Pia's POV Mula noong nakalabas ako ng hospital as Bryan said dumeretso nga kami sa mansion. Napaka warm ng welcome ng mga tauhan nila doon sa akin. As Mrs. of Bryan Henderson napakasarap ng feeling, para akong prinsesa. Sobra din kasing maalaga si Bryan. Masaya ako at maligaya, that kind of feelings ay nag-uumapaw sa aking puso. But one thought of her at sa pagbalik niya gumuho ang saya at ligaya ko. Dalawang linggo na akong balisa. Wala akong tamang tulog. Hindi kasi nawaglit sa aking isipan si Maleah mula nang makita ko siya sa hospital. Nakakaintimidate ang ganda at kasiksehan niya. Feeling ko na ang pagbalik ni Maleah ay threat sa aming relasyon ni Bryan bilang mag-asawa. Hindi talaga ako komportable na nandito na siya. Para kasing naalarma ang puso ko sa kanyang pagbalik. Hindi

