Bryan's POV Napilitan akong magmulat dahil walang tigil sa kakavibrate ang phone ko. Kinuha ko ito sa bedside table. Tiningnan ko ang screen kung sino ang tumawag. Si Lolo Solomon pala. Tumikhim muna ako bago ko ito sinagot. "Hello Lo good morning po." Babangon sana ako para hindi maistorbo ang pagtulog ni Pia pero sayang naman ang pagkakataon na nakayakap si Pia ngayon sa akin. Ngumiti ako ng tiningnan ko siya. Napaka inosente ng maamo niyang mukha. "Good morning too young man. How's Pia. Inalagaan mo ba siya tulad ng sinabi mo sa akin?" Natigilan ako sa tanong ng lolo ko. "Oh of… of course Lo, I took care of her." Just this morning. Pero syempre di ko sinabi 'yon. Tumawa ang lolo ko. I don't know if he believed me or not. "Okey that's a good sign. May I talk to her." Na alarma ako.

