
"Myerkules palang ngayon."
"Marami akong gagawin bukas kaya ngayon na."
Magsasalita pa sana siya ng panlakihan ko siya ng mata. Kaya naman agad siyang tumakbo sa kwarto niya at nag-ayos. Habang ako naman ay naiwan. Kaya naman pumunta nalang muna ako sa kusina at uminom.
Nagulat ako ng biglang tumunog ang telepono ko.
Syn's Calling....
"How's your day!"
Halos mabingi ako sa sigaw niya. Kaya naman napairap nalang ako. "Bunganga mo, kalalaking mong tao mukha kang taga-bundok."
"Gaga, mukha lang ako lalaking lang ako. Pero babae ako sa puso't isip ko!"
I smirked. "Talaga lang ba?"
Paniguradong mainit na ang ulo niya.
"b***h! Back to the topic! How's your work?"
"As of now, maghahanap ako ng gown for the upcoming event. Pero kung ang gusto mong malaman kung ano nangyari ay nakipagmeet- up ako kay Charles with his team."
"Good! Sinabi kong tignan ka niya at bantayan."
Nakagat ko ang labi ko sa sobrang inis. "Walanghiya ka talaga! Diba sabi ko kaya ko sarili ko!"
I heard his chuckled. "Come on, girl. I just wanna protect ."
Kumunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?"
"Nothing, i'll go now! Bye!"
Magsasalita pa sana ako ng bigla niyang pinatay. Napailing nalang ako sa kawalan. Nagtungo ako sa kwarto ni Harmaine at tapos na din siya.
"Let's go?"
Tumango kaya naman lumabas na kami at tumuloy sa parking lot. "Saan banda tayo?" Tanong niya.
"Harper's Shop."
Minaobra ni Harmaine ang sasakyan hanggang makarating kami sa shop. Bumungad sa amin si Harper.
"Amoire, Harmaine! It's been a long time!" She excitedly said.
Kaibigan na namin si Harper since childhood. Kung kaya ganoon nalang kami kaclose sa kanya.
"Yep!" I said.
"So? Bakit kayo andito?" Tanong niya, tumingin siya sa amin at tumaas ang kilay. "At kailan kapa dumating babaita? Hindi ka manlang nagsabi na dumating ka!"
I bit my lips. "Kahapon at kaya kami ansdito ay kailangan ko ng gown for an event."
She nodded. "Oh, ako na ang bahala."
Nagpaalam muna siya at may kinuha. Pagkaraan ng ilang minuto ay may dala na siyang box. Inabot niya sa akin at ngumiti ng malawak.
"Try it! I'm sure magiging okay sayo yan."
Nakangiwi akong tumango at nagpunta para sukatin iyon. Halos mabitawan ko ang damit ng makita ko ang design.
"Sukatin mo na yan!" Sigaw ni Harmaine.
Wala akong choice kundi ang isuot iyon. Nakasimangot akong lumabas.
"Bagay sayo!" Harmaine said.
"Yes, mukha kang seductress." Harper agreed.
"Okay lang ba talaga?"
Parehas silang tumango.
Kahit pa siguro tumagal ako sa Canada ay hindi pa rin ako sanay na magsuot ng ganitong mga damit.
"Sige, kukunin ko na." Wika ko at inabot ang card ko. Kinuha naman ito ni Harper at nagtungo sa counter.
"Ako magmamake up sayo." Harmaine suggested.
I nodded. "Ok."
She smiled. "I'll make sure na ikaw ang magiging center food este center of attraction."
A/n: Here's the gown, credits on the rightful owner!

chrsnjyy, ReBeCca926, jaycap28, callme_Ryo, _asthreya_... I'll.mention again for the next chap????..
©Hanamiychiunnie