Kabanata II

1063 Words
Beg Alana Amoire's Point of View "Let's talk please, Amoire." Kyla pleaded while crying. Nakaluhod siya sa harapan ko habang hawak ang kamay ko. "Hindi taalga namin ginusto iyon. Pareho lang kaming lasing ni Azva. Amoire, please, patawarin mo ako." I remain silent while hearing her words. Sa oras na ito wala na akong tiwalang natitira para sa kanya. She betrayed me. "Umuwi kana, Kyla. Sinasayang mo lang yang oras mo sa pagpunta dito. Hindi ako ganoon kalupit sayo kaya habang may timpi pa akong huwag akong saktan ka ay umalis kana!" Nagtitimping wika ko. Ngunit imbis na makinig sa sinabi ko ay umiling lang siya. "No! Hindi ako aalis hanggang hindi tayo nagkakaayos. I can't live without my bestfriend. Ikaw nalang ang natitira sa akin. Kaya please, huwag mo namang akong talikuran. Huwag mo namang sayangin dahil lang sa isang pagkakamali ko." Nahihirapang wika niya. I sarcastically laugh. "Pinagsamahan, Kyla? Wala na iyon, simula ng lokohin ninyu akong dalawa ni Azva. Tinuring kitang parang kapatid ko. Sinalba ko ang buhay mo dahil sa importante ka sa akin. Pero anong ginawa mo? You ruined it! Kaya habang nakikiusap pa ako sayo, umalis kana. Ayaw kong madamay ang batang nasa sinapupunan mo. Maawa ka sa sarili mo, Kyla. Imbis na ako ang alalahanin mo ay yang anak nalang ninyu." Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Amoire, please!" Nagmamakaawang wika niya. I closed my eyes and keeping calm myself. "Don't try it, Kyla. The moment that i knew your secret. That was the moment that i cut my connections for the two of you. Kaya umalis kana, sana maging masaya kayo sa pagpapakasal ninyu. Build a happy family for your baby." Nahihirapang wika ko. Muli siyang umiling at sinubukang hawakan ang kamay ko. "Don't say that, kayong dalawa talaga ni Azva ang para sa isa't isa. Kung ang bata ang iniintindi ninyu, aalis kami at magpapakalayo-layo basta huwag ka lang mawala sa amin." I looked at her in disbelief. "Naririnig mo ba yang sinasabi mo? Tatanggalan mo ng karapatan ang bata na magkaroon ng sariling pamilya, Kyla. Hindi porket nasaktan ninyu ako ay may karapatan na rin akong saktan ang bata. I'm not heartless person, you know that!" She kept on sobbing, "i know that..." "Kung talagang may natitira kapang konsesya sa katawan mo. Umalis kana dahil sa tuwing nakikita kita ay hindi ko makalimutan ang mga ginawa ninyu sa akin." "Amoire." "Leave!" She turn around and walk away from me. Tinatanaw ko ngayon ang kaibigan kong naging parte ng buhay ko pero ngayon ay pilit kong inaalis sa buhay ko. *** Tanga na siguro akong matatawag ngayon. Ang mga salitang binitawan ko ay siyang kinain ko din. Kahit ganoon siguro kasakit ang ginawa niya sa akin ay patuloy pa rin ako sa pagbalik sa kanya. Kung siguro normal lang na away ito ay baka tumakbo na ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. Pero iba na ang sitwasyon niya. Iba na ang buhay namin ngayon. Siya ay bubuo ng pamilya habang ako ay pilit na bubuuin ang dinurog nilang puso ko. Pumasok ako sa lugar kung saan kami nagsimula, kung saan kami bubuo sana ng pangarap. Pero ngayon mananatiling hanggang mangarap nalang iyon. Tanging liwanag ng buwan ang siyang nagsisilbing ilaw. Ngunit kahit ganoon pa man ay ramdam kong nasa paligid lang siya. "Dumating ka." He suddenly spoke, bakas sa boses niya ang lungkot. "Yeah." Nanatili lamang ako sa pwesto ko. Naririnig ko ang bawat hakbang niya patungo sa akin. Hindi naman siguro ako mahugusgahan kung sa huling pagkakataon ay pipiliin kong magbulag-bulagan. "Anong nangyari sa atin, Azva. Paanong yung masayang tayo napalitan ng ganito? Ipaliwanag mo naman sa akin. Kasi mababaliw na ako sa kakaisip kung bakit ganoon nalang kadali sayo na pumayag sa kasal na iyon!" Instead of answering me, Azva hugged me behind my back. Pagkatapos ay hinalikan ako sa noo. Ang kaninang mga luha kong pinipigilan ay kusang tumulo. "Pakiusap naman, Azva. Sagutin mo ako!" I desperately said. "I love you." he said. Mahigpit kong hinawakan ang kamay niya pagkatapos ay tinaggal ito sa pagkakahawak sa akin. Humarap ako sa kanya at tumingin. "Hindi ako nandito para makipaglokohan sayo, Azva. Nandito ako para makausap ka." "Kahit anong paliwanag ko sayo. Wala din namang patutunguhan. Hindi ko na hawak ang desisyon." He stated. "Ang sabi mo, ako ang ihaharap. Sabi mo tayo ang bubuo ng pamilya. Pero bakit ganoon? Bumuo ka nga ng pamilya pero hindi ako ang kasama mo." Susubukan sana niya akon yakapin ulit pero humakbang ako. "Mi amore." "Tanga na akong sabihin pero, handa kong bawiin lahat ng sinabi ko." Lumuhod ako sa harapan niya at yumuko. "Nakikiusap ako, ako nalang ulit piliin mo. Sinabi ni Kyla na lalayo sila. Na tayong dalawa nalang talaga ulit." He hold my hands. "I'm sorry, Mi amore. But i can't. Nakasalalay ang anak ko at ang buhay ko dito. I can't take a risk." He stated. I shake my head. "No, no, no.. Please binabawi ko na lahat ng sinabi ko. Ako nalang ulit, ako nalang ulit." Azva hugged me. "Don't make it hard for the both of us. Ayaw kitang nakikitang nagdudusa." "Ikaw mismo ang naglagay sa akin sa pagdudusang ito, Azva!" Halos buong dignidad ko ang ibinigay ko para lang ako ang piliin niya ulit. Pero sa huli wala na talaga. "Please, Azva. Piliin mo ako." Nahihirapang wika ko, halos hindi ko na makilala ang sarili ko. Pero anong magagawa ko. Mahal na mahal ko siya kahit sa puntong sukdulan na." Diba sabi mo mahal mo ako." "I love you but i need to do it. "Choose Azva, me or them? Sa oras na talikuran mo ako wala na talaga. Hindi na ako magmamakaawa sayo. Itatapon ko na lahat ng pagmamahal ko sayo sa oras na piliin mo sila." Ngunit imbis na sagutin niya ako sa inaasahan kong sagot ay iba ang siyang naging resulta. "I'm sorry but i choose them." Wika niya at yumuko I bit my lower lip and nodded. "I guess, this is the end. Hanggang dito nalang talaga tayo. Ginawa ko naman ang lahat, hindi ako sumuko dahil ikaw mismo ang siyang namili nito." Kahit may luha pa ay ngumiti ako ng matamis sa kanya sa huling pagkakataon. "Kakalimutan na kita, kakalimutan ko na lahat. Goodbye." A/S: Magmemention ako sa next chapter ng mga readers??.. Thank you for the support. ?? ©Hanamitchiunnie
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD