Dahil sa hightech na kagamitan, nakikita na ni K.A kung ano ang nakikita ng intruder kung saang area ng bahay ang monitored. Nalaman ni K.A na sa anim na installed hidden cameras dalawa dito nasa kwarto nila Bryan at Pia, isa sa art room ni Pia, isa sa kusina, mayroon sa living room at sa entrance ng bahay. "Bad cheetah... tstststst." Umiiling si K.A sa natuklasan. "K.A ano na? Anong update." Tanong ni Ian. Naka monitor lang si Ian habang nasa Isla Guada. They are having a video call. Nasa harap lang ni K.A ang phone niya na nakalagay sa phone stand at ipinatong sa dashboard ng kanyang sasakyan. Kasalukuyang nasa malapit lang siya sa lugar nila Bryan. "Bryan is right. There are hidden cameras and listening devices sa bahay nila." Wika ni K.A. "Cameras and listening devices? So marami?

