Lumipas ang isang linggo, minsan lang kung umuwi si Bryan sa beach house. Kaya minsan din mapagalitan siya sa kanyang mommy dahil kailangan daw ni Maleah ng attention then wala siya lage sa bahay. Paano doon na siya namalagi sa log cabin ni Kyle. Gusto sana ng mommy ni Bryan na alagaan muna nito si Maleah para hindi ma stress sa kakahanap sa kanya. Wala kasing ibang bukang bibig si Maleah kundi ang pangalan niya kaya palagi siyang pinagsasabihan ng kanyang ina "Mom huwag ka ngang maniwala sa arte ng babaeng yan. She just pretending." Deep inside iritang irita si Bryan kung marinig niya ang tungkol kay Maleah pero hindi siya maka buwelo dahil ina niya ang kanyang kaharap. "Bryan! Huwag ka ngang ganyan! Hindi madali ang magbuntis kung alam mo lang! Mabuti ngang ganyan lang si Maleah eh a

