Balisa si Bryan iniisip niya si Pia. Ang kaisa-isang babae na walang kapaguran sa pagmamahal sa kanya. Bumuntong hininga siya. ‘Bakit ba Pia. Bakit ganon mo ako ka mahal.’ Noong una oo natutuwa siya sa kanyang parusa. Pero noong natapos na ni Pia ito, kay bigat ng pakiramdam niya. Dinala niya si Pia dito sa bahay niya dahil inisip niya na lahat dito magagawa niya itong parusahan, compare doon sa villa na wala siyang magawa dahil pakiramdam niya nandoon ang yumao niyang lola na handa siyang paluin kung may kalukohan siyang gagawin. Kaya dito sa bahay niya komportable siya. Kaya nga sinimulan niya kaagad ang pagpapahirap kay Pia. Hindi niya akalain na hahantong siya sa ganito. Nag-iba kaagad ang ihip ng hangin. Nag-iba kaagad ang kanyang damdamin. While si Pia, parang sinisilaban ang pa

