Pia's POV Nang matapos kaming mag-usap ni Doreen, nagpasya kami na pumunta sa pinakamalapit na restaurant para magdinner muna bago niya ako ihatid pauwi sa bahay. Pagdating namin sa restaurant nakikita ko na hindi pala basta-basta ang mga customers na nandito. Halos bibigating tao ang mga ito. May lumapit sa amin na waiter. "Good evening Maam! This way please." Iginiya niya kami papunta sa isang table for two tapos kukuhanin niya ang order namin. "May I take your orde..." Hindi natapos magsalita ang waiter ng tumingin ako sa kanya at ngumiti para sana magbigay ng mga orders namin, pero namangha siya. "Miss Pia???" Lalo akong napangiti sa kanya dahil sa reaction niya na para itong na mesmerized sa akin. "Miss Pia ang ganda niyo po sa personal pwede po ba magpapapicture?" His eyes are fu

