SOFIA POV:
1. "Sofia bumangon kana riyan at may pasok kapa sa klase mo, lagi ka nalang late"! Sigaw ni mama sakin
Nag-aaral ako sa collage 1st year palang ako at kinukuha kong kurso ay fligh attendant dahil narin sa kagustuhan nang mga magulang ko. Kong ako kasi ang tutuosin ay doctor ang gusto ko pero nahihiya akong magsabi sa kanila dahil hindi ko naman pera ang pinang-aaral sakin kundi sa mga tita ko na nakapag-asawa nag mayaman. Basta raw kapag graduate na ako ay gamitin ko raw ang ganda at edukasyon ko para makahanap nang mapapangasawa na mayaman.
Sa totoo lang ayaw ko sa ganitong tradisyon nila lumalabas kasi na mukha silang pera. Paano naman kong nainlove ako sa taong gusto ko pero hindi mayaman?
2. "Hindi ka parin talaga babangon diyan? Nakakahiya sa mga tita mo na nag papa-aral sayo aba! Kumilos kana baka mamaya buhusan pa kita nang malamig na tubig diyan". Inis na sabi ni mama sakin.
Dahil sa kanila para narin tuloy tumitigas ang puso ko sa kanila at naging bato na.
Bukod sa masakit sila magsalita ay palagi pa nila akong sinasaktan kapag di ko sinusunod ang kanilang gusto.
"Babangon na po". Magalang na sagot ko.
"Bilisan mo at kapag agahan mo pala ang uwi mamaya dahil may lakad tayo, makipag kita tayo sa tita mo dahil may ipakilala siya satin na mayaman tiyak na magugustuhan ka non". Nakangiting sambit ni mama.
Ito nanaman sila ang ibugaw ako sa mga mayaman kahit matanda na sige parin sila kakareto sakin kulang nalang ebenta na nila pati kaluluwa ko.
3. "Ma palagi nalang ba, pwede bang pag-aaral muna ang atupagin ko? Masyado pa akong bata 17 palang ako para magkaroon nang asawa nag-aaral pa nga ako diba?" Nagulat ako nang sinampal ako bigla ni mama dahil sa sinabi ko.
"Mangilabot ka sa sinasabi mo ha! Anak lang kita at ako ang masusunod, ang ginagawa ko para rin sa kinabukasan mo.Ang maging maganda ang buhay mo sa piling nang mapapangasawa mong mayaman"! Galit na turan ni mama.
Hindi na ako nagsalita at tuloy-tuloy nang pumasok sa banyo para maligo.
Doon ko na lahat binuhos ang luha ko dahil sa sakit na pinaparanas nila sakin.
Hindi ako pwedeng mainlove sa iba dahil may gusto ako at mahal ko ito si justine si justine ang gusto ko mapangasawa at makasama habang buhay, siya ang gusto ko at wala nang iba dahil siya ang boyfriend ko.
Palihim kaming nagkikita sa school.
Unang kita palang namin sa isa'isa noon ay crush ko na agad siya.
Malapit lang ang bahay na inuupahan niya sa school kong saan ako nag-aaral.
Siya ang buhay ko siya lang.
4. Pagkatapos kong maligo ay dumeretcho na ako sa school, pero bago iyon ay pumunta muna ako sa bahay ni justine kong saan siya umuupa.
Hindi siya mayaman at sabi lang niya sakin ay naghahanap palang siya nang trabaho dito sa maynila, kaya niya naisipang mag-upa sa mumurahing bahay.
Wala akonh pakialam kong mahirap siya basta para sakin mahal ko siya kahit ano pa siya.
5Months na kaming mag bf/gf ni justine wala akong pinagsabihan ni isa kahit sa mga pinsan ko na ka close ko dahil kahit mabait sila sakin masyado naman silang loyal sa mga magulang ko at tita namin na isumbong ako oras na may ginawa akong mali sa paningin nila.
5. Gaya nang inaasahan ko ay nagulat si justine nang makita ako sa labas nang pinto.
"Mahal anong ginagawa mo dito? Hindi bat may klase ka ngayon?" Tanong Niya sakin.
"M-mahal wala akong ganang pumasok, pwede ba dito muna ako?" Sambit ko sa kanya.
"Bakit mahal may problema kaba? Kong pera meron ako diyan may naipon pa naman ako mula sa sahod ko sa dating trabaho". Aniya
"Mahal hindi ko kailangan nang pera, gusto ko dito lang ako para makasama ka sa maghapon". Sabi ko dito.
"Mahal hindi pwede,kong may problema ka pwede mong sabihin sa akin, importante parin ang pag-aaral mo". Pangaral niya sakin.
"Mahal ayaw mo ba ako makasama?" Malungkot na tanong ko.
Hinarap nya ako at pinaupo sa lumang upuan.
"Makinig ka, gusto kitang makasama pero hindi ngayon dahil oras nang klase mo. Pangalawa pwede tayo magsama sa ibang araw like sabado o linggo basta hindi nakakasagabal sa pag-aaral mo at pangatlo hindi tayo pwede magsama sa buong maghapon, lalaki ako at babae ka ano ang iisipin nang iba". Mahabang paliwanag nya sakin.
"Anong pakialam nila mahal basta gusto kitang makasama ngayon".ani ko.
"Mahal sakin ka makinig wag matigas ang ulo okey, gusto ko na makapagtapos ka nang pag-aaral mo na walang nilalabag. Dont worry kapag wala akong gagawin mamaya dadalawin kita sa school mo at dadalhan nang meryenda okey ba iyon?" Dahil sa sinabi ni justine ay napapayag niya akong pumasok sa klase ko.
6. Isa sa nagustohan ko sa kanya ay ang pagiging prangka niya sakin.
Kong sa ibang lalaki siguro ay gustong-gusto na manatili ako sa tabi nila maghapon na kaming dalawa lang.
Pero iba si justine ibang iba siya dahil nererespito nya ako gaya nang isang matinong babae.
Gwapo siya katunayan nga ay marami ang nagkakagusto sa kanya mga kapitbahay niya at iilang mag estudyanteng nakakakita sa kanya
Masyaa na ako roon dahil marami ang humahanga sa kanya kaya nga minsan di ko maiwasang magselos.
7.Gaya nga nang inaasahan ko ay palihim nga akong dinalhan ni justine nang meryenda.
Nagkita kami kinahapunan sa likod nang classroom at doon namin pinagsaluhan ang pancit na binili nya.
"Mahal salamat dito ha, nabusog ako". Nakangiting turan ko sa kanya.
"Wala iyan mahal, kahit araw-araw pa kitang dalhan dito basta mag-aral kalang nang mabuti' kong gusto mo naman nang pera magsabi ka Lang sakin at bibigyan kita may ipon naman ako kahit paano". Nakangiting sabi nya.
"Naku mahal sapat na sakin to, hindi ko kailangan nang pera mahal basta ramdam ko na mahal moko ay ayos na ako roon". Ganting sabi ko.
Pagkatapos naming kumain ay pinapapasok niya na ako sa room dahil magsisimula na ang new subj namin. Kiniss nya ako sa nuo bago sya umalis at niyakap ko naman ito pabalik.
Nag babye pa ako sa kanya bago ko napagpasyahanh bumalik sa classroom.
Pero nong humarap ako para bumalik sa klase ay nasa harapan ko na ang tatlo kong pinsan na kakklase ko rin, seryoso silang nakatingin sakin na may pagbabanta.
Umalis sila sa harapn ko na walang ano mang sinasabi sakin.
Nakita kaya nila kami ni justine?
Wag naman sana dahil sure akong makakarating iyon kina mama at tita.