Prologue
Nagtitipon-tipon ngayon sa malawak na garden ang pamilya ni Sofia. Naroon ang kanyang tita na si Chinn na kakauwi lang galing sa canada kasama ang anak na si Gretta na halos kaedad lang din nito. Naroon din ang isa pang tita niya na si Marivic kasama din ang anak na si Marian kaedad lang din ito ni Sofia.
Maganda ang mga pinsan, si sofia din naman, kaya lang sa lahat silang mag pinsan siya lang ang ipinanganak na mahirap
Mayaman kasi ang napangasawa ng mga tita niya na kapatid ng kanyang Ina. Ginamit ng mga ito ang kanilang ganda para lang makahanap ng mayamang lalaki na pwede nilang mapangasawa kahit na ito ay may edad na. Hindi kagaya ng Nanay niyang si Minerva na inasaqa nito ang kanyang firslove na isang magsasaka lamang. Tutol man ang kanilang mga magulang noon pero wala na silang nagawa mong nakipagtanan ang nanay niya sa kanyang tatay. Saka lang bumalik Nong dalawa na silang anak ng mga ito.
Pinag-usapan nang mga ito na tutulongan nila ang bunsong kapatid na kanyang Ina. Mag first-year collage na kasi si Sofia pero di alam ng kanyang mga magulang kong kakayanin ba ng mga ito na paaralin siya sa kolehiyo.
Nag suggest ang isang ate nito na nasa Korea ngayon na silang tatlong magkapatid ang tutulong sa anak na si Sofia para pag aralin sa collage. Pero May kundisyon silang hinihingi dito.
Sila mismo nag suggest na mag flight attendant si Sofia kagaya ng mga pinsan, pero ang gusto talaga dapat niya ay maging doctor. Pero wala siyang karapatan na magtutol dahil ang mga tita nito ang nagpapaaral sa kanya.
Ang kundisyon nang mga ito ay bawal mag boyfriend hangga't hindi nakapagtapos, at bawal mag reklamo kapag May ipinakilala raw silang matandang mayaman sa kanya, pwede siyang tumigil sa pag aaral at magpapakasal kaagad dahil secure na umano ang magiging buhay niya at ng mga magulang nito.
Hindi nagkakasundo ang mag pinsan na sina Greta ,Marian at Isabel spoild brat kasi ang mga ito at mayaman ang kilos, para bang nandidiri din sila kapag nakikipag-usap si Sofia sa kanila.
Gusto lang naman sanang makipag closed ni Sofia sa mga pinsan, ngunit siya na mismo ang kusang lumayo ng mapansin niyang May ugali ang tatlo na hindi maganda.
Matapos nang mga sandaling iyon ay umuwi na sila paalis ng bahay ng kanyang Titang si Chin.
nagpaalam na sila sa mga ito na uuwi na sila.
Sa buong oras nang pag-uusap nila napansin ni Sofia na parang during na diri din ang mga kapatid ng Nanay ni Sofia sa kanyang Ina. Halos ayaw din nilang yakapin ang bunsong kapatid, dahil ba mahirap lang sila kaya ganu'n nalang sila kong layuan ng mga ito?
"Ayan Sofia ha, mag-aral ka ng mabuti magpasalamat nalang tayo kahit paano makapagtapos ka ng pag-aaral mo, sa tulong ng mga tita mo." anang ina habang naglalakad sila ng gabing iyon sa daan.
"Nay bakit ganu'n sila sa inyo? napansin ko lang parang ang sama ng ugali nila sa atin?" curios na tanong ni Sofia sa Ina
"Pwede ba Sofia wag mo na silang siraan sa akin. Kilala ko ang mga kapatid ko. Mababait sila kaya ka nga nila gustong paaralin hindi ba? kaya kong maari tigil-tigilan mo na kakagawa ng kwento tungkol sa mga tita mo". pagalit na siya ng Ina kay Sofia
Nalungkot naman Sofia at para bang gusto na nitong maiyak dahil sa sinabi ng Nanay niya. Totoo naman kasi na masama ang ugali nila. Pero tama nga ang nanay niya, kailangan niya nalang tanggapin ang pag-papaanak ng mga ito sa kanya ng sa ganun ay magamit din niya sa paghahanap ng trabaho balang araw.
"At nga pala Sofia, nangako ako sa tita mo kanina". anang Ina maya-maya
kaya bahagyang napatigil sa paglakad si Sofia, ganun din ang kanyang Ina
"Ano Ho iyon Inay?"tanong ni Sofia sa kanyang Ina
"kapag wala kang pasok tutulong ka sa bahay nila para maglinis kasama ng mga katulong nila, para kahit papano masuklian natin ang pag papaaral nila sayo". saad ng Ina
Nagulat man si Sofia pero hindi rin niya iyon pinahalata pa.
"O-okey po inay nauunawaan ko. Gagawin ko po iyon ng sa ganun makabawi din sa kanilang pag tulong sa atin". tugon ni Sofia sa Ina
"P-pasensya Kana anak mahirap lang tayo at maliit lang din ang kinikita ng Tatay mo sa pagsasaka nya. Sakto lang iyon para sa pagkain natin araw-araw. Si Jaya naman magtatapos narin siya ng highschool pero hindi ko alam kong mag aaral din ba sya ng kolehiyo?Nakakahiya narin kasi sa mga ate ko kapag sinali ko pa ang kapatid mo". malungkot na sambit ng Ina
"Hayaan nyo po Ina, Mag iipon po ako ng pera sa mga bigay nila tita para sa pag-aaral ni bunso."anito
"Tumigil Kana pwede ba Sofia? hindi mo kailangang gawin iyon, basta ang perang bibigay sayo ay para lamang sa pag-aaral mo. Tandaan mo bawal ka lumandi at lalong bawal ka mag dyowa! wag ka gumaya sakin maliwanag ba?" galit na tugon ng Ina
Nagulat si Sofia sa sigaw ng Ina niya, hindi naman masama ang hangarin para rin naman sa kapatid pero bakit galit na galit kaagad ang Ina niya?
Hindi niya tuloy maiwasang ang damdam at isiping tanggihan nalang ang bigay tulong ng tita nya para sa kanyang pag-aaral, mas gusto nalang nitong mag apply ng trabaho ng sa ganun makatulong na siya sa kanyang Ina at Ama.
"bilisan mo ang paglalakad diyan dahil bukas na bukas ay nag eenrol Kana kasama ng mga pinsan mo. Kailangan mong matulog at magising kaagad ng maaga ng sa ganun, hindi na sila maghihintay sayo ng matagal. Naintindihan mo ba ako ha Sofia?" anang Ina
"Opo inay." maiksing tugon nya
Nagpatuloy sila sa paglakad hanggang sa makarating sila sa kanilang bahay.
Pagod na ibinagsak ni Sofia ang katawan sa papag niyang higaan. Kahit paano di naman siya masaktan dahil May manipis naman na kutson para makatulog sya ng maayos.
"Kumain ka muna Sofia bago ka matulog, at isa pa maghuhugas kapa ng pinggan. Bumaba ka muna diyan, wag kang tamad"! galit na sigaw ng Ina mula sa baba ng bahay nila
Mabilis na bumangon si Sofia at bumaba para pumunta sa kanilang maliit na kusena.
Naghihintay na roon ang kapatid at Ina sa kanya.