"Ay! Ano yon?" Napatalon si Tessa sa gulat at takot. Nanginginig bigla ang kanyang mga kamay at kalamnan. Napatingin siya sa itaas ng bahay sa pinanggalingan sa putok. "Denny..." Sambit niya. "Oh bakit humahawak ka sa akin? Doon ka sa malayo sa akin Tessa! Huwag kang pahawak hawak dyan!" Pinagtanggal ni Denny ang mga nanginginig na mga kamay ni Tessa na humawak sa braso niya. "Denny naman di naman ma biro. Joke lang 'yon." Hindi talaga tinanggal ni Tessa ang kanyang mga kamay kahit anong baklas ni Denny, pag mabaklas naman, ibalik niya ito sa paghawak at mas hinigpitan pa nga nito ang pagkapit. Hindi na lang pinilit ni Denny ang pagtanggal sa mga kamay ni Tessa. Nakakaawa at nakakatawa ang itsura at reaction niya. Magaling lang pala ito sa pagtataray at pagbibintang pero matatakutin pala

