Kabanata IV

1001 Words
Philippines Alana Amoire's Point of View "Be careful, Alana amoire!" Syn warned. I rolled my eyes, "come on, Syn. Don't be so overprotective." Kung nasa Canada pa siguro ako ay baka ilang minuto lang ay nasa pinto na siyang ng bahay ko. Knowing him, masyado siyang madamdamin sa mga salita. Kaya naman maski si Tita Sabelle ay natatawa nalang sa ganoong ugali niya. "What's the problem with that? I'm just concerned about you. Remember, taksil minsan ang tadhana. Malay ba natin kung magtagpo ang mga landas ninyu." Hindi nakapagsalita sa sinabi niya. Kung totoo lang ay tama naman siya. Hindi ko hawak ang pwedeng mangyari sa akin. Maaring magkita kami o pwede ding hindi. Pero kung aabot sa puntong iyon ay wala dapat akong ipagbahala. Hindi sila ang dahilan kung bakit ako bumalik dito. "Yeah, yeah, mag-iingat na ako." "Good to hear. I need to say goodbye for now. May meeting pa ako within five minutes." "Okay, i'll hang up now." I smiled when i looked around. Halos marami na ding mga nagbago sa mga istructures at iba pa. "Alana Amoire!" Halos gusto ko ng magtago ng biglang may sumigaw ng pangalan ko. Halos lahat ng tao ay napatingin sa gawi kung saan nanggaling iyon. Dahan-dahan akong lumingon at para bang maiiyak ako sa sobrang saya. "Harmaine!" I shouted. Wala na akong pakialam kung makaagaw pa ako ng atensyon. Masaya kong sinalubong ng yakap ang pinsan ko. Siya kasi ang tinawagan ko at siya lang din ang nakakaalam na uuwi ako sa Pilipinas. "Gosh! Ang ganda mo lalo!" She said. I laugh. "Para namang sinabi mong pangit ko noon." "Para tanga! May sinabi ba ako? Ang sabi ko mas lalo kang gumanda. Nagcanada kalang naging tanga ka na!" Mapanguya niyang wika. Napangiwi naman ako. "Harsh mo!" "Para ka kasing tanga! Halika kana at baka mainitan kapa." Tinulungan niya ako sa ibang gamit ko at sinakay na sa sasakyan iyon. Mag-isa lang niyang sumundo sa akin. "Hindi kaba magpapakita kila, Tito at Tita?" Tanong niya habang nagmamaneho. Huminga ako ng malalim. "I don't know." Noong panahong umalis ako ay wala silang naging reaksyon. Ang mas pinili nilang puntahan ay si Kyla. Tinuring na rin nilang anak ang babaeng iyon. Pero hindi ko alam na mas magiging matimbang pala ang iba kaysa sa sariling nilang anak. Ni isang beses ay hindi nila nagawang kamustahin ako. Naghintay ako pero wala talaga. "May gusto akong sabihin sayo tungkol sa mga nangyari dito noong panaho--." Tumingin ako kay Harmaine at umiling. "Wala na akong pakialam kung ano man ang mga nangyari noon. Labas na ako sa kung anong mga meron sila. Kaya kung gusto mong maging maayos tayo ay huwag mo ng ituloy. Andito ako para sa trabaho ko at hindi para sa mga taong walang naging silbi sa buhay ko." Buong byahe ay naging tahimik lang kaming pareho. Hindi na rin nagtangkang magsalita si Harmaine tungkol doon. Nakarating kami kung saan ang condo ni Syn. Iyon muna ang gagamitin ko hanggang sa matapos ang trabaho. "I'll go now, see you tomorrow!" She kissed me and walk away. Habang ako naman ay inayos ang gamit ko at nagpahinga. ****** MEDYO gabi na nang maisipan kong mamili ng mga gagamitin ko. Mga pagkain at kaunting mga toilet needs lang naman. Nagbihis ako at bumaba na. Nagtaxi nalang ako. Nang makarating ay diretso na agad ako ng supermarket. Kakaunti lang ang tao ng mga oras na ito. Nang makuha ko na ang mga kailangan ko ay nagpunta na ako sa counter. "Good day!" The saledlady said. I just smiled at her. Pagkatapos ay naisipan kong kumain muna. Pumasok ako sa Mcdo at tumuloy na sa counter. "Burger and fries, please." "Take out or dine in, Ma'am?" She asked. "Take out." Tumango ito at nagsimula ng ayusin ang order ko. Habang ako naman ay naghintay lang. Ilang minuto lang ay inabot na niya sa akin. Kaya naman lumabas na ako. Habang naglalakad ay may napansin akong bata na umiiyak. Hindi ko na sana papansinin dahil akala ko ay may kasama pero mali pala. "Ahhh, Daddy, Yaya!" Dali-dali akong lumapit sa batang lalaki. "Hi!" Agaw pansin ko sa kanya. Tumingin siya sa akin at biglang tumigil sa pag-iyak." Nawawala kaba?" He sobbed and nodded. "Yes po." Pinunasan ko ang mga luha niya at ngumiti. "Sino bang kasama mo?" "Yaya." Tumango ako. "okay, let's go sa info desk. Para mas madali kang mahanap ng yaya mo. Okay ba iyon?" He nodded. "Yes!" Hinawakan ko ang kamay niya at nagpunta na kami sa info desk. "Kuya, paannounce naman po na may nawawalang bata. "Tumigin ako doon. "What's your name, baby?" "Alvazeth po." Pinaliwanag ko ang lahat kaya naman sumunod na din ito. Ilang minuto kaming naghintay ng biglang may babaeng lumapit sa amin. "Jusko po, Alva! Sa wakas ay nakita na din kita." Wika ng babae. "Yaya!" Doon lang ako nakahinga ng maluwag ng kilala iyon ni Alva. Pagkatapos kausapin ng yaya ang bata ay tumingin ito sa akin. "Ma'am, thank you po ah! Thank you po talaga dahil kung hindi baka nawala na po ang alaga ko. Baka huling gala ko na ito kung hindi ko nakita si Alva." "Wala po iyon. Sige po mauna na ako." Tumingin ako kay Alva. Habang tumitingin ako sa kanya ay para akong nakatingin sa hindi ko na dapat maalala pa. Baka siguro nagkataon lang. "Aalis na ako." Ngumiti siya at kumaway. "Thank you!" Umalis na ako at agad na umuwi. Habang nag-aayos ay hindi mawala sa isipan ko ang batang lalaking iyon. Para bang kuhang kuha niya ang mukha niya. Pero baka nagkakamali lang ako. Ano ba, Alana Amoire! Stop thinking! Hindi ko na binigyan pansin pa iyon. Matapos mag-ayos ay kumain lang ako at tumaas na din. Halos kulang pa din ako sa tulog kaya kailangan kong bumawi. Dahil bukas ay magsisimula na ako sa trabaho ko. A/n: sorry po sa hindi pagmention sa chapter na ito. I need to do something kaya po ganoon. Next chapter, i promise. ???? thank you!!!?????? ©Hanamitchiunnie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD