Pia's POV Bigla akong nanginginig nang dahil sa aking narinig mula kay Ian. Lumakad na kami papunta sa kotse niya pero pakiramdam ko parang ang bigat e hakbang ng aking mga paa. Ang puso ko parang tinusoktusok at pinigapiga kaya parang humigit ang aking paghinga. Pilit kong kinocontrol ang aking sarili para hindi makahalata si Ian. Pero kahit anong pigil ko parang sasabog na ang aking dibdib. Nagtaka ako kay Bryan bakit hindi siya nagkwento sa akin na nagkita na pala sila ni Maleah. At ang higit pa do'n ay Company Model nila ito. Naalala ko noon sa hardin ng hospital nila. Tinawagan siya ni Oscar ang kanyang secretary informing him na meron ng na hire na model ang kanilang kompanya. At doon palang alam na niya na si Maleah yon. Sabi ko pa naman sa kanya noon na importante ang komunikasy

