Pia's POV Sumunod ako sa kanya sa pagpasok ng bahay. Nakaready na pala ito, may bitbit na itong bag na itim, parang kunti lang ang laman. "Ayoko ko." Parang ako lang yata ang nakarinig sa sinabi ko. "Anong sabi mo?'' Kunot noo itong humarap sa akin. "Ayokong sumama sa'yo. Hindi pa ako tapos." Pag-uulit ko. Tumingin ako sa kanya ng deretso. "Dito lang muna ako." At nagsalubong na ang makapal na kilay nito. "Kailangan mong sumama sa akin." Madiin niya itong sinabi. Pero hindi ako natinag. "Oo nga, pero ayoko muna sa ngayon. Hindi pa ako tapos!" Pagmamatigas ko. Tumalikod ako at dumeretso ako sa aking kwarto. Nagtalukbong ako ng kumot. Bahala siya. Mayamaya, bumangon ako, pumunta ako sa art room at binuksan ko ng kunti ang pinto. Sinilip ko kung nandiyan pa ba si Bryan sa sala. Nang

