Pia's POV
Dalawang linggo na ang lumipas maaga paring umalis sa Villa si Bryan matagal din itong uuwi sa gabi. Araw-araw ko siyang inaabangan at gabi-gabi ko rin siyang hinihintay. Ayaw kasi niyang ipaghanda ko siya ng pagkain.
Noong isang gabi nang bumukas ang pinto nagulat siya na nandoon ako sa sala. Alam siguro niya na hinintay ko siya. Dumilim na naman ang anyo niya. It was 11 p.m.
"Ano bang ginagawa mo ha!?" He looks pissed off. Napatuwid ako ng tayo. Nakamot ko ang aking kilay.
"Hinintay kita Bryan." Iritang-irita siya sa sagot ko sa kanya.
"And then?" Hindi ako makasagot. Naghagilap ako ng salita pero wala akong maisip na isasagot. Ngayon lang ako na tameme ng ganito. Awang ang bibig ko.
"Miss Sandona feeling mo ba na asawa kita? Na matutuwa ako sa oras na umuwi ako dito at mabungaran kita dito sa sala na hinihintay ako? Feeling mo ba na yayakap ako sayo at maging masaya tayo? Dream on Miss Sandona! Huwag kang masyadong feelinggera. And remember this..." Inilapit nito ang mukha niya sa mukha ko. "Isa kang bangongot para sa akin." Lumayo na sana siya ng magsalita ako at napahinto ito pero hindi ito lumingon.
"Dapat siguro masasaktan ako sa mga sinabi mo Bryan. Pero wala akong naramdamang sakit. Sige lang Bryan, hindi ko alam kung hanggang kailan ako manatili dito. Pero busogin ko lang muna ang sarili ko sa kahibangan ko sayo. Anyway wala naman akong ginagawang masama. Enough na sa akin na makita ka sa araw araw. Para pagdating ng panahon na aalis na ako at lalayo na ng tuluyan may mababaon akong alaala sa'yo." Una akong umalis sa kanya. Nakita ko na kumunot ang noo niya. Nilagpasan ko siya. Alam kong nakasunod lang sa akin ang paningin niya.
Binuksan ko ang pinto sa aking kwarto at pumasok ako. Nang makapasok ako agad ko ito isinara at sumandal ako sa pinto. Grabe ang kabog ng dibdib ko. Wewh kinabahan ako doon ah. Pero tutuhanin ko ang sinasabi ko sa kanya. Pagpasinsyahan mo nalang muna ako Bryan darating din tayo diyan kung sakali man.
Dumistansya lang muna ako kay Bryan ayaw kong makita niya ako. Mas mabuti ako lang ang makakita sa kanya. Ayaw kong maging bad mood siya sa araw-araw ng dahil sa akin.
Tinawagan ako ni lolo Solomon at kinamusta ako at si Bryan, sabi ko sa kanya okey lang naman ako. Sinabi ko rin na okey lang kami ni Bryan. Na hindi niya ako gustong makita. Pero of course hindi ko sinabi yon. Since tumawag na ang Lolo Solomon ay ipinagpaalam ko nalang na gagamitin ko ang isang guest room na art room. At pumayag naman ito. Masaya ako dahil makapag pinta na naman ako. Sisimulan ko na ang Villa Guada para panregalo ko ky lolo Solomon at pagkatapos ang portrait naman ng Lola Guada with Lolo Solomon. Ibigay ko ito sa kanya as birthday gift at pasasalamat na rin sa pagtanggap sa akin.
Nagulat ako ng mag ring yong phone ko. Pagtingin ko sa screen nakita ko ang pangalan ni Ian. Napangiti ako. Umandar kasi yong pagka-over protective niya sa akin noong gabi na inihatid namin si Doreen sa bahay nila dahil galit siya kay Bryan.
"Hello Ian? Bakit?" Excited kong tanong dito.
"Where do you live now? I'm here in your house and your neighbor said that you're not living here anymore." Oo nga pala hindi ko pa na sabi ni Ian I forgot. Noong inihatid namin si Doreen last time hindi rin niya ako nahatid dahil may emergency siya. Pinasakay lang niya ako ng taxi.
"Ay oo nga Ian nandito na ako ngayon nakatira sa Villa Guada." Sabi ko sa kanya.
"Where the hell is that!?" Tanong pa nito.
"E text ko sayo ang address." Sabi ko sa kanya. Alam kung salubong ang kilay niya ngayon.
"Let's meet. Marami kang utang sa akin." Tumawa ako sa sinabi niya.
Nang natapos ang aming usapan naghanda na ako para pagdating ni Ian ay diretso na kami sa lakad.
Later on may narinig akong malakas na busina agad akong lumabas at nakita ko si Ian kay lapad ng ngiti. Sumakay agad ako sa sports car niya na blue. "Wow ha ang gwapo natin ngayon ah at ang bango pa?" Napalingon siya sa akin kumindat lang ito. "Saan ba punta natin ngayon ha?"
"Punta tayo sa restaurant ko kain muna tayo." He fasten our seat belts.
"Wow gusto ko yan!" Bigla akong na excite dahil masarap talaga ang mga pagkain sa restaurant na pagmamay-ari ni Ian.
"Bakit nga pala sa Villa Guada kana tumira." Mayamaya tanong niya sa akin habang nasa byahe na kami.
"Eh kasi nga dahil sa nangyari sa amin ni Bryan ipinatawag kami ng lolo niya tapos napagdesisyonan ng lolo niya na patitirahin kami sa isang bubong." Paliwanag ko dito. Narinig kong napabuntong hininga ito. "Ipapakasal nga sana kami pero umayaw ako kahit gusto ko. Sagad na kasi para kay Bryan kaya ayaw kong ipilit sa lolo niya na pakasalan ako."
"So you're living together. Masaya kaba naman?" Nakita ko na may bahid na lungkot sa kanyang mga mata. Pero hindi ko lang yon binigyang pansin dahil alam kong concern lang sa akin si Ian dahil kaibigan niya ako.
"Yeah masaya ako. Pero siya, he hates me." Nakanguso kong sabi sa kanya. Nakita ko na humigpit ang pagkahawak niya sa steering wheel at bakat na ang mga ugat sa kanyang mga kamay.
"Kailan ka ba kasi hihinto sa pagmamahal mo sa kanya. Wala ka namang maaasahan sa kanya. Alam mo ba 'yon?" Alam ko 'yon pero nagkibit balikat nalang ako.
"Kung kailan ako mapapagod siguro. Only my heart can tell." Nilalaro ko ang mga daliri.
"Ewan ko sa'yo" Penektusan niya ako sa ulo. Tiningnan ko siya ng masama pero humahalakhak lang ito. Napatawa na rin lang ako.
Pagdating namin sa restaurant niya nakaready na ang mga pagkain na seafoods ang sarap, paborito ko to lahat ah. Tingin palang katakamtakam na. Alam na alam talaga ni Ian ang mga gusto ko. Masaya kaming kumain, marami kaming napagkwentuhan. Mayamaya....
"Aghk aghk" Sumakit ang lalamunan ko. Parang may nakatusok at nahihirapan na ako lumunok ng laway.
"Oy ano naman yan nabikig ka?!" Nataranta si Ian. Dali itong tumayo at lumapit sa akin. Oo nabikig ako. Ganito talaga ako pagkumain ng isda. Hindi ko alam bakit mabikig talaga ako. Minsan naman hindi. Nag-iingat naman ako.
"Open your mouth!" Ibinuka ko ang aking bunganga, "Bigger!" Ano pa bang bigger ang hinanap niya ang laki na nga na pagkabuka ng bibig ko. Tiningnan niya ang ilalim nito. Chinek niyang mabuti.
"Saang banda hindi ko makita." Taranta niyang sabi. Tinuro ko ang gilid sa aking leeg near sa right tonsil ko. He try to get it through his fingers pero nahihirapan siya dahil siguro sa laki ng kamay niya.
" F*ck it so hard. Ikain mo nalang ng kanin baka madala at matanggal. Or else itong saging." Kinain ko ang binigay niyang kanin at saging pero ayaw parin makuha. Lalo lang itong sumakit.
"Aghck aghck" I shook my head at na alarma na siya.
"Sh*t! Where is your tweezers!?" Hinalungkat niya ang bag ko at tinuro ko ang pouch. Hindi ako makapag salita dahil napakasakit nito talaga. Naluluha na ako sa sakit. Buti nakita niya ang puller ko. Palagi ko talaga itong dala just incase sa mga ganitong pangyayari.
"Say, Ah." He opens his mouth at ginawa ko rin. Hinawakan niya ang baba ko. Naramdaman kong nabunot na niya ang bikig. "Ang laki ah." Nanlaki ang mga mata nito. Ipinakita niya sa akin.
Pumunta muna ako sa private comfort room nitong restaurant para na rin makapagmumog ng tubig. Pagbalik ko laking pasasalamat ko kay Ian.
"Haayyy salamat Ian. Napakasakit grabe!" Umiiling-iling ito. Bakas sa mukha nito ang sobrang pag-alala. At pinagpatuloy ang aming pagkain. Doble na ang pag-iingat ko.
"Oo grabe nga, kasi napakahilig mong kumain ng bikig. Paano mo ba 'yon kinain ha." Napatawa nalang ako at umiling-iling siya. Pinisil naman niya ang matangos kong ilong sa sobrang pag-alala.
"Bilisan mong kumain diyan may lakad pa tayo." Mayamaya ani nito.
"Umh saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya.
"It's a surprise." Sabi nitong nakangisi.
"Nako Ian ha pa surprise surprise kapa talaga ha." Ani ko naman na nakangiti.
Nakita ko na papasok kami sa isang hotel parking lot. Ano kaya ang gagawin namin dito sa hotel.
Papasok kami sa lobby. Wow lobby palang napakaganda na. Napakarangya.
"Turn to your right." Sabi nito. Hinawakan niya ang balikat ko. Napanganga ako sa ganda.
"It's an Art Museum! This hotel is with great arts. Andaming art works. May sculptures, may mga recycled materials turned to art." At marami pang iba. Namangha ako.
"I do this because I want to support local artists to showcase their works and be discovered. And this also can attract customers diba. And also... you have a space in here." Tinuro niya sa bandang kanan. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito. Lumapit kami sa tinuro niya.
"Here, you can display your art works here." Namilog ang aking mga mata.
"Bakit nagpaalam ka na ba sa may-ari nitong hotel?" Tanong ko dito. Hindi pa rin ako makapaniwala na kung sakali man dito ang puwesto ko.
"Bakit sino ba sa tingin mo ang may-ari ng Hotel." Lalong nanlaki ang aking mga mata. Oo nga nakita ko sa labas kanina ang signage na IGM Palace Hotel its stands for Ian Gilbert McCartney Palace Hotel! Bakit hindi ko ito naisip!
"OMG Ian!!! Nag-uumapaw na ang yaman mo ah.." Tumalon-talon ako sa tuwa at niyakap ko siya. "Grabe natupad na ang pangarap mo na makagawa ng sarili mong desenyong hotel!" Sobrang galak ko para sa kanya. Niyakap din niya ako.
"Yeah. Natupad na ang isa sa pangarap ko. Isa nalang ang hindi pa o hindi na siguro matutupad." Ngumiti siya at tumingin sa akin. Kumunot naman ang noo ko. He looks at me seriously and intently. I know there something in his eyes that I can't explain. Hindi ko mawari kung ano iyon.
"Bakit ano ba ang isa mo pang pangarap?" Taka kong tanong sa kanya.
"Mamaya ko nalang sasabihin sa iyo." Hawak ko ang braso niya at kinurot kurot ko ang pisngi niya. Binitin pa ako. Tawa naman siya ng tawa.
"Ikaw hap napaka secretive mo." At ngumisi siya at kinurot din niya ang dalawa kung pisngi.
Nilibot namin ang buong Hotel. May palace restaurants and bars ito. May facilities na pwede e host ang weddings and conventions. May fitness gym, may hair salon, may indoor swimming pool and many others sa laki ba naman ng palace hotel. May souvenirs area ang iba nito ay customized. At may gaming area. Nag uumapaw sa ganda and luxury ang palace hotel niya.
Grabe lagpas apat na oras ang paggala namin sa buong hotel. Ipinakita niya ang kanyang presidential suite niya at doon kami kumain ng snacks. Nagpahinga kami sandali nanonood kami ng movie na Rampant. Panay ang sigaw ko dahil about zombie pala ang pinanood namin grabe pati na rin si Ian napasigaw nahawa na rin sa akin. Tawa kami ng tawa. Sa mga reactions namin.
Afterwards, nagdecide na kaming umuwi. Pababa na kami sakay ng elevator. "Hay nako Ian sobrang saya ko talaga para sayo. Swerte ng mapapangasawa mo dahil mayaman ka, napakabait at napakamaalalahanin mo pa at.... ubod pa ng gwapo." Tumawa ako at pinagsalikop ko ang aking kamay at saka nagsaludo ako sa kanya.
"Talaga? So maswerte ka?" Tanong nito na nakangisi.
"Ah.. huh?" Nahiwagaan naman ako sa tanong niya.
"Swerte ka dahil kaibigan mo ako." Sabi nito na napakamot sa batok.
"Hahaha talaga!" Hambog ko namang sabi dito.
Sabi ni Ian bukas makalawa hahakutin na namin ang mga artworks ko para madisplay na sa lobby sa Palace Hotel dahil by next month ay grand opening na nito at sabay sa birthday niya.
Binaybay na namin ngayon ang daan patungong Villa Guada. Its already 10:50 p.m.
Bryan's POV
Hindi ko alam na parang may something na kumudlit sa aking dibdib when that Pia said those words na paulit ulit nagplay sa aking isipan. 'Dapat siguro masasaktan ako sa mga sinabi mo Bryan. Pero wala akong naramdamang sakit. Sige lang Bryan, hindi ko alam kung hanggang kailan ako manatili dito. Pero busogin ko lang muna ang sarili ko sa kahibangan ko sayo. Anyway wala naman akong ginagawang masama. Enough na sa akin na makita ka sa araw araw. Para pagdating ng panahon na aalis na ako at lalayo na ng tuluyan may baon akong alaala sa'yo.' Parang it hit right directly to my heart na parang humapdi ang puso ko. Pero binaliwala ko nalang. Ang gusto ko mapaalis ko siya ng kusa. Para pagbalik na ni Maleah wala ng problema.
Nandito ako ngayon sa isa sa shopping malls ko bibili ako ng maraming damit ko at pants pati boxer briefs, then maraming curtains na babagay sa bahay ko then maraming kumot at pillow cases. And many others.
Tinawagan ko ang lolo ko para magpaalam na we're going to transfer to my house ipinag-alibi ko nalang na mas malapit ito sa company. At pumayag naman siya basta ikabubuti daw sa amin ng Pia na 'yon. Hindi pa alam nito ang plano niya. I don't want to talk to her nakakapoot.
Tinawagan ako kanina ni Brixton magkita daw kami sa IGM Restaurant malapit lang naman 'yon didto sa mall ko. Kaya after kung bumili ipinadeliver ko ito sa bahay ko tamang-tama nandoon pa ang caretaker ko.
Pagdating ko sa restaurant nandoon na si Brixton kasama ang girlfriend nito.
"Hi guys." Bati ko sa kanila. Tumayo si Brixton at nagfist bump kami at beso naman sa girlfriend niyang si Ashley.
"Order na tayo guys!" Wika ni Ashley.
Nag-order na kami specialty nila dito ang sea foods kaya marami kaming order. Infairness naman didto masasarap ang mga pagkain.
Pagdating sa order namin nilantakan agad namin ang mga ito. Mayamaya hinatid ng serbidora ang inorder naming dessert.
"Ay maam hinayhinay po kayo sa pagkain ng isdang iyan ha masarap iyan pero mabikig naman, may nabikig na kasi kanina niyan first time." Sabi ng serbidora kay Ashley na may ipinakita na kung ano sa cellphone nito. Kumunot ang noo ko. Nakita ko rin ang mukha ni Ashley na nagtaka pati din si Brixton. Chikadora lang ang ate may ipinakita pala na video.
"Ay ganon ba?" Tiningnan naman ni Ashley ang video at napatabon naman sa kanyang bibig na parang kinikilig.
"Look sweety ang sweet ng guy oh." Ipinakita ni Ashley ang video kay Brixton habang ako patuloy sa pagkain. Nasarapan talaga ako sa pagkain nila dito. Nakita ko si Brixton na tumingin sa akin.
"Bakit?" Taka kong tanong.
"It's Pia and Ian." Sabi ni Brixton. Parang tiningnan niya akong mabuti kung anong reaction ko. Patuloy lang ako sa pagkain.
"Not interested." Pero biglang nawala ang gana ko sa pagkain. Buti nalang marami na akong nakain. Para kasing nag-iba ang lasa ng pagkain at nag-iba din ang pakiramdam ko especially dito sa dibdib ko. Parang naging mabigat ang aking paghinga. Uminom nalang ako ng tubig. At hindi ko sila inintindi. Kinain ko nalang ang aking dessert para pampalamig at pampagaan sa aking pakiramdam.
"Bakit kilala niyo sila?" Tanong ni Ashley ni Brixton tapos bumaling naman sa akin. Nang hindi ako nagsalita si Brixton ang sumagot.
"Yeah kilalang-kilala namin sila. The girl is Pia Sandona bestfriend ni Doreen at....... uhm.... love enemy naman ni Bryan I mean Pia loves Bryan so much but Bryan feels the opposite." Ngumisi pa ito na tumingin sa akin. "She is an artist, a painter to be exact. And this guy is Ian McCartney isa siyang mahusay na architect." Wika ni Brixton. Seryosong nakatitig si Ashley sa phone ng serbidora.
"Ang ganda ni girl oh kahit na bikig. At si guy naman alalang-alala at kitang kita na inlove ito." Kilig na turan ni Ashley.
"Yes po maam talagang napakalovey dovey nilang tingnang dalawa kanina." Sabat naman ng serbidora. "Sige po maam, sir alis na po ako enjoy your meals po." Pagpaalam pa nito ibinigay na ni Ashley ang phone dito.
"Sige po ate salamat po." Wika naman ni Ashley.
"Actually . . . nakita ko rin sila kanina pumasok sa isang magarang palace hotel. Ang sweet nga nilang tingnan. May business meeting kasi ako malapit sa naturang hotel." Medyo uminit ang ulo ko sa aking narinig.
"Sorry Bryan ha, pero bakit enemy mo siya. Alam mo sayang kayong dalawa. Bagay pa naman kayong dalawa. Baka love mo siya ha na hindi mo lang alam." Sabi sa'kin ni Ashley. Kumunot ang noo ko.
"No, I don't feel that way. I don't love her. Never in my wildest dream." Sabi ko naman sa kanya. Napanganga si Ashley. Si Brixton just tilted his head.
"Ganon ba. Nako Bryan ako ang kinabahan sa'yo. Anyway kung walang kayo. Bagay din naman sila nong Architect." Lalong humigit ang paghinga ko. Parang bigla ko tuloy gustong umuwi at awayin ang babaeng 'yon. Pero nag-anyaya pa sila Brixton at Ashley na magbar muna kaya sumama ako. Parang gusto ko ring uminom.
Pagdating namin sa bar ni Brixton agad siya nag-order ng inumin namin. Tapos sinabihan niya ako na huwag masyadong uminom dahil madadrive pa ako kaya kunti lang ang ininom ko.
Umuwi ako at nakita ko na madilim pa ang bahay. Umusbong nanaman ang poot ko sa dibdib. Saan pa kaya ang babaeng 'yon nagpakasarap?
Around ten o'clock hindi parin ito dumating. Nandito ako ngayon sa living room hindi ko alam kong bakit ako nandito supposedly nandoon na ako sa kwarto ko pero heto ako ngayon patanaw-tanaw sa gate kung may magbubukas na. Naiinip na ako sa pabalikbalik sa paglalakad dito sa living room.
At exactly 11 p.m. bumukas ang gate nakita ko ito na pakawaykaway pa kay McCartney. Nagsalubong ang kilay ko. Nang naisara na niya ang gate dali akong tumakbo sa aking kwarto as if na hindi ako naghintay. Nanghintay?? Kahit ano pa ang sasabihin mo Bryan paghihintay pa rin ang ginagawa mo. Suwail talaga ang isip ko minsan.
Nang nakapasok na ako sa kwarto ko bigla akong pinagpawisan. Kaya nagrelax ako ng ten seconds at pinahid ko ang pawis sa noo ko at lumabas muli ini-estimate ko na magkasalubong kami.
Hindi ako nagkamali, nagkasalubong nga kami. At nabigla siya ng makita ako.
"G-good evening Bryan." Alam kong nag-alanganin siyang bumati sa akin. Pero tiningnan ko lang siya ng masama. Tiningnan ko kuno ang relos ko at muli akong tumingin sa kanya. Nakita ko na nakagat niya ang kanyang labi.
"Pa..pasensya kana Bryan kung ngayon lang ako nakauwi kasi may........" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. As if hindi ako interesado.
"Save it. I don't care about it and I don't care about you." As usual plain lang ang reaction nito pero alam kong sinundan niya ako ng tingin papuntang kitchen. Iinom nalang ako ng tubig dahil nauuhaw ako sa pagtakbo ko kanina.
Pagbalik ko sa kwarto sumampa ako sa aking kama at sumandal sa headboard. Hindi ko gusto ang naramdaman ko ngayon. Umibis ako sa kama at kumuha ng beer in can sa mini ref ko. At nilaklak ko ito in one go hoping that this discomfort in my chest will go. At kumuha pa ako ng isa pang beer at ganon rin ang ginawa ko. I drink it straight.
Mayamaya ay bumalik ako sa kama ko at humiga just staring in the ceiling blankly. Bumangon akon at kinuha ko ang cellphone ko sa side table. Nakita ko na may private message si Brixton sa messenger ko. I open it and saw the video earlier. Senindan pa talaga ako ng kolokoy na Brixton. Hindi ko alam kung bakit tiningnan ko pa ito. Tama sila sa sinasabi nila. They look good together. I know already that McCartney has feelings for that b*tch. And that b*tch is still not aware of his feelings. I saw how he hold her face with extra care. Naalala ko ang sinabi din ni Brixton na pumasok ang mga ito sa isang magarang hotel. That thought makes my breath heavy. Parang may himagsikan na nangyayari sa dibdib ko. Hindi ko to maintindihan.