"Sobrang sakit ng dibdib ko Ian. Parang sasabog na ang puso ko. Anong gagawin ko." Patuloy ang paghagulgol ni Pia. Niyakap siya ni Ian na galing pa ng kusina at may dalang tubig para ipainom sa kanya. "Just drink this first." Ibinigay ni Ian ang isang basong tubig. Uminom lang si Pia ng kaunti at pagkatapos niyang uminom, nagpatuloy siya sa pag-iyak. She can't really control herself. Sobra siyang nasaktan. Kinuha naman ni Ian ang baso na hawak ni Pia at inilagay sa center table. "Just let it out. I'm just wondering, kung bakit humantong kayo sa ganito ni Bryan." Kahit umiiyak nagkwento si Pia. Ikinuwento niya kay Ian ang lahat na nangyari sa beach house. Kahit putol putol ang pagsasalita niya dahil sa pag-iyak pero na intindihan pa rin naman ito lahat ni Ian ang pangyayari. Niyakap

