Kabanata III

986 Words
New Her Alana Amoire's Point of View 7 years later.... "Amoire, Mr. Lee wants to meet you." Jaidee said, he's one of my co-writer. I nodded. "Okay." Nang makaalis si Jaidee ay agad na din akong tumayo. Knowing my boss, he's so impatience. Daig pa niya ang may reglang babae sa sobrang init ng ulo. Mabuti nalang talaga at mataas siyang magpasweldo dahil kung hindi ay hindi na talaga ako papasok. Sumakay na ako sa elevator dahil kung gagamit pa ako ng hagdan ay maibato na niya ako sa sobrang galit. Nang makarating sa floor kung saan ang office. Nagpaalam muna ako kay Rona na papasok. "Goodluck!" She teased. I rolled my eyes. "Panalangin mong mabuhay pa ako." Pumasok ako sa loob at halos mawalan ako ng dugo sa katawan sa labis na kaba. Masama ang timpla ng mukha ng boss ko. Ang malala ay paulit-ulit pang bumubulong na kung ano-ano. "Sir." I called him. Tumigil siya sa ginagawa niya at tumingin sa akin. Ngunit hindi pa rin nagbago yung mukha niya. Mukhang nagmemenopause pa rin. "You're late!" "I'm just one minute late, sir." "Sasagot kapa! Eh kung tanggalin kita?" Pananakot niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. "Kaya mo?" "Yes!" "Gawin mo!" Sasagot pa sana siya ng ipakita ko ang pinakatinatago niya. Ang galit na mukha niya kanina ay biglang umamo. "Ano? Kaya mo?" "Puta! Sasabunutan na kitang babae ka!" Humagalpak ako ng tawa ng biglang mag-iba ang boses niya. A masculine man outside but soft inside. "Ano bang kailangan mo?" Tanong ko at umupo sa harapan ng table niya na may upuan. "I need you to do something." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ano na namn yun?" He sighed. "Alam kong magagalit ka pero nasa kamay mo kasi nakasalalay ang buong pangalan ng kumpanya." Babatuhin ko na sana siya ng nahawakan kong case ng bigla siyang nagsalita. "Mommy wants you to cover the Real Men Supreme. Walang ibang kundi ikaw lang ang pwede doon sabi niya." Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Halos hindi ako makapagsalita sa sobrang gulat. Kung panaginip lang ito ay huwag na sana akong magising. "Nangagago kaba?" Umiling siya. "Do i look like?" Asar niyang sabi, kasabay noon ang pagtaas ng makapal niyang kilay. "At kung nangagago lang ako ay baka si Jaydee nalang ang kinausap ko." Masama akong tumingin sa kanya. "Epal!" "Edi wow!" Kung may kasama lang kaming iba ngayon dito ay baka napagkamalan kaming magsyota pero nagkakamali sila. Dahil ang pangarap nila ay parehas din ng interes sa mga interes nila. Nakilala ko si Syn noong bagong dating pala ako sa Canada. Naghahanap siya ng tulong noon ng mga panahong iyon. Nawalan kasi siya ng aso na siyang nakita ko. Doon ko din nalaman na Pilipino pala siya kaya doon kami nagsimulang maging magkaibigan. "Ang kaso.." Bigla niyang wika, kaya naman napahinto ako at tumingin sa kanya. "Gaganapin ang event sa Pilipinas. Magiging okay lang kaya sayo iyon?" Hindi agad ako nakaimik sa sinabi niya. Pero hindi na ako katulad ng dati na. Iba na ang sitwasyon na meron ako. I looked at him and nodded. "Yes, matagal na din naman iyon. Nakamoved on na ako." Alam lahat ni Syn kung ano ang nangyari sa akin noon. Siya din ang naging sandalan ko sa loob ng ilang taon. Siya ang dumamay sa akin noong panahong nawala sa akin lahat. Silang dalawa ng mommy niya ang tumayong pamilya ko. "Kung ganoon din naman pala ayy, ipapaayos ko na lahat. Pagkatapos na pagkatapos din ng event na iyon ay pwede ka ng bumalik dito." "That's good to hear. Kailan ba ang alis ko?" "Tomorrow evening." I nodded. "Kung ganoon pala ay magpapaalam na ako ng maaga. Para maayos ko na din ang mga gamit ko. Hihintayin ko nalang ang ticket." Syn nodded. "Okay." Nagpaalam na ako at umuwi sa tinutuluyan ko. Binaba ko lang din ang mga gamit ko at umupo sa kama. Huminga ako ng malalim at nagisip. "You will be okay, Amoire." I talked to myself. Kahit pilit kong itago ay alam ko sa sarili kong nasasaktan pa din ako. Kahit ilang taon na ang nakalipas. Ang akala ko ay mawawala ang sakit pero hindi pala. Dahil may iniwan pala silang marka na kahit kailan ay hindi na mawawala. At sa pagbabalik ko ay hinihiling ko na sana hindi na magtagpo ang mga landas namin. Tama na ang mga pangyayari noon at hindi na sana madagdagan pa sa ngayon. Umayos ako at nagsimula ng ayusin ang mga gamit ko. Kaunti lang ang dadalhin ko at doon nalang bumili. Isang luggage lang ang dinala ko. Ilang minuto ang lumipas ay natapos na din ako. ***** "SIGURADO kabang magiging okay kalang. Pwede ko namang kausapin si Mommy." Wika ni Syn na katabi ko ngayon. Halos maaga pa ng pumunta siya dito. Tinanong ko pa siya kung bakit nagpunta pa siya dito. Pero ang naging sagot niya ay nag-aalala siya sa akin. "Trabaho ang ipupunta ko doon at hindi para makipagkita sa kanila." He pouted. "You're so mean, gurl!" "Drama mo, basta huwag ka ng mag-alala sa akin. Ako na ang bahala sa sarili ko." Syn nodded. "I know na kaya mo. Pero sa oras na may mangyaring hindi magandang mangyari sayo ay kusa akong susunod sayo." "Ano kaba nanay ko? Daig mo pa si Tita sabelle sa sobrang kulit." "I'm just concerned about you." I happily hugged. "Aww... Thank you!" Yumakap din siya sa akin pabalik. "Pangako hindi na ako katulad ng dati na marupok. Wala na sila sa buhay ko." Because that day, i swear to myself. Wala ng siya, wala ng kami. Binura ko na sila sa buhay ko. Ang dating libro ng buhay ko na meron sila ay matagal ng natapos. Dahil sa ngayon nagbukas na ulit ako ng bago pero hindi na sila kasama. A/n: RailleAnn, chrsnjyy, Paulineskie2602, CHOCOBITE_13, jaycap28, @PurpleHamster123.. Next chapter, magmemention po ulit ako.. Thank you!???? ©Hanamitchiunnie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD