Naiinis si Bryan sa kanyang sarili dahil gising ang diwa niya buong magdamag. Hindi pa kasi siya nakaranas ng ganito. Bumangon siya at naligo kahit six o'clock palang ng umaga. Pagkatapos maligo at magbihis, pumunta siya sa kitchen para magluto ng breakfast niya. He is expecting someone to be there. Pero pagdating niya doon sa kitchen wala pa ito. Huh buti nga wala pa siya baka masira pa ang umaga ko. Inukupa na nga niya ang isipan ko buong magdamag sisirain pa niya ang umaga ko!? Hindi pa ba siya napapagod sa kakatakbo sa isipan ko!? Humanda siya sa akin.
Tumawag si Bryan sa kanyang secretary to inform na hindi siya papasok sa trabaho ngayong araw na'to. Ipina-cancel niya ang lahat ng appointments niya today kasi marami siyang gagawin na mga personal na bagay.
Pagdating ni Bryan sa kitchen, nagluto agad siya ng fried rice, bacon, hotdog and sunny side up egg. Nang matapos siyang magluto tinanggal niya ang apron na kanyang ginamit. This breakfast is good for two. Pero hinanda niya ito para lang sa kanyang sarili. He already set the table. Umupo na siya at akma siyang susubo sana pero natigilan siya ng nagtama ang kanilang paningin ni Pia pagdating nito sa kusina. Nanlaki kaagad ang mga mata nito halatang nagulat nang makita siya nito sa kusina.
Tumalikod agad si Pia na para itong isang cadette na napaka-snappy kung kumilos pabalik sa itaas. Hindi kasi inakala ni Pia na nandoon si Bryan sa kusina dahil hindi naman ito palapunta sa kitchen para magluto ng pagkain. Kadalasan kasi sa labas ito kumakain.
Mapatawa sana si Bryan sa kinikilos ni Pia ng mawala ito, but he hold his self not to laugh. Inisip niya ang mga ginagawa nila ni Pia at McCartney kahapon, nagbabaga ang kanyang kalooban. Ayaw niya sanang isipin 'yon pero di niya ito mapigilan. Mabuti naman dumistansya si Pia sa kanya ng kusa.
Kumain si Bryan at pagkatapos uminom ng tinimplang coffee with cream. Then niligpit niya ang kanyang pinagkainan at hinugasan. May natira pa sa pagkain na kanyang niluto dahil hindi niya ito maubos. He just covered it. Weh hindi daw maubos.
Hindi siya umalis dito sa dining area. Nanatili siyang nakaupo muna at naglalaro ng game na naka install sa phone niya.
Mga ten minutes na ang lumipas, may narinig siyang mahinang footsteps going down at inabangan niya ito. Pagbaba nito, muli nagtama ang kanilang paningin at namilog na naman mga mata ni Pia at muli ito kumaripas ng takbo pabalik sa itaas. He smiled in a silly way. Hindi talaga ako aalis dito para hindi ka makakain.
Every ten minutes bababa si Pia pero nadoon parin si Bryan. Huhuhu gutom na ang bituka kong chikiting nagrarambulan na sila sa tiyan ko. Sa isip ni Pia. Panlima na niyang baba seven thirty a.m na di na niya kinaya ang gutom. Ayaw niyang magkasakitan sa loob ng kanyang tiyan ang kanyang mga alaga. Pagbaba niya nadoon parin si Bryan nakatambay. Bakit nandito pa siya? Wala ba siyang trabaho? Hindi na niya napigilan ang gutom kaya lumapit na siya sa dining area at nagsalita na ito. Alam ni Bryan na nagdalawang isip ito.
"Good morning Bryan." Bati nito ng mahina. "Pasensya ka na. Talagang gutom na ako." Hinawakan na nito ang kanyang tiyan at hinaplos-haplos pa ito. “Kung parusa mo ito, huwag mo naman ako patayin sa gutom. Patayin mo nalang ako sa sarap." Gustong matawa ni Bryan sa sinabi nito. At dahil din nakakaawa ang mukha niya para talaga itong nakakaawa na tuta. "Huwag naman sana ganito." He arched his brow. He heard her stomach growling loud. And her face turned red. He knows hiyang hiya si Pia dahil malakas ang tunog ng tiyan niya. So he stood up and walk past in front of her. He didn't say anything but he look at her sharply. Yumuko lang si Pia.
"Pack up your things after you eat 'coz we're moving to my house. And prepare yourself for the worst, so eat more." He said it coldly and emphasized the last three words.
Alam ni Bryan na nagtataka si Pia at nagdududa.
"Bakit Bryan, kakatayin mo ba ako? Bibitayin? Well I'm willing to die in your arms happily. Ikaw lang naman ang dahilan kung bakit ako kumakapit sa buhay. As you know, I'm all alone in this world. Dalawang tao lang naman ang alam kung masasaktan at iiyak pagmawala ako dito sa mundo. Ang importante lang sa akin ikaw, masisiyahan ka kung mawala na ako. Ganoon kita kamahal Bryan. Hindi na ako naghihintay na mahalin mo rin ako, kumapit lang ako sa desisyon ng lolo Solomon mo." Daming sinasabi ni Pia natatawa na siya sa kanyang isipan sa kanyang mga banat. Pero may mga kataga ito na lihim na nasaktan si Bryan at the same time nakaramdam din ito ng konsensya at munting kudlit sa dibdib niya. Pero hindi siya magpapadala sa kanyang nararamdaman.
"If you love me, then set me free. Leave! And go faraway of my sight! Isa kang tinik sa lalamunan!" May diin niya itong pagkasabi. At yon lang ang sagot niya sa mga banat ni Pia and he walk away pabalik sa room niya. But before siya nakalayo narinig pa niya ang kinikibotkibot ng bibig ni Pia.
"Grabe naman, sakit kaya ng tinik sa lalamunan." Natinik kasi si Pia kahapon buti kasama niya si Ian at alam nito na madalas talaga siyang mabikig sa buto ng isda kaya alam nito kung paano siya tulungan.
Pagdating ni Bryan sa kanyang kwarto kinuha niya ang kanyang luggage bag sa walk-in closet. He also packed his things. Kunti lang naman ang dala niyang damit. And he brings it to his car.
While si Pia, pag-alis ni Bryan nagmadali sana itong magluto ng kanyang pagkain, pero nakita niya na may platong nakatakip sa misa at binuksan niya ang mga ito. Laking gulat niya at tuwa dahil may pagkain pang natira sa niluto ni Bryan. At inisip niya na para talaga ito sa kanya at kinilig pa talaga siya ng bonggang bongga..
Nang matapos si Pia kumain at nakapaglinis na sa kusina, pumunta agad siya sa kanyang kwarto para mag-impake. Inisip niyang tatawagan nalang niya si Ian mamaya para ipaalam dito na lilipat na siya ng tirahan at sa bahay na mismo ni Bryan.
Nagsimula na siyang mag-impake, narealized niya na sobrang dami ng damit niya. Buti hindi pa niya nahakot ang kanyang mga paintings dagdag pa sana ang mga ito sa kanyang mga dalahin.
Mayamaya, nagulat nalang siya na kinalabog ni Bryan ang pinto ng kanyang kwarto.
"Hoy kapalmokz na babae! bilisan mo dyan! Kay kupadkupad mong kumilos!" Sobrang lakas ng boses ni Bryan to the point na napa-igpot siya sa kanyang kama.
"Andiyan na Bryan sorry!" Binuksan na niya agad ang pinto at hilahila niya ang kanyang maleta. Ngumisi lang si Pia kay Bryan.
"Sorry hehe." Napakamot nalang si Pia sa kanyang kilay. Pero sa isip ni Bryan sarap nitong piktusan pero di niya ito gagawin baka akalain nito na close na sila. Galit pa si Bryan sa kanya. May hinanda pa nga itong parusa para sa kanya pagdating nila sa bahay. Napangiti si Bryan sa kanyang iniisip. Ano kaya ang magiging reaction ni Pia kung malaman nito ang parusa niya.
They’re going downstairs but nasagi ni Pia ang kanyang maleta at na out of balance siya. Hindi siya nakahuma at mahuhulog na siya kaya pumikit nalang siya at hinintay ang pagbagsak niya sa sahig.
Nakikita ito ni Bryan. And he knows that she's going to fall. Huh buti nga sa kanya mahulog siya. But he didn't realize that his hand holds her quick at na out of balance din siya and in an instant they both fell down in the stairway. Paglanding nila sa sahig kasabay nito ang paglanding ng labi ni Pia sa labi ni Bryan.
Agh! My back got hurt. Hindi namalayan ni Bryan that there's something soft at mainit na nakalapat sa kanyang labi. Pagkahulog kasi nilang dalawa, nahulog sila sa isa’t isa, charrr iyan kasi ang iniisip ni Pia habang napayakap siya kay Bryan at nadaganan niya ito. Nakita niya na napapikit si Bryan sa sakit at hirap. Siya naman iba ang naramdaman, napapikit siya sa sarap.
Kaya nang nagmulat si Bryan sa kanyang mga mata, ganon din ang pagmulat ni Pia sa kanyang mga mata. There eyes meet. Then, they realized their position kaya nanlaki ang kanilang mga mata. Nakaramdam ng hiya si Pia. At si Bryan, sa pagkabigla, naitulak niya si Pia para mawala ito sa kanyang ibabaw.
"Nako! Bryan! Sorry talaga. I'm so sorry." Daling tinulongang makabangon ni Pia si Bryan kahit nahihirapan siya dahil sa sobrang bigat nito at inakay niya ito patayo. Nakaramdam si Pia ng parang boltaboltaheng daloy ng kuryente sa kanyang katawan ng madikit siya sa katawan ni Bryan. Nagdulot ito ng kakaibang init sa kanyang pakiramdam. Naramdaman din ni Bryan ang kakaibang init sa mga kamay ni Pia. Kaya nagpang-abot ang kanyang mga kilay. Hindi niya gusto ang reaction ng kanyang katawan sa hawak lang ni Pia sa kanya.
"Bitawan mo nga ako!" Singhal ni Bryan kay Pia at hinablot nito ang kanyang braso mula sa pagkahawak ni Pia. Dali namang lumayo si Pia sa kanya. Nakita ni Bryan ang pag-alala na namutawi sa mga mata ni Pia para sa kanya. Pero ibinaliwa lang niya ito.
Habang nakatayo si Bryan, pinakiramdaman niya ang buo niyang katawan, medyo masakit ang likod niya pero bearable naman. Kaya na una na siyang lumakad palabas.
Sumunod si Pia na nagkakandarapa sa paghila sa kanyang maleta, sobrang laki kasi nito. Sobrang dami ba namang dinala na mga damit feeler kasi siya talaga. Pinabayaan lang siya ni Bryan na isinakay niya ang kanyang malaking maleta sa luggage compartment. Bryan knows na nahihirapan si Pia. At nakikita niya itong nagkakandakuba ito sa paghila but the hell who cares. Bahala siya sa buhay niya. Hindi niya ito pinansin.
"Wooh grabe bigat!" Likramo ni Pia. Hindi si Bryan nagsasalita. Sino ba naman ang nag-utos sa kanya na damihan ang pagdala ng mga damit. Tumingin lang si Bryan sa kanya na parang wala.
"Bryan, okey ka lang bang magdrive? Ang likod mo kamusta. Masakit pa ba? Sorry talaga Bryan ha." Hindi pa rin nagsasalita si Bryan. Deretso lang ito pumasok sa kotse at nagfasten sa safety belt nito. Sumunod naman si Pia. Pero napansin niya na hindi isinuot nito ang kanyang safety belt.
"Wear your safety belt." Malamig niyang tugon kay Pia. Tumugon naman si Pia kaya lang nahirapan itong magkabit ng seatbelt. Bakit ang tigas nito hilahin. Hila siya ng hila ayaw pa rin.
Napilitan naman si Bryan na hilahin ang belt para sa kanya. Muntik ng maglapat muli ang kanilang mga labi nang lumingon ito paharap sa kanya.
“Okey lang Bryan na mahalikan mo ako muli naglapat naman na ang mga labi natin kanina.” Ngumisi lang si Pia. Ang babaeng to kainis! Sabi niya sa isip.
"Tatangatanga kasi." Mahinang sabi ni Bryan. Pero si Pia ngumisi lang.
"Sorry Bryan hihi...” At nag peace sign pa ito.
Mayamaya nang binaybay na nila ang kalsada, Bryan noticed her na pasulyap sulyap ito sa kanya. At minsan tinitigan siya nito ng mabuti. Nilubos kasi ni Pia ang bawat sandali na katabi niya si Bryan.
"Will you please stop staring at me!?" Tiningnan niya ng masama si Pia.
"Hihi ang gwapo mo kasi Bryan. Hindi ka nakakasawang titigan. At ang labi mo napaka kissable, ang sarap kagatkagatin.” Nanlaki ang mga mata ni Bryan sa sinabi ni Pia at bigla itong nagpreno. Huh buti naka seat belt siya kung hindi na bunggo na sana ang mukha niya sa dashboard.
"Will you shut your mouth! Kung ano ano nalang ang lumabas sa bibig mong kahalayan." Tiningnan na naman ni Bryan si Pia ng masama. Hindi kasi nito alam ang epekto ng kanyang sinasabi sa katawan ni Bryan.
"Alam mo bilib din ako sa 'yo. Hindi ka playboy nag-iisa ka lang siguro sa mundo. Napag alaman ko kasi na ang mga tulad niyong mayayamang lalaki womanizer. Left and right ang mga babae. Or else they collect and select girls, gamit dito gamit doon. Si Kuya Brixton nga womanizer din 'yon! Marami ding mga babae ang dumaan sa mga kamay niya. At nang dumating yong naging girlfriend niya ngayon nagpakatino na siya. Unlike you, you stick to one. Si Maleah lang ang minahal mo eversince. Siya lang ang naging girlfriend mo. At ako isa lang akong asungot sa iyo hahahah." Gusto sana magdiwang ni Bryan sa papuri ni Pia sa kanya at matawa, nakakahawa kasi ang pagtawa ni Pia. Pero pinigilan na naman niya ang kanyang sarili. Ayaw niyang magpadala kay Pia.
"Alam mo kahit maghubad pa ako sa harapan mo hindi mo ako papatulan. Kasi alam kong si Maleah lang naman ang laman niyan." Tinuro niya ang dibdib ni Bryan. Buti alam niya. Pero kahit alam niya nanatili pa rin siya. Kaya gagawa ako nga paraan para kusa siyang umalis. Ani ni Bryan sa isip.
"Ayyh!" Biglang nagpreno si Bryan nang bigla itong sumigaw at nagtiklop ng mga palad.
"Ano ba!" Angil ni Bryan sa kanya. Ngumisi lang si Pia at humingi nga sorry. May tama ba 'to sa utak? Sa isip ni Bryan.
"Hindi ka pala nag-iisa sa mundo Bryan may isa pa akong ka kilala na hindi babaero. Si Ian!" Parang ang saya pa ni Pia na binanggit ang pangalan ng isa pang asungot.
"Oh bakit dito kapa sa akin kahit alam mo na man na hindi kita mahal! At kayang mahalin! Doon ka sa McCartney na 'yon! Pareho kayong asungot!" Binilisan ni Bryan ang pagpatakbo sa kotse. Ramdam niya ang biglang pagkulo ang dugo niya sa sinabi ni Pia.
"Doon ako sa kanya pagnawala na ang pagmamahal ko sa'yo hihi. Habang may pagtingin pa ako sa'yo, manatili ako sa piling mo habang may basbas ako sa lolo mo." Ang laki ng ngiti ni Pia at alam niyang galit si Bryan sa kanya. Kung nakakamatay lang ang sama ng tingin, kanina pa siyang paulit ulit na pinatay nito. Pero wala siyang paki dahil natuwa siya at palagi namang galit si Bryan kanya.