Chapter 2: She's a Virgin

1600 Words
Pia?? Na-shocked si Bryan dahil si Pia ang katabi niya. Hindi niya mawari kung ano ang kanyang nararamdaman. Hindi siya makapag-react. Paano nangyari ‘to? tanong niya sa sarili. Habang nag-iniisip, napahilamos siya sa kanyang mukha. Si Pia? Si Pia, ang kasama niya buong magdamag and they had a mind blowing s*x? Hindi siya makapaniwala. Parang may isinisigaw ang kanyang puso't isipan, pero hindi niya binigyang pansin. Pilit niyang binubuhay ang galit para sa babaeng ito. Sinabihan na niya ito noon, na huwag lumapit sa kanya. Pero heto, gumawa pa talaga ng paraan! She took advantage of my situation! "Hoy Pia!" malakas niya itong niyugyog. Umuungol lang si Pia. Nag-react ang katawan ni Bryan sa ungol ng dalaga, pero binalewala niya ito. Bumangon siya na hubo't hubad. Nakita niya na may tshirt at boxer shorts sa sahig na nakatupi pa, kinuha niya ito at isinuot. Ginising niya ulit si Pia. "Hoy babae! Bumangon ka nga dyan!" sigaw niya. Nang hindi ito gumalaw, hinablot niya ang comforter at nakita niya ang kahubdan ni Pia. Natulala si Bryan sa nakikita. Napakaganda ng hubog ng katawan ni Pia. Pero binawi ni Pia ang comforter. And she covered it to her body. Nang nakabawi si Bryan, pinagalitan niya si Pia. "Ano ba ang ginawa mo, babae ka!?" Namumula ito sa galit. Para itong nakakain ng siling demonyo. "Inalagaan kita kagabi at nakipag-ano na din sayo." Kalmadong sagot ni Pia while humihikab. "Bakit mo ginawa!?" bulyaw ni Bryan. Para siyang frustrated sa nangyari. "Aba! Kung makapagtanong at bulyaw ka dyan Bryan, parang hindi ka nasarapan, ah. Ginawa ko, dahil gusto ko. Mahal kita, eh," wika ni Pia na parang wala lang. Nakahiga pa ito at inaantok pa. Parang walang problema si Pia sa lahat. Pero si Bryan, halos labas lahat ng ugat niya sa kanyang leeg sa galit. "For Pete's sake Pia! Tama na! Hindi kita gusto! At kahit kailan, hinding-hindi kita magugustuhan! Hindi kita MAHAL at lalong-lalo, hindi kita mamahalin!" malakas na sigaw ni Bryan. Pakiramdam ni Pia, para siyang nabingi at parang tinusok-tusok ng karayom ang puso niya sa sinabi ni Bryan. Si Bryan, feeling exasperated. Kahit ipagtabuyan niya si Pia at kahit anong masasakit na salita ang ibato niya, hindi pa rin ito natitinag. Ang kapal ng apog ng babaeng ‘to na ipagdiinan ang kanyang pagmamahal! Pikon na talaga siya. "Umalis ka na bilis!" Tinuro ni Bryan ang pinto. "Bryan wala man lang ba akong kunting spark diyan sa puso mo?" Ininguso pa nito ang dibdib ni Bryan. "Bagay naman tayo, ah, positive ako, negative ka magka-spark talaga tayo." Lalong umusok ang ilong ni Bryan sa sinabi ni Pia. "Alam mo, Bryan, sobra lang talaga kitang gusto. At ayaw kong magkagusto sa iba, ikaw lang," seryosong wika ni Pia. Pagod siya. Masakit ang buong katawan niya. Lalo na ang gitna niya, pakiramdam niya parang punompuno ito. "Wala akong pakialam kung ayaw mong magkagusto sa iba. At hindi ako madadala sa'yo! Now, out! GET OUT!" Nang hindi kumilos si Pia, hinablot na niya ito. Napakislot si Pia. Dumaing ito sa sakit. Pero wala talagang pakialam si Bryan. Siya na mismo ang nagbihis kay Pia. Lantad ang hubad nitong katawan na maraming marka. Nakawagayway ang malusog at bilogin nitong dibdib na parang gusto mag-hi and hello sa kanya, pero hindi niya ito inaalintana. Nag-react ang kanyang katawan sa nakikita, pero pilit niya itong dinededma. He tried to focus sa pagsusuot kay Pia sa sariling underwear, but he was so distracted by Pia's pinkish asset. Parang gustong lumabas ng kanyang dila at kusang pagpalain ito. Hindi ba talaga siya ka ayaaya sa paningin ni Bryan? tanong ni Pia sa sarili. Nag-o-observe lang din kasi siya sa reaction nito habang sinusuotan siya ng underwear. Parang wala lang talaga si Bryan. Nakatagis pa nga ang bagang nito. Puro galit lang ang nakikita niya sa mukha ng binata. Tapos ng maisuot ni Bryan ang pants ni Pia sinunod naman ang bra nito, medyo natagalan siyang mag-hook dahil nanginginig ang mga kamay niya. Sanay siyang magtanggal ng bra, pero hindi siya sanay maghook. Hinanap niya ang blouse ni Pia pero wala siyang makita. Kaya kinaladkad na niya ito palabas ng room. "Bryan yong damit ko!" pero parang walang narinig si Bryan. Hindi nga nakapagsuot ng sandals si Pia. Nang nailabas na niya si Pia, malakas niya itong pinagsarhan ng pinto. Kumatok si Pia para sa damit at sandals nito, pero hindi niya ito pinagbuksan. Hinayhinay na napaupo si Pia at sapo ang kanyang dibdib. Buti wala pang tao, nakakahiya. Paano pagnalaman 'to nila Doreen. Sobrang kahihiyan 'to, kinaladkad siya palabas na walang damit. Yumuko siya, patong ang baba sa tuhod, habang naghihintay na pagbuksan muli ni Bryan ng pinto. "Pia!?" Isang boses ang narinig ni Pia. Nag-angat siya ng tingin. Bumilog ang kanyang mga mata nang mapagsino ito. "Ian!? Kailan ka pa dumating!?" Excited niyang tanong. Tumayo siya bigla at niyakap ang binata. "Ngayon lang! Hahah" Niyakap ni Ian si Pia sa galak, pero nabigla siya. "Bakit wala kang damit? At bakit namumula ang braso mo?" Kunot-noo si Ian, napansin niya maraming kissmark si Pia. May idea na siya sa nangyari. Kilala niya kung sino ang nakatira sa unit na kinatayuan nila ni Pia ngayon. "Oo nga no? Hay, mahabang kwento. Dito ka ba nakatira?" tanong ni Pia. Tumango si Ian. "Pahiram muna dyan ng tshirt, oh." "Hay nako, heto ka na naman. Hindi ka pa rin nagbabago. Hiram ka ng hiram, hindi mo naman isasauli." Pinaikot ni Ian ang kanyang mata. Humahagikgik naman si Pia, dahil alam niyang totoo ang sinasabi nito. “Tara na nga sa unit ko,” ani ni Ian, inakbayan pa niya si Pia para hindi masyadong ma-expose. Si Bryan masakit pa ang ulo, dahil sa hangover. Balak niyang matulog muli. Hinila niya ang comforter pero kumunot at salubong ang kilay niya. Dugo? She's a virgin, huh. Sa dami pa namang lalaki nito noon parang hindi maubusan, virgin pa pala siya? May ngiti na sumilay sa kanyang labi. Medyo na konsensya siya. Hinanap niya ang damit nito at sandals na sinasabi. Nakita niya ang sandals pero wala ang damit. Saan kaya nito hinubad? Pumunta siya sa sala, pero wala doon. Sa dining area, wala din. Bumalik siya sa kwarto at pumasok sa bathroom and there, nakita niya, medyo masa-masa pa pati jacket na naka-hanger. Kumuha na lang siya ng tshirt niya para ipagamit kay Pia. Baka magkasakit ito kung ipasuot niya ang basa pa. "Hindi ako concern. I just stated the fact," Kontra niya sa kanyang isipan. When he opened the door to look for Pia, wala na ito doon sa harap ng pinto. Tumingin-tingin siya. At umuusok ang ilong niya. "Walang hiya talaga ang babaeng ‘to, nagpatangay na ng ibang lalaki. Damn!" salubong ang kilay niya sa galit. Nakaakbay pa ang lalaki at si Pia nakahawak naman sa baywang nito. Naalala niya ang sinabi nito. 'Ayokong magkagusto sa iba, ikaw lang.' Sinungaling!" Na bwisit na talaga siya. Hindi niya alam, pero parang gusto niya ng himagsikan. Naiinis siya habang nakatingin sa dalawa na papasok sa isang kwarto. Parang gusto niyang sumulong doon at hablotin ang babaeng markado na niya. Nang nakarating at nakapasok na sila Ian at Pia sa unit nito, dumeretso sila sa kusina. "Pakihanda na lang ng pagkain Pia. Kukuha lang ako ng tshirt na masusuot mo. Ang sagwa mong tingnan, andami mong marka sa katawan," sabi ni Ian. Tiningnan naman ni Pia ang sarili at napangiti siya. Bryan has finally marked me, sa isip niya. Nang matapos si Pia sa paghahanda ng pagkain, pinasuot muna siya ni Ian ng damit, saka sila kumain. "Kamusta ka na, Pia?" tanong ni Ian. "Heto, hindi na mapula ang hasang," pilya nitong sagot. Muntikan ng tumalsik ang kapeng ininom ni Ian. "Hahahah, alam mo, luka-luka ka talaga, Pia. Obvious naman, no," pabirong wika ni Ian. Nakangisi lang si Pia. "Sino? Ang masuwerte bang demonyo?" tanong pa ni Ian. Alam naman ni Pia kung sino ang tinutukoy ni Ian. Nakangisi pa rin si Pia na tumango. Biglang nagseryoso si Ian. "Kain muna tayo," sabi pa niya. Para kasing tinusok ng kutsilyo ang puso ni Ian sa pag-amin ni Pia. Nang matapos silang kumain. Umupo sila sa sala at nag-usap muli tungkol sa nangyari. "Bumigay ka na pala sa kanya?" Seryosong nakatingin si Ian kay Pia. Tumango si Pia. "Uhm, kusa kong inalay ang aking sarili na hindi niya alam." Kumunot ang noo ni Ian. He tried to analyze her. Nang hindi makuha ang ibig sabihin, Pia continued talking. "While we did it, ang kanyang girlfriend ang nasa isip niya. At laging sinasambit niya ang pangalan nung babae. Eh, lasing eh, nanlalabo siguro ang paningin at hindi ako nakilala." "Akala ko pa naman kayo na," sabi ni Ian. "Hindi. Walang kami. At hindi magiging kami," sagot niya na pinaglaruan ang kanyang daliri. "Kaya niya ako kinaladkad kanina dahil sobra ang pagkamuhi niya sa akin." Napangiti siya, tapos napangiwi. "Tss, tarantado talaga ang Bryan na yon! Gago! Paano ka na ngayon?" tanong ni Ian na puno ng pag-alala kay Pia at galit kay Bryan. "Anong paano? Okay lang ako, no. Wala akong hinanakit o bitterness sa buhay. Kung magbunga man ang nangyari sa amin, nakahanda naman ako. Atsaka ginusto ko yon," ngumiti siya. Huminga na lang ng malalim si Ian. "By the way Ian," napakamot siya sa kanyang kilay na hindi naman makati. "Dito muna ako sayo ha, wala kasing mag-aalaga sa'kin, eh. Masakit pa buong katawan ko. Hirap akong maglakad, tsaka, parang may nakabaon pa dito, o," tinuro ni Pia sa ibabang bahagi niya. Humahalakhak si Ian, pero deep inside nagdurugo ang puso niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD