Pia's POV Deretsong pumasok si Bryan sa bahay at may dala pa itong maleta na medyo malaki. Sigurado akong gamit niya ang laman ng 'yon. Hindi ko mapigilan ang aking naramdaman. Napangiti ako at umindak ang aking puso. Hindi ko inakala na dito muna siya pansamantala habang nandidito ako. Pero hindi ko ipapahalata na masaya ako na narito siya. Pagkalock ko ng gate agad akong pumasok ng bahay. Sinabayan ko nalang ang trip niya, na minsan lang magsalita. Ngayon alam ko na mahal pa rin niya ako. Akala ko tuloyan na niyang inabandona ang pagmamahal ko sa kanya. Hindi ito maparito kong hindi na ako mahalaga sa kanya. Pinadalhan pa nga ako ng mga groceries kanina at pagkain. Pero alam ko na masama ang loob niya sa akin o kaya'y galit siya sa akin. Sana naman ma okey na kami. Hintayin ko nalang

