60. Magkayakap na natulog sina sofia at justine nang madatnan sila nang kanyang mama sa kwarto nito.
Hindi naman nag-ingay ang babae dahil alam naman nya na pakakasalan ni justine ang anak nya gaya nang pangako nito sa kanya.
Lumabas sya nang kwarto nang anak at dahan-dahang sinara ang pinto para maghanda nang almusal nilang tatlo.
Napangiti sya dahil naiimagine nitong maging masaya ang anak nya sa piling ni justine kapag wala na ito.
May sakit kasi ang nanay nu sofia, kaya nya pilit hinahanap noon nang mapapangasawa si sofia na mayaman para raw di ito maging kawawa kapag wala na sya. Alam ng mama ni sofia na 7 years nalang siyang mabubuhay dahil nakalipas na ang limang taon ay may dalawang taon pa siyang natitira.
Hiling nya na sana bago sya pumanaw ay makita niyang makasal ang anak at ang magiging apo nya dito.
Muling napaiyak ang ginang dahil naalala nya kong ano ang dahilan nang kanyang ikakamatay sa natitirang dalawang taon.
61. Lumipas pa ang mga araw at napagpasyahan ni juluis na maikasal sila ni sofia nang palihim para walang mang-iistorbo sa kanila.
2 Araw silang wala sa kompanya dahil sa kanilang honeymoon.
Galit na galit naman si rena dahil hindi nito makontak si juluis at ang secretary nito na hindi rin pumasok.
Nagkaroon nang pagkakataon ang tatlonh babae na siraam si sofia sa kanila.
62. Masayang naglalakad papasok nang office ang mag-asawang sofia at justine habang magkahawak-kamay.
Pinagtitinginan sila nang mga employee at nang mga taong nakapaligid pa sa kanila.
May mga natuwa at meron namang hindi ilan sa kanila ay ang tatlong babae na tila hindi tanggap ang nakikita.
"Goodmorning everyone. Meron akong mahalagang sasabihin sa inyo,pumunta kayo dito sa harapan". Agaq pansin sa kanila ni justine
Maging si Sofia ay hindi nahulaan kong ano ang gagawin ni julius
63. Nagulat si sofia nang sabihin ni justine sa lahat na asawa na sya nito.
Nagkaroon pa nang negatibong komento mula sa kaopisina nila kong bakit raw sya ang napili gayong narami raw mas maganda kesa dito, or baka raw malandi lang tong si sofia kaya raw nya nakuha ang boss nila.
Ipinagtanggol naman ni justine si sofia dito at sinabi na hindi lang basta bastang babae si sofia dahil gf nya ito since collage. Hinayaan nya lang itong makatapos nang sa ganun ay pwede na silang dalawa.
Sa ngayon malinaw na sa lahat na si sofia pala ang babaeng kinukwento dati sa kanila ni justine na hinihintay nya at hindi si rena na sinsabi nyang sya raw ang babaeng iyon.
Sa gitna nang kanilang pagtitipon ay biglang pumalakpak si rena na nasa likuran nang lahat nang employee.
"Magaling, kailan mo pa siya naging asawa gayong ako ang nakatadhana sayo?" Sigaw ni rena.
Pinakita ni juluis ang singsing sa kamay nila ni sofia tanda na kasal nga silang dalawa
64. Hindi pumayag si rena dahil gusto nyang sya lang ang pakakasalan ni juluis.
Dahil may plano si rena dito, buntis kasi sya nang 2 linggo at gusto nyang ipaako dito ang bata na dala-dala nya na iba naman ang nakabuntis.
Iyon ang dahilan kong bakit sya naghahabol dito balak nyang magpagamit kay justine nang sa ganon maipaako nya ang lahat dito.
65. Tinakasan kasi si rena nang amerikano niyang boyfriend nang malaman na buntis sya.
Umuwi agad sya nang pinas para dito maghanap nang sulosyon para sa anak nya.
Nang maalala nya si justine na ipapakasal sana sa kanya noon pero mas pinili niya paring bumalik sa ibang bansa para maging model.
Pero aminado syang gusto rin nya noon ang binata pero ito ang ayaw sa kanya.
Gagawin nya ang paraan para mapunta sa kanya si juluis kahit na kasal na ito ang mahalaga sa kanya ay meron siyang maipakilala sa mga magulang bilang a nang kanyang dinadala..
At si juluis ang alas nya.
66. Nagplano na nga si rena kong paano mapalapit sa kanya si juluis na silang dalawa lang.
Tinawagan nya ang lalaki at sinabi na puntahan sya sa condo nya dahil may gusto raw itong sabihin, pagkatapos raw non ay titigilan na silang dalawa.
Agad namang nagpaalam si justine sa asawa pero dahil duda si sofia ay sumama sya sa kanyang asawa.
Alam kasi nya na may masamang balak ang babae sa asawa nya lalo na nong nagbitiw ito nang salita nong umalis sa kompanya matapos sabihin sa lahat na mag asawa na sila nang boss nya.
Sinabi nito na di sya titigil gat di makuha si justine kahit kasal pa raw ito sa kanya.
67. Tuwang-tuwa naman si rena dahil sa wakas matutupad na ang plano nya.
Naghanda na siya nang juice na ipapainom nya mamaya kay juluis pero hinaluan nya iyon nag pampatulog nang sa ganon ay malaya nyang magawa ang gusto sa lalaki.
Dumating nga si justine sa condo ni rena. Malapad ang ngiti nang babae nang makita si justine.
Nawala rin ang ngiti nya nang makita sa likuran si sofia na malapad ring nakangiti sa kanya.
Nagsukatan sila nang tingin, pataasan nang kilay o di kaya ay tarayan nang mukha.
Padabog na bumalik sa sofa si rena habang sumunod naman ang dalawa.
Tinanong ni justine kong ano ang sasabihin ni rwna dito pero saka naraw nya sasabihin kapag silang dalawa lang at walang asungot.
68. Umalis kaagad ang dalawa dahil maaga pa ang pasok nila sa office kinabukasan lalo na at inaayos pa nila ang problema sa kompanya.
Walang araw naman ang lumipas na hindi gumagawa nang paraan si rena para masolo si justine subalit laging nakabuntot dito ang asawa nyang si sofia.
Lahat nang plano ni rena ay palpak.
Lumalaki na ang tyan na at halata na ang umbok kailangan nya agad makasiping si justine nang sa ganon meron syang ipapaako dito nang hindi naghihinala sa kanya.
69. Lasing si rena habang nasa harap sya nang counter. Walang ibang natawagan ang bartender doon kundi si justine lang.
Agad pumunta si justine sa bar kasama ang driver nyang si nestor.
Pagkakita ni rena kay justine ay napangiti sya at pinilit tumayo para mayakap ang lalaki.
Inilabas sya roon ni justine at isinakay sa kotse patungo sa condo ni rena kasama si nestor.
Pagdating sa condo ay inihatid nang dalawa papasok si rena sa loob.
Madilim ang kwarto at hindi mahagilap ang switch nang ilaw.
Bigla nalang hinalikan ni rena ang lalaking umaakay sa kanya papasok nang kwarto nya.
Alam na alam niyang masosolo na nya si justine ngayong gabi.
Wala na itong sinayang na oras. Nagpupumiglas ang lalaki ngunit kalaunay bumigay rin nag nakaramdam nang init nang katawan.
Samantalang inip na inip naman sa kahihintay sa labas nang condo ang isa dahil inaantok na ito at uwing-uwi na kasi maaga pa bukas ang idrive nya patungo sa probinsya.