Pia's POV Gabi na akong nauwi sa mansion, hinatid ako ni Ian. Hindi na siya lumabas kumaway nalang siya sa may bintana ng kanyang sasakyan. Kumaway din ako sa kanya ng nakangiti. Hindi ito umalis ng hindi ako makapasok sa gate. Pagpasok ko sa mansion nakita ko si Bryan nakaupo sa sala. Nang makita niya ako agad itong tumayo at parang nagngitngit ang expression ng mukha. Ito ang mukha niya noon kung makatingin sa akin. Natatawa ako deep inside dahil ang bigla ng transformation. Nagbalik lang si Maleah nagtransform agad siya. Para lang talaga whirlwind romance ang aming relasyon. Natatandaan ko noon na grabe ang reaction niya noong sabi ng lolo niya na ipapakasal siya sa akin. Sobra siyang nagalit sa akin. Parang patayin na niya ako sa matulis niyang mga tingin. Hindi ko akalain ang bilis

