Pia's POV Aalis ako. But before ako umalis sa mansion nagpaalam ako kay Tessa. As usual, wala silang lahat sa mansion. Early birds talaga silang lahat. Nahihiya na ako kasi baka ang tagal kung gumising. Baka tulog mantika ako masyado kasi kahit si Bryan na katabi ko sa pagtulog hindi ko namalayan na bumangon at umalis sa umaga. Ngayon nagtetext ako sa kanya na aalis muna ako dahil magkikita kami ni Doreen sa isang restaurant. Pero wala akong natanggap na reply kahit 'k' man lang. Kahit walang go signal, umalis pa rin ako. Nagpahatid ako sa driver nila Bryan na nakatalaga sa akin. Wala akong sariling sasakyan dahil hindi ako marunong magdrive. Pagdating ko sa restaurant nakita ko agad si Doreen, dali akong lumapit sa kanya. "Doreen! Hi!" Ang lapad ng mga ngiti namin sa isa't isa 'si

